Mag-log in
Nakaupo si Juliette sa harap ng mesa habang pinagmamasdan ang mga pagkaing hinanda niya para sa ika-limang kaarawan ng anak niyang kambal.
Tumingin siya sa orasan na nasa kanyang cellphone at nakita niyang alas otso na ng gabi ngunit hanggang sa mga oras na yon ay wala pa rin ang mag-aama niya. Bibili lamang daw ang mga ito ng regalo na gusto ng kambal kaya naman binalot na rin ng kaba si Juliette kahit na nga ni isa sa mga bisitang sinabi ng mga anak ay walang dumating.
Umaga, bago umalis ang mga ito ay sinabihan siya ng kambal na inimbitahan nila ang kanilang mga kaklase at kaibigan kaya humiling ang mga ito na ipaghanda sila.
“Pupunta din ang bestfriends namin. Okay lang po ba kung magluto ka?” Nagliwanag ang mukha ni Juliette. Bihirang humiling ng ganitong bagay ang kambal at ni minsan ay hindi pa nagpapunta ng kaibigan o kaklase ang mga ito sa kanilang tahanan. Kaya agad siyang pumayag sa pag-aakala na pagkakataon na niya iton upang makisalamuha sa mga taong malapit sa kambal.
“Walang problema,” masaya niyang sabi habang hinahaplos pa ang pisngi ng kambal. Para sa kanya, wala ng ibang mahalaga sa kanya ngayon kung hindi ang kanyang mga anak kaya kahit ano ay handa niyang gawin para sa mga ito.
At ngayon nga, gabing-gabi na ay hindi pa rin dumarating mula sa pagbili ng regalo ang mga ito kahit na nga umaga pa ng umalis ang mga ito.
“Ma'am Juliette, gusto niyo po ba na tulungan ko na kayong magligpit ng mga ito?” tanong ng kasambahay na si Aling Nena habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain at nilamig na kahit na ilang beses na rin iyong ininit.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Juliette. Kahit na kabado dahil sa pag-aalala sa kanyang mag-aama ay naisip niyang isa na naman ito sa mga pagkakataon na niloko siya ng mga ito. Isa sa mga pagkakataon na pinaasa at in-indian ngunit wala pa rin siyang kadaladala.
“Ako na po ang magliligpit Aling Nena,” mahina ang tinig na tugon niya. Tinignan siya ng ginang kaya kita niya ang awa na nasa mga mata nito. Kagaya ng dati, ngumiti siya upang ipakita na “okay” lang siya.
Pero sino ang niloko niya?
Alam ni Juliette sa sarili na kahit anong tapang ang ipakita niya sa mga kasambahay ay alam na alam din ng mga ito kung gaano siya nasasaktan sa pambabalewala ng kanyang mag-aama sa damdamin niya.
Bagsak ang mga balikat, tumayo siya at nagsimula ng iligpit ang mga pagkain. Doon naman biglang bumukas ang pinto sa main door at narinig niya ang boses ng kambal.
Agad siyang nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata nila Aling Nena. Bumalot ang saya sa kanyang mukha habang naglakad papunta sa living area para salubungin ang mag-aama.
“Grabe, Tita Nicole. Ang saya saya po sa amusement park. Salamat sa pagyaya sa amin doon!” masayang bigkas ni Joaquin.
“Oo nga po, Tita Nicole,” segunda pa ni Joaquim ang panganay sa kambal.
“Walang anuman. Basta kayo, kahit saan nyo gustong pumunta ay ready ako.”
“Yehey! Sana ay ikaw na ang Mommy namin!” masayang sigaw ng kambal habang ngiting-ngiti naman si Nicole, halatang feel na feel ang sinabi ng dalawang bata.
“Thank you so much for taking care of the kids, Nicole. I don't know what to do kung wala ka.”
Napatda sa kanyang kinatatayuan si Juliette ng marinig ang sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala.
“J-Juliette, gising ka pa pala…” Akala mo ay maamong tupa na sabi ni Nicole ng makita siya. Sinundan ng mag-aama ang tinitignan ng babae at doon lang napansin ng mga ito si Juliette.
“I’m tired na Daddy, gusto ko ng magpahinga.” Tinignan ni Juliette si Joaquin na nagsalita. Hindi siya makapaniwala na hindi man lang siya binati nito o kahit pa ni Joaquim.
Nagsalitan ang tingin ni Juliette sa mga bagong dating at nagtagal sa kanyang asawa. “Hindi ka tumawag na gagabihin pala kayo,” sabi niya kay Dylan na ngayon ay madilim na ang mukha.
“Kailangan pa ba?” tanong ng lalaki. Nanginig ang kamay ni Juliette na ngayon ay mahigpit ng nakatikom. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lang ay nagbago ang pagtrato sa kanya ng asawa.
Naalala niya, nagpakasal sila dahil sa kagustuhan ng ina nito na si Donya Gabriela. Iniligtas ni Juliette ang matanda mula sa kapahamakan kaya naman sinabihan nito ang anak na si Dylan na pakasalan ang babae.
Walang nagawa si Dylan dahil mahal na mahal niya ang kanyang ina. Naging maayos ang pasimula nila.
Hindi man mahal ni Dylan si Juliette ay pinanatili nitong civil ang trato sa isa’t-isa. Kahit nang may nangyari sa kanila at nabuo ang kambal ay mas lalo pang naging mas palagay sila sa isa’t-isa.
Inakala ni Juliette na iyon na ang simula ng pagkakaroon ng damdamin ni Dylan para sa kanya. Sobrang saya niya sa isiping iyon dahil mahal na rin naman niya ang lalaki.
Ngunit bago pa man ipanganak ang kambal ay naging matabang na ang pakikitungo ni Dylan kay Juliette na kinataka niya dahil wala siyang maisip na dahilan para magbago ng ganon ang pakitungo sa kanya ng asawa.
“Kita mo na at kahit ikaw ay alam ang sagot.” Napapitlag si Juliette at nagbalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa ng muling magsalita si Dylan.
“Asawa mo ako, hindi ba at dapat lamang na ipaalam niyo sa akin kung nasaan na kayo lalo na at kaarawan ng mga bata ngayon. Dapat magkasama tayong pamilya.” Mahina lang ang boses ni Juliette pero halata doon ang pagkokondina.
Nagulat si Dylan dahil sa sinagot ng asawa. Iyon ang unang beses na nagsalita ito sa kanya ng ganon.
“Juliette, ‘wag ka ng magalit kay Dylan. Naisip ko lang kasi na gustong gusto ng mga bata na magpunta sa amusement park kaya niyaya ko sila doon.” Matalim na tingin ang pinukol ni Juliette kay Nicole.
“Bakit ba hinayaan kitang makisawsaw sa pamilya ko?” tanong niya sa babaeng nanlaki ang mga mata.
“Juliette, I mean no harm!” bulalas ni Nicole, bakas sa tinig ang paawa.
“Stop it, Juliette!” sigaw na ni Dylan. Tinignan siya ng asawa na may halong pang-uusig ngunit binalewala niya iyon. “Ikaw ang ina, dapat ay mas alam mo ang gusto ng mga bata!”
“Dapat mas alam ko? Ano sa tingin mo ang ginawa ko dito habang naghihintay sa inyo?” tugon ni Juliette. “Naghanda ako! Nagpagod para ano? Para lang malaman na isa kayong masayang pamilya na nagpunta ng amusement park?”
“We want Tita Nicole!” sabay na sigaw ng kambal. Ang akala ni Juliette ay tuluyan ng umakyat ang mga ito sa kanilang silid. Hindi niya akalain na nakinig pa ang mga ito sa kanila.
“We want Tita Nicole to be our Mom!” sabay pa rin na sabi ng kambal.
At sa sinabi ng mga anak, parang hiniwa ang puso ni Juliette. Hindi siya makapaniwala na magagawang sabihin ng kambal na dinala niya sa kanyang sinapupunan ng ilang buwan. At naging dahilan upang malagay sa alanganin ang kanyang buhay ang mga salitang ‘yon ng harap-harapan sa kanya.
Hindi na napigilan pa ni Juliette ang pagtulo ng kanyang luha habang tinitignan ang mga anak na muling bumaba at tumabi pa kay Nicole na ngayon ay nakangisi na sa kanya na tila sinasabing “wala ka ng lugar sa pamilyang ito”.
Nagbaling ng tingin si Juliette kay Dylan, naghihintay na sawayin man lagn ang kanilang anak dahil alam niyang sa ama lamang nakikinig ang mga ito ngunit nanatiling tikom ang bibig ng lalaki.
Doon narealize ni Juliette na wala na siyang lugar sa pamilyang inakala niya na kanya. Sa pamilyang inakala niyang sarili at sa pamilyang matagal niyang pinangarap.
Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi
“Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,
Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku
“Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a
Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi
“What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te







