LOGINZAILYNNapahawak ako kay Monette habang pinipigil ang hininga ko.Anong sasabihin ko? Anong isasagot ko sa kanya?Wala… As in wala akong maisip. Kaya dahan-dahan akong humilig kay Monette at tuluyang humiga sa hita niya.“Zailyn…” Niyugyog niya ako. “Kainis ka naman, eh… nang-iiwan ka sa ere!” Gigil niyang bulong sa akin.Ibinuka ko lang ang isang mata ko. Nagmamakaawang iligtas niya muna ako ngayon. Wasak pa ang puso ko. Wala pa akong lakas na harapin ang nag-aalburotong si Nicolo.“Mr. Nicolo. ‘Wag po kayong mag-alala. Safe po sa amin ang problema mo.”Ramdam ko ang lamig sa kamay ni Monette.“Siguraduhin mo lang.”Ramdam kong lumubog ang couch sa paanan ko. Umupo siya. Kahit hindi lumapat ang balat niya sa akin, ramdam ko pa rin ang init niya.O, dahil lang lasing ako.Napahigpit naman ang hawak ni Monette sa kamay ko na para bang gusto na niyang tumayo ako at umalis na kami.Bahagya ko na namang ibinuka ang isa kong mata para silipin si Nicolo. Nasa paanan ko pa rin siya, nakatung
ZAILYNNgumiti ako habang pinapalandas ko ang daliri ko sa dibdib niya pababa.Kinagat ko pa ang ibabang labi ko na parang inaakit siya.Ramdam kong mas humigpit ang kamay niya sa baywang ko at parang lalong tumigas ang katawan niya.Pero hindi ako tumigil.Oo, pin-provoke ko siya. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin.“So, you want me to take responsibility?” Mas bumaba pa ang daliri ko.At sa puntong ’to, hinawakan na niya ang pulso ko at inilagay sa likod ko.“It’s your call, not mine…” bulong niya sa paos na boses.Gumalaw pataas-pababa ang Adam’s apple niya. At ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.Iyon na naman ang nilaro-laro ko. Kusa ko na ring diniin ang sarili ko sa kanya.“So, your place or mine?”Hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya o mabasa ang nasa mga mata niya, pero kitang-kita kong umangat ang sulok ng labi niya bago niya ako binuhat.“Wai-wait…”Matinis na boses ang narinig ko.Boses ’yon ni Monette kapag hysterical siya.“Saan mo da
ZAILYNPagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, tumayo ako.Pinulot ko ang cake na nahulog sa sahig at itinapon ko sa basurahan.Inayos ko rin ang kama ko at pinalitan ang sapin. Lahat ng bakas ni Clark sa kwartong ’to, binura ko.Hindi ako malulugmok dahil sa lalaki.Matapos kong itapon ang lahat ng dapat itapon at linisin ang dapat linisin, hinubad ko ang damit ko at pumasok sa banyo.Pinilit kong magpakatatag pero, damn it!Ayaw pa ring tumigil ang mga luha ko.Hinayaan kong pumatak ang malamig na tubig sa mukha ko at humalo sa mga luha ko.Matapos maligo, tinuyo ko ang buhok ko at nagpalit ng damit na hindi ko madalas sinusuot.Tumingin ako sa salamin at ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko.Suot ko ang black leather mini skirt at fitted satin camisole na regalo ni Mommy sa akin noon. Ipinaris ko rito ang oversized blazer at heels na regalo ni Daddy.Napabuntong-hininga ako.Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalong bumigat. Kasi, mas na-miss ko ang mga magulang ko.P
ZAILYN“Thank you…” Nakangiting sabi ko sa salesgirl bago ko bitbitin ang cake na binili ko.Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang pumapara ng taxi papunta sa apartment ko.Alas-otso na ng gabi. Kailangang maihanda na ang lahat bago pa dumating si Clark.Ang boyfriend ko.Kaarawan niya ngayon. Gusto ko siyang sorpresahin at sa tingin ko, handa na siyang malaman kung sino talaga ako.Patakbo kong inakyat ang mahabang hagdan papunta sa apartment ko habang iniingatan ang cake na hawak ko.Pero bubuksan ko na sana ang p***o nang mapansin kong bahagya itong nakabukas.Natigilan ako.At… may naririnig ako.May tao sa loob.May mga ungol at kaluskos.Alas-nuwebe ang usapan namin ni Clark.Umuwi ba siya nang maaga?Dahan-dahan akong pumasok.Habang papalapit ako sa kwarto, mas lalong luminaw ang mga naririnig ko.“Oh, shit… Clark! Faster…”Napigil ko ang hininga ko. Parang nawalan ng lakas ang kamay ko. Nabitiwan ko ang dala kong cake.Nakikita ko sila sa loob ng kwarto ko.Sa kama na kabi
ZAILYNNatural na talagang may customers na pumapasok sa pharmacy para bumili ng gamot at vitamins.May mga nagdadala ng reseta mula sa iba’t ibang doktor.May mga customer na kailangan pang magpaliwanag nang sampung minuto bago sabihin kung ano talaga ang kailangan nila.Sanay na ako roon.Pero hindi ako sanay sa lalaking halos sampung minuto nang nakatayo sa harap ng counter habang palinga-linga na parang may hinihintay na mawala ang ibang customer.“Can I help you, sir?”Napatingin siya sa akin.“Uh…”Naghintay ako ng sagot niya, pero parang na-stuck iyon sa lalamunan niya.Hindi pa rin siya mapakali. Tumingin siya sa gilid, pagkatapos ay sa likod niya bago bahagyang yumuko sa counter.“Miss, do you have anything that can make it stop?”Napakunot-noo ako.“Stop what?”Bigla siyang tumahimik. Lumunok na parang gusto niyang bawiin ang tanong niya.“Never mind…”Akmang tatalikod na sana siya, pero tumigil siya nang umalis ang customer na katabi niya.Muli siyang humarap at lumunok.“Ge
EPILOGUEZAILYN SARCOVA VANDAL17 YEARS LATER…“Congrats, Zai…” bati sa akin nina Mommy at Daddy, sabay yakap sa akin.“Thanks, Mom, Dad…” Niyakap ko rin sila pabalik.At nang bumitiw ako, sila naman ang nagyakapan.Napapailing na lamang akong kunwari'y tinakpan ang mga mata ko.Kasi kahit nasa forties na sila, hindi pa rin sila nagbago. Ang sweet pa rin nila. ’Yong tipong habang nakatingin ako sa kanila, naaalala ko ang munting mission ko noon, ang “Operation: Make Mommy Love Daddy,” pati na ang sikreto namin ni Daddy.Ang papel na ibinigay ko kay Nanny Gina noong umalis kami sa mansyon at babalik na sana sa ibang bansa.’Yon ang checklist ng plano ko kung paano sila paglalapitin. At ang huling note roon…“Daddy, don’t give up on Mommy… I’ll help you win her heart.”Five years old pa lang ako no’n. Siguro, kung wala ang papel na ’yon at ang mga conversation namin ni Daddy sa smartwatch ko, hindi ko na rin siguro maalala ang lahat ng iyon.“Ang galing-galing ng anak natin, ’no?” Yumak







