LOGINThank you, thank you po... Nakakatuwa. May mga komento na.
ZYLA SANDRA SARCOVAMapait akong ngumiti.“Hindi ka makasagot kasi hindi mo pa rin siya nakakalimutan, ’di ba?”Umiling siya.“Zy—”Magsasalita pa sana siya, pero tumayo na ako.“Umuwi ka na, Zadrick.”Seryoso akong tumingin sa kaniya.“Ayusin mo muna ang gulo mo sa mga magulang mo. Sa fiancée mo… at sa dating babaeng pangarap mo.”Saka ngumiti ako.Hindi pilit, hindi rin mapait.“Saka mo ako balikan.”Tumayo rin siya at agad akong hinawakan sa braso.“Zy, I’m already sure.”Umiling ako.“Hindi ka sigurado. Kasi kung sigurado ka, hindi ka magdadalawang-isip sumagot—”“Hindi gano’n ’yon—”Tinapik ko pa ang balikat niya.“Tama na ang explanation.”Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.“Kasi hindi naman ako manhid, Zadrick. Nararamdaman ko ’yon.”Hindi na ako naghintay ng sagot.Iniwan ko siya at bumalik sa harap ng ICU.Kaagad akong sinalubong ni Alex.“Bakit bumalik ka na?”“Hindi ko kayang iwan nang matagal ang anak ko.”Napatingin din ako kay Milo.“Thank you for stayin
ZYLA SANDRA SARCOVANahinto ang sagutan nina Zadrick at ng mga magulang niya nang ilabas si Zailyn mula sa operating room.Agad akong sumunod sa mga nurse papunta sa ICU.Pero napahinto ako nang hawakan ni Zadrick ang kamay ko at humarap sa mga magulang niya.“Mom, Dad, go home,” sabi ni Zadrick. “I’m not leaving the hospital until Zailyn wakes up.”“Zadrick—”Mukhang kukumbinsihin na naman sana siya ni Ma’am Diana, pero pinisil ni Sir Mavrick ang kamay niya.“Let him stay,” sabi niya habang nakatingin kay Zadrick.Wala nang nagawa si Ma’am Diana kundi sundin ang asawa niya.Pero bago sila tuluyang umalis, matalim na tiningnan ni Sir Mavrick si Zadrick.Binitiwan ko ang kamay ni Zadrick at halos patakbong sumunod sa nurse.Kaagad akong humawak sa braso ni Alex.Tuluyang ipinasok si Zailyn sa ICU habang kami naman ay nakatingin mula sa labas. Nakita ko kung paano siya maingat na inililipat ng mga nurse sa ICU bed.Napatakip ako ng bibig.Awang-awa ako sa anak ko.Ang daming aparato ang
ZYLA SANDRA SARCOVA“What happened?”Biglang sumulpot si Zadrick at kaagad na binuhat si Zailyn.Mabilis din akong tumayo at patakbong sumunod sa sasakyan.“Zadrick?”Sandali akong natigilan nang sumalubong sa amin ang mga magulang ni Zadrick.“What happened?” tanong nila. Halatang may pag-aalala sa boses nila.Pero wala na kaming panahon para sumagot.Agad kaming sumakay sa kotse ni Zadrick.Buong biyahe, hawak ko lang ang kamay ni Zailyn habang nakahiga siya sa kandungan ni Zadrick.“Stay with Mommy, baby…” pabulong kong iyak habang paulit-ulit na hinahalikan ang kamay niya.Pagdating sa emergency room, agad siyang isinakay sa stretcher.“Head trauma! Five-year-old female!” sigaw ng isang nurse habang mabilis siyang itinutulak papasok.Sunod-sunod na lumapit ang medical staff. May naglagay ng oxygen mask. May nag-check ng blood pressure at pulse niya habang maingat namang sinusuri ng doktor ang mga mata niya gamit ang penlight.“She’s becoming less responsive.”“We need an urgent C
ZYLA SANDRA SARCOVA“Wow…” bulalas ni Zailyn nang makapasok kami sa Ocean Park.Namilog ang mga mata niya at hindi nawala ang ngiti sa labi.“Mommy, look! Fish!”Tuwang-tuwa niyang itinuro ang napakalaking aquarium na puno ng makukulay na isda.May mga clownfish, butterflyfish, at kung ano-ano pang hindi ko na alam ang pangalan.“Ang gaganda...” nasambit ko. Para rin akong batang unang beses makakita ng ganoon.“Mas gaganda pa sana 'yan... kung kasama mo si Za—”“Alex,” mabilis kong saway sa kanya.Kasama nga namin si Milo. Isa pa naman 'yong loko-loko. Baka kung ano pa ang maisumbong sa boss niya.“Over here!” masayang tawag ni Zailyn habang hila-hila sina Mara at Sofie.Sunod-sunod kaming huminto sa bawat exhibit.“Look! The stingrays! They're flying!”Itinuro niya ang malalaking stingray na lumulutang sa tubig.Pero hindi rin siya nagtagal doon. Maya-maya, gusto na naman niyang lumipat sa susunod na aquarium.“Oh… they look scary,” sabi niya nang makarating kami sa napakalawak na t
ZYLA SANDRA SARCOVABuong gabi, dilat lang ang mga mata ko habang yakap-yakap si Zailyn, na para bang mawawala siya kapag pumikit ako.Hindi kasi maalis sa isip ko ang bantang natanggap ko kagabi.Habulin ko lang daw ang pangarap ko at mag-focus sa pagiging designer. Huwag daw akong maghangad ng iba. Dahil baka sa kakahangad ko… mawawalan ako ng mahalaga sa akin.Napalakas ang buntong-hininga ko.Mahimbing pa rin ang tulog ni Zailyn sa tabi ko.Bumangon na lang ako at inayos ko ang kumot niya.Wala na rin si Alex sa tabi namin. Mas maaga nga naman kasi siyang gumising.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo. Pagsapit ko sa kuwarto, gising na rin si Zailyn.“Good morning, baby.”Agad akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi, kasabay ng tahimik na panalangin na sana... maging masaya ang pamamasyal namin ngayon at walang aberyang mangyari.“Good morning, Mommy.”Agad siyang bumangon at yumakap din sa akin.“Are we still going out today?”“Of course, baby.”Pinisil ko ang pisngi niya.
ZYLA SANDRA SARCOVA“Lumayo ka nga, Zadrick!”Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.“Tapos na ang therapy mo. I’m leaving.”Tumayo rin siya at agad niya akong hinawakan.“I’ll take you home.”“Hindi na. Ayokong may makakita sa atin na magkasama.”Binawi ko ang kamay ko at dumiretso sa p***o. Mabilis ko iyong binuksan, pero may narinig akong yabag sa labas kaya agad ko rin itong isinara.“May guard yata,” pabulong kong sabi habang itinuturo ang labas.“So?”Pinanliitan ko siya ng mata.“Paalisin mo!”Hindi siya sumagot. Pero lumapit siya at parang wala lang na binuksan ang p***o.“Good evening, Sir Zadrick.”Hindi nga ako nagkamali. Ang guard ang nasa labas.Agad akong nagtago sa gilid ng p***o.Ayokong makita na naman niya kaming magkasama. Pangalawang beses na iyon kung sakali.Maya-maya, palayo na ang mga yabag na narinig ko.Napabuga ako ng hangin at sandali pa akong napapikit.Tumayo naman si Zadrick sa harap ko.“He's gone. You can come out now.”Hindi ako sumagot.Sumilip muna







