Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 65 — THE BEST HORSEMAN

Share

CHAPTER 65 — THE BEST HORSEMAN

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-11-25 15:38:03

ZAILYN

“Mommy, Daddy… Sorry po…”

Wala na akong nagawa kundi aminin sa kanila ang isang beses na pagpunta naming tatlo sa ranch.

Ipinaliwanag kong hindi pa namin alam noon na si Nicolo ang may-ari ng ranch na iyon.

Hindi sila nagsalita, pero malinaw ang disappointment sa mga mukha nila.

Maging sina Lolo at Lola, na paalis na sana, ay napahinto pa.

Wala namang problema sa kanila ang pagkahilig namin sa kabayo. Kaya lang, nirerespeto nila ang desisyon nina Daddy at Mommy na tigilan ang sport
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Talagang kabayo na ang naging ,dahilang ng kanilañg usapan na inihambing ang kanilang mga ugaling ,nakaraan sa kanilang buhay , nakakatuwa naman ang kanilang mga pamilya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 68 — WEDDING PREPARATIONS

    ZAILYNPagbalik namin sa city, ilang araw na lang ang natitira bago ang kasal namin ni Nicolo.Buti na lang at halos lahat ng wedding preparations ay tapos na. Ang kailangan na lang naming asikasuhin ay ang final fitting ng wedding gown at suit, pati ang rehearsal bago ang wedding day.Nasa bridal boutique kami ni Monette nang lumabas ako mula sa fitting room.Agad siyang napangiti nang makita ako."Finally! Perfect na talaga!"Napatingin ako sa salamin. Maayos ang fit ng gown at wala nang kailangang baguhin. Simple pero eleganteng tingnan, eksakto sa gusto ko."Okay na ba?" tanong ko."More than okay. You're going to make Nicolo speechless."Napatawa ako."Siya naman ang pumili nito.""Exactly. At least, alam niya ang gusto niyang makita sa magiging asawa niya."Inayos niya ang veil sa likod ko bago muling ngumiti."One more fitting and you're officially ready to walk down the aisle."Hindi ko napigilang ngumiti rin.Kinabukasan naman final fitting ni Nicolo ang naka-schedule.Naabuta

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 67 — DOUBLE CELEBRATION

    ZAILYNPagkatapos ng huling evaluation, ipinatawag kaming lahat ni Prof. Tobias sa conference room.Nandoon na ang ilang representatives ng research partners at funding team.Ipinakita niya ang compiled results at ipinaliwanag ang naging performance ng candidate compound sa kidney-cell models. Hindi niya itinago ang limitations ng study. Malinaw niyang sinabi na laboratory findings pa lamang ang mayroon kami at hindi pa ito maituturing na clinically proven treatment.Pero sapat na ang mga resulta para suportahan ang pagpapatuloy ng research.“The data gives us a promising direction,” paliwanag niya. “Our next objective is to establish a more complete safety profile and determine whether the observed protective effects can be consistently reproduced in further studies.”Isa sa mga representatives ang nagtanong tungkol sa posibilidad ng clinical trials.“Are we already preparing for human testing?”“Not yet,” sagot ni Prof. Tobias. “We need to complete the necessary preclinical safety a

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 66 — A PROMISING BREAKTHROUGH

    ZAILYNMaaga akong hinatid ni Nicolo sa research center.Ilang araw din kaming hindi nakapag-focus nang maayos sa trabaho dahil sa wedding preparations. Pero ngayong araw, kailangan na naming tutukan ang research.Nasa pinakamasayang yugto ako ng buhay ko, pero hindi naman puwedeng puro kilig ang inaatupag ko. May trabaho akong kailangang tapusin.Pagpasok ko sa laboratory, nadatnan ko agad sina Khieran, Prof. Tobias, at iba pa naming kasama sa research. May ilang documents silang nakalatag sa conference table.“Good morning,” bati ko.“Good morning, Zailyn,” sagot ni Prof. Tobias. “I hope you had enough rest.”“Enough to survive another long day, Professor.”Napangiti siya.“Good. Because we have a lot to do.”Lumapit ako sa table at tiningnan ang mga documents.“Are these the final results?”“Some of them. We still need to complete the validation and review the entire dataset before we can present our findings.”Tumabi sa akin si Khieran.“I've reviewed the latest results. The sampl

