LOGINPagkatapos ng kanilang pag-uusap, diretso si Charlene sa police station para magsampa ng kaso laban kay Kerill. Ngunit nang marinig ng mga pulis kung sino ang lalakeng sinasabi ni Charlene, kaagad silang nag-alangan. Kilala sa buong lugar ang kapangyarihan ng Wang family at alam nilang delikado silang kalabanin ang pamilyang iyon.
"Hindi naman ganoon kalakas ang ebidensya mo, miss. Hindi namin pwedeng paniwalaan ang lahat ng sinabi mo, lalo pa at kulang ka sa ebidensya," ani ng isang pulis habang nakatingin sa kanya. Ramdam ni Charlene ang inis na bumabalot sa dibdib niya. "Pero sir…" panimulang protesta niya, ngunit putol siya ng isa pang pulis. "Umuwing muna ka na, miss. Kami na ang bahala rito," dagdag nito habang binigyan siya ng makahulugang tingin bago lumingon sa katrabaho. Walang nagawa si Charlene kundi lumabas ng police station. Kahit hindi nila sinabi, ramdam niya na wala silang balak tutukan ang kaso niya. Napailing siya sa isipin na kayang gawin ng mayayaman ang lahat, kahit ang talian ang leeg ng mga pulis upang maprotektahan ang kanilang interes. Habang naglalakad papalayo, napansin niya na wala na ang maletang dala niya. Napaupo siya sa gilid ng kalsada at pinahintulutan ang mga luha na dumaloy mula sa kanyang mga mata. Pagod siya, nabigo, at hindi alam kung ano ang susunod na hakbang. Hindi niya inasahan na magiging ganito kahirap ang karanasan sa Maynila. May kaunting pagsisisi sa pagpunta rito, ngunit muling sumagi sa isip niya ang tunay na dahilan ng pagdating niya ang hanapin ang matagal nang kaibigan na hindi niya nakita sa loob ng maraming taon. Si Enan. [FLASHBACK] Dalawampung taon ang nakalipas. Nakatingin sa langit na kulay asul at maliwanag si batang Charlene habang nakahiga sa ilalim ng malaking puno ng nara. Ang araw ay malambot at mainit, at ang mga ulap ay dahan-dahang dumadaan sa kalangitan. Nakangiti siya, ramdam ang saya ng kabataan sa bawat hininga. "Panget! Andito ka lang pala," bati ng batang si Enan, bagong dating sa tabi niya. Naiinis si Charlene sa biro kaya binato niya ito ng kahoy na hawak, ngunit mabilis na nakailag si Enan. "Kapag ako tinamaan nun, isusumbong kita!" sigaw niya. "Isumbong mo!" sagot ni Enan habang nakangiti. Hindi na niya pinansin si Charlene, at maya-maya ay naramdaman niyang may humalili sa tabi niya. Paglingon, nakita niya si Enan na nakangiti pa rin. Magkasama silang tumingin sa langit, parang nakikipaglaro sa kanilang damdamin. "May sasabihin pala ako," sabi ni Enan sa katahimikan. "Hmm?" sagot ni Charlene, hindi tumitingin sa kanya. "My dad... gusto niyang bumalik na kami sa Maynila," mahina niyang sambit. Napangiti si Charlene ng bahagya, ngunit hindi ipinakita ang pagkabigla. "Ganun ba? Kelan kayo babalik?" tanong niya. Natahimik si Enan, hindi agad sumagot. "Hindi na kami babalik," sagot nito. Halos hindi makapaniwala si batang Charlene. Ang lungkot ay nanimaho sa kanyang mga mata, iniisip na hindi na niya makikita ang kaibigang matagal niyang minahal. "Ah... kelan yung alis niyo?" tanong niya, pinipigilan ang pagluha. "Bukas na," mahinang sagot ni Enan. Agad na bumangon si Charlene at ngumiti. "Kung ganoon, sulitin natin ang araw na ito. Mamaya pupunta ka sa bahay, magluluto si mama ng kakanin, yung paborito mo," dagdag niya. "Segi!" sagot ni Enan, at magkasama nilang ginugol ang bawat sandali sa laro at pagpunta sa mga talon na hindi pa nila napupuntahan. "Para sa'yo, panget," sabi ni Enan habang inilalabas ang isang panyo mula sa bulsa at iniabot kay Charlene. "Hindi, sabi ko panget!" sigaw niya, ngunit inabot ni Enan ang panyo sa kamay niya. May espesyal na guhit sa gitna, tanda ng palayaw niya ni Enan na Cha. "Sayo na 'yan. Huwag mong iwawala. Kukunin ko 'yan sa susunod nating pagkikita." "Salamat," sagot ni Charlene. Pagkatapos ng maghapong kasiyahan, dumeretso sila sa bahay ni Charlene kung saan nagluluto ang kanyang ina ng kakanin para sa palengke. "Ma, tabihan mo kami ni Enan," sabi niya, at tumango ang kanyang ina. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga kakanin, puno ng tawanan at kwentuhan. Pagdating ng gabi, aalis na si Enan. Pinuntahan niya si Charlene sa bahay para magpaalam, ngunit hindi niya ito nakita. Nagtatago si Charlene sa ilalim ng kumot, umiiyak sa pagkawala ng kaibigan. "Pakisabi na lang, aalis na ako," sabi ni Enan bago lumingon at lumakad palayo. [END OF FLASHBACK] Ilang beses pinunasan ni Charlene ang kanyang mga luha, ngunit tila walang katapusan ang daloy. "Ayos ka lang ba?" tanong ng malambot na boses. Dahan-dahang itinaas ni Charlene ang tingin at bumungad sa kanya ang isang lalaking may malapad na ngiti at may panyo sa kamay. "Ayos ka lang?" ulit nito. Ngunit hindi siya sumagot. "Taga-probinsya ka ba?" bigla niyang tanong. "Kasi... you looked like one," dagdag niya habang tumitingin sa sapatos at damit ni Charlene, halatang simple at hindi mamahalin. Napikon si Charlene. Parang si Kerill, masama ang ugali at mabilis manghusga. "Anong pinagmamalaki ninyong mga taga-Maynila? Kung maka-asta kayo, parang sobrang taas nyo na!" sigaw niya, napuno na ng galit at pagkabigo. "W-wait..." sagot ng lalaki ngunit naputol. "Hoy! Wala kang pake-alam kung ganito ang suot ko! Naiintindihan mo? Pinapainit nyo lang ulo ko! Bwesit na buhay to oh! Puro malas!" sigaw niya, halos sumabog na ang damdamin. "Wait, miss..." sabi ng lalaki. "Ano?! Lalaitin mo pa ako?! Magsuntukan na lang tayo oh!" Akmang sumugod si Charlene nang may humarang sa kanya, inilayo siya ng lalaking may hawak sa kanya. "Calm down! Calm down!" utos ng lalaki. "Huminahon ka," dagdag niya. Napahinga ng malalim si Charlene, inalis ang galit at napatingin sa lalaking tumulong sa kanya. "Anong nangyayari dito, kuya?" tanong niya. Napatingin siya sa lalaking bagong dating. Hindi niya ito agad nakilala, ngunit ito ang kapatid ni Kerill, si Lander, na tumulong dalhin siya sa ospital. "I just want to ask if she is okay, pero sinugod niya ako," paliwanag ni Lander. "Look, miss," akmang lapitan siya ni Lander, ngunit tutukan siya ni Charlene ng kamao. "Segi, lumapit ka," utos niya. "Hey, I am sorry. I didn't mean to offend you kanina. I just..." napailing si Lander. "Okay, it's my fault. Hindi ko dapat sinabi iyon. Sorry talaga." Nang huminahon si Charlene, lumapit si Lander. "My name is Black Wang. Can I know your name?" Umiwas ng tingin si Charlene at bumulong sa sarili. "Ang puti-puti mo pero black ang pangalan," bulong niya. Narinig naman ni Black at natawa. Napagtanto ni Charlene kung bakit pamilyar ang pangalang Black. Isa siyang sikat na actor at model sa Pilipinas, kasingkilala ni Daniel Padilla. Agad niyang kinuha ang cellphone at kinumpirma ang hinala. Lumaki ang mata niya nang makita ang larawan. "I think you already know me. You have my picture in your gallery," sabi ni Black. Napatalikod si Charlene sa kahihiyan at napapikit. "Tang-ina!" paulit-ulit niyang mura. Dahan-dahang umikot siya paharap kina Lander at Black. "Ah, hehe, ano... kasi..." napakamot siya ng ulo, nahihirapan ipaliwanag. "Sorry!" sigaw niya, napapikit. "Hindi ko sinasadya! Uminit lang ulo ko kasi puro abusado ang nakilala ko dito sa Maynila. Tapos may baliw na lalake na feeling gwapo na nag-alok maging asawa niya kaya hindi ko napigilan." Napatawa si Lander bigla. "Sana na-record ko 'to. Pfft! Hahaha!" "What's funny?" tanong ni Black. "She is that girl," sagot ni Lander. Naguluhan si Charlene. Hanggang ngayon hindi niya alam na kapatid pala ni Kerill si Lander at si Black ang stepbrother. "Really..." ngiti ni Black. "And your name is?" "Charlene Rosarios!" sagot niya. Tumawa ang dalawa. "Well, Charlene, kailangan mong sumama sa amin," sabi ni Black. "Ha? Saan? Bakit?" tanong niya. "Relax. Sa restaurant lang naman. Gutom na ako at mukhang gutom ka rin. Isipin mo na lang kabayaran mo ito sa ginawa mo kanina. Tara na?" Nahihiya at walang kalaban-laban, sumama si Charlene. Lingid sa kaalaman niya, pinaalam na pala ni Black kay Kerill na kasama niya ngayon ang babaeng hinahanap ni Kerill.Nang kumalma na ito ay lumabas siya ng kuwarto. Pinagtitinginan pa siya ng mga katulong habang nagbubulungan ang mga ito tungkol sa nangyari kanina.