Share

Chapter 3

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2022-12-07 18:12:44

“What…!? Are you insane!?” nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa kanya. “Do even thinking?” dagdag pa nito habang taas-baba ang dibdib.

“I am not insane and yes, I am always thinking.” Seryosong sagot niya.

“But that was ridiculous!” palatak nito na bahagyang napalakas kaya napatingin sa kanila ang ibang customer doon. “Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin, lalo na ng mga nakakakilala sa mga pamilya natin kapag nakasal na tayo? That I was cheating on you? That I am an adulterer? No way!” Mariing tanggi nito.

Tumaas ang sulok ng labi niya.

“I was just giving you what you want. Both of us knew na walang pagmamahal na involved sa kasunduang ito, and I don’t want you to feel less important after we got married. Dahil ngayon palang ay uunahan na kita, running a business is my first priority and not building a family with you.” Paliwanag niya rito.

Mukha naman itong nasaktan sa sinabi niya dahil bahagyang lumungkot ang mga mata nito. Pero dagli rin iyong nawala at muling tumigas ang anyo nito.

“You could be with your boyfriend whenever you want, but not on special occasions. Kung ayaw mo namang huwag mapag-usapan ng ibang tao, then go to a place na walang nakakakilala sa ‘yo o sa akin. That’s the best thing I could do for you on bringing into this marriage. You have your own life before this, kaya walang problema sa ‘kin kung ipagpapatuloy mo iyon.”

Napailing naman ito. “I can’t believed you. I really can’t…” anito at pagak na natawa. “How can you even say those words when you know nothing about me?”

“I just want to give you some options. Nasa sa ‘yo naman kung pipiliin mong maging milinis ang konsensya o sundin ang sinasabi ng puso mo. Both of them won’t affect me. Ikaw lang naman ang iniisip ko. I know how women thinks lalo na kapag kasal na sila. Madalas ay mapaghanap sila kahit pa nga arranged marriage lang ito. And I don’t want that to happen to us. Ayokong magkaproblema tayong pareho pagdating ng araw.”

“Well, ibahin mo ako. I don’t mind if you do your own business and disregard me. Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo na maghahanap ako dahil ngayon pa lang, alam ko na kung anong pag-uugali merun ka. And it will never ever occur on my mind na magugustuhan kita. Pakatandaan mo ‘yan!” Mariing sabi nito sabay tayo at walang lingong-likod na iniwan s'ya doon.

Napailing na lang siya habang sinusundan ng mga mata ang babaeng papalayo.

Malinaw na niyang nasabi dito ang lahat nang gusto niyang mangyari. Naririto na lang kung ano ang pipiliin nito.

**

“Glad you make it!” nakangiting salubong sa kanila ni Mr. Juancho Valencia ng dumating sila sa bahay ng mga ito.

Inimbitahan sila doon ng mag-asawang Valencia para daw mapag-usapan na ang tungkol sa kanila ni Penelope.

“Of course! May isang salita naman ako Juancho at hindi ako basta-basta umaatras sa napag-usapan na,” wika ni Augusto Alvarez na malapad din ang pagkakangiti bago s’ya sinulyapan. “By the way, this is my second son Timothy. Timothy, this is Tito Juancho and Tita Felomina, your future in-laws.” Pakilala sa kanila ng kanyang ama.

“Good evening po, Tito… Tita…” magalang na bati niya sa dalawa na kinamayan pa si Juancho at hinalikan naman sa pisngi si Felomina.

“Good evening din, hijo.” Sabay na bati ng mga ito.

Hindi nawawala ang mga ngiti ni Juancho Valencia ng lingunin nito ang kanyang ama. “Hindi mo naman nasabi sa akin na napakagwapo at napakagalang naman nitong anak mo, Kumpadre. Bagay na bagay sila ng unica hija ko,” anito.

Gusto ng mapaismid ni Timothy sa narinig.

He still haven’t heard from her mula ng mag-usap sila. Akala niya wala ng balak ang babae na ituloy ang kasalang iyon, kaya’t nagulat siya ng makausap ang ama kanina at sabihin nitong iniimbitahan sila ng mga Valencia.

Kung alam lang ng mga ito kung paano umasta ang anak nila, baka mahiya pa ang mga ito sa harapan niya.

“And speaking of your daughter, where is she?” tanong ni Augusto sa mag-asawa.

“She’s in her room. Nag-aayos pa ng kanyang sarili kanina ng puntahan ko. Bababa na rin ‘yon,” tugon ni Mrs. Valencia.

“Mukhang pinaghandaan n'ya talaga ang pagdating naming ito, ah.” Komento pa ng Daddy niya ng lingunin siya.

Hindi naman siya umimik. Bagkus ay iginala niya ang mga mata sa loob ng bahay.

Very stylish ang design ng two-storey mansion ng mga Valencia na pinaghalong krema at malamlam na asul ang kulay. Moderno lahat ng kagamitan doon at napansin niyang mahilig sa painting ang mga ito. Nagmukha kasing art gallery iyon sa dami ng mga paintings na nakasabit sa dingding.

Nang mapadako ang mga mata niya sa may punong hagdan sa itaas ay tumambad sa kanya ang bihis na bihis na si Penelope.

Kabaliktaran sa mga simpleng suot nito nang dalawang beses silang magkita, she was wearing a dark blue spaghetti-strap dress na hanggang tuhod ang haba. Medyo hapit iyon sa bandang itaas, kaya't hindi noon maitago ang malulusog nitong dibdib. She was also wearing a makeup na hindi nakaligtas sa paningin niya dahil may kakapalan iyon. Her hair was tied-up in a french bun at nag-iwan lamang ng ilang hibla sa magkabilang tabi ng pisngi nito, giving her that classic but very elegant look.

She also looked very seductive pero hindi naman kabastos-bastos. And for him, she looked very stunning.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niyang bahagyang umismid ito. Pagkatapos ay dahan-dahan itong naglakad pababa nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga paningin.

“Is this Penelope?” namamanghang tanong ng kanyang ama.

Nakangiting lumapit naman dito ang babae at hinalikan ito sa pisngi. “Good evening, Tito Augusto.” Masayang bati nito.

“Why you looked so gorgeous , hija.” bulalas ng kanyang ama.

“Thanks Tito…” anitong hindi nawawala ang mga ngiti sa labi bago siya hinarap. “Hi, there.” At siya naman ang ginawaran nito ng halik sa pisngi.

Muntikan ng tumaas ang kanyang kilay sa inastang iyon ng babae ngunit mabilis niyang pinigilan ang sarili. Sa halip ay inakbayan niya ito, na ikinagulat naman nito. Napatingin ito sa kamay niya na nasa balikat nito, at pagkuwa’y sa kanya habang bahagyang nakaawang ang mga labi.

Napangiti s’ya sa sarili.

“You two make a perfect couple. Bagay na bagay kayo sa isa’t isa,” narinig niyang sabi ng ina nito na tila kinikilig pa.

Nilingon niya ito at ginawaran nang isang napakatamis na ngiti. “That’s because you have a very beautiful daughter, Tita…” malambing na wika niya sabay sulyap sa babae sa kanyang tabi, at bahagya pang pinisil ang balikat nito.

Napipilitang ngumiti naman ito sa kanila, pagkuwa’y mataktikang inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay dito. Hindi naman siya nagpapigil, dahil lumipat lang iyon sa bewang nito.

Napaigtad ito at hindi na napigilang tignan siya ng masama. Hindi naman iyon napansin ng kanilang mga magulang dahil nagpatiuna na ang mga ito sa dining room, habang masayang nagkukwentuhan.

“Don’t be so nervous. Hindi naman ako nangangagat,” bulong niya sa babae ng maramdaman ang tensyonadong katawan nito.

“I am not!” she hissed bago nauna na sa kanyang maglakad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Epilogue

    “Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 45

    Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 44

    Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 43

    "Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 42

    “Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo

  • Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1   Chapter 41

    Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status