LOGINNadatnan ni Charlene ang sarili na nakaupo sa halata namang mamahaling restaurant. Ang kisame ay may chandelier, at sa gitna ng silid ay may mahinang tunog ng piano na pumupuno sa katahimikan. Hindi niya maitago ang pagkamangha, at hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niyang suot sa elegante at mamahaling damit ng ibang tao.
"Breath, girl," biro ni Black, na nakangiti sa kanya. Nahihiyang tiningnan ni Charlene si Black. "First time ko kasi sa ganitong kagarbong lugar. Pasensya na," mahina niyang sabi. "No need to say sorry. Order ka lang, akong bahala sa'yo," sagot ni Black, sabay kindatan pa ang dalaga. Napangiti si Charlene, at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na makakasama niya ang iniidolo niya sa ganitong lugar. Sa tingin niya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo. "Ano pong order nyo, ma’am?" tanong ng waitress habang iniabot ang menu. Ngunit nag-alangan si Charlene; hindi niya mabigkas ang mahahabang pangalan ng mga pagkain. Napagpasyahan niyang ibalik ang menu at mahina lang na sabi, "Tubig na lang po." "Sure po kayo, ma’am?" tanong ng waitress. "Her order will be the same as mine," singit ni Black, kaya tumango na lang ang waitress at lumayo. "Bakit hindi ka um-order?" tanong ni Black sa kanya. Nahihiya si Charlene. "Hindi ko maintindihan yung mga pangalan ng pagkain dito," sagot niya, at napatawa sina Black at Lander. "I see..." sagot ni Black habang ngumingiti. Ilang sandali pa, dumating na ang kanilang pagkain. Si Charlene ay nakatunganga lamang sa plato sa harap niya, tila hindi makapaniwala sa hitsura ng mga putahe. "May problema po ba tayo sa food nyo, ma’am?" tanong ng waitress mula sa gilid. "Pwedeng magtanong?" sabi ni Charlene, at tumango ang waitress. "Kinulang ba kayo sa ingredients dito? Bakit ang kunti ng pagkain?" Tanong niya habang pinipigilan ang tawa, ramdam niyang katawa-tawa ito sa sobrang kahirapan ng sitwasyon. "Ah, kasi po, ma’am, special dish 'yan," sagot ng waitress. "Eh magkano ba 'to?" tanong ni Charlene habang pinagmamasdan ang maliit na plato. "Dalawang libo po bawat isa," sagot ng waitress. "Dalawang libo?! Jusko, eh kanin lang ito na may tatlong pirasong baboy sa gilid! Ang mahal naman dito! Sa amin nga, isang subuan lang ito," sigaw ni Charlene, halos hindi makapaniwala. "Hey, hey, calm down, it’s okay," singit ni Black. "Ayaw ko na palang kumain. Naku, wala akong pambayad dito," dagdag niya habang pinipigilan ang sarili. "Charlene, it’s okay," sabi ni Lander, sumabay sa paghawak ng kamay niya para pakalmahin. "Ang mahal kasi, tsaka pambili pa ng sardinas sa loob ng isang buwan yung dalawang libo. Wag na tayong kumain dito," dagdag ni Charlene. Napahinga ng malalim si Lander at hinawakan ang kamay ni Charlene upang pakalmahin ito, dahil napapansin niya na lahat ng atensyon sa restaurant ay nakatuon sa kanila. "Okay lang..." sabi ni Lander, "Charlene, my brother can afford the food, kaya okay lang." "Hindi nyo ba ako pagbabayarin nito? Wala pa akong pera ngayon," tanong ni Charlene, halatang nag-aalala. "Yes. Hindi ka namin sisingilin. Libre 'yan, diba? Now, go and eat your food." Dahan-dahang kumain si Charlene ng paunti-unti, habang pinapanatili ang tingin niya sa paligid upang hindi magpakita ng labis na hiya. Nang matapos siyang kumain, sinalubong sila ng bagong dating na lalake. "Oh, he’s here na," sabi ni Lander. Sabay tumingin sina Charlene at Black sa pumasok na lalake. "Here!" Kaway ni Lander sa lalake, na halatang hinahanap sila. Nang makita nito sina Charlene at Black, kaagad itong naglakad papalapit sa kanila. Kaagad na napansin ni Charlene si Kerill sa mesa. Napangiwi siya sa gulat. "You’re here," ani niya, umagaw ang tingin niya kay Kerill. "Ikaw na naman?!" inis niyang sabi. "Yes, ako na naman," sagot ni Kerill, sabay umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. "Paano ka nakapunta dito?" taas kilay na tanong ni Charlene. "Baka sumakay ng kotse," sarcastic na sagot ni Kerill, na pinatawa ng mahina nina Black at Lander. "Antipatiko," bulong ni Charlene, na narinig naman ni Kerill. "Anyways, why are you with my brothers?" tanong ni Kerill. Napalingon si Charlene kina Black at Lander. "Magkapatid kayo?" "That’s what I said a few minutes ago," sagot ni Lander, habang nakangiti. Napapikit si Charlene, inis sa kanyang sarili. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin? At bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang napili mong bwesetin?" tanong niya, halatang nagagalit at naguguluhan. "Actually, it’s the other way around. You…" tinuro siya ni Kerill. "Need me," dagdag niya, sabay turo sa sarili niya. "Wala akong kailangan sa’yo," mabilis na tugon ni Charlene. "Don’t you need a place to stay? Clothes? Food? Money?" tanong ni Kerill, seryoso ang mukha. Hindi nakasagot si Charlene, ramdam niya na tama ang sinabi niya, ngunit wala pa rin siyang tiwala kay Kerill. "Calm down, bro. Let me talk to her for a minute," singit ni Black, at inayang lumabas si Charlene. Dinala siya ni Black sa back door ng restaurant, kung saan sila nag-usap ng mas tahimik. "Ano ba talagang problema niya? Alam mo ba yung ginagawa niya?" tanong ni Charlene, halatang naiinis at naguguluhan. Huminga ng malalim si Black bago sumagot. "Actually, Charlene, Kerill needs your help. As in, ASAP." "Ha? Eh hindi ko naman siya gets," sagot ni Charlene, halatang confused. "The reason why he wants you to sign a contract with him is to win his children back. Permanently," paliwanag ni Black. Natigilan si Charlene, halos hindi maintindihan ang sinasabi. "Charlene, kailangan niya ng magtatayong Ina sa mga anak niya for a few months until makuha niya ang custody ng mga bata. And he needs your help," dagdag ni Black, seryoso ang tono.Nang kumalma na ito ay lumabas siya ng kuwarto. Pinagtitinginan pa siya ng mga katulong habang nagbubulungan ang mga ito tungkol sa nangyari kanina.“Kawawa naman.”“Sinasabi ko na nga ba.”“Tatagál pa kaya ’yan?”Iilan lang ’yan sa mga naririnig niya sa hallway habang papunta ito sa kusina. Doon niya nadatnan si Manang Dores kasama ang iilang katulong na naghahanda para sa tanghalian.“Kamusta ka na, Charlene? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Manang Dores at binigyan ng isang basong tubig ang dalaga. Nilagok niya iyon at pilit na ngumiti. “Heto nga pala. Pasensya na at ito lang ang naisalba ko sa mga damit mo,” sabi nito at may idinukot na maliit na panyo sa bulsa niya.Napahinga nang maluwag si Charlene nang makitang hindi nasunog ang iniingatan niyang panyo na ibinigay ng kaibigang si Enan. Ngumiti ito at nagpasalamat sa matanda matapos kunin ang panyo.Isa iyon sa mga pinagkakaingatan ni Charlene dahil ngayon ay ang panyo na lang ang natitirang gamit na naiwan ng kaibiga
Maayos ang tulog ni Charlene noong gabing iyon kaya pagmulat niya kinabukasan ay maaliwalas ang pakiramdam niya. Ngayon ay sisimulan na niya ang plano para mapalapit sa mga bata. Hindi man madali, susubukan niya hanggang sa makakaya niya.“Good morning, Ma’am,” bati ng mga katulong na nakakasalubong niya sa pasilyo.Doon niya mas lalong naramdaman ang bigat ng posisyon niya sa mansion. Asawa siya ng may-ari—kahit peke.Sinusuklian niya ang lahat ng matamis na ngiti. Ayaw niyang mapagkamalang suplada. Gusto niyang makasundo ang lahat, kahit sa maikling panahong pananatili niya roon.Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya si Edgar—ang palaging kasamang bodyguard ni Kerill.“Good morning, Edgar,” bati niya.Tumango ito. “Good morning, Ma’am Charlene.”“Ke-aga-aga, parang ang sungit mo na agad,” pabirong sabi niya, umaasang mapapangiti ito. Ngunit nanatiling seryoso si Edgar.Naging awkward ang sandali hanggang sa tinawag na ito ni Kerill. Nagpaalam si Edgar at umalis, iniwan si Charlene n
Kinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica.May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray.Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Erica.Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan.“I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid.Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain.“Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.”Wal
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala.Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya.Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit.“Good morning, Charlene.”Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo.Hindi na niya kailangang alamin—alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari.“You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide an
Kinabukasan ay nagising si Charlene dahil sa mainit na sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Hindi niya pala naisara ang bintana kagabi bago matulog. Napabuntong-hininga na lamang siya bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabuti na lang at may toothbrush siyang nakita roon, at kumpleto rin ang mga gamit sa loob.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba na siya. Doon niya naabutan si Kerill na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. May nakahain na ring masasarap na putahe na agad nagpatakam kay Charlene. Napatingin siya kay Kerill na abalang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.“Good morning,” mahina niyang bati.Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.Sa halip, binati na lamang niya si Manang Dores na agad namang ngumiti sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga anak ni Kerill—si Erica, ang panganay na nasa Grade 12; ang kambal na sina Wency at Wyl na nasa Grade 10; at ang bunsong si Lily na nasa Grade 6 pa lamang.Nang makita ni Charlene ang mga bata, agad siyan
Pagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata.May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera.Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na







