Masayang-masaya ako dahil na ubos na naman ang paninda ko. Naglalako ako nang niluto kong pastel sa palengke . Ito 'yong kanin na nakabalot sa dahon ng saging na may ulam ng kasama. Ang kinita ko kahapon sa pagtinda naging doble na ngayon pero hindi parin ito sapat.
Ang kinikita ko sa pag pa-pastel ay sakto lang sa pang araw-araw na pangangailangan namin ni nanay. Kailangan ko pang rumakit ng ibang pagkakitaan para madali akong maka ipon ng pera pang opera niya.
Habang pa uwi ako naghanap narin ako ng tindahan na naghahanap ng tindera, kahit part time job lang basta mayroong kita. Hindi ko kasi pwede na iwan si nanay at walang magbabantay sa kanya. Wala siyang kasama sa bahay. Paano kung atakihin siya ng sakit niya sino ang tutulong sa kanya? Kaya wala akong matino na trabaho dahil inaalala ko siya.
Wala kaming kamag-anak rito hindi naman pwede na palagi nalang akong makisuyo sa kapit-bahay namin, may trabaho rin sila at wala akong ipang bayad sa magbantay kung magtatrabaho ako ng full time job.
"Liliane, mabuti nalang at nakita kita," nagpapanic na sambit ni Ante Anabelle at nagmamadali na lumapit sa akin.
"Bakit, ante. Anong meron?" Nagtataka na tanong ko dahil hindi naman kami close para magkamustahan.
"Nalaman ko kasi na kumakanta ka raw kaya sinadya kitang puntahan sa bahay ninyo mabuti nalang at nakita kita dito. Kasal kasi ng anak ko mamaya, nag back out kasi ang singer na kinuha niya kasi may ubo kaya pwede ba na ikaw nalang ang papalit? 3k din iyon. Pero kung kulang pa iyan sa talent fee mo huwag kang mag-alala dagdagan ko pa basta may kakanta lang ako na makuha para sa kasal ng anak ko."
" Sure, Ante. Ayos na sa akin ang 3k," malawak na ngiti ang ginawad niya sa akin sa tuwa. "Saan ho ba gaganapin ang kasal? "
" Sa malaking simbahan ng Catholic church sa Sagada. Mamayang alas dos ng hapon ang kasal."
" Sige ho, darating ako. Salamat at ako ang kinuha ninyo malaking tulong ito sa akin. "
Pagkatapos naming mag usap ay umuwi na kaagad ako upang mag ayos. Hindi ko ito pwedeng palagpasin. Malaking tulong na ang tatlong libo, kakanta lang naman ako doon. Naging wedding singer naman ako minsan pero masabi ko talaga na si Ante Anabelle ang galante sa kanila. Tulog si nanay ng madatnan ko. Tutal mamayang hapon pa naman iyon ay nagluto muna ako ng pananghalian niya bago umalis. Nang matapos magluto ay naligo na ako at nag ayos, hindi ako pwedeng ma late.
"Saan ang lakad mo, anak?"
Tanong ni nanay nang makita ako na nakabihis na. Bagong gising ang matanda napagod yata kanina sa pagtulong sa akin. Inalalayan ko siyang bumangon.
"Kinuha ako ni Ante Anabelle bilang singer sa kasal ng anak niya, Nay," masayang saad ko. "Hindi ko matanggihan, sayang ang 3k."
Naglagay ako ng kaunting lipstick at nagpulbo. Wala namang dress coding na sinabi si Ante kaya puti na bestida nalang ang sinuot ko. Nilugay ko na rin ang hanggang baywag na wavey kong buhok at nilagyan ng clip sa kaliwang bahagi upang hindi iyon tumabon sa mukha ko. Humarap ako kay nanay.
"Maganda na ba ako, Nay?"
Naka puppy eyes na tanong ko at matamis na ngumiti. Umawra pa ako sa harap niya na para bang isang modelo.
"Hindi lang maganda. Subrang maganda kahit walang make up."
"Yan ang tinatawag na natural beauty, Nay."
"Manang-mana ka talaga sa akin."
"Kaya nabihag mo si tatay," nawala ang ngiti sa kanyang labi at umiwas ng tingin, iyong pag-iwas niya hindi dahil sa nasaktan siya dahil binanggit ko ang pangalan ni tatay kundi parang nahihiya siya. .nag ba-blush. "Oy! Naalala niya si tatay," tudyo ko dito at sinundot ang pisngi niya. " Nag ba-blush ka, Nay. Yuckkk." natatawa na kantiyaw ko sa kanya.
" Iwan ko sayong bata ka kung anu-ano ang napapansin mo. Huwag mo nga isali dito sa usapan ang tatay mo, "nauutal na saad niya.
" Asus! Kinikilig ka lang, e. Kita mo, " tumawa ako. "Feeling teenager ka, Nay. What if lang, Nay, ha. What if lang naman. Kung sakali na babalik si tatay at babalikan ka niya hindi lang dahil sa akin kundi dahil mahal ka niya, anong gagawin mo, 'Nay? "
" Hindi na iyon babalik. "
" Ehh! Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ano nga, may chance ba? "
" Umayos ka na nga at aalis ka pa. At saka hindi na babalik ang tatay mo. "
" What if lang naman, ayaw pa sagutin," tumayo siya at lumabas ng kwarto." Sige na, 'Nay. "
"Bilisan mo riyan at aalis ka pa," sigaw niya mula sa labas hindi parin sinasagot ang tanong ko.
Ito ang unang beses na isinali ko sa usapan namin si tatay. Mula noong nagkamulat ako na walang ama isang beses ko lang siya tinanong kung nasaan si tatay at ang sagot niya huwag ko na itong hanapin dahil hindi na babalik si tatay sa amin. Kaya hindi ko na ito ulit itinanong pa kahit na banggitin man lang dahil baka ayaw ni nanay na marinig o banggitin man lang ito. Pero kanina nang banggitin ko si tatay I saw pain, longing, in her eyes at ang kagustuhan na makasama si tatay.
Hindi ko mapigilan ang malungkot habang tinititigan si nanay na naglalagay ng plato sa lamesa. Ang hirap ng sitwasyon niya, ang malayo sa lalaking mahal niya , ang mag isang mag alaga ng anak nila at sa araw-araw na paggising niya nakikita niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan na kahit anong pilit niyang kalimutan ang lalaking mahal niya may isang ako na araw-araw na nagpapaalala sa kanya.
"Sabay na tayo kumain, 'Nay, bago ako umalis."
Pinagsandok ko siya ng kanin at ulam at tahimik na kumakain, maya-maya nagsalita siya.
"Nak, pasensya ka na kung lumaki ka na walang ama, ha. Gusto ko mang sabihin sayo ang lahat lalo na ang tungkol sa ama mo pero mas maigi nalang siguro na wala kang alam tungkol sa kanya. Pasensya ka na kung ipinagkait namin sa iyo ang magkaroon ng buong pamilya. Hayaan mo, darating ang araw na malalaman mo rin ang lahat, ang tungkol sa ama mo. Huwag kang mag-alala hindi siya masamang tao. At nasisiguro ko na mahal na mahal ka niya. "
Hanggang makarating ako sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ang sinabi ni nanay parin ang laman ng isip ko. Sa sinabi niya mas lalo akong nasasabik na makilala at makita ang ama ko. Ngunit may kasabihan nga 'Mother knows the best' kaya pilit kong intindindin ang sinabi niya at tanggapin na hindi ko na makikita ang aking ama. Tadhana na ang bahala kung pagtagpuin niya ang landas naming dalawa.
Kinakanta ko ang paborito nilang kanta habang isa-isang naglalakad sa red carpet ang mga brides maid kasama ang grooms men na partner nila at ng groom kasama ang kanyang mga magulang na naghatid sa kanya sa harap ng altar. Nang pumasok na ang bride, nakita ko kung gaano ka emosyonal ang kanyang mapapangasawa habang tinititigan ito na papalit sa kanya.
Ganito talaga siguro kapag ikasal ka sa taong mahal mo at mahal ka. 'Yong hindi mo maipaliwanag ang saya na nararamdaman mo habang papalapit sayo ang babaeng mahal mo. Ganito rin kaya ka emosyonal ang lalaking mapapangasawa ko balang araw? Ano kaya ang maramdaman ko habang naglalakad ako sa pulang carpet suot ang magandang saya papalapit sa taong makakasama ko habang-buhay?
"In richer or poorer
in sickness and in health till death do us part."Sabay na bigkas nilang dalawa. At naghiyawan ang mga taong saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ng inanunsyo ng pari na sila ay isa ng mag-asawa.
Kung na mangha ako sa ganda ng design sa simbahan kanina, dito sa receiption nila halos malaglag ang aking panga sa subrang ganda. Puno ng mga white at pink roses ang buong paligid na mistulang isang garden na maraming alitaptap sa dami ng maliliit na ilaw na kumukuti-kutitap. Ang engrande. Sabagay, mayaman naman sila lalo na ang napangasawa niya. Para akong nalula sa subrang ganda ng paligid.
Alas otso na ng gabi nang makauwi ako. Hindi pa tapos ang party nila pero dahil wala na akong papel doon ay umuwi na ako dahil baka naghihintay si nanay sa akin at mapuyat pa, bawal sa kanya iyon.
"Thank you so much Liliane, hindi nagkamali si mama na ikaw ang kinuha niyang maging wedding singer ko," saad ni Analuo.
" Walang anuman. Salamat din at ako ang kinuha ninyo, Ante Anabelle. "
Nagpa-alam na ako sa kanila na uuwi na ako. Ang tatlong libo na usapan namin ni Ante ay ginawang limang libo ng kanyang anak dahil ang galing ko raw. Pagdating ko sa tapat ng bahay sumalubong sa akin si Ante Jona na humahangos.
" Mabuti at dumating ka na, Liliane, ang nanay mo isinugod sa ospital, nadatnan ko kanina na nakahandusay sa loob ng bahay ninyo nang dalawin ko siya."
Parang bomba na sumabog sa aking harapan ang sinabi ni Ante Jona. Halos liparin ko ang papuntang sakayan sa takot at kaba na naramdaman ko sa balita na narinig ko. Halos manlumo ako nang malamang nasa E.R si nanay.
"As soon as possible kailangan na siyang operahan," Doctor Mariano said.
" Iligtas niyo po ang nanay ko, Dok. Iligtas niyo po siya. "
Sa mahigpit pitong taon na paghahanap ko sa babaeng nagpatibok ng puson ko--este ng puso ko, finally nakita ko na siya.Kagaya noong unang gabi ko siyang nakita, umaawit siya, nang paborito kong kanta. Ang tagal ko siyang hinintay. Ang tagal ko siyang hinanap. At ngayong natagpuan ko na siya, hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sa akin muli. Ginawa ko ang lahat ng paraan para mapalapit sa kanya kahit ramdam ko na ayaw niya sa akin. Hindi ako sumuko. Kahit may ibang lalaki na naka gusto sa kanya, kahit may taga-sundo siya, ka call mate. Still, hindi ako sumuko.Pinaramdan ko sa kanya na mahal ko siya. Pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka gusto, pero wala talagang chance na makapasok ako sa buhay niya.Kahit akitin ko siya. Kahit ipamukha sa lahat ng tao kung gaano ko siya ka mahal, wala paring epekto. Lalo lang siyang nagalit sa akin. Lalo lang siyang lumayo sa akin.I love her. I want her to be mine kaya kahit anong pagtaboy niya sa akin, kahit anong pagtakbo niya palayo
“T-Teka..sandali..” he breathlessly said. Hubo’t hubad kaming dalawa sa ibabaw ng kama. He was the top on me, kissing me passiontly while his other hand massaging my breast. Ang kamay ko nasa kanyang pagkalalaki, hinihimas ko iyon pataas-baba sa mahinang retmo.“Stop m-moving, love..” aniya ngunit hindi ko siya sinunod. I claim his lips. “Ohhh!!” he groan when I suck his lower lip. Binilisan ko ang pag galaw ng kamay ko hanggang sa isang mainit na likido ang bumalot sa ibabaw ng puson ko.Huminto ako sa ginagawa ngunit naroon parin ang kamay ko. Nakaawang ang aking labi nang maramdaman ang kanyang pagkalalaki na kumikibot-kibot sa loob ng palad ko. Napakurap nalang ako na sinundan siya ng tingin nang umahon siya sa ibabaw ko.“Sabi ko naman na huwag kang gagalaw,” mahinang sabi niya nang punasan niya ang sariling dumi sa ibabaw ng puson ko. Hindi siya makatingin sa akin.“You came that fast?” hindi makapaniwalang usal ko. Mahina akong tumawa nang makita ang pamumula ng magkabilang ta
Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta kami s a bahay nila Janice, dalawang linggo ko na rin iniiwasan si Ethan. Palagi akong nagdadahilan kapag yayain niya ako mamasyal, hindi rin ako sumasama sa kanya sa Millanic at sa ibang lakad niya. Umuuwi kaagad ako sa mansiyon nila pagkatapos kong ihatid si Zaylon sa school.Nagtataka siya kung bakit ako ganito sa kanya. Gusto niya ako kausapin pero umiiwas ako. Ang dami kong dahilan hindi lang kami magka-usap dalawa. Hindi naman siya nagpumilit pero ramdam ko na nasasaktan siya. Sa ginawa kong pag-iwas tila naputulan siya ng kasiyahan.“Love,” tawag niya sa akin, nagsusumamo ang tinig ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. “Sabi ni Nenita, sumakit raw ang ulo mo kahapon.”Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya nang tumayo ako at pumunta sa closet. I heard him sigh nang hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang mabigat niyang yabag sa paghakbang papalit sa akin kaya inabala ko ang sarili sa pagkuha ng damit na dadalhin
Narinig niya lang ang salitang 'Mahal Kita' namutla na ito at hinimatay pa.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya o humingi ng tulong sa labas. Sa huli, tumayo ako at tarantang binuksan ang pintuan. Nagkagulatan pa kami ni Enrico pagkabukas ko ng pinto nang mabungaran ko siya. Anong ginagawa niya rito?Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi nang makita ang kuya niyang nakahandusay sa sahig. "What happened to him?" tanong niya nanatili paring nakatayo sa labas ng naka awang na pinto."Eh, sinabi ko lang naman na mahal ko siya—,"Enrico laughed loudly. Napangiwi ako. Pinagtawan ba naman ang kapatid. Sayang-saya sa nangyari sa kuya niya, na luha pa ang mata niya sa kakatawa. Natigil sa paghakbang papasok si Zaylon na kakarating lang nang makita ang tatay niya. Umawang ang maliit nitong labi sa gulat at takot. "DADDY KO!!!!" sigaw nito nang matauhan. " Patay na ang daddy ko!!!" atungal niya at tumakbo ito palapit sa ama.Tinapik ko ang braso ni Enrico. Tumig
“Tahan na…”Hinalikan ko ang kanyang noo. Pinatakan ko rin ng halik ang kanyang mga mata, ang dulo ng kanyang ilong pababa sa kanynag labi. Humigpit ang pagykap niya sa baywang ko. Nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Hindi ako gumalaw.He kissed me softly. Nanginginig pa ang labi niya dahil sa paghikbi. Marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi kung saan patuloy na dumadaloy ang kanyang luha.“Tahan na…” I whisper in between the kiss.Hinayaan ko siya nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko. Tina-tap ko ang likod niya dahil ayaw parin matigil sa pag iyak. Iniyak niya lahat ang bigat sa dibdib na pasan niya sa mahabang panahon. Sinabi niya sa akin kung ano ang nasa puso at isip niya. Na Wala siyang pakialam sa iisipin ko sa pagtangis niya habang yakap ako. Kundi pinapakita niya na hindi lang ako ang nahihirapan sa loob ng pitong taon, na hindi lang ako ang nag aasama na makasama at makita namin ang isat isa. And I’m so proud of him, dahil pinakita niya sa akin ang kahinaan niya. PI
" May sakit ako… May brain tumor ako, Ethan…"My voice broke. Nanghihina na napaluhod siya sa sahig sa sinabi ko. Nanatili akong nakatayo, pilit pinatatag ang sarili na hindi manghina sa harapan niya."Anumang oras mamamatay ako… But, I will die peacefully.. dahil nandito ka na kasama ang anak natin. "Umiiling siya, paulit-ulit. Ayaw tanggapin ang mga sinabi ko." Hindi ka pwedeng mamatay…” nabasag ang tingi niya. “ Gagaling ka. Naintindihan mo?! Gagaling ka.!" Umiling ako." Wala ng kasiguraduhan na gagaling ako. Masayang lang ang pera--,"."Magpagamot tayo!" he sobbed. "Magpagamot ka! Kahit maubos ang pera ko wala akong pakialam gumaling ka lang. Huwag mo lang kami iwan, Yanie. " Nanginginig ang kamay na inabot niya ang palad ko. He hugged my legs, trembling, crying. “ Gagaling ka pa… "Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi nang magpantay kaming dalawa. "May tumor ako sa utak, Ethan… Tumor, Ethan.. Hayaan mo na ako. Narito ka na naman para kay Zaylon at alam na niya ang k