Kalaunan, binasag muli ni Feng ang katahimikan dahil gumagambala sa kanyang isip ang naging kondisyon ni Larry.
"Bakit wala kang kasama rito? Ikaw ba ay nag-iisa lamang?" Tanong niya kay Larry nang kanyang ipinagtaka kung bakit mag-isa at wala man lang itong kasama.
Subalit ang mga pilikmata niyang iyon ay kumikisap dahil hindi man lang siya kinibo ni Larry kaya't hinatulan nalang din niya ang sarili na manahimik. Agad naman siyang napaupo sa harapan nito kasabay sa pagdiin ng kanyang mukha habang maigi niyang pinagmamasdan at kinilatis ang nakakaawang binata.
Alam mismo ni Larry ang ginagawa ni Feng sa kanyang harapan dahil ramdam niya ang bawat vibrations nitong dinadala.
"Ilang araw ka bang hindi naliligo?" Agad naman siyang napatanong kay Feng nang malanghap niya ang isang kakaibang pangangamoy nito, at nakuha
pa niyang lumingon sa magkabilang panig. Samantala, sumimangot nHalatang nag-enjoy si Feng sa mga oras na iyon. Hindi niya inalintana ang kanyang nakikitang mga holographic images 'pagkat mistulang makatotohanan naman ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sila sa silid na may baong mga ngiti habang makikita pa rin sa kanyang hitsura ang pagiging tulala dahil iyon pa ang natatangi niyang karanasan sa unang pagkakataon. "Ano na ang susunod nating pupuntahan?" Tanong niya kay Larry habang sinimulan na naman ang pagtutulak sa wheel chair. "Dumeretso tayo sa room 15," tugon naman nito sa kanya na may paggagalak pa sa mukha. "Teka, room 15? Ibig mo bang sabihin..." Bahagya siyang napatigil nang mapansin niya ang malaking numero na nakadikit sa may pintuan ng silid. Nagulat rin siya nang mapagtantong may limang kwarto muna silang dapat lagpasan bago makarating sa sinasabing ika-labing limang kwarto. "Seryoso ka ba?" Dagdag niyang tanong na parang
"Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan." "Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal" Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga. Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang ku
"Master, paumanhin po ngunit oras na para ika'y magpahinga. Ilang saglit na nga lang din at sasapit na ang gabi." Isang maaliwalas na hapon para kay Larry ang magsanay ng husto. Bukod kasi sa pag-aaral kung paano niya e depensa ang kanyang sarili, kinakailangan din niyang matutong magpakalakas sa darating na panahon. "Saka na. Ilang taon ko na itong pinaghandaan. Ako'y dapat pang magpakalakas," tugon niya habang hindi pa tumitigil sa ginagawang pagsasanay. "Ngunit master, may labing limang minuto ka nalang para ipikit muna ang iyong mga mata. Kinakailangan mo pong huminto at magpahinga," papupumilit nito sa kanya. Agad naman ding napatigil si Larry sa ginagawa nitong pagsasanay nang pinayuhan siya ng robot na dapat na muna niyang tumigil upang e-relax ang katawan. Napakahalagang bagay kasi na ipikit niya muna ang kanyang mga mata sa hindi bababa ng labing limang minuto bago tuluyang makakakita sa gabi, at upang ihanda ang mga iris nito sa pagba
Samantala, naghihingal itong si Feng nang malapit na siya sa may tindahan na iyon. Halos bumibigat ang bawat niyang paghakbang na tila siya ay pagod na pagod. Ramdam din sa kanyang sikmura ang pagkakahilo habang pilit niyang inunat ang kanyang mga paa. Nag-iingat siyang bumalik sa lugar na madalas nilang pinagtatambayan ng kanyang mga kasama. Dahil isa na nga siyang wanted, kinakailangan niyang makapasok sa bahay ni Wang Ying na hindi man lang napapansin ng mga tao sa paligid. Tinabunan niya ang kanyang buong mukha sa isinuot na hoodie jacket habang nagmasid-masid siya sa palibot. Kumilos ito na parang inosente at naging matulin ang kanyang mga paghakbang papunta sa may gusali. "Nakita mo ba siya?" Tanong ng isang lalake sa kasamahan nito. "Hindi. Mukhang doon yata nagpunta," tugon naman niya. "Tara na't sundan natin," sambit nito na nagmamadaling kumilos. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib matapos niyang marinig ang mga armadong iyon. Luma
Bumungad sa mga mata ni Feng ang nakakasilaw na sinag ng araw dahilan upang siya ay bumangon. Ikinabigla naman din niyang mapansin ang mga kumakalat na pira-pirasong parte ng mababangis na hayop habang nakapalibot ito sa kanya. Agad niyang napagtanto na ang lahat pala ng iyon ay gawa lamang sa makinarya at ginagamitan ng isang artificial intelligence at makabagong teknolohiya. Makikita sa kanyang mukha ang naguguluhang isip na wari bang walang kaalam-alam sa lugar na kanyang napuntahan. Nakuha muna niyang mapadungaw sa itaas at agad napansin ang isang napakalaking paalala na nakasulat sa magarang pader na iyon. Nakasaad dito na kung sinuman ang hindi awtorisadong makakapasok ay dapat nang umalis. "Anong klaseng lugar na ito? Nasaan nga ba ako?" Pauutal niyang sabi habang nalilito. Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari pero hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano siya roon nakarating. Dahil wala na siyang
Nagpalit muna ng damit si Larry upang maprotektahan ang kanyang buong katawan mula sa init na mararamdaman bago tuluyang lumabas ng gusali. Sabik na sabik na rin siyang magpunta muli sa may boundary kahit na alam niyang pinagbabawal ito. Ilang beses na rin niyang magtangka na tumakas ngunit ito'y kanyang ikinabigo dahil sa sobrang higpit ng seguridad ang mayroon ng surface. Nasasabik na siyang magpunta sa may boundary ngunit ikinatigil niya ang kanyang mga hakbang nang bigla niyang marinig ang kaunting kulabog sa kabilang sulok. "Ano iyon?" Agad niyang isinuot ang retinal device upang malaman kung ano ang naging kaganapan. Nang tuluyan na niyang isinuot ang retinal device, isang maliit na pulang tuldok lamang ang kanyang napansin habang ito ay kumukuti-kutitap at papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula na ring yumanig ang kanyang dibdib kasabay nang malalakas na mga kulabog habang bumibilis ang pagkilos nito p
"Waaah! Halimaw! Isang halimaw!" Ito lang ang mga katagang naisambit ni Feng nang matuklasan niya ang kakaibang mga mata ni Larry. Pinukos kasi nito ang mga mata habang gumagalaw ang mga pupil sa gitna na lumalaki habang nagkakalat ang kulay sa iris tapos lumiliit naman na parang isang tuldok ng ballpen. Ang pagkakagulat niyang iyon ay nagbuhat sa kanilang dalawa upang itigil ang ginagawang sandali na agad naman din silang napadistansya sa isa't isa. Makikita sa mga mata ni Feng ang naguguluhang isip na wari'y hindi makapaniwala sa nadiskubre habang hindi man lang siya nito kinibo. "Anong klaseng-" Natameme rin siya habang nagugulantang at pilit na binibigkas ang nais niyang sasabihin. Napatayo lamang din si Larry at ginamit ang kakayahan ng mga sensor nito upang makahanap ng insaktong anggulo na makapagdepensa muli. Pinalawak niya ang kanyang hearing senses at ginawa ang anumang physical movement ni Feng sa