“So, anong plano ninyong dalawa? Do you already have a date in mind?” panimula ni Juancho sa usapan ng nasa kalaghatian na sila ng paghahapunan.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Penelope at parehong nawalan ng imik.
Now that they were asking about the details of their wedding, everything is happening for real. Totoong ikakasal na sila at hindi na sila makakaatras pa.
Subalit, wala pa naman silang napag-uusapan ni Penelope tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi pa nito sinasabi ang desisyon nito tungkol sa proposal na iniaalok niya.
But they both knew their parents. They both knew that they will definitely rush them.
Tingin pa lang ni Timothy sa kanyang ama, alam niyang excited na ito sa nalalapit na merger ng mga kompanya nila. At napansin niyang ganoon din si Juancho Valencia.
Nais n’ya na lang mapailing sa sarili sa mga sandaling iyon.
“Ah… Kumpadre… Hindi ba mas mainam na engagement party muna ang pag-usapan natin? And then, bahala na sila to plan on their wedding,” salo ni Augusto ng parehong hindi sila sumagot.
“Oo nga naman, Juancho. Pabayaan na natin sila,” mabilis na sang-ayon ni Felomina. “I’m sure hindi naman tayo maghihintay ng matagal sa announcement nila. Di ba mga anak?”
Sabay naman silang nagpilit na ngumiti at tumango sa mga ito.
“Don’t worry, Dad… Tito… Tita… Sasabihan agad namin kayo kapag napag-usapan na naming dalawa ang tungkol d'yan. Sa ngayon, mas maganda siguro kung sundin muna natin ang sinasabi ni Dad. Engagement muna, right Penny?” malambing na wika niya sa katabing dalaga.
Bahagya naman itong natigilan bago nakuhang tumango.
“That’s a better idea,” anito at pailalim s’yang sinulyapan.
“So, how about choosing the rings?” hindi pa rin tumitigil sa pangingialam na tanong ng ama ni Penelope.
“Huwag n’yo na ring problemahin iyon. That’s my job anyway. Siguro ang mga guests na lang ang asikasuhin ninyo, dahil alam kong iyon ang mas importante sa ngayon,” suhestyon niya sa mga ito.
Tumango naman ang tatlo.
“Oo nga naman, Kumpadre.” Sabi pa ng ama niya. “We have to schedule the engagement next week. Kailangang maipaalam din ito kaagad sa publiko. Ano sa tingin mo?”
“Walang problema sa bagay na iyan, Kumpadre. Madaling gawan iyan ng paraan. Bukas na bukas din ay magpapalathala tayo sa dyaryo tungkol sa engagement nang dalawa. Then we will find a venue and plan some other details,” ani Juancho.
“I better suggest na sa amin na lang ganapin ang engagement party.” Augusto said.
“That’s a good idea!” mabilis na sang-ayon ni Juancho na kaylapad ng mga ngiti.
Nagpatuloy ang kanilang mga magulang sa pagpaplano ng mga ito, habang pareho lang silang tahimik sa pagkain ni Penelope.
Napuna niyang parang lumilipad ang isip ng dalaga. Ni hindi nito halos ginagalaw ang pagkain sa plato nito. She was also biting hard her lower lip na parang nagpipigil itong huwag maiyak.
Hindi na s’ya nakatiis. He leaned towards her and whispered, “Will you smile a bit?” utos niya rito. “Huwag mong ipahalata sa kanila na para bang katapusan na ng mundo,” dagdag pa niya.
Pinanlakihan lang siya nito ng mga mata at nanatiling walang kibo.
**
Mabilis na umakyat sa kanyang silid si Penelope pagkatapos makaalis ng kanilang mga bisita. Padapang ibinagsak niya ang sarili sa kama at nanatili sa ganoong posisyon ng ilang sandali. Pagkuwa’y naupo siya at inabot ang kanyang telepono.
“Adam…?” aniya sa gumagaralgal na tinig.
“Babe? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito ng mahimigang tila maiiyak na s’ya.
“We need to talk.” Mahinang sabi niya.
“About what?”
“You and me…”
“About us? Bakit? Anong problema sa ‘tin?” magkakasunod na tanong nito.
Huminga s’ya ng malalim.
“Ayokong bukas mabigla ka kapag nabasa mo ito sa dyaryo, kaya gusto ko ng sabihin iyon sa ‘yo ngayo pa lang…” simula niya at muli’y huminga ng malalim.
“What is it? Tell me… huwag mo na akong pakabahin pa nang husto,” naguguluhang sabi nito.
“I’m getting married and we need to end this now,” naluluhang wika niya.
“Wait, what…!? What did you say!?” gulat na gulat na tanong nito sa malakas na tinig. Narinig pa niyang may kung anong naglaglagan sa sahig.
“I’m so sorry, Adam… But I am already engaged to someone else. Sorry kung ngayon ko lang ito nasabi sa ‘yo,”aniyang hindi na maipinta ang sakit na nadarama.
Kung pwede nga lang takasan ang lahat ng nangyayari iyon sa kanya, ginawa na niya. But she can’t do that to her parents. Hindi niya kayang talikuran basta-basta ang mga ito. Siya na lang ang mayroon sila at ganoon din naman s’ya sa mga ito.