“Kawawa naman.”“Sinasabi ko na nga ba.”“Tatagál pa kaya ’yan?”Iilan lang ’yan sa mga naririnig niya sa hallway habang papunta ito sa kusina. Doon niya nadatnan si Manang Dores kasama ang iilang katulong na naghahanda para sa tanghalian.“Kamusta ka na, Charlene? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Manang Dores at binigyan ng isang basong tubig ang dalaga. Nilagok niya iyon at pilit na ngumiti. “Heto nga pala. Pasensya na at ito lang ang naisalba ko sa mga damit mo,” sabi nito at may idinukot na maliit na panyo sa bulsa niya.Napahinga nang maluwag si Charlene nang makitang hindi nasunog ang iniingatan niyang panyo na ibinigay ng kaibigang si Enan. Ngumiti ito at nagpasalamat sa matanda matapos kunin ang panyo.Isa iyon sa mga pinagkakaingatan ni Charlene dahil ngayon ay ang panyo na lang ang natitirang gamit na naiwan ng kaibiga
Maayos ang tulog ni Charlene noong gabing iyon kaya pagmulat niya kinabukasan ay maaliwalas ang pakiramdam niya. Ngayon ay sisimulan na niya ang plano para mapalapit sa mga bata. Hindi man madali, susubukan niya hanggang sa makakaya niya.“Good morning, Ma’am,” bati ng mga katulong na nakakasalubong niya sa pasilyo.Doon niya mas lalong naramdaman ang bigat ng posisyon niya sa mansion. Asawa siya ng may-ari—kahit peke.Sinusuklian niya ang lahat ng matamis na ngiti. Ayaw niyang mapagkamalang suplada. Gusto niyang makasundo ang lahat, kahit sa maikling panahong pananatili niya roon.Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya si Edgar—ang palaging kasamang bodyguard ni Kerill.“Good morning, Edgar,” bati niya.Tumango ito. “Good morning, Ma’am Charlene.”“Ke-aga-aga, parang ang sungit mo na agad,” pabirong sabi niya, umaasang mapapangiti ito. Ngunit nanatiling seryoso si Edgar.Naging awkward ang sandali hanggang sa tinawag na ito ni Kerill. Nagpaalam si Edgar at umalis, iniwan si Charlene n
Kinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica.May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray.Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Erica.Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan.“I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid.Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain.“Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.”Wal
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala.Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya.Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit.“Good morning, Charlene.”Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo.Hindi na niya kailangang alamin—alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari.“You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide an
Kinabukasan ay nagising si Charlene dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Hindi niya pala naisara ang bintana kagabi bago matulog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabuti na lang at may toothbrush siyang nakita roon, at kumpleto rin ang mga gamit sa loob.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba na siya. Doon niya naabutan si Kerill na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. May nakahain na ring masasarap na putahe na agad nagpatakam kay Charlene. Napatingin siya kay Kerill na abalang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.“Good morning,” mahina niyang bati.Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.Sa halip, binati na lamang niya si Manang Dores na agad namang ngumiti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga anak ni Kerill—si Erica, ang panganay na nasa Grade 12; ang kambal na sina Wency at Wyl na nasa Grade 10; at ang bunsong si Lily na nasa Grade 6 pa lamang.Nang makita ni Charlene ang mga bata, agad siyan
Pagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata.May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera.Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na







