Share

Chapter 2

Samantala, naghihingal itong si Feng nang malapit na siya sa may tindahan na iyon. Halos bumibigat ang bawat niyang paghakbang na tila siya ay pagod na pagod. Ramdam din sa kanyang sikmura ang pagkakahilo habang pilit niyang inunat ang kanyang mga paa.

Nag-iingat siyang bumalik sa lugar na madalas nilang pinagtatambayan ng kanyang mga kasama. Dahil isa na nga siyang wanted, kinakailangan niyang makapasok sa bahay ni Wang Ying na hindi man lang napapansin ng mga tao sa paligid. Tinabunan niya ang kanyang buong mukha sa isinuot na hoodie jacket habang nagmasid-masid siya sa palibot. Kumilos ito na parang inosente at naging matulin ang kanyang mga paghakbang papunta sa may gusali.

"Nakita mo ba siya?" Tanong ng isang lalake sa kasamahan nito.

"Hindi. Mukhang doon yata nagpunta," tugon naman niya.

"Tara na't sundan natin," sambit nito na nagmamadaling kumilos.

Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib matapos niyang marinig ang mga armadong iyon. Lumalalim din ang bawat niyang paghinga sa may sulok ng gusali habang naghahanap siya ng pagkakataong makapasok sa bahay ng matanda. Hindi siya pwedeng dumaan sa may main entrance nito sa halip kinakailangan niyang umakyat sa pader upang maabot niya ang nakabukas na bintana sa itaas.

Naghihirap siyang pasukin ang tudling sa pagitan ng dalawang gusali kahit pilit niyang makarating sa nakabukas na bintana sa itaas. Marahan naman siyang umahon nang matunton ang nasabing silid at agad ring napakilos upang hanapin na niya ang sinasabi nitong liham. Nakita niya rin ang mga lumang larawan na nakadikit sa may dingding. Iyon ang mga ala-ala ni Wang Ying simula ng kanyang pagkabata hanggang sa ito'y tumanda. Napansin din niya ang isang frame na parang kasama nito ang minamahal na lalake at napagtanto niya kung bakit nais niyang makita ang sikat na aktor na si Tom Cruise.

"Kaya pala isa kang big fan ni Tom Cruise dahil magkahawig sila ng lalakeng ito, Nana," pag-uunawa ni Feng habang pinagmamasdan muna niya ito. Ilang sandali, may narinig na naman siyang sigawan na nanggagaling sa ibaba.

"Ano?! Nahanap niyo ba!" Rinig niya ang malakas na boses ng isang lalake na halatang gigil na gigil nang hanapin siya.

"Hindi po boss. Hindi po namin siya naabutan," tugon naman ng mga tau-tauhan nito.

"Mga bwesit! Mga walang kwenta pala kayo eh! Hindi pa yun nakakalayo! Ano pang hinihintay niyo? Kilos!" Utos pa nito.

Nagkakagulo na sa baba ng gusaling iyon dahilan upang madaliin rin si Feng ang kanyang paghahanap sa liham. Habang hinahanap niya ito, agad naman siyang napatigil nang mapansin niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang talampakan. 

Nangangapos ang kanyang hininga habang sinusundan ang umaagos na dugo sa pinagmulan nito at ikinagulat niya nang sumalubong ang pamilyar na mukha. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nadiskubre na yumanig din sa bawat segundong lumilipas.

"Li...Li Wei?" Nanginginig ang kanyang paningin nang makita niya ang batang duguan habang nakahandusay ito sa may panulukan. "Li Wei!" Sigaw pa niyang muli nang lumapit sa bata. Agad niya itong ibinalot ng kanyang mga yakap kasabay ng pagpatak ng kanyang naglalakihang mga luha.

"Mga hayop!" Sambit niya na talagang nanlumo siya sa ginawang pagpaslang nito ng mga armado.

"Fe-Feng?" Sambit naman ng batang si Li Wie na nag-aagaw buhay. 

"Li Wei?" Mas hinigpitan pa niya ang kanyang mga braso habang hinayaan nalang niyang bumuhos ang mga luha na bunga ng nagdudurugong puso hinggil sa sinapit ng bata.

"Feng, huwag ka nang malungkot," ngiti pa nitong sambit habang nauutal na sa pagsasalita.

