Nagpalit muna ng damit si Larry upang maprotektahan ang kanyang buong katawan mula sa init na mararamdaman bago tuluyang lumabas ng gusali. Sabik na sabik na rin siyang magpunta muli sa may boundary kahit na alam niyang pinagbabawal ito. Ilang beses na rin niyang magtangka na tumakas ngunit ito'y kanyang ikinabigo dahil sa sobrang higpit ng seguridad ang mayroon ng surface.
Nasasabik na siyang magpunta sa may boundary ngunit ikinatigil niya ang kanyang mga hakbang nang bigla niyang marinig ang kaunting kulabog sa kabilang sulok.
"Ano iyon?" Agad niyang isinuot ang retinal device upang malaman kung ano ang naging kaganapan.
Nang tuluyan na niyang isinuot ang retinal device, isang maliit na pulang tuldok lamang ang kanyang napansin habang ito ay kumukuti-kutitap at papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula na ring yumanig ang kanyang dibdib kasabay nang malalakas na mga kulabog habang bumibilis ang pagkilos nito papunta sa kanya.
Tila pinigilan ni Larry ang kanyang paghinga upang ihanda ang sarili. Nagsipatak rin sa sahig ang naglalakihan niyang mga pawis habang naghihintay naman siya ng tamang tyempo.
Sa patuloy na pagbuhos ng kanyang nerbyos, hindi niya lubusang maisip na ang pulang tuldok na iyon ay isa palang kuneho na naligaw. Agad siyang napabuntong-hininga nang kanyang mapagtanto na isa lang pala itong hayop. Dali-dali naman niyang dinampot ang kuneho upang ibalik ito sa lungga ngunit laking gulat niya rin nang may biglang nagsalita. Isang boses ng lalake na nanggaling sa mismong sulok. Hindi rin niya matukoy kung kaninong boses iyon dahil ngayon lang din niya ito narinig.
"Grabe! Ang sasarap talaga ng mga pagkain. Ngayon lang ako nakatikim ng mga ganito. Ibang klase!" Ito lamang ang mga katagang nagbigay ingay sa buong sulok.
Hindi naman maintindihan ni Larry ang bumibigat na kanyang nararamdaman. Mas lalo pa niyang ikinagulat nang mapansin ang pulang bilog na lumalaki at nag-iibang hugis. Isinet din niya ang retinal device sa malakihang megapixels upang mas magzoom-in pa ito. Sa hindi inaasahan, siya'y napalunok sa kanyang nadiskubre. Doon na niya napagtanto na may ibang tao na palang nakapasok at hindi na nga siya nag-iisa.
Sa isang sandali, naghihingal na itong si Feng nang nagpunta siya sa may gusali. Buong akala niya'y malapit lang ito sapagkat sadyang mabagal lang talaga ang kanyang naging kilos na wari bang hindi na niya kayang matiis ang sikmura niyang gutom na gutom.
Ilang minuto din ang lumipas ay ikinatuwa niya ang kanyang pagdating. Halos maibtan siya ng mga tinik sa dibdib nang bahagyang napasandal ang kanyang katawan sa pader ng gusali. Ngunit, ipinagtaka naman din niya kung paano siya makakapasok doon.
Iba kasi ang naging desenyo ng gusaling iyon. Mga naglalakihang pader nito ay gawa sa isang makakapal na mga salamin at hindi lang ito basta-basta na salamin lang. Ang mga ito ay maganda, kaakit-akit, at nagdaragdag ng kaunting misteryo sa isang pamumuhay na hindi kayang gawin ng mga tradisyunal na tahanan. Halatang pinag-aralan at ginastusan ng oras upang makapag-isip ng ilang mga hindi kapani-paniwalang ideya para sa isang gusali na katulad nito.
"Woah. Ibang klaseng bahay na ito, halos puro salamin ang mga naging pader. Wala yata silang pinto, paano na ako makakapasok ngayon?" Pagtataka niya sa sarili habang nag-iisip ng paraan.