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 65 — THE BEST HORSEMAN

    ZAILYN “Mommy, Daddy… Sorry po…” Wala na akong nagawa kundi aminin sa kanila ang isang beses na pagpunta naming tatlo sa ranch. Ipinaliwanag kong hindi pa namin alam noon na si Nicolo ang may-ari ng ranch na iyon. Hindi sila nagsalita, pero malinaw ang disappointment sa mga mukha nila. Maging sina Lolo at Lola, na paalis na sana, ay napahinto pa. Wala namang problema sa kanila ang pagkahilig namin sa kabayo. Kaya lang, nirerespeto nila ang desisyon nina Daddy at Mommy na tigilan ang sport na iyon. “Sorry po, Mommy. Daddy,” sabay na paghingi ng tawad nina Zihan at Zhaion. “Please, huwag na po kayong magalit.” Napabuntong-hininga si Mommy at hinaplos ang likod ni Daddy. “Hayaan na natin… Nag-sorry na ang mga bata.” Sumulyap siya sa akin at sa mga kapatid kong nakayuko. “Dapat happy tayo ngayon dahil ikakasal na ang panganay natin.” Saka lang tumingin si Daddy kay Mommy bago ibinaling ang tingin sa amin ng mga kapatid ko. Pero hindi pa rin nawala ang pagkadismaya sa mukha ni

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 64 — THE WEDDING DATE

    ZAILYN Sumunod kami ni Nicolo kay Mommy. Kanina lang, confident pa siyang hindi siya hahampasin ng cactus. Ngayon, parang gusto na lang niyang magtago sa likod ko. Pagdating namin sa living room, naroon na sina Daddy, Tita Nica at Uncle Rover. Kasama rin namin sina Lolo at Lola, pati sina Zihan at Zhaion. Lahat sila nakatingin sa amin. Pero hindi lang si Nicolo ang mukhang may kasalanan. Si Uncle Rover, nakadikit kay Tita Nica na para bang batang takot mapalo. Panay pa ang sulyap niya kay Mommy. Napailing ako. Mukhang hindi lang talaga si Nicolo ang mahahampas ng cactus. Nang humarap sa amin si Mommy at bahagyang itinaas ang hawak niyang paso ng cactus, agad na nagtago si Nicolo sa likod ko. “I'm sorry, Mommy…” mabilis niyang sabi. Napaangat ang mga kilay ko. Ayos talaga. Takot na takot, pero naki-Mommy naman. “Wala pong nangyari sa amin ni Zailyn. Hindi ko rin po alam kung paano ako napunta sa kuwarto niya.” Hindi sumagot si Mommy. Sa halip, idiniin niya ang paso sa dibdi

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 63 — THE WOLF IN MY BED

    ZAILYNAgad akong bumangon at tinampal ang noo ni Nicolo.“Aray!”Halos mapatalon siya sa kama. Agad siyang bumangon at napadepensa, na parang may kaaway na haharapin.“Sino ang kalaban?”Pero nang makita niya kung sino ako, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nawala ang gulat sa mukha niya at napalitan iyon ng malawak na ngiti.“Mahal ko, Zailyn!”Napairap ako.“Mahal mo mukha mo!”Lalong lumapad ang ngiti niya. “Mahal ko nga ang mukha ko, pero mas mahal kita.”Umangat na naman ang kamay ko para sampalin siya, pero mabilis niya akong niyakap bago ko pa magawa iyon.“Aray, mahal ko… Masakit ang ulo ko.”Tinulak ko siya at pinagkrus ang mga kamay ko sa dibdib. Tinaasan ko pa siya ng kilay.“Masakit ang ulo mo? Nag-enjoy ka namang yumakap at humalik sa ibang babae!”“Hindi, ah!”Mabilis siyang umiling at bahagyang lumayo para tingnan ang mukha ko.“Don't even try to deny it. Sinabi sa akin ng mga kapatid ko ang ginawa mo. Lahat daw ng babae, ako ang nakikita mo!”“Exactly!” Agad siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status