Share

Chapter 3

Bumungad sa mga mata ni Feng ang nakakasilaw na sinag ng araw dahilan upang siya ay bumangon. Ikinabigla naman din niyang mapansin ang mga kumakalat na pira-pirasong parte ng mababangis na hayop habang nakapalibot ito sa kanya. Agad niyang napagtanto na ang lahat pala ng iyon ay gawa lamang sa makinarya at ginagamitan ng isang artificial intelligence at makabagong teknolohiya.

Makikita sa kanyang mukha ang naguguluhang isip na wari bang walang kaalam-alam sa lugar na kanyang napuntahan. Nakuha muna niyang mapadungaw sa itaas at agad napansin ang isang napakalaking paalala na nakasulat sa magarang pader na iyon. Nakasaad dito na kung sinuman ang hindi awtorisadong makakapasok ay dapat nang umalis.

"Anong klaseng lugar na ito? Nasaan nga ba ako?" Pauutal niyang sabi habang nalilito.

Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari pero hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano siya roon nakarating. Dahil wala na siyang magagawa, naisip nalang niyang magpatuloy sa paglalakbay at maghanap ng paraan upang lisanin na ang lugar. Ngunit, sa kanyang pagkilos ay laking gulat nalang niya sa mga nadiskubre.

Ito'y agad na kanyang ikinamangha nang makita ang napakagandang tanawin. Mistulang nalaglag ang kanyang panga sa mga naglalakihang punong-kahoy na halos lumililim sa buong paligid, mga naghahagdanang kristal na mga batis, mga iba't ibang kulay at heganting bulaklak, mga gintong statue fountains, sementadong pathways at ang napakalawak na landscape.

"Woah. Nananaginip ba ako ngayon?" Sambit niya habang dumudungaw sa itaas na halatang hindi makapaniwala.

Hindi niya akalain na kakaiba ang lugar na iyon at pakiramdam niya tuloy na nasa loob siya ng isang malapantasyang oil painting masterpiece. Nakuha niyang sampalin ang kanyang sarili upang malaman kung hindi nga ba siya nananaginip. Kung anu-ano pa rin ang ginawang pananakit sa kanyang mukha para lang mapaniwala na totoo lahat ang kanyang mga nakikita.

"Grabeh! Sobrang ganda naman pala dito. Para tuloy akong nasa langit," pagkakamangha pa niyang sigaw nang makita ang paligid. "Teka, namatay ba ako?" Pagtataka niya naman na ayaw niyang paniwalaan nang maisip ang tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi! Isa ba itong hardin ng Eden? Ito ba ay paraiso ng langit?" Makikita sa kanyang pagmumukha ang nag-aalala nang lubos dahil baka payak ang kanyang naging pasya. "Lord naman, marami na akong nagawang kasalanan pero parang hindi naman yata ako karapat-dapat na pumarito? Pero, bakit ganun? Namatay ba talaga ako?" Paninigurado pa niya sabay dungaw sa itaas.

Dahil sa sobrang lawak ng lugar, nalilito na rin siya kung aling daanan ba ang dapat niyang tatahakin. Balak sana niyang bumalik sapagkat nagtulak sa kanya ang mga naganap kahapon na naging dahilan upang siya'y magpatuloy sa paglalakbay. Aniya, kung babalikan man niya ang dinadaanan kahapon, nakasisiguro siyang wala ng pagkakataong mabuhay pa dahil sa napakamaraming mababangis na hayop ang nakapalibot dito. Hindi niya talaga mabatid kung anong klaseng lugar ang kanyang napuntahan. Habang siya'y napakilos, kunot-noo naman niyang inisip kung ano pang mayroon sa nasabing paraiso.

"Hello? Saint Peter nandito po ba kayo? Trespassing ba ako sa tarangkahan ng langit? Mga alaga ba ni Saint Rocco yung mga hayop na iyon? Bakit parang wala akong nakikitang mga anghel? Hello!" Pagsisigaw niya habang marahan siyang kumilos.

 Hinayaan niya ang kanyang mga paa kung saan siya tangayin ng mga ito sapagkat ikinahinto niya agad nang makaramdaman ang pananakit ng kanyang tiyan.

"Aray ko po. Parang nagrereklamo na ang tiyan ko ngayon. Saan ba pwedeng makakuha ng makakain dito? Baka may mga prutas man lang sa tabi-tabi. Aray ko," wika niya sa kanyang sarili nang siya'y napahinto habang dinaramdam naman ang pananakit na iyon.

Naging palaboy si Feng sa mala-paraisong lugar na iyon habang nagbabasakaling makakita ng pwedeng pagkunan ng kanyang makakain. Halata naman din kasi sa kanyang sikmura ang pagiging matamlay na tila pagod na pagod. Mga ilang oras din siyang namasyal ngunit wala pa rin siyang nahanap na kahit ano, hanggang sa mapansin na lamang niyang may umuusok na chimney sa may hindi kalayuan.

"Amoy pagkain iyon ah! Tamang-tama lang ang dating ko," ngiti niyang sambit habang kanyang nilalahanghap ang masarap na pangangamoy nito kasabay ng kanyang mga matang nakapikit. Sobrang tuwa niya nang makita ang isang malaki at modernong bahay na nasa gitna mismo ng malawak na hardin, at dali-dali siyang napakilos upang puntahan ang nasabing gusali.

Samantala, abalang-abala naman itong si Larry sa pagpapalakas ng kanyang pangangatawan. Talagang hindi siya nagsayang ng araw sa ginagawang paghahanda sa darating na alternative operation. Naging saksi naman ang mga pawis na yaon kasabay ng kanyang mapait na nakaraan na nagdulot din upang magliliyab ang kanyang puso't isipan.

"Master, nakahanda na po ang lahat. Oras na po para kumain," pangingistorbo ng robot nang sumambulat ito sa kanyang harapan.

Napatigil ang binata sa ginagawa nitong pag-ehehersisyo at marahan siyang nagtungo sa kusina upang kumain ng almusal. Kumikilos siya na naaayon sa kanyang kondisyon na tila bang walang kapansanan sa paningin. Kahit natunton na niya ang bawat sulok ng pasilidad na iyon dahil sinanay na nga ang sarili, sapagkat ginagabayan pa rin siya ng mga robot upang iwasan ang pagkakaroon ng posibleng aksidente.

"Anong oras ba ako nagising?" Tanong ni Larry nang siya'y umupo sa may automatic na upuan.

"Maaga naman po kayong nagising, Master," agad namang sumagot ang robot.

"Maaga? Kung ganun, hindi pa oras para ako'y kumain. Kinakailangan ko munang tapusin yung natitirang apat na pu't limang minuto para magpalakas," giit niya nito habang pilit niyang kinukumbinsi.

"Master, sapat na po ang tatlong oras sa iyong ginawang pag-ehehersisyo. Malakas ka pa naman," paliwanag naman ng robot.

Hindi na rin siya nagsalita sa halip ay napakapkap na lamang sa inilatag na mga gamit sa hapagkainan.

"Anu-anong klaseng mga pagkain ba ang nasa harapan ko?" Tanong ni Larry matapos niyang makuha ang maliit na kutsilyo at isang tinidor.

"Master, sa kanang bahagi po ay ang mga dalandan, ubas, saging at pinya. May carrot shake din kung nanaisin niyo. Sa kaliwang bahagi naman, may masarap na parmesan oatmeal na puno ng broccoli at kale, katabi nito ang apple cinnamon breakfast recipe. Gayunman ang nasa harap mo ngayon, isang mozzarella baked egg na may zucchini at green sauce. Katabi rin nito ang basil, feta, at egg sandwich na may kasamang black bean breakfast tacos," pagbibigay impormasyon ng robot.

"Na naman? Ayokong kumain. Bigyan niyo nalang ako ng isang tasang gatas," giit niyang muli nang siya'y napatayo.

"Gatas? Pero hindi po pwedeng laktawan ang iyong almusal. Kinakailangan niyo pong kumain, Master," pagpapaliwanag ng robot.

"Nakakasawa na kasi ang mga inihanda ninyo. Tuwing umaga nalang ako nakakatikim ng mga ganyan. Itago niyo nalang yan sa ref. Mamaya nalang ako kakain," pagpapasya niya sa mga robot at napakilos upang bumalik sa kabilang sulok para ipagpatuloy ang kanyang ginagawang pag-eehersisyo. Ngunit, napatigil naman siya nang biglang iginapos ang kanyang mga binti sa automatic na kanyang inuupuan.

"Pasensya na po pero mapipilitan kang sundin ang proseso at iniutos ng admin, Master," giit ng robot sa kanya.

Wala na rin siyang magagawa kundi sumunod nalang sa mga sinasabi nito. Nilalaro lang niya ang mga inihanda habang hinihintay siya nitong matapos. Ilang oras na rin ang lumipas pero hindi man lang niya makuhang mapasubo.

"May problema ba sa mga pagkain, Master?  Maraming mga pag-aaral pa man din ang nagpakita ng pruweba tungkol sa benepisyo ng pagkain ng almusal sa tamang oras. Pinapabuti nito ang kakayahang makapag-concentrate, pinupunan ang iyong supply ng glucose upang mapalakas ang antas ng iyong enerhiya at pagkaalerto, habang nagbibigay din ng iba pang mahahalagang nutrisyon na kinakailangan para sa mabuting kalusugan," panghihimok ng robot sa kanya.

"Nagsasayang lang kayo ng oras. Mas gugustuhin ko nalang uminom ng gatas kaysa kainin lahat ng iyan," sambit ni Larry nang itinabi niya ang mga inihanda.

"Pero hindi sapat ang pag-inom ng gatas upang matugunan ang bitamina na kinakailangan sa iyong kapansanan. Master, kumain nalang po kayo," tugon pa nito.

"Ayoko. Gusto ko ng ibang panlasa. Ako nalang mismo ang magluluto kung pipilitin niyo akong kumain," sungit naman niyang sambit.

"Ngunit paano? Sa gabi ka lang makakakita," pagtataka naman nito.

"Huwag mong maliitin ang kakayahan ng may mga kapansanan," naging iba agad ang tono ng kanyang papanilita.

"Patawad po. Kung iyon ang nanaisin ninyo ay masusunod," paumanhin naman ng robot at nakuha pang yumuko sa kanyang harapan.

Sumalubong agad kay Larry ang isang automatic fridge na magbibigay ng mga ingredients na kailangan niya sa almusal na kanyang lulutuin.

"Master, anong klaseng putahi po ba ang lulutuin mo?" Tanong naman nito nang ito'y dumating.

"Simple lang. Hindi ko kailangan ang mga mamahaling ingredients na yan. Auto Fridge, bigyan mo ako ng sangkap na mga jarred Caponata, preskong arugula, kamatis, keso, sariwang basil at olive oil," masaya niyang tugon dito.

"Ipagpapalit mo ang mga putahing inihanda namin sa isang salami sandwich para lang sa iyong almusal? Kung sa bagay, ang salami ay ilan sa mga pinakamasarap na sandwiches ngayon. Ang paglalagay ng maalat na salami na may mga lasa ng Italyano ay isang garantisadong hit ng masa," pagtututol sana ng robot ngunit napatigil rin ito.

"Bigyan mo pa rin ako ng sourdough, marinara sauce, jarred pasta, mozzarella cheese, pepperoni, origano, ham, sauteed mushrooms at diced pineapples," dagdag pa ni Larry.

Nagbukas agad ang auto fridge at naglabas ng mga sangkap na kanyang binanggit. Ipinakita naman ni Larry sa mga ito ang kakayahang makapagluto kahit na may deperensya siya sa paningin.

"Outstanding! Nahiwa mo ang mga sangkap ng maayos. Magaling!" Pagkakamangha ng isa sa mga androids.

Gumawa lang naman si Larry ng isang pizza toast at salami sandwich. Ipinagtimpla rin niya ang sarili ng isang strawberry flavored milk upang mas ganado ang kanyang almusal.

Matapos ang ilang sandali, nililibang niya rin ang kanyang sarili sa paggawa ng mga vessels gamit ang clay at ceramic materials. Bukod kasi sa musika, pottery rin ang kanyang kinahiligang gawin.