Ang gusali ay may anim na palapag at napaka-simpleng tingnan na naging mas dramatiko pa dahil sa eleganteng desenyo. Ang pabilog na hugis nito ay lilitaw halos na maliit sa buong paligid, ngunit ang buong sukat naman ay mas malawak pa sa inaakalang modernong bahay. Bagaman hindi lahat ay gawa sa salamin; ang sahig, kisame at bubong nito ay gawa sa iba't ibang mga materyales. Makabagong teknolohiya na rin ang mga muwebles nito sa loob na halos lahat ng mga kagamitan dito ay automatic, kontrolado ng administration system at may futuristic na mga desenyo.
Ilan sa mga sustainable features naman ng gusali ay may kasamang mga photovoltaic panel na nagbibigay ng ilaw pagkatapos ng paglubog ng araw. Nagtatampok din ito ng geothermal na enerhiya at cooling. Ang mga triple-glazed windows naman na nakadikit sa mga pader at tumabon sa buong gusali ay nagbibigay ng lahat ng natural na ilaw na kinakailangan upang magaan ang bawat silid sa loob.
Mayroon din itong controller system sa bawat silid upang itakda ang nais na ambiance, mood, ilaw, at temperatura para sa bawat bahagi ng mga sulok. Pinapatakbo din ng system nito ang malawak na pag-setup ng audio-visual, mga kurtina at blinds, at kinokontrol nito ang elektronikong photochromic na salamin na maaaring magpapadilim. Walang kaalam-alam si Feng na ang gusali na iyon ay isa palang health facility sa isang taong may kondisyon sa paningin tulad ni Larry.
Nagmasid-masid muna siya sa paligid at dahan-dahan ding napakilos. Halos nilibot niya ang buong gusali upang makahanap ng pwedeng mapapasukan. Kinalaunan sa kanyang paglilibot ay natyempuhan niya sa loob ang mga putaheng nakakatakam na nakalatag sa may touchscreen tabletops sa loob.
"Wow! Ang dami naman!" Pagtatakam niya agad sabay diin sa pader at nakuha pang dilaan ito.
Doon na siya naghanap ng kung anu-anong paraan at minabuti ang pagpasok na hindi man lang mapapansin. Maswerte naman ding may nakabukas na pinto at walang nakahalata sa kanya na mga androids kahit na nagbuhos nang kaunting mga yabag ang nasasabik niyang mga hakbang. Nang tuluyan na siyang nasa loob, mabilis naman siyang nagtungo sa may silid.
"Grabeh! Hulog ka ng langit. Ikaw ang sagot sa aking mga dalangin,” ngiti niyang sambit sa harapan ng pagkain.
Agad naman niyang inakma ang mga putahi at mabilisang hinabhab ang mga ito. Halos mabilaukan siya sa paglamon at nakuha pang dumadaing habang nilalasap lang niya iyon ng maigi. Ngunit, sa hindi inaasahan ay nagulat siyang may biglang sumunggab na nagkakalat na mga kuneho at agad naman niya itong ikinatigil.
"Ano ba na naman kayo, kumakain ako dito oh. Kung gusto niyong sumabay sa akin huwag niyo naman akong gulatin. Parang aatakehin niyo ako sa puso,” sabi niya sa mga ito na halatang gulat na gulat.
Habang pinapatuloy ni Feng ang masarap na sandali, umingay naman ang buong paligid nang nagsilaglagan ang mga mamahaling pinggan. Hindi niya ito pinansin sa halip ay napakuha pa ng ilang putahe at buong tapang na sinubo iyon lahat.
"Grabe! Ang sasarap talaga ng mga pagkain. Ngayon lang ako nakatikim ng mga ganito. Ibang klase!" Sambit pa niya sa kanyang sarili.
Halos naubos niya ang mga putaheng nakalatag sa may touchscreen tabletops na talagang makikita sa kanyang sikmura ang pagiging panalo sa laban. Pagkatapos niyang kumain, naghanap agad siya ng maiinom at mabilis na napabukas sa may pridyider. Ngunit, kanya namang ikinainis nang ito ay hindi niya makakayang buksan. Nagsilaglagan na rin ang iba pang mga gamit dahilan upang magkaroon na naman ng malakas na ingay sa buong sulok.
"Huwag kang kikilos!" Ikinalaki naman ng kanyang dalawang mga mata nang marinig niya ang isang malalim na boses ng lalake sa kanyang likuran.
"Itaas mo ang iyong mga kamay kung ayaw mo mawalan ng buhay,” angas nitong dagdag habang nagugulantang naman siya sa kinatatayuan at nalilito sa nangyari.
"Huwag na huwag mong subukang kumilos kung hindi malalagot ka talaga sa akin!" Sigaw pa nito na nagbuhos sa kanya ng nerbyos habang marahan naman niyang itinaas ang kanyang mga braso.
"Sino ka ba at anong ginagawa mo rito?" Tanong pa nito sa kanya na may angas na tono ng pananalita.
Hindi na makapag-isip ng maayos si Feng dahil sa pagiging kabado. Pumapatak na rin ang naglalakihan niyang mga pawis dahil sa malakas na pagkakabog ng kanyang dibdib. Nang nagpasya siyang tingnan ito, bahagya siyang napalingon upang kanyang harapin.
"Sinabing huwag na huwag kang kikilos!" Dagdag pa nito.
Sinubukan nalang ni Feng na dumapa upang isuko ang kanyang sarili. Sa hindi inaasahan, napansin niya ang isang repleksyon nito sa may salamin na pader na agad naman niyang ikinatuwa.
"Ako ba'y pinaglalaruan mo ha?" Halakhak ni Feng nang siya'y napatayo at sumambulat sa kanya ang ang maamo at nakakaalindog na pustura ng binatang si Larry.
"Aba! Tumatawa ka pa!" Sungit naman nitong dagdag.
"Sino ba namang hindi mapatawa sa ginagawa mong iyan, ha bata?" Ngiti naman niya habang pilit na pinipigilan ang kanyang paghalakhak.
"Hindi ako bata. Hinding-hindi rin ako nakikipaglaro rito kaya't sabihin mo sa akin kung sino ka at kung bakit ka nandito!" Tugon naman ni Larry na halatang naiinis.
"Okay, relax! Masyado namang mainit iyang ulo mo. Magpapakilala naman ako sa'yo eh. Ang pangalan ko pala ay Feng," sagot naman niya at nakuha pang iniabot ang kanang kamay upang makipaglamano ngunit hindi siya nito pinansin.
"Kung ganun, habang binibigyan pa kita ng pagkakataong makaalis ngayon ay huwag ka ng mag-atubiling lisanin ang lugar na ito," pagpapayo naman niya kay Feng.
"Teka, hindi ba ako welcome dito? Ayaw mo ba ng isang guest na katulad ko?" Pagkakayamot na tanong ni Feng.
"Walang sino man ang pwedeng makakapasok sa pamamahay ko maliban sa mga awtorisadong tao. Kaya habang may oras ka pa ay umalis ka na bago pa magbago ang isip ko," utos naman ni Larry sa kanya.
"Bakit hindi mo nalang ibigay sa akin iyang isinuot mong anteoho o kaya salamin sa mata? Parang mamahalin iyan ah. Mukhang pakikinabangan ko talaga iyan, tsaka hindi kasi bagay sa iyo eh," sabi naman ni Feng nang ito'y kanyang napansin.
"Matino kitang kinakausap kaya huwag mong ibahin ang usapan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo," sambit pa ni Larry na halatang hindi makapagpigil sa umiinit na sandali.
"Niloloko mo lang yata ang sarili mo? Sabihin mo nga sa akin kung paano mo ako mapapaslang gamit lang ang kunehong iyan? Maawa ka naman sa iyong alaga. Isa lang iyang inosenteng hayop at hindi ginagamit bilang baril," pang-aasar ni Feng sa kanya.
Akala niya kasing pinagtuunan siya ni Larry ng baril kaya't labis ang takot niyang nararamdaman kanina. Hindi niya inaasahan na iyon pala ay isang kuneho lamang dahilan upang ito rin ay kanyang pagtawanan.
"Huh! Talagang isa lang itong kuneho." Ikinagulat naman din ni Feng nang may biglang lumabas na laser mula sa bibig ng nasabing hayop. Mabuti nalang ay agad siyang umilag at ligtas na nakaiwas sa sandata na iyon.
"Anong klaseng-" Pautal-utal niyang sambit habang natutulala at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung anong pakay mo rito?" Diretsahan naman nagtanong si Larry kay Feng habang pilit pa nitong itinuon ang nasabing device.
Hindi na makaimik si Feng habang napasandal na lamang sa pader. Nanginginig na rin ang kanyang mga paningin dahil sa mabilis na pangyayari. Sanay naman siya sa bakbakan ngunit ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong klaseng sandali.