"Nandito lang si kuya mo ha? Palaban ka naman diba? Malakas ka nga diba? Huwag kang bibitaw. Huwag kang bumitaw. Magiging okay din ang lahat. Lumaban ka. Lumaban ka, Li Wei," paki-usap naman ni Feng sa minamahal nitong si Li Wei na nababasag ang kanyang pagkakabigkas.

Pilit man niyang palakasin ang loob ng bata ngunit huli na ang lahat para sa kanila. Sinasambit nalang niya ang bawat linya ng paborito nilang kanta na madalas pinagkakatuwaan nila tuwing maghapon habang unti-unti namang binawian ng buhay si Li Wei.

Mga ilang sandali, nabulabog ang kanyang pagpahinga nang makarinig nang malakas na kulabog sa baba. Dali-dali muna siyang nagpalit ng damit saka niligpit ang pumanaw na kasama ngunit may namataan siya sa katawan ng bata na kanyang ikinamausisa agad. Isang sobre ang nakalakip sa bulsa ng bata at kanya agad itong hinablot ng kanyang makita. Iyon ang sinasabing liham ng matanda na kanya namang hinahanap-hanap.

Bumibilis na rin ang kanyang pagkilos na halatang nagmamadaling umalis. Nang buksan niya ang pinto upang bumaba, nagugulantang nalang siya nang pagtagpuin ang bawat nilang paningin ng mga armadong lalake na naghahanap rin sa kanya.

"Hoy!"

Mabilis ang paglusot ni Feng sa may bintana na iyon habang madali naman siyang hinabol ng mga ito.

"Hindi ka namin hahayaang makatakas!" Sigaw pa nito.

Dahil wala ng pwedeng madaanan sa baba upang siya'y tuluyang makatakas, napagdesisyunan na lamang niya na sa mga bubungan ng nagkukumpul-kumpolan na bahay doon dadaan. Hindi rin siya sigurado sa kanyang patutunguhan at kung saan-saan nalang din napadpad bunga ng kanyang pag-iwas sa mga armado.

Na-corner si Feng sa may tulay na iyon na agad naman niyang ikinahinto. Hindi na rin siya maaaring bumalik dahil sumasalubong na sa kanya ang iba pa nitong mga kasamahan na halatang malalakas, mababagsik na tila wala siyang kalaban-laban.

Sa may hindi kalayuan, isang steam train ang paparating, naisip niya ang tumalon dito at hindi nga siya nagkamali. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at tuluyan nang tumakas. Wala na ring magagawa pa ang mga armadong lalake dahil natatakot ito sa sobrang bilis ng pwersa at ugong ng sasakyan.

Nang makapasok si Feng sa loob ng nasabing tren, nagdadalamhati siyang isipin ang mga nangyayari. Hindi niya lubusang matanggap ang sinapit ng kanyang mga kasama lalo nang masaksihan ang pagkamatay sa minamahal niyang si Li Wei, na halos itinuring na nila itong magkadugo. Nalilito na rin siya kung saan na siya magpunta at inialay nalang ang lahat ng kanyang sinapit sa isang liham. Nang ito ay kanyang binuksan, kumunot agad ang kanyang noo nang hindi mabasa ang mga nakasulat dito dahil gamit ang traditional na sulat ng Arabic. Sa likod ng sobre, tanging pinyin lang din na Cantonese ang kanyang maintindihan at iyon ay ang pangalang Bing Wen.

"Sino kaya si Bing Wen? Ano ang kanyang kinalaman sa buhay ni Nana? Bakit siya pa ang makakatulong sa amin? Anong meron sa kanya?" Napa-isip siya ng mabuti sa kanyang sarili.

Siya ay natutulala at hindi masyadong makapag-isip dahil lubos siyang nag-aalala sa mga kasamahan niyang naiwan. Mabigat para kay Feng ang mga pasanin na kanyang binitbit sa sandaling iyon habang nagugulantang siya sa mabilis na mga pangyayari. Talagang siya ay nanlumo sa kanyang naging sitwasyon na para bang ikinawalan na niya iyon ng pag-asa. Aniya, wala na siyang magagawa kundi ang magpatuloy na lamang.

Ilag sandali, hindi niya sinasadyang mabitawan ang liham na agad itinaboy ng hangin papunta sa iba pang mga pasahero. Bigla naman itong dinampot ng isang babae at marahang iniabot sa kanya. Sa kasamaang palad, tinitigan siya nito nang mabuti dahil namataan ang kanyang pagmumukha. Ngunit, ginantihan lamang niya ito nang matamis na ngiti kasabay nang marahang pagbalik sa kanyang pwesto.

Malakas na ang kanyang kutob nang mapansin niya iyon na iba na ang mga ikinikilos nito. Sa kanyang pagtayo, nagbukas agad ang mga pintuan ng nasabing tren at sumalubong ang mga attendants upang siya'y tuluyang hulihin at hindi naman siya nagdadalawang isip na tumakas muli.

"Huwag kang kikilos!" Sigaw ng isang attendant sabay tutok sa kanya ng baril.

Nagpatuloy pa rin si Feng sa pagtakas imbis na siya'y huminto. Ito rin ang naging dahilan upang magkakagulo sa loob ng tren. Pinagbabaril siya ng mga ito hanggang makarating siya sa may bubungan. Marahan naman niyang inihatak ang kanyang mga paa hinggil sa mabilis na pagkaka-ugong ng sasakyan.

Nang hindi na niya alam kung ano pa ang kanyang gagawin, napagdesisyunan nalang niyang tumalon sa may bangin kahit na hindi siya sigurado kung ito nga ba ay ligtas. Halos mabali ang kanyang katawan sa lakas ng pwersa nang tumilapon siya sa lupa. Mabuti namang maayos ang kanyang naging kalagayan at maswerte rin siyang nakaligtas mula sa mapanganib na sandali. 

Mga ilang oras ang lumipas mula nang siya ay napakilos, palaboy-laboy lamang siya sa kagubatang iyon hanggang sa makarating sa may batis. Itinigil niya muna ang paglalakbay at napahinga doon sa may tubigan. Kinalaunan, nag-agawan na ang paglubog ng araw at pagsikat ng buwan subalit hindi pa rin niya inaasahan na madaluhongan pala ang sandaling iyon sa isang magaganap. Tumigil ang pag-ikot ng mundo nang mapansin niya ang mga nakapalibot na mababangis na mga hayop sa kanyang harapan na nanggigigil upang siya ay pagpiyestahan.

Napatawa naman siya nang nababahala nang ito ay kanyang napansin. "Mukhang hindi yata masarap ang pangangaso ninyo ngayon?" Pahilaw niyang biro habang napalunok sa kanyang lalamunan ng iilang beses. Agad naman siyang humarurot nang takbo dahil sa bumuhos na takot sa kanya na wari bang katapusan na ng lahat. 

Nag-aagawan naman ang mga mababangis na hayop upang siya ay hulihin  na tila bang hayok na hayok nitong makakitim ng bago at preskong karne.

Naging malas talaga kay Feng ang panahon dahil kahit saan man siya magpunta ay may maghahabol pa rin upang siya ay paslangin.

 Malawak ang kakahuyan at tiyak mas marami pang mababangis na hayop ang sasalubong, kaya't sinigurado niyang magtago sa may naglalakihang mga punong-kahoy lalo na't dumidilim na ang paligid. Naging maganda naman ang pagsikat ng buwan ngunit isa na pala iyong malaking bangungot para sa kanya. 

Makalipas ang ilang mga oras, maririnig na ni Feng ang mga ungas, ungol, at pagtatahol ng mga nilalang sa madilim na kagubatan kasabay nang pagyanig sa bawat pagkilos nito. Sa kabutihang palad, may napansin siyang maliit na tarangkahan sa may hindi kalayuan. Agad naman niyang ibinaling ang kanyang paningin at marahan siyang napakilos upang pasukin niya iyon. Ngunit, hindi niya namalayan na pinagmamasdan lamang din siya ng mga mababangis na hayop. Ito'y agad sumunggab sa kanya upang tuluyan siyang durugin.

Mabuti nalang ay mabilis ang kanyang pag-iwas kahit na nahihirapan siyang makarating sa may tarangkahan na iyon. Bigla namang nagkaroon ng pagsiklab buhat ng isang napakalakas na impact nang mabangga ang mga hayop sa magagarang sementong pader kasabay rin ng kanyang pagsalpok sa mga parte nito. Agad nagdidilim ang kanyang buong paningin at tuluyan na rin siyang nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status