Amira's Point Of View"I already apologized, isn't that enough?" Aniya habang nakatalikod sa akin. Sana nga maiaalis ng salitang sorry ang lahat ng trauma at sakit na naibigay niya sa 'kin. Napatawad ko naman na siya, eh. Pero hindi pa rin maiaalis sa aking isipan at damdamin 'yong mga masasamang bagay na nagawa niya. "Napatawad naman na kita. Pero hindi ibig sabihin no'n ay nakalimutan ko na lahat ng sakit at trauma na naibigay mo sa 'kin," wika ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pagkatapos ay dali-daling kinuha ang mga gamit ko bago ako tuluyang umalis sa area kung saan kami nakapag-usap ni Ezra. Nang makarating ako sa department namin ay doon ko pinakawalan lahat ng luha ko. Hindi naman porke't nanghingi ng kapatawaran ang isang tao ay dahilan na 'yon para makalimutan na natin ang trauma na dulot nila sa atin. Madaling magpatawad pero mahirap makalimot. Pagkatapos kong maibuhos lahat ng luha ko ay bumuntong hininga ako pagkatapos ay kinundisyon muna ang aking sarili. Gani
Amira's Point Of ViewHABANG ABALA ako sa pag-lilinis ay hindi ko namalayang sampung minuto na pala ang nakakalipas nang magsimula ang breaktime namin. Agad kong sinalansan ang mga gamit kong panlinis pagkatapos ay nilagay ang mga 'yon sa locker ko. Mabilis ang kinilos ko dahil kaunting oras na lang ay matatapos na ang breaktime namin. Kinuha ko rin ang baon ko sa locker at hindi na nagdalawang isip pa na kumain na lang sa loob ng department namin dahil kukulangin ako ng oras kapag sa cafeteria ako kumain. Habang nakain ako ay biglang bumukas ang pinto dahilan para ibaling ko ang paningin ko roon. Iniluwa ng pinto si Kieth na sobrang lawak ang ngiti. Tinakpan ko nag baon ko at uminom ng tubig pagkatapos ay nagsalita, "Anong nangyari? Na-promote ka, ano?" Nakangiting tanong ko. Dahan-dahang tumango si Kieth pagkatapos ay lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I'm so proud of you!!" Halos pabulong na turan ko. Inialis niya ako mula sa pagkakayakap pagkatapos ay ipinagtapat ang
Amira's Point Of ViewKINAUMAGAHAN ay nagising ako nang maramdaman kong may mabigat na naka-dagan sa aking balakang dahilan para dali dali kong tignan kung ano 'yon. "Anong ginawa mo sa 'kin?!" Sigaw ko pagkatapos ay pinagkrus ang aking magkabilaang braso sa aking dibdib nang makita kong nakayakap sa akin si Ezrael kanina. Agad ko siyang itinulak at lumayo ako mula sa kaniya dahilan para mapa-daing siya sa sakit. "Why did you push me away? Arghh!" He groaned while rubbing his butt. "H-hala! Sorry!" Wika ko pagkatapos ay tinulungan siyang tumayo. Agad niya namang kinuha 'yong kamay ko pagkatapos ay dahan dahan ko siyang inangat upang makatayo. "You're so mean, tsk!" He uttered then gently flicked his finger on my forehead. "Uulitin ko ang tanong ko. Anong ginawa mo sa 'kin?!" Galit na turan ko. Ezra chuckled then licked his lowerlip before he speak, "I didn't do anything to you. Belive it or not, you're not my type," aniya at ngumisi pagkatapos ay iniwan akong nakatulala sa kaw
Amira's Point Of View"Mama, napaka-ganda rito!" Tuwang tuwa na ani Nala dahilan para ngumiti ako sa kaniya ng pilit. Nang makapasok kami ng tuluyan sa bahay—mansyon ng mga magulang ni Ezra ay agad na sumalubong sa amin si Ezekiah. Kunot noo kong inalala ang lalaking kasama ni Ezekiah sa bahay namin noong isang gabi. Kaya pala pamilyar ng boses at bulto ng lalaking 'yon dahil si Ezra at Ez ay iisa. "Hello, Amira!" Ani Ezekiah dahilan para ngumiti ako at maluha-luhang yumakap sa kaniya. Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko, kun'di para rin sa anak ko. Marahil ay hindi alam ng pamilya ni Ezra ang ginawa niya sa akin noon. Mabait at welcoming ang pamilya niya dahilan para sumagi sa isip ko na maaaring alam na nila ang sitwasyon. "Tita Ezekiah!" Sigaw ni Nala. "Hello there, baby! Do you want me to tour you around?" Nakangiting wika ni Ezekiah. "Opo!!" Excited na turan ni Nala. Nag-mano muna si Nala sa kaniyang Lolo't Lola pagkatapos ay agad na sumama kay Ezekiah. "M-maganda
Amira's Point Of View NAGISING AKO nang ala una y medya ng umaga dahil sa lamig. Sobrang lamig na tila ba nakahiga ako sa yelo. Agad akong nagtaklob ng kumot subalit nanginginig pa rin ako sa lamig kahit na nakabalot na ang buo kong katawan sa kumot. "Mama? Ayos ka lang po?" Hindi ko napansin na nagising ko pala si Nala. Agad ko siyang tinignan at ngumiti ng pagkalawak lawak upang hindi niya mahalata ang panginginig ko dahil sa lamig subalit hindi ako nagwagi. Hinawakan niya ang aking noo at agad na inalis ang kanyang kamay. "Mama, napaka-init mo!" Kinakabahang aniya. Agad akong nagsalita at pinakitang ayos lang ako dahilan para matigil ang kaba na kanyang nararamdaman. "Baby, ayos lang si Mama, okay? Ayos lang ako dahil lagnat lang 'to. Mamaya tatawagan natin si Teacher Eryl para hindi ka mahawa sa 'kin." Kalmadong turan ko. Ilang oras ang lumipas bago dumating si Eryl. May klase pa siya kaya anong oras na siya nakarating. Naaawa na nga ako kay Nala dahil hindi pa siya kumaka
Amira's Point Of View "Ez. I am Ez," ani lalaki pagkatapos niyang tumikhim. Kinilabutan ako sa boses ng Kuya ni Ezekiah bagay na ikinakunot ko ng aking noo. Iba, may iba akong pakiramdam sa boses na 'yon na kung saan ay tingin ko'y pamilyar sa akin. "N-nagkita na ba tayo noon?" Takang tanong ko. Katahimikan ang namutaw sa pagitan naming tatlo. Akmang magsasalita na sana akong muli kaso biglang nagsalita 'yong kapatid ni Ezekiah. "No, we haven't." Seryosong aniya. "G-gano'n ba? Para kasing pamilyar ang boses mo," wika ko. Muling nagsalita si Ezekiah at nagkwento ng maraming bagay. Tungkol sa kaniyang pamilya at buhay. Namatay na raw ang Kuya niya dahil nadisgrasya sa kotse habang ang Mommy at Daddy niya ay nasa ibang bansa-abala sa kompanya nila.Tinanong ako ni Ezekiah kung saan ang bahay ko. Noong una ay magpapababa lang sana ako sa terminal ng tricycle subalit nagpumilit siya na ihatid ako sa bahay namin. Nag-text kasi sa akin si Eryl na nasa bahay sila ni Nala dahil inaalala