Marahas namang napahugot ng hininga si Timothy at mabilis na pinigilan ang kanyang kamay.“Don’t push me to my limit, Penelope.” Paanas na wika nito sa nagbabalang tinig. “Dahil hindi mo alam kung gaano kahirap subukang pigilan ang sarili.”Ngunit hindi man lang s’ya nakaramdam ng kahit na kaunting takot sa sinabi nito. Bagkus ay mas lalo pang lumakas ang loob niya.Mapang-akit na idinikit niya ang katawan dito bago ngumiti. “Really…?” aniya sabay kagat sa kanyang ibabang labi habang titig na titig sa namumulang mga labi nito. “I want to taste those— nang paulit-ulit. I want taste them again… it's sweetness and softness, na halos bumabaliw na isip ko.”Amused na napataas ang isang kilay nito. “As much as I want to believe everything you’ve said, hindi pa rin maitatangging lasing ka. And you are not yourself right now. Sigurado akong kapag nawala na ang kalasingan mo, pagsisisihan mo ang lahat ng ito.”Umiling s’ya. “I won’t regret what I’ve said. I meant them. Baka ikaw siguro ganoon.
“It’s really beautiful in here. Sana lang hindi na matapos ang gabing ito,” tila nangangarap na wika ni Penelope habang nakatingin sa napakagandang kalangitan. Maraming bituin nang mga sandaling iyon at bilog na bilog din ang b'wan. “You can stay a little bit longer here. Pwede namang ako na lang muna ang umuwi kung gusto mo,” ani Timothy habang inaayos ang bon fire sa harap nila. “How I wished I could do that,” aniya at binalingan ito. “Pwede naman nga… Wala namang pumipigil sa ‘yo. You can stay here as long as you want.” “Para mo na ring sinabi na ayaw mo akong makasama sa iisang bahay,” kunwari ay may paghihinampong wika niya na sinabayan pa ng paninilos ng kanyang nguso. Natawa naman ito. Hindi na sila madalas magbangayan kagaya ng dati. At nasanay na rin s’ya sa ganoong usapan nila. Paminsan-minsan ay inaasar pa rin s’ya ng asawa, pero madali naman itong bumabawi sa kanya. Sa loob nang isang linggo, nagbago ang samahan nila. Para silang naging magkaibigan. At aminin man niy
Sa pagbalik nila sa Maynila, sa bahay ni Timothy sila tumuloy. Ngayong mag-asawa na sila, habang-buhay na rin silang magsasama sa iisang bubong.The house was located in a prestigious subdivision na mga pinakamayayamang tao lang sa bansa ang nakatira. Mula sa mga negosyante, politiko, mga mahahalagang personalidad sa lipunan, at ilang sikat na artista na nagmula sa mayamang angkan. They owned a property there na milyon-milyon ang halaga bawat isang lote.Hindi man bago sa ganoong karangyaan si Penelope, ngunit lubos pa rin siyang napahanga sa narating na ng kanyang asawa. Hindi maikakailang malayo talaga ang agwat nila sa isa’t isa kung yaman lang din ang pag-uusapan. Dahil ang kayamanan nila ay wala pa yata sa kalahati ng yaman nito, knowing that he was just in his prime.“Welcome to your new home, Mrs. Alvarez.” Nakangiting wika ni Timothy ng papasok na sila sa driveway.Kakaibang excitement naman ang naramdaman niya ng marinig ang sinabi nito. Ngayon ay totoo na talaga ang lahat. M
Nagising si Penelope na sumasakit ang kanyang ulo. At pagbukas ng kanyang mga mata ay madilim na sa labas.Napatingin s’ya sa relong nasa bisig. Alas-diyes na ng gabi ang nakalagay doon.Marahan s’yang bumangon at nagtungo sa banyo. Naisipan niyang maligo upang mawala kahit papaano ang sakit ng ulo niya.Masyado niyang dinamdam ang sitwasyon nila ngayon ni Timothy kaya matagal din s’yang nag-iiyak kanina. Ni hindi na nga niya namalayan na nakatulog pala siya.Habang nasa ilalim ng malamig na tubig ay malalim siyang nag-isip. Kung ganito ang gustong mangyari ni Timothy hahayaan na lang niya ang lalaki. Tutal nasa usapan naman nila ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa . Siguro ay iyon din ang iniisip nito. Ang irespeto lahat ng magiging pasya niya.Hindi na lang siya aasa na madudugtungan pa ang kaligayahang nadama niya noong nasa isla pa sila. Kaya’t pipilitin niyang umakto ng normal sa harap nito upang hindi na ito mag-isip ng kung ano. At susubukan din niyang alisin ito sa kanyang
Paggising kinabukasan ay mabilis na naghanda si Penelope papasok sa opisina. Paglabas niya sa connecting door ay wala ng bakas ni Timothy ang naiwan sa kabilang silid. Kaya’t tuloy-tuloy s’yang bumaba sa dining area.“Kakain ka na ba?” bungad na tanong sa kanya ng kanyang Yaya Coring.“Oho,” maikling tugon niya bago naupo. “Anong oras ho umalis si Timothy?” tanong niya rito.“Ay maagang-maaga. Ang bilin nga eh huwag ka raw gisingin,” anito.Napaismid naman s’ya.Talagang sasabihin ‘yun ng lalaki dahil mabubuking sila kung hindi. Papasok at papasok sa kwarto nila ang kanyang Yaya dahil alam nitong papasok s’ya sa araw na iyon.“Kumain ho ba s’ya bago umalis?” muli niyang tanong. Ngumiti naman ang may-edad na babae sa kanya bago nito sinalinan ng tubig ang baso niya. “Ibang-iba ka na, hija... Ibang-iba ka na ngayong may asawa ka na. Alam kong maasikaso ka at maalalahanin. At natutuwa naman akong kahit papaano ay magkasundo kayong mag-asawa."Hindi naman s’ya nakaimik at nakayukong itin
Ilang araw pa ang lumipas at halos hindi sila nagpapang-abot ni Timothy sa bahay. Sa tuwing uuwi siya ay wala pa ito, at kapag naman papasok siya sa trabaho ay wala na rin ito. Sinasadya ba iyon ng lalaki para hindi niya ito makompronta o talaga lang busy ito sa trabaho nito? O baka naman talagang iniiwasan s’ya nito?Magkagayon man, hindi na lang niya inabala ang sarili na alamin ang dahilan. Baka lalo lang lumala at mauwi pa iyon sa pagtatalo nila. Ayaw din naman niyang magkagalit silang tuluyan.At gaya ng mga nagdaang araw, wala na naman si Timothy pag-uwi niya nang gabing iyon.“Kakain ka na ba?” tanong ng kanyang Yaya Coring ng mabungaran niya ito sa sala pagpasok niya.“Mamaya na lang, ‘Ya. Medyo busog pa ho ako, eh.” Matamlay na sagot niya at deretsong umakyat sa kanyang silid.Tumigil s’ya sandali sa kwarto ni Timothy at malungkot na pinaraanan ng kanyang mga mata ang loob niyon. Wala namang nabago. It was still the same when she came there. Siya lang talaga siguro ang nakar
“Ahhhhhhh…..!!!” malakas na tili ni Penelope na halos ika-alog na yata ng buong kabahayan nila.Inilang hakbang naman ni Timothy ang pagitan nila at pagkatapos ay mabilis nitong tinakpan ang bibig niya. Pero mukhang nagkamali ito sa ginawang iyon, dahil lalo lang naghisterya ang kanyang isipan at pilit na nagpumiglas sa pagkakahawak nito.Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam niya ang naghuhuramindong pagkal*l*ki nito! Tumutusok iyon sa may puson niya na para bang lalo lang nagpainit sa buong paligid.“Don’t fight back,” utos nito sa humihingal na tinig. Bahagya naman s’yang kumalma kasabay ng mabilis na pagtango. “Bibitawan kita, but promised me you won’t scream.” Muling sabi nito.Masunurin namang muli siyang tumango. Dahan-dahang inalis ni Timothy ang kamay nito sa bibig niya. Pagkuwa’y humakbang ito nang isang beses paatras at ito na mismo ang kumuha ng tuwalya at ibinalot iyon sa katawan niya.Mabilis naman niya iyong pinagsalikop at mahigpit na kinapitan ang hugpungan sa kanya
“So tell us, saan ba kayo nag-honeymoon?” pag-uusisa ni Letizia habang kumakain sila. Naglalaro ang mga ngiti sa labi nito ng balingan s’ya.Agad naman siyang pinagmulhan ng mukha sa nahihinuhang tumatakbo sa isip nito.“We went to Isla Catalina,” mabilis na sagot ni Timothy bago s’ya pasimpleng sinulyapan.“Really? Doon kayo nagpunta?” nangingislap ang mga matang wika ng babae. “You know what? I really loved that place. Kasi kung hindi mo naitatanong, I am a pro swimmer. I love travelling around and make new adventures, and Isla Catalina is my perfect getaway place. Sayang nga lang, baka matagalan pa bago ko muling mabisita iyon,” may panghihinayang na kwento nito.“We could do that kapag nakapanganak ka na,” masuyong sabi naman ni Antonio rito. Pinisil pa nito ang palad ng asawa na nasa ibabaw ng lamesa.Kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mga mata ni Letizia sa sinabing iyon ng asawa nito. Wala sa loob na napatingin s’ya kay Timothy na tutok na tutok ang atensyon sa kinakain nito.