Share

Chapter 2

Author: RGA.Write
last update Last Updated: 2025-10-18 12:55:14

Kasunod na araw, walang ganang bumangon si Juliette. Hindi siya nagpilit dahil Linggo, wala namang pasok ang mga anak. Nanatili siyang nakahiga at nakapikit habang nararamdaman niya ang pagkilos ni Dylan.

Naghintay siya magdamag sa pagpasok ng asawa sa kanilang silid ngunit hindi iyon nangyari. Inisip na lamang niya na nanatili ito sa kanyang mini office na karaniwan na nitong ginagawa simula ng magbago ang pakitungo nito sa kanya.

May isang oras pa ang lumipas bago nagdesisyon na bumangon ni Juliette. Dama parin niya ang bigat ng katawan dulot ng sakit na naramdaman niya ng nagdaang gabi. Ni hindi na niya nagawa pang iligpit ang lahat ng hinanda niya. Umasa na lamang siya kay Aling Nena na hindi naman niya dating ginagawa.

Bumaba siya at nagpunta sa dining area. Doon, natagpuan niya ang kanyang mag-aama na nakikipagtawanan kay Nicole na suot ang kanyang pantulog.

“So, pati damit ko ngayon ay gusto mo na rin angkinin?” tanong ni Juliette. Nahinto ang masayang usapan ng lahat ng marinig siya kasabay ang pagbaling ng tingin sa kanya.

“I- I’m sorry, Juliette. Wala kasi akong maisuot na damit kaya–”

“At ang napili mo ay ang manipis na yan? Wala ka bang delicadeza?” putol ni Juliette sa babae. Agad nagyuko ng ulo si Nicole. Pero hindi dala ng hiya kung hindi upang ipakita sa mag-aama na nasasaktan siya.

“Stop it, Juliette! Ganyan ka na ba kadamot? Para damit lang ay–”

“So, ikaw ang nagbigay sa kanya nyan? Don’t tell me, magkatabi pa kayong natulog?” putol muli ni Juliette sa sasabihin ni Dylan.

“Namamahay kasi ako kaya nagpasama ako kay Dylan,” singit ni Nicole. “Wala akong ibang ibig mangyari…” dagdag pa niya. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Juliette ng marinig ang sinabi ng babae.

“Mommy, why are you always so hostile to Tita Nicole? Ang bait niya tapos inaaway mo. I hate you!” sigaw ni Joaquin.

“Oo nga, bakit ba ikaw pa ang naging Mommy namin?” susog pa ni Joaquim.

Napangiti ng mapait si Juliette dahil sa sinabi ng mga anak. Naisip niya, sa loob ng limang taon, isama pa ang siyam na buwan na dinala niya ang mga ito sa kanyang sinapupunan ay wala siyang ibang ginawa kung hindi siguraduhin na maayos ang kanilang kalagayan. Na ligtas sila sa kahit na anong sakit. Ni hindi niya pinapadapo ang kahit na anong insekto sa mga ito and yet, para sa mga ito ay kulang pa rin.

“Pakinggan mo ang mga anak natin, Dylan. Hinahayaan mo sila na lumabas sa bibig nila ang mga salitang ‘yan?” sabi ni Juliette, ang mga mata ay puno ng sakit at hinanakit sa mag-aama niya.

“Dahil wala namang basehan ang paratang mo kay Nicole. Nakitulog siya kagabi dahil hindi ko na siya maihahatid pa. Kung anumang maduming nasa isip mo ay tanggalin mo. Nasa harap tayo ng mga bata.” Hindi malakas ngunit may diin ang bawat katagang binitawan ni Dylan.

Hindi na napigilan ni Juliette ang matawa ng mapait na may halong pag-iling. Natigilan naman ang mga kaharap dahil sa inaasta niya. Hanggang sa bigla na lang siyang tumigil at hinarap ang kambal.

“Joaquin, Joaquim. Gusto niyo si Nicole na maging Mommy nyo?” tanong niya. Saglit na natigilan ang kambal.

“Juliette, ano bang klaseng tanong yan? Mga bata yan, hindi pa nila alam ang sinasabi nila. Bakit masyado mong dinidibdib ang mga salitang lumalabas sa bibig nila?”

“Dahil mahal ko sila!” sigaw ni Juliette. “Nasasaktan ako sa sinasabi nila dahil mahal ko sila! Hindi ko matanggap na ang mga anak ko, na muntikan ng maging dahilan para mamatay ako ay pagsasalitaan ako ng ganyan!”

“They’re just kids–”

“At ikaw! Ikaw na asawa ko. Imbis na sitahin mo sila, imbis na paliwanagan mo sila ay hinahayaan mong hiyain nila ako sa harap ng babaeng ‘yan! Nang babaeng nang-iwan sayo para sa ibang lalaki!” Hindi na nakapagpigil pa si Juliette. Nasabi na niya ang matagal na niyang kinikimkim sa dibdib.

“Juliette, I said stop it!” sigaw ni Dylan. Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya sabay angat ng kamay.

“Sasaktan mo ako? Sige,” sabi ni Juliette habang iniharap pa sa asawa ang kaliwang pisngi. Nanatili naman sa ere ang kamay ni Dylan. Kahit siya ay nagulat sa balak gawin dala ng bugso ng damdamin.

“Hindi totoo ang sinasabi mo. I was forced to marry my ex-husband dahil–” singit ni Nicole na may halong paawa. Ngunit hindi na siya pinatapos pa ni Juliette.

“Tanga lang ang mapapaniwala mo, at hindi ako tanga. So, save your explanation sa mag-aama.” Nagtagis ang bagang ni Dylan sa narinig at kita ni Juliette iyon. Alam niya na galit na ang asawa ngunit hindi na niya iyon pinansin. Bagkus ay hinarap niya ang kambal.

“Ayaw niyo sa akin? Pwes, ayaw ko na rin sa inyo. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa mga taong hindi marunong magpahalaga sa akin,” walang emosyon na sabi ni Juliette. “Gusto nyong maging Mommy ang babaeng yan? Ang babaeng nang-iwan sa ama niyo? Sige, sa kanya na kayo. Tignan ko kung hanggang kailan niya kayo sasamahan.”

“Anong ibig mong sabihin dyan, Juliette?” tanong ni Dylan.

“Ano pa? Eh di iiwan ko na kayo. Noong una ay balak kong isama ang kambal. Pero sa ugali nila, at mas gusto nila ang kabit mo. Mas masaya din sila kung siya ang maging Mommy nila? Sige ibibigay ko ang kaligayahan nila, ang kaligayahan niyo. Simula ngayon, wala na akong anak.”

“Wala ka ng anak? Paano si Dylan?” sabat ni Nicole. Gustong matawa ni Juliette. Sigurado na siya ngayon na ang makipagbalikan sa lalaki ang nais nito.

“Wag kang mag-alala, sayong-sayo na siya. Hindi naman namin kailangan ng divorce dahil hindi naman kami naging mag-asawa.”

Natulala si Dylan sa narinig. Hindi niya akalain na may alam ang asawa tungkol sa bagay na ‘yon.

Tumalikod na si Juliette at bumalik sa kanilang silid upang kunin ang kanyang cellphone at maliit na bag pagkatapos magbihis. Wala siyang dinala kahit na ano maliban sa kung ano na ang sinuot niya at gamit na binili niya sa sariling pera. Wala na siyang balak na magtagal pa sa bahay na noong una lang niya naramdaman na bahagi siya.

Matapos kunin ang mga dapat kunin, lumabas na siya ng silid at bumaba. Doon natagpuan niya ang mag-aama at si Nicole na nakaupo sa sala.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Dylan sabay tayo. Bahagyang lumapit kay Juliette pero nagbigay ng distansya.

“Wala ka ng pakialam.”

“Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon. Ulila ka na at walang pupuntahan, ano na lang ang mangyayari sayo kapag umalis ka dito?” tugon ni Dylan.

“Nakalimutan mo na ba? Labing walong taon ng buhay ko ay wala akong kasama, pero nanatili pa rin akong nakatayo. Ano pa kaya ngayong matanda na ako at kaya ng magbanat ng buto? Inakala mo ba na sa loob ng anim na taon ay naging dependent ako sayo?”

Napaisip si Dylan sa sinabi ng asawa. Oo nga at mayaman siya, pero ngayon lang niya narealize, ni minsan ay hindi humingi sa kanya ng pera ang asawa. Ni hindi humingi ng kahit na anong bagay sa buong panahon ng pagsasama nila. At siya bilang asawa din ay hindi rin siya inalok at binigyan ng kahit na ano.

“Paano ang mga bata? Maaatim mong iwan sila?” tanong pa ni Dylan, umaasang lalambot ang puso ng asawa ng dahil sa anak nila. Ngunit ng tingnan ni Juliette ang kambal, pareho ang mga itong nakayungyong kay Nicole kaya ngumisi siyang hinarap ang lalaki.

“Masaya na sila sa bago nilang Mommy. Hindi ko na sila kailangang intindihin pa.” Pagkasabi ni Juliette non ay tumalikod na siya at naglakad papunta sa pintuan.

“Juliette!” sigaw ni Dylan kaya saglit na tumigil ang babae. “Once na lumabas ka sa pintuan na yan ay wala ka ng babalikan pa.”

Iyon lang, at nagpatuloy na si Juliette sa paglabas ng bahay na anim na taon niyang inalagaan kasama na ang mga taong nakatira don.

Ngunit ano ang napala niya? Kinamuhian siya ng mga ito sa hindi niya malamang dahilan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 27

    Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 26

    “Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 25

    Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 24

    “Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 23

    Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi

  • Most Whipped Husband after Divorce   Chapter 22

    “What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status