LOGINZYLA SANDRA SARCOVA“Sinabi mo… no’ng nagkuwento ka…”Nauutal ako habang nakatitig sa nakakunot niyang noo. Parang nag-iisip siya, habang binabalikan ang gabing nagkuwento siya. “Naalala mo, tapos si Ritchel, hindi?”“Aba’y ewan sa kaniya.”Inalis ko ang mga kamay niya sa braso ko.“Baka… hindi niya narinig… mabuti na lang. Naligtas ka—”Nakahinga ako nang humarang si Ma’am Diana sa pagitan namin. Hinaplos niya ako sa braso bago siya humarap kay Zadrick.“Alright, that’s enough.”Bumitiw siya sa akin at si Zadrick na naman ang hinawakan. Parang nililigtas niya ako sa interrogation ni Zadrick. “Halika ka nga rito.” Hinila niya agad palayo si Zadrick habang nakatingin sa akin.“Go ahead, Zyla. Go back to work.”Kaagad akong tumango at mabilis na tumalikod.Pero nasa likuran ko pa rin sila.Naririnig ko ang mga yabag at pabulong na usapan nila.“Bilisan mong maglakad,” apura ni Ma’am Diana kay Zadrick.“Why?”“You still have a lot of things to take care of—”“Mom… It’s already been prov
ZYLA SANDRA SARCOVA“What are you doing?”Paigtad kaming napalingon ni Zadrick nang marinig ang boses na iyon.Boses ni Ma’am Diana. Matigas at madiin. Halata ang galit.“Ma’am Diana…”Bumitiw ako kay Zadrick.Nanlilisik kasi ang mga mata ni Ma’am Diana habang nakatingin sa akin.Nanigas ako. Puso ko, parang tumalon palabas sa dibdib ko.“Hindi ka talaga nakukuha sa matinong usapan.” May nagsalita mula sa likuran niya.Si Ritchel.Awtomatikong nawala ang kaba ko. Napalitan iyon ng inis.Gusto ko na nga siyang sugurin at sabunutan.Ang kapal ng mukha. Ginagamit niya ang masakit na pangyayaring iyon sa buhay ko para sa pansarili niyang interes.Para pilitin si Zadrick na pakasalan siya.Humakbang palapit sa amin si Ma’am Diana.Pero imbes na lumayo sa akin, muling hinawakan ni Zadrick ang kamay ko.Napatingin si Ma’am Diana sa magkahawak naming kamay bago muling itinaas ang tingin niya kay Zadrick.“Zadrick… I know this is difficult for you…”Pabulong ang boses niya, parang nagmamakaawa.
ZYLA SANDRA SARCOVAHinayaan kong magsara muli ang elevator at bumalik sa taas.Pero hindi ako bumalik sa kwarto ni Zailyn.Pumunta ako sa terrace kung saan kita ko ang mga reporter na humaharang kina Zadrick at Ritchel.Napangiti ako. Mapait.Sobrang pait.Ang lakas ng loob niyang sabihin na liligawan niya ako. Pero hindi naman niya malinis ang sarili niyang gulo.May narinig akong nagsalita. Medyo pasigaw.Mula yata sa security ni Ritchel.“Everyone, please calm down.”Pero dinumog pa rin sila. Sabay-sabay ang pagtutok ng mga mikropono at cellphone sa mukha nila.“When is the wedding?”May sumagot.“We’ll answer all your questions at the press conference.”Tuloy-tuloy ang lakad nina Zadrick at Ritchel habang binabakuran sila ng mga guard.Napabuga na lang ako ng hangin.Kasi bago pumasok si Zadrick sa kotse, tumingin pa siya sa direksyon ko. “Tama ako… tama ang desisyon kong itago ang katotohanan,” bulong ko sa hangin.Kasi ayokong maharap ang anak ko sa ganoong klaseng gulo.Bumab
ZYLA SANDRA SARCOVA“Ritchel…”Kaagad akong humakbang palapit sa kaniya.“Don’t misunderstand—”“You don’t need to explain.”Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat si Zadrick.Wala siyang pag-aatubiling hinawakan ang kamay ko at hinila ako pabalik sa loob ng kwarto ni Zailyn.“Zadrick. Paano si Ritchel?”Napalingon pa ako sa kaniya. Nanatili lang si Ritchel sa kinatatayuan niya, tahimik na nakatingin sa amin.“Pakialam ko sa kanya!”Halata nga siyang walang pakialam.Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Mahihiya pa rin ba ako dahil nakita niya kami… o maaawa sa kaniya?Hindi ko kasi maintindihan si Zadrick. Mukhang okay naman sila no’ng pinakilala niya sa akin si Ritchel bilang kapalit ni Althea.Bakit ngayon, parang galit siya?“Teka nga lang, Zadrick.”Pinigil ko ang kamay niyang hahawak na sana sa doorknob.“Kasama mo siya, tapos iiwan mo lang—”“Hindi kami magkasama. Sumunod siya. Magkaiba ’yon!”Lumingon ulit ako. Sakto namang tumalikod si Ritchel.“Hin
ZYLA SANDRA SARCOVA“Mommy… I want to go out. I want to see the fish.”Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.Katatapos lang niyang kumain. Heto, isda na naman ang bukambibig.Simula nang ipasyal namin siya sa Ocean Park, talagang nahilig na siya sa mga isda.“Okay…”Binuhat ko siya at maingat na pinaupo ko sa wheelchair.Limang araw na siya rito sa ospital. At sa awa ng Diyos, maganda ang recovery niya. Walang naging komplikasyon sa sugat o sa surgery niya, na ipinagpapasalamat ko nang bongga.Malusog kasi ang anak ko. Kaya kahit ang komplikasyon mula sa blood transfusion na kinatatakutan ko ay hindi nangyari.Nilagyan ko siya ng facemask bago kami lumabas ng kuwarto.Habang itinutulak ko siya, napansin kong lagi siyang tumitingala sa akin.Parang may gustong itanong, pero nag-aalangan.“Say it, baby…” Nginitian ko siya.“Hmmp… Mommy, when is Uncle Handsome coming back?”Napangiti ako.Alam ko na kasi na ’yon ang itatanong niya.Apat na araw na kasi niyang hindi nakiki
ZYLA SANDRA SARCOVA“Zadrick—”Magsasalita na sana ako nang mapansin kong gumalaw ang kamay ni Zailyn.Agad akong napalingon sa resident doctor.“Doctor! Gumalaw ang anak ko!”Kaagad namang lumapit ang doktor, kasunod ang ilang nurse.Sunod-sunod silang pumasok sa ICU room at sinimulang suriin si Zailyn.Napigil ko ang paghinga ko nang bahagyang gumalaw ang mga talukap ng anak ko.Then, unti-unti niyang iminulat ang mga mata.Napangiti ako habang pumapatak ang mga luha ko.“Baby…”Pero ilang segundo lang, muli ring pumikit ang anak ko.Kaagad akong lumapit sa doktor nang lumabas siya.“Doctor, okay lang ba siya? Bakit pumikit ulit siya?”Tiningnan muna niya ako bago mahinahong ngumiti.“She’s okay. That’s actually a good sign. She’s beginning to regain consciousness.”Napasinghap ako.“But why did she fall asleep again?”“That’s expected,” paliwanag niya. “She’s still recovering from the anesthesia, and it hasn’t been twenty-four hours since the procedure. The medication can still make







