Share

4

Amira's Point Of View

"Wake up, sleepy head." Turan ko pagkatapos ay hinalikan si Nala sa kaniyang noo.

Six years, anim na taon magmula nang mangyari sa 'kin ang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa 'kin. Aaminin ko, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga masasamang ginawa niya sa 'kin. Buong akala ko nga ay hindi ko gugustuhing mabuhay si Nala, pero nu'ng pinanganak ko siya, nagbago lahat. Nang marinig ko ang iyak niya at mahawakan ko siya, tila lahat ng galit, problema at takot ko ay nawala.

Napangiti ako nang makita kong dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Good Morning, Mama," nakangiting aniya pagkatapos ay umupo siya sa kama at niyakap ako nang mahigpit.

Niyakap ko rin si Nala pabalik pagkatapos ay niyaya siyang pumunta sa maliit naming kusina para makakain.

"Pasensya ka na, Anak at heto lang ang kinaya ni Mama," pilit na nakangiting wika ko patungkol sa itlog at hotdog na nasa hapag-kainan.

Kinuha ng empleyado ko ang lahat ng pera ko na nakatago at itinakbo ito noong nakaraang buwan. Pinilit ko siyang hinanap pero kahit anong gawin ko ay hindi ko siya makita. Sa ngayon, nagta-trabaho ako bilang Janitress sa isang kompanya upang may mapagkunan kaming pera ni Nala pang-gastos sa pang-araw-araw namin.

"Mama, tapos na po ako," nakangiting ani Nala pagkatapos niyang magsipilyo.

Kinuha ko ang bag ni Nala pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng bahay. Nang makarating na kami sa school niya ay agad ko siyang iniwan doon. Naging kaibigan ko na si Eryl, ang teacher ni Nala. Kapag may trabaho ako ay sinusundo ko na lang siya sa bahay nila Eryl kapag tapos na ang trabaho ko.

"Take care, baby ha? Magwo-work lang si Mama saglit, okay ba Naomi Latasha?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes po, Mama! Don't worry about me po," nakangiting aniya.

Iniwan ko na siya kay Eryl at agad akong pumasok sa trabaho ko. Nang makarating ako ay agad akong nag-greet kay Kuya Pedro, isa sa mga guards dito sa kompanya, bago nagmadaling pumasok sa elevator.

"Alam mo ba ang chismis? Mabait daw siya at sobrang pogi 'di tulad ng Tatay niya na grabe ang pagka-istrikto at sungit!" Ani isang empleyado dito sa kompanya.

Kasalukuyan kaming nandito sa elevator. Ayaw ko 'mang pakinggan ang pinag-uusapan nila ay hindi ko magawa dahil maliit lang ang espasyo at nasa iisang pwesto lang kami.

"Ay! Ganu'n ba? Kailan kaya ang uwi niya rito? Excited na akong makita siya!!" Kinikilig na ani isa pang empleyado.

Inabaka ko na lang ang sarili ko sa pagpapanggap na pagkutkot ng aking daliri. Saktong pagbalik ko ng tingin sa pinto ng elevator ay siyang pagbukas nito dahilan para lumabas na ako sa elevator.

Nagtataka 'man kung sino o 'di kaya'y ano ang pinag-uusapan nila ay hindi ko na inabala pa ang sarili ko na mag-isip. Masyado na akong maraming problema para isipin pa ang ibang bagay.

"Amira!"

Natigil ako sa paglalakad nang biglang marinig ko ang boses ni Kieth. Si Kieth ang pinaka-close ko sa department namin. Isa siya sa mga mabubuti at maintindihin kong mga kaibigan.

"Uy, Kieth! Vacant mo?" Tanong ko nang tuluyan siyang makalapit sa 'kin.

He nodded then heaved a deep breath that made me feel discombobulate with his action, " M-may problema ba?" Takang tanong ko.

"Gagawin akong department head ng maintenance," he uttered and for the second time around, he exhaled deeply.

Kinunot ko ang aking noo dahilan para magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Oh? Hindi ba dapat masaya ka? Kieth, tataas ang sahod mo at ikaw na ang mag-ga-guide sa amin!!" Natutuwang wika ko dahilan para ngumuti siya ng pilit.

"Hindi na kita makakasama madalas kapag na promote ako," aniya habang naka-nguso dahilan para ngumiti ako at tinapik siya sa kaniyang balikat.

Sweet at maalalahanin na kaibigan si Kieth. Kahit madalas napipikon ako sa pang-aasar niya ay hindi rin nawala ang respeto ko sa kaniya kung paano niya kami pahalagahan ni Nala. Magmula nang mag-trabaho ako rito sa kompanyang 'to ay isa siya sa mga naging kaibigan ko na masasabi kong handa kong pagkatiwalaan.

"Ano ka ba, Kieth! Tanggapin mo 'yang oportunidad na binibigay sa 'yo. Alam kong alam mo sa sarili mo na gusto mo 'yang tanggapin upang mas lalo mong matulungan ang Lolo't Lola mo. Tanggapin mo 'yan hindi lang para sa sarili mo, kun'di para rin sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa 'yo," I uttered that made him smile.

Well, heto ang isa sa mga nagustuhan ko kay Kieth bilang kaibigan; nakikinig lalo na't alam niyang may katwiran ang sinasabi sa kaniya bilang tao. Kumbaga tinitimbang niya ang sarili niyang opinyon kumpara sa opinyon ng ibang tao.

"Salamat, Amira." Nakangiting aniya.

Muli ki siyang tinapik sa kaniyang balikat at nakangiting nagpaalam sa kaniya, "Mauuna na ako, alam mo na. Back to reality," natatawang paalam ko pagkatapos ay nag-wave sa kaniya at dumiretso na sa designated area ko upang makapag-simulang mag-linis.

Nagbihis ako ng uniform ko at nagsimulang ayusin ang trolley na aking gagamitin sa pag-lilinis. Ako ang naka-assign sa hallway ng 24th floor. Malawak ang floor na 'to gaya ng ibang palapag. Nakakapagod, oo. Pero may anak akong kailangang buhayin, suportahan at ingatan kaya handa akong mapagod basta't maibigay ko lahat ng pangangailangan ng anak ko.

Hindi na ako nag-abala pa na ipahuli o 'di kaya'y ipakulong ang trabahante ko na nagnakaw ng pera ko dahil alam kong may bad karma na mananagot sa kaniya.

Bad karma. Muli kong naalala ang taong dahilan ng trauma ko hanggang ngayon. T'wing may puti o 'di kaya'y itim na van ako na makakasalubong ay nanginginig na ang tuhod ko sa takot sa kadahilanang baka kidnap-in nila ako at muling pahirapan; lalo na't saktan. Pero sa kabila no'n, hindi ko na siya sinumbong sa mga Polisya. Maliban sa alam kong walang maniniwala sa akin ay wala rin akong maipapakitang ebidensya.

Nagpapasalamat pa rin ako sa nangyari dahil nabigyan ako ng magandang regalo sa kabila ng mga paghihirap na naranasan ko sa kamay ng lalaking 'yon. Binigay niya sa 'kin ang anak ko, si Naomi Latasha. Siya ang buhay ko at naging inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay. Siguro nga kung wala siya ay hindi ko alam kung paano akong magsisimula muli. Na sa palagay ko ay wala na ako dito sa mundong 'to kung hindi siya dumating sa buhay ko.

to be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status