LOGINTimothy Alvarez already has everything on his hands-- wealth and fame. At ayon sa kanyang ama, asawa na lang daw ang kulang sa kanya. Kaya't ipinagkasundo s'ya nito kay Penelope Valencia, anak ng isa ring kilalang angkan. Ngunit umpisa pa lang ng pagkikita nila ay hindi na sila magkasundo. Timothy was arrogant, cold-hearted and rude. At si Penelope naman ay hindi basta-basta magpapatalo sa binata. Sumumpa pa itong hinding-hindi nito magugustuhan si Timothy kahit na kailan. Ngunit paano kapag malaman nito na kaya s’ya ipinagkasundo ng mga magulang sa lalaki ay dahil sa papalugi nilang kompanya? Will she be able to accept truth? And how about Timothy? Paano nga ba niya pakikisamahan si Penelope kung sa una pa lang ay ginugulo na nito ang isipan niya?
View More“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore