Tulala ako, hanggang sa trabaho iniisip ko kung paano solusyonan ang problemang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ng ma operahan si nanay sa lalong madaling panahon dahil kung hindi . . hindi ko alam kung hanggang kailan niya iindahin ang sakit niya. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan kaya habang maaga pa, habang hindi pa malala ang kalagayan niya kailangan ay ma operahan na siya.
Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? Hindi sapat ang ipon ko. Wala rin akong mautangan. Isa lang ang paraan ang naisip ko pero nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba. .kung kaya ko ba. Pero para ito kay nanay. Huminga ako ng malalim at tumayo, kinakabahan na naglakad palapit kay Madam Jinky. Nanginginig ang kamay ko na umupo sa harap ng counter bar kung saan banda siya naka-upo.
"Madam Jinkz."
Pukaw ko sa kanyang atensyon. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit agad din namang nakabawi.
"Lil, anong kailangan mo? Kamusta na pala ang nanay mo? Nabalitaan ko kay Sean na nasa ospital siya akala ko nga hindi ka makatugtog ngayon."
"Kailangan na ho siyang operahan Madam Jinkz," I let out a heavy sigh. "Kaso ang sabi ng doktor kailangan daw muna mag down payment ako ng kalahati bago siya operahan kasi iyon raw ang policy nila."
Bumalantay ang awa sa kanyang mukha. Si Madam Jinky ang may ari nitong bar na tinutugtogan ko, matagal ko na siyang kilala dahil siya ang may hawak ng mga bugaw dito sa Sagada na kanyang ibibinigay sa kanyang customer kapag naghanap sila.
Kaya lang ganid sa pera ang napangasawa niya, ang lahat ng kita niya dito sa bar ay napupunta lahat sa kanyang asawa dahil kung hindi sakit sa katawan ang aabutin niya sa bugbog. Na awa ako kay madam kasi siya ang may-ari ngunit parang wala siyang karapatan sa kita ng negosyo niya.
May kinuha siya sa ilalim ng kahera at ibinalot iyon sa tissue at palihim na inabot sa akin. Nagtataka at nagtatanong na tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Ano 'to, madam? Ipabenta mo ba ito sakin?"
Kinakabahan na tanong ko dahil baka droga ito at ipabenta niya sa akin para magka pera ako.
"Gaga, hindi 'yan droga. Pera 'yan, kaunting tulong ko sayo. Pasensya ka na kung iyan lang ang maibigay ko sayo."
"Maraming salamat dito, madam," naluluha na sambit ko. "Hindi ko ito tatanggihan, malaking tulong na ho ito sa akin."
"Pasensya na iyan lang kasi ang mayroon ako, alam mo naman lahat ng pera ko nandoon sa asawa ko."
"Ayos na 'to, madam, malaking tulong na ito. Saka nga pala, bago ko makalimutan kaya ako lumapit sayo, madam, dahil hihingi sana ako ng pabor sayo," nahihiya na ani ko dito.
"Ano 'yon?"
I swalowed hard dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. "Pwede bang mag request. .na kung may costumer kayo na naghahanap ng babae. .pwedeng ako nalang ang ibigay ninyo?"
"Ibig mong sabihin ay ibugaw kita?" naniniguro na tanong niya. Tumango ako. "Naku Liliane, sinasabi ko sayo hindi kita kayang ibenta sa mga costumer ko."
"Sige na Madam," I pleaded." Promise isang beses lang."
Umiling siya. Ayaw niya sa hiling ko.Ayaw ko din naman ito pero wala na akong ibang choice upang mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay.
"Sige na Madam. Isang beses lang promise, para kay nanay. Ito lang talaga ang mabilis na paraan ang naisip ko."
Napabuntong-hininga siya.Pinag-iisipan ng mabuti kung papayag ba siya sa hilig ko. Kung may ibang paraan lang para mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay hinding-hindi ko hihilingin ang bagay nato kay Madam Jinky. Kaso wala e. Kung aasa ako sa kinikita ko araw-araw baka malamig na bangkay na ang aking ina bago pa ako maka ipon ng sapat na pera.
"Pag-isipan ko. Alam mo naman na ang mga costumer ko ay hindi nababagay sa ganda mo. Naku! Kahit ako hindi ako papatol sa kanila."
"Thank you, madam."
Saglit pa kaming nag-usap bago ko siya iniwan doon dahil kami na ni Kuya Sean ang susunod na mag perform. Alam ko mali ang paraan ko para ko para kumita ng pera para sa buhay ng ina ko pero sa ngyon hindi ko na iyon iniisip. Para sa akin tama ang gagawin ko dahil minsan ko lang naman isakripesyo ang buhay ko para sa mahal kong ina kumpara sa sakripisyo niya sa akin.
"Magandang gabi sa lahat!" pagbati ko.
Naghiyawan ang mga tao ang iba itinaas pa ang bote ng alak na hawak nila.
"Ang awiting ito ay para sa mga taong sawi sa pag-ibig. .iniwan. .niloko. .pinaasa. Para sa inyo 'to sabayan niyo ako."
Nagsimula nang mag strum si kuya ng kanyang gitara. Hindi paman ako nagsimula na kumanta may ngumawa na, nang tingnan ko isang babae ang umiiyak at inaawat ito ng mga kasama niya. Sa tingin ko mga college student sila. Kadalasan kasi kapag biyernes halos mga college student ang tao dito sa bar.
Muli kong tiningnan ang babae, alam kaya ng parents niya na naglalasing siya? Napangiwi ako nang lumakas ang iyak niya nang sinimulan ko nang bigkasin ang unang leriko ng kanta. Ganyan pala kapag na broken hearted ang isang babae? Ang mag lasing at parang bata na ngumawa dahil iniwan ng kanyang ina. Nakakatakot pala ang masaktan, parang ayoko nang subukan ang magmahal baka matulad ako sa kanya kapag nasaktan ako.
"Lil, may nag request tatlong kanta. Tatlong libo ang tip."
Alanganin ang ngiti na iginawad ko kay Jonny nang iabot niya sa akin ang papel kung saan nakasulat doon ang kantang ni request ng costumer at ang tatlong libo na tip. Hindi naman sa ayaw ko sa tip na binibigay niya at ang pag request niya ng kanta, pero nahihiwagaan lang ako sa tao na ito dahil ang laki ng pera na ibinibigay niya.
Noong una, akala ko magka-ibang tao sila pero nang tingnan ko ang sulat kamay niya pare-pareho lang lahat. Nang tanungin ko si Jonny kung kilala niya ang tao na ito ang sabi niya ay hindi niya ito kilala at hindi niya rin nakita ang pagmumukha nito dahil lagi itong may suot na facemask. Hindi naman daw siya nag order ng alak o ibang maiinom, naka-upo lang ito sa isang sulok hanggang sa matapos akong tumugtog.
Nang sumunod na araw ay ganoon parin ang misteryosong lalaki na nag re-request lagi ng kanta. Palaging tatlong kanta ang ni re-request niya at tatlong libo na tip. Sa tatlong gabi ko na pagtugtog ay naka siyam na libo ako na natanggap sa kanya. Linggo. Pagkatapos ng tugtog ko ay nilapitan ko si Jonny at tinanong kng saan banda naka-upo ang lalaki. Pinuntahan ko ang upuan na tinuro niya ngunit laglag ang aking balikat nang makita na wala ng tao na naka-upo doon.
"Gusto ko lang naman magpasalamat."
Mahinang bulong ko sa kawalan at nilisan ang lugar. Kung sino man siya, hulog siya ng langit dahil ang laki ang naitulong niya sa akin. Siya lang ang bukod tangi na nag tip sa akin ng isang libo kapalit ang isang kanta.
"Salamat sa pagbantay, Ante Jona," ani ko sa matanda at inabutan ng limang daan.
Umupo ako sa plastik na upuan sa gilid ng kama ni nanay. Mahimbing ang kanyang tulog. Payapa ang kanyang maputla na mukha. Hindi ko napigilan na haplusin ang pisngi niya.
"Gagaling ka, Nay. Gagaling ka at hindi mo na maramdaman ang sakit na nararamdaman ninyo ngayon. Pangako ko iyan, Nay, gagawin ko ang lahat gumaling ka lang."
Hinayaan kung tumulo ang mga luha ko. Hawak ang kanyang kamay sinubsob ko ang aking ulo sa higaan at ipinikit ang aking mata na puno ng luha.
Dahil nga nandito sa ospital si nanay pansamantala na natigil ang pagbebenta ko ng pastel. Dahil dito kaya nahimatay si nanay. Kung hindi ko siya hinayaan na tumulong sa akin noong araw na iyon sana wala siya dito sa ospital ngayon.
Isang linggo na ang lumipas, isang linggo narin si nanay dito sa ospital. Walang progress at tanging operasyon lang ang paraan upang gumaling siya ngunit hindi iyon maisagawa dahil wala akong sapat na pera upang ipang down payment sa kanila.
"Lil," tawag sakin ni Madam Jinky." Ituloy mo parin ba iyong sinabi mo sa akin noong nakaraan? Don't worry binata 'to, walang sabit. Gwapo, yummy bagay na bagay sa ganda mo. Ano game?"
"Wala bang asawa na susugod 'yan dito kung sakali?" kinakabahan na tanong ko.
"Wala. Siya mismo nagsabi. Walang sabit, walang gulo. At syempre malinis siya. .I mean wala sakit na ipapasa sayo."
"Game," walang pag-alinlangan na sambit ko. "Kailan daw?"
"Ngayon na. Tara, ihatid kita sa kanya."
Walang salita na sumunod ako sa kanya. Isang gabi lang kapalit nito ay ang maayos na buhay ni nanay.
Warning 🔞: Not suitable for young readers.Nanlalamig ang mga kamay ko, namamawis ako sa kaba habang nakasunod sa likod ni Madam Jinky. Paano kung hindi pala siya gwapo, paano kung dugyot pala siya, isang mataba na matanda at mabaho ang hininga? Santisima, makayanan ko kaya tumabi sa kanya ng isang gabi? Baka bumuka palang ang bibig niya hinimatay na ako sa amoy patay niyang hininga. Panginoon, ‘wag naman sana.“Mr. M.”Nahinto ako nang may tinawag si madam. Muntik na akong matumba nang umangat ng tingin ang lalaking tinawag niyang Mr. M, ngumiti siya sa akin at hinimas ang kanyang baba na may makapal na bigote. Napalunok ako ng mariin at bahagyang umatras ng umayos ito ng pag upo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, na ang sinabi ni Madam JInky ay kabaliktaran pala. Halata naman na isa siyang mayaman pero sa hitsura at porma niya para siyang isang matandang manyakis na ilang taon nang tigang. Mataba at malaki ang tiyan, ang kan
“Maglinis ka muna ng katawan mo para mabawasan ang kirot sa ibaba mo.”Hinablot ko ang kumot at binalot ang katawan ko nang tumingin siya sa ibaba ko. Kakalabas niya lang ng banyo at wala siyang suot na kahit ako sa kanyang katawan. Huli na rin para umiwas ako ng tingin dahil narito siya sa harapan ko binabalandara ang kanyang kahabaan.“C’mon.”“Ako na, kaya ko.” Tanggi ko nang akma niya akong buhatin. Napangiwi ako nang sumilay ang kirot sa ibaba ko nang gumalaw ako.“Hoy!” gulat na hiyaw ko nang hablutin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko.“Nakita ko na iyan, nadilaan at nahawakan pa. Bakit mo pa itatago?”Napatanga ako, hindi makapaniwala sa salitang binitawan niya. Hindi na ako pumalag nang kargahin niya ako at dinala sa loob ng banyo. Maingat niya akong ibinaba. Akala ko ay aalis na siya pero ganun nalang ang gulat ko nang paandarin niya ang shower at pinaliguan ako.Napalibutan ng salamin ang loob ng banyo kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya sa likuran ko. Nang magt
“Kuya, pwede ba maki-awit d’yan?” Tanong ko kay kuya na naka assign sa mga appliance's.“Sige ba.” Aniya at inabot sa akin ang mikropono.Ilang taon na ba noong huli akong humawak ng mikropono? Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko na tanda kung kailan ko ito huling nahawakan. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa mop na araw-araw kung kasama at doon kumuha ng suporta. Nanibago ako. Makaraan ang anim na taon wala ng ibang tao na nakarinig sa boses ko na kumakanta. Matapos ang operasyon ni nanay tumigil na ako sa pagkanta at ngayon lang ako ulit sumubok muli.Habang kumakanta ako, may mangilan-ngilan na tao ang napapatigil upang panoorin ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. Memories from the past flashback on me. Music heals buts sometimes lyrics kills. Kaya ako tumigil sa pagkanta matapos ang araw na iyon dahil sa bawat bigkas ko ng aking awitin, sumasagi siya sa isipan ko. . . Ang isang tao na nagbago sa buhay ko. . A one night mistake that changed my l
Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso parin sa aking isipan ang ginawa ni Ethan. Mariin parin ang kanyang halik sa labi ko na hindi ko magawang tugunan. Para akong naparalesa sa biglaang ginawa niya. Pinagloloko lang pala ako ng tao na 'to. Ibang linis pala ang tinutukoy. Bago pa dumapo sa kung saan ang kanyang kamay, natigil siya sa kanyang maglamusak sa labi ko nang may kumatok.Naka-awang parin ang labi ko hanggang sa maghiwalay ang labi naming dalawa. He licked his lips. Kinagat niya ang ibabang labi at nakangisi na sinalubong ang tingin ko, para bang nasiyahan siya sa ekspresyon na mayroon ako. Natinag lang ako nang may kumatok ulit sa pinto."Sir, the meeting will start in 30 minutes," anunsyo ng kanyang sekretarya sa labas."Prepare my things. Aalis tayo in 5 minutes," sagot niya sa akin parin ang tingin.Napa atras ako ng dumukwang siya ngunit mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya."Ano ba!" Nagpupumiglas na singhal ko sa
Sa kagustuhan kong makalayo agad kay Ethan, hindi ko binigyan pansin ang rota ng jeep na sinakyan ko. Basta lang ako sumakay natatakot na baka sundan niya ako. Mabuti nalang at nahimasmasan kaagad ako sa padalos-dalos na ginawa ko.“Para ho!” ani ko at nag abot ng sampong piso at mabilis na bumaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nilakad ang sakayan ng jeep pa uwi sa amin. Sa dulo ako umupo, habang hinihintay na mapuno ang loob ng jeep naglakbay ang isipan ko.Kapag hindi tumigil si Ethan sa ginagawa niyang paglalandi sa akin baka lalo ko lang siyang mamahalin, baka sa puntong ito hanap-hanapin ko na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya. KUng katulad parin ba ng dati na isa lang akong pampalipas oras, parausan, lapitan kapang may kailangan siya.Hindi na ako katulad ng dati. Natuto na ako sa pagkakamali ko. HIndi na ako masisilaw sa pera dahil sa kagustuhan kong kumita kaagad. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko na iyon uulitin pa,
Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita."Yanie -,""Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin.""5 minutes.""Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin.""Nagpapalandi ka naman."Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto."Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niyaTina
Kapag rest day ko hinahayaan ako ni nanay na magpahinga, matulog at humulata buong maghapon. Wala naman raw akong gagawin kaya maigi na magpahinga na lang raw ako. Dapit hapon na nang magising ako na ipinagtaka ni nanay.“Hindi ka nag agahan pati kaninang tanghali hindi ka kumain,” aniya habang sinusuri ako ng tingin. “May problema ka ba? May sakit ka? Hindi kasi kita nakitang gumising,” nag-alala na saad niya.Napakamot ako ng ulo. “Masama ang pakiramdam ko kagabi. Hindi ko nasabi sayo kasi tulog ka na nang makarating ako,” huminga siya ng mamalim, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Patagilid ko siyang niyakap. “‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Sinulit ko lang ang tulog ko at saka may biscuit ako sa kwarto, iyon ang almusal ko kanina.”Natawa ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. “‘Wag mo ng uulitin yun ,ha? Makatikim ka sa akin. At, diba bilin ko sayo gisingin mo ako kapag-,”“Hindi na po ma ulit, Nay.” “Ikaw talagang bata ka,” konsomesyon na sambit niya.Nilingon ko si nanay na na
Nagitla ako nang hawakan niya ang palad ko, mabilis kong hinila iyon at itonago sa ilalim ng mesa. Baka may biglang pumasok at makita kami na nasa ganong posisyon baka ano pa ang isipin nila."Yanie, tinatanong kita kung iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit sa malumanay na tono. "Ano sa tingin mo?" Pagalit na tanong ko sa kanya at ginawaran siya ng masamang tingin.Umalon ang kanyang lalamunan, umayos siya ng tayo at malamlam ang mata na pinakatitigan ako."May ginawa ba ako-,""Marami, at hindi ko gusto."He cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka makita."Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?"Kaya, sorry kung palagi akong pumupunta dito para makita ka kahit aware ako na baka mayroong makahalata. "Hindi na nasundan ang pag uusap namin nang pumasok si Amy, kasunod ang mga lalaki. Natigilan pa sila nang makita si Ethan. “Good evening, sir.” magkasabay na bati nila. Tinanguan lang sila ni Ethan pagkatapos bumaling ulit sa akin at bi