"Nandito ka ba upang paslangin ako? Kung ganoon, hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mo!" Pagbabanta pa ni Larry at marahang lumapit kay Feng upang itinuon pa ng maagi ang nasabing laser device sa katawan nito.
Sa pagpasok ng nasabing laser device, isinalin agad ni Feng ang kanyang mga braso gamit ang isang cross-block. Agad niyang itinuro ang kanyang mga hinlalaki paibaba upang mas mahirap dumulas ang kakaibang laser device na iyon.
Itinulak din niya si Larry para mapigilang maidiin sa kanya ang sandata. Sinubukan niyang bumagsak sa katawan ng binata habang ina-redirect ang sandata nito sa labas. Ibinalot niya ang kanyang mga braso ng mahigpit at agad niyang itinulak si Larry palayo.
Dinala rin ni Feng ang kanyang kamao sa dibdib upang i-lock ang mga braso kasabay ng paglagay ng presyon sa kanyang pulso hanggang sa mabitawan ni Larry ang armas na dinadala, saka na rin niya ito hinampas.
Nang nais pa niyang labanan si Larry, agad namang pinalawak ng binata ang nangingibabaw nitong binti. Itinulak ni Larry ang mga balakang nito na pasulong, bahagyang sandalan sa likod, at puwersahang sinipa si Feng. Pinatatag niya ang sarili sa isang malakas na core at binti upang matiyak ang isang malakas na suntok sa dibdib ni Feng. Iniyuko niya ang braso sa siko sabay lipat ng timbang pasulong saka hinampas si Feng sa may leeg, panga, at baba.
Sa kanilang ginagawang suntukan, hinarang naman ni Feng ang alinman sa pwersa ni Larry at sumisiksik paitaas mula sa ilalim ng mukha ng binata dahilan upang mahulog ang isinuot nitong retinal device sa mukha. Napatigil naman din si Larry sabay ng pagkakagulat ni Feng nang mapansin nito ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata.
"Waaah! Halimaw! Isang halimaw!" Ito lang ang mga katagang naisambit ni Feng nang matuklasan niya ang kakaibang mga mata ni Larry. Pinukos kasi nito ang mga mata habang gumagalaw ang mga pupil sa gitna na lumalaki habang nagkakalat ang kulay sa iris tapos lumiliit naman na parang isang tuldok ng ballpen. Ang pagkakagulat niyang iyon ay nagbuhat sa kanilang dalawa upang itigil ang ginagawang sandali na agad naman din silang napadistansya sa isa't isa. Makikita sa mga mata ni Feng ang naguguluhang isip na wari'y hindi makapaniwala sa nadiskubre habang hindi man lang siya nito kinibo. "Anong klaseng-" Natameme rin siya habang nagugulantang at pilit na binibigkas ang nais niyang sasabihin. Napatayo lamang din si Larry at ginamit ang kakayahan ng mga sensor nito upang makahanap ng insaktong anggulo na makapagdepensa muli. Pinalawak niya ang kanyang hearing senses at ginawa ang anumang physical movement ni Feng sa
Kalaunan, binasag muli ni Feng ang katahimikan dahil gumagambala sa kanyang isip ang naging kondisyon ni Larry. "Bakit wala kang kasama rito? Ikaw ba ay nag-iisa lamang?" Tanong niya kay Larry nang kanyang ipinagtaka kung bakit mag-isa at wala man lang itong kasama. Subalit ang mga pilikmata niyang iyon ay kumikisap dahil hindi man lang siya kinibo ni Larry kaya't hinatulan nalang din niya ang sarili na manahimik. Agad naman siyang napaupo sa harapan nito kasabay sa pagdiin ng kanyang mukha habang maigi niyang pinagmamasdan at kinilatis ang nakakaawang binata. Alam mismo ni Larry ang ginagawa ni Feng sa kanyang harapan dahil ramdam niya ang bawat vibrations nitong dinadala. "Ilang araw ka bang hindi naliligo?" Agad naman siyang napatanong kay Feng nang malanghap niya ang isang kakaibang pangangamoy nito, at nakuhapa niyang lumingon sa magkabilang panig. Samantala, sumimangot n
