Share

Chapter 37: New keen's leader

Ilang araw ang lumipas at hindi na muling nagparamdaman sa akin ang misteryosong tao na iyon. Nang masabi ko kay Thunder ang nangyari ay agad naming pinuntahan ang presinto kung saan nakakulong sila Ms. De Vera at leader Yb.

Mali ako ng hinila dahil nandoon pa rin silang dalawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang taong iyon.

“Ulan, tara na! Late na tayo.” Sigaw ni Thunder mula sa ibaba.

“Oo wait.” Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka nagmadaling bumaba. Ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Monstrous. Third year na kami at mayroon na lang akong isang linggo para makasama si Thunder.

Pagdating namin sa Academy ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ko. Wala pa si Ayesha kaya dali-dali akong tumalon sa kama ko at saka iyon niyakap.

“Na-miss kita!” Nagpagulong-gulong ako roon ngunit agad ding napahinto nang makita ko ang reflection ni Thunder sa T.V, Agad akong tumayo at lumingon sa balkonahe.

“Hi.” Bati niya sa akin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status