Share

Chapter 14

“Saan ba talaga tayo pupunta?” hinihingal na tanong ni Penelope sa sinusundang lalaki.

Inaya siya nitong ikutin ang isla, pero mukhang hindi naman ito marunong magpahinga. Tuloy-tuloy lang ito sa kalalakad na para bang wala itong kasama roon.

Lumingon sa kanya ang nasa di-kalayuang si Timothy. “You’ll see.” Excited na sabi nito at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Mabuti na lang at wala naman silang ibang nilalakaran kundi damuhan at mga bato. Kung nagkataong matataas na puno iyon o di kaya ay mga kugon, baka tumakbo na s’ya pabalik ng villa.

Bahagya niyang binilisan ang paglalakad upang makasabay dito. Malayo-layo pa rin s’ya sa lalaki ng marinig niya itong sumigaw.

“We’re here!” anito.

Napabilis naman ang lakad niya at humihingal na tumabi rito, pagkuwa’y kunot-noong iginala ang mga mata sa paligid. Wala naman s’yang ibang nakikita roon kundi mga damo, ligaw na bulaklak at manaka-nakang puno.

Nakapamewang na hinarap niya ang lalaki.

“Is that i
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status