Halatang nag-enjoy si Feng sa mga oras na iyon. Hindi niya inalintana ang kanyang nakikitang mga holographic images 'pagkat mistulang makatotohanan naman ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sila sa silid na may baong mga ngiti habang makikita pa rin sa kanyang hitsura ang pagiging tulala dahil iyon pa ang natatangi niyang karanasan sa unang pagkakataon. "Ano na ang susunod nating pupuntahan?" Tanong niya kay Larry habang sinimulan na naman ang pagtutulak sa wheel chair. "Dumeretso tayo sa room 15," tugon naman nito sa kanya na may paggagalak pa sa mukha. "Teka, room 15? Ibig mo bang sabihin..." Bahagya siyang napatigil nang mapansin niya ang malaking numero na nakadikit sa may pintuan ng silid. Nagulat rin siya nang mapagtantong may limang kwarto muna silang dapat lagpasan bago makarating sa sinasabing ika-labing limang kwarto. "Seryoso ka ba?" Dagdag niyang tanong na parang
"Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan." "Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal" Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga. Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang ku
"Master, paumanhin po ngunit oras na para ika'y magpahinga. Ilang saglit na nga lang din at sasapit na ang gabi." Isang maaliwalas na hapon para kay Larry ang magsanay ng husto. Bukod kasi sa pag-aaral kung paano niya e depensa ang kanyang sarili, kinakailangan din niyang matutong magpakalakas sa darating na panahon. "Saka na. Ilang taon ko na itong pinaghandaan. Ako'y dapat pang magpakalakas," tugon niya habang hindi pa tumitigil sa ginagawang pagsasanay. "Ngunit master, may labing limang minuto ka nalang para ipikit muna ang iyong mga mata. Kinakailangan mo pong huminto at magpahinga," papupumilit nito sa kanya. Agad naman ding napatigil si Larry sa ginagawa nitong pagsasanay nang pinayuhan siya ng robot na dapat na muna niyang tumigil upang e-relax ang katawan. Napakahalagang bagay kasi na ipikit niya muna ang kanyang mga mata sa hindi bababa ng labing limang minuto bago tuluyang makakakita sa gabi, at upang ihanda ang mga iris nito sa pagba
Samantala, naghihingal itong si Feng nang malapit na siya sa may tindahan na iyon. Halos bumibigat ang bawat niyang paghakbang na tila siya ay pagod na pagod. Ramdam din sa kanyang sikmura ang pagkakahilo habang pilit niyang inunat ang kanyang mga paa. Nag-iingat siyang bumalik sa lugar na madalas nilang pinagtatambayan ng kanyang mga kasama. Dahil isa na nga siyang wanted, kinakailangan niyang makapasok sa bahay ni Wang Ying na hindi man lang napapansin ng mga tao sa paligid. Tinabunan niya ang kanyang buong mukha sa isinuot na hoodie jacket habang nagmasid-masid siya sa palibot. Kumilos ito na parang inosente at naging matulin ang kanyang mga paghakbang papunta sa may gusali. "Nakita mo ba siya?" Tanong ng isang lalake sa kasamahan nito. "Hindi. Mukhang doon yata nagpunta," tugon naman niya. "Tara na't sundan natin," sambit nito na nagmamadaling kumilos. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib matapos niyang marinig ang mga armadong iyon. Luma
Bumungad sa mga mata ni Feng ang nakakasilaw na sinag ng araw dahilan upang siya ay bumangon. Ikinabigla naman din niyang mapansin ang mga kumakalat na pira-pirasong parte ng mababangis na hayop habang nakapalibot ito sa kanya. Agad niyang napagtanto na ang lahat pala ng iyon ay gawa lamang sa makinarya at ginagamitan ng isang artificial intelligence at makabagong teknolohiya. Makikita sa kanyang mukha ang naguguluhang isip na wari bang walang kaalam-alam sa lugar na kanyang napuntahan. Nakuha muna niyang mapadungaw sa itaas at agad napansin ang isang napakalaking paalala na nakasulat sa magarang pader na iyon. Nakasaad dito na kung sinuman ang hindi awtorisadong makakapasok ay dapat nang umalis. "Anong klaseng lugar na ito? Nasaan nga ba ako?" Pauutal niyang sabi habang nalilito. Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari pero hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano siya roon nakarating. Dahil wala na siyang