Sa may kabilang kwarto na iyon, iba't ibang klase na at desenyo ng mga pots ang kanyang nagawa.  Tuwing umaga lang din niya ito gagawin bukod sa may nakalaang bagay ang kanyang oras sa gabi, kaya't kahit na hindi siya makakita ay hindi pa rin ito hadlang upang ipagpatuloy ang paggawa ng pottery.

"Ipagpaumanhin niyo po muna Master. Dumating kasi ang bagong upgraded at version ng retinal device na may kakaibang features. Maaari mo bang subukan para sa isang update?" Sabi ng robot nang ito ay dumating habang napatigil naman si Larry at nakuhang pang maglinis ng mga kamay.

 Agad naman niyang kinuha ang sinasabing device upang kanyang subukan sapagkat napagtanto niya agad na may mali dito.

"Maraming pagbabago ang mga nadagdag at mas naging malinaw ang mga detalye. Pero paano ko makakasigurong gumagana nga ito, kung wala lang naman din akong mapapansing bagay na may dugo?" Pagtataka niyang tanong sa mga ito.

Nagsilabasan naman ang mga alagang kuneho na agad kumalat sa buong sulok. Subalit, nang ito'y kanyang sinubukan muli ay tanging kulay pula lamang din ang kanyang napapansin dahil denisenyo ang bagay na iyon upang tulungan lang siyang gabayan sa paligid na kay sobrang maliwanag.

"Mabuti, mas gusto ko pa ito kumpara sa dating version ngunit mas maganda siguro kung hindi lang mga kuneho ang mga makikita ko, hindi ba?" Giit pa niyang tanong.

"Ano ang iyong ibig sabihin?" Mabilis namang napatugon ang robot sa kanya.

"Puro nalang din kasi mga kuneho ang palaging mai-test. Paano kung hindi nga ito gumagana sa ibang mga hayop?" Pangungumbinsi naman ni Larry na halatang nais lumabas ng core.

"Nakatitiyak naman pong maayos at walang depekto ang bagay na iyan. Tsaka, mga kuneho lang rin po ang available natin sa ngayon," paliwanag nitong muli.

"Kung gusto mo ngang matiyak na maayos ang bagay na ito, mapipilitan siguro akong magpunta sa may surface at maghanap ng preskong mga hayop," panghihikayat pa ni Larry.

"Ipinagbabawal po iyon, Master. Hindi normal ang naging temperatura sa labas na makakaapekto naman sa iyong paningin," sabi naman ng robot.

"Pero iyon ang dapat na gawin," giit niya naman.

"Master, sapat na ang mga results na inyong nakikita. Pwede mo nang ipagpatuloy ang paggawa ng pottery," tanging itinigil na nito ang usapan habang sinusubukang kunin ang nasabing device.

"Kung ganun, sana ay mapatawad mo ako," ngiti naman niyang pagsagot habang nagkukunwaring sinunod nito ang naging payo.

Lumapit siya nito at iniabot ang retinal device. Lingid sa kaalaman ng android ay mayroon na siyang masamang binabalak. Agad niyang pinindot ang isang button sa likod at sinet ito sa isang standby mode. Napatigil naman ang robot sa pagsasalita at kusang nag-standby. Tanging 'Do Not Disturb' lamang din ang nag-flash sa malapad nitong screen sa harapan.

Natuwa talaga si Larry sa kanyang ginawa. Alam din niya kasing haharangan siya nito kaya't inuunahan niya nalang bago siya tuluyang tigilan. Aniya, wala ng pipigil sa kanyang binabalak ngayon kahit na may mga detectors pa at sensors sa buong sulok ng core basta't hindi lang niya tatanggalin ang tracker na relo sa kanyang kamay.

Sa katunayan, palagi na niya itong ginagawa. Sinisigurado niya din na hindi siya lalagpas sa boundary ng core. Mabilis naman ang kanyang naging kilos upang lumabas sabay hablot ng upgraded na retinal device. Natutuwa naman niyang isipin na wala nang haharang sa binabalak niyang gagawin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status