Wala sa loob na napahikbi siya.
“Tell me this is not true, Penelope…” mariing wika ni Adam sa kabilang linya. “Kaya hindi mo ba ako magawang maipakilala sa kanila dahil dito? Because I was just a freelance artist at hindi kayang tumbasan ang kayamanan ninyo?” galit ng sabi nito.
Mabilis siyang umiling na parang nakikita nito. “No… that isn’t true. I love you more than you ever know, and you know that. Nito ko lang din nalaman na may kasunduan na sina Papa at ang ama ng mapapangasawa ko,” paliwanag niya rito.
“At pumayag ka ng gano-ganuon na lang?”
“I… I don’t know what to do. Hindi ko kayang suwayin sina Papa,” umiiyak ng sabi niya.
“But you have your own mind for God’s sake! You’re already twenty-four Penelope! Hindi ka na dapat pinangungunahan pa ng mga magulang m,” nagtatagis ang mga bagang na wika nito.
“I’m really sorry, Adam… I’m really sorry…” paulit-ulit na sabi niya.
“I thought they loved you? Pero bakit ganito ang ginagawa nila sa ‘yo? Bakit ka nila pinipilit sa isang bagay na hindi mo naman gusto? Ni hindi mo nga kilala ng lubusan ang kung sinumang lalaking iyon na pinili nila para sa ‘yo.”
Hindi siya makasagot. Kahit anong sabihin niya rito ay hindi na magbabago pa ang sitwasyon nila. She has to let him go kahit na gaano pa iyon kasakit.
Adam is her first boyfriend at dalawang taon na rin silang magkasintahan. Nakilala niya ito sa isang event ng kompanya nila. Isa ito sa mga artist na na-feature nila ang gawa.
At first, napansin niya noon na may pagka-aloof at pagka-reserved ang binata. Hindi ito mahilig makihalubilo sa ibang tao, kaya napukaw nito ang atensyon niya. She tried to talk to him pero panay iwas lang ito.
And then, one time, may natanggap siyang bulaklak. Ipinadala iyon sa kanyang opisina sa Valencia Telecom at sa pagtataka niya, walang sender na nakalagay doon. Ilang beses iyong naulit, hanggang sa ito mismo ang nagdala noon sa kanyang opisina na naka-anyong delivery boy.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Hindi naman kasi kayang itago ng balat-kayo nito ang itsura ng lalaki. He’s tall, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, maputi at mapupula ang mga labi.
In short… gwapo.
Mula noon inaya na siya nitong lumabas-labas sila, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ito ng lubusan. Adam is a very kindhearted man. Maalalahanin ito, magalang, at masipag.
Noong una sinabi nitong gusto siya nitong maging kaibigan, hanggang sa eventually ay nanligaw na rin ito. At hindi naman niya iyon pinatagal pa. Sinagot niya kaagad ang binata, because she really likes him na nauwi sa matinding pagmamahal niya rito.
Pero sabi nga nito, sa tinagal-tagal na nilang magkasintahan ay hindi pa niya ito naipakilala ni minsan sa mga magulang niya. Alam niyang siya rin ang may kasalanan kung bakit ganoon. Ilang beses na rin naman itong nagsabi na gusto nitong pormal na magpakilala sa mga magulang niya pero hindi siya pumayag. Natatakot siya sa sasabihin ng mga ito at ayaw niyang masaktan si Adam, kaya hindi niya magawang maipakilala ito sa ama't ina.
And that’s her biggest mistake. Kung sana noon pa man ay ipinakilala na niya ang binata sa mga magulang, hindi sana makakaisip ang mga ito na ipakasal siya sa isang estranghero. Na bukod sa pangit na ang ugali ay may pagka-sadista pa.
At hindi maiwasang mag-flash sa kanyang isipan ang itsura ni Timothy.
May kalaguan ang itim nitong buhok pero bumagay naman iyon dito. Palaging seryoso kung makatingin ang mapanuri nitong mga mata na may mahahaba at makakapal na pilik. Matangos din ang ilong nito at may kakiputan ang mapupulang mga labi na hindi yata sanay na ngumingiti. Mapusyaw ang kulay nito pero hindi naman gaanong kaputian. Tamang-tama lang iyon dito. Matangkad din ito at nasisiguro niyang papasa bilang isang basketball player.
Siguro kung sa ibang pagkakataon ay nagustuhan na niya ito. But she already knew who he really is, kaya malabo ng mangyari iyon.
“Penelope… Are you still there?” untag sa kanya ni Adam mula sa kabilang linya.
Suminghot s’ya at mabilis na pinahiran ang namasang mga pisngi.
“I’m so sorry, Adam… pero kailangan na nating tapusin ito. You'll see the announcement tomorrow kaya wala na akong magagawa pa,” muli ay hingi niya ng paumanhin dito.
“No…! No, Penelope. Hindi mo magagawa sa akin ito. Hindi ako makapapayag!” At nawala na ito sa kabilang linya.
Mariin naman s’yang napapikit kasabay ng malayang paglalandas ng mga luha sa kanyang mga mata.
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri
“Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo
Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong