Iniwan ng misteryosong lalaki si Charlene sa malaking hospital at hindi na niya ito nakita pa pagkatapos noon. Ang hangin sa labas ay malamig, at bahagyang umiihip sa mukha niya habang naglalakad palabas ng emergency entrance. Inasikaso siya ng nurse, katulad ng utos ng lalaking nagdala sa kanya dito."Ma'am, wala naman pong nabali na buto, kaya makakahinga na po kayo ng maluwag," nakangiting sabi ng nurse kay Charlene matapos ang pagrereklamo nito kanina pa. Halos maipikit na ang mata niya sa kakairita at sa sakit ng katawan."Segurado ka? Medyo masakit kasi..." aniya, habang pilit pinipigilan ang pag-ungol."Ma'am, ano pong silbi ko bilang nurse kung hindi ako segurado sa sinasabi ko sa inyo?" putol ng nurse, halatang malapit na ring ma-inis. "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nalang niya habang tumatayo, mahigpit ang mga mata ngunit may halong kabaitan."Wala naman. Salamat," sagot ni Charlene, bahagyang napayuko at napasandal sa dingding."Walang anuman po," sagot ng nurse bago
Last Updated : 2026-01-04 Read more