Guia So that's the reason why Jacob was so strange lately? "Pinakulong mo talaga si Jacques?" pag-ulit ko sa sinabi ni Jacob sa akin. Hindi pa naman kami umaabot ni Melinda sa punto na nagkademandahan. Muntik na siya sa totoo lang kung hindi rin dahil sa pagtatanggol ni Aling Nelia. "I have to teach him a lesson, Guia. Kung ilang beses ko na pinalagpas ang mga kaguluhan na dala ng kanyang mga tiyuhin. I am not just talking about the recent incidents, Guia. Buhay pa si Mama, pinepeste na kami ng mga lalaking 'yon. Munting kibot lang sa panig ng ina ni Jacques noon, matapang silang susugod," salaysay pa ni Jacob sa akin. "Huh? May mga ganyang eksena noon?" tanong ko. Though alam ko ang mga sinabi ni Jacob pero hindi ko naman hiningi ang kumpletong detalye ng mga pangyayari sa buhay nila noon. Nabunutan na ng tinik ang aking dibdib. Akala ko pa naman mauunsyami pa ang pangakong kasal ni Jacob sa akin. If that happens, ano na lang ang explanation na sas
Guia Shock is an understatement. Tiningnan ko nang palipat-lipat si Tita Josephine at Jacob. "Hindi ba, sinabi ko na sa 'yo dati na magsisisi sila? Pero, kalahati lang naman ang ambag ko sa pagbili at paglipat sa pangalan mo ng Green Living. Kalahati rin ang galing kay Jacob. Napakasaya ko na sa wakas, hija mababawi ko na rin ang pinaghirapan ni Guada na dapat sa 'yo mapunta." "But, Tita Jo, this is too much." Kinalkula ko sa isip ko ang kabuuang halaga ng Green Living. Humigit kumulang three hundred million pesos lang naman ang kabuuan! "Palugi na pinagbili ng papa mo ang shares niya. Ang mga shareholders naman na iba ay nagkusa na magbenta sa akin. It's not as expensive as you think, Guia. Very affordable kung tutuusin," may halong biro na sabi pa ni Jacob. "Mayabang," tanging nasambit ko na lang. "Just look at the brighter side, Guia. I am a businessman at gusto ko ang business structure ng Green Living. Unfortunately, your father
Guia "Alberta, medyo masikip na sa bandang tiyan itong gown," reklamo ko pa. Dahan-dahan lang ang paghawak ko sa delicate fabric ng gown. "Guia, you are starting to have a baby bump. Imagine, two months na rin ang nakaraan nang sukatan kita para sa gown." Nakangiti pa si Alberta habang in-assist akong hubarin ang gown. Dalawang buwan na rin ang nakaraan buhat nang makulong si Jacques. As much as I wanted to attend the trial, ayaw ni Jacob na sumali pa ako sa gulo nilang magkapatid. Ang kambal ay patuloy na naka home school. Mahigpit ang seguridad na pinapairal ni Jacob sa aming mag-anak lalo at nakatakas mula sa kulungan ang mga tiyuhin ni Jacques. Halata na rin ang tiyan ko ayon na rin kay Alberta. Hindi naman ako hirap sa paglilihi lalo at hindi naman weird na mga pagkain ang hinahanap ko. Ang hindi ko lang talaga natanggal ay ang fascination ko kay Michael. Minsan nayayamot na si Jacob pero anong magagawa ko? Talagang natutuwa akong tingnan ang head ng bo
Third Person POV "Kailangan na madaliin ang mga plano natin." Ang tatlong tiyuhin ni Jacques na nakatakas mula sa maximum security facility ay kasalukuyang nagtatago sa isang abandonadong factory sa labas lamang ng Metro Manila. "Kung bakit kasi ang higpit na ng mga bantay ng mestisong bangus na 'yon. Masyadong tuso ang kapatid ni Jacques at kahit ang espiya natin ay hindi makaporma para magbigay ng impormasyon natin," saad pa ni Roberto. Ang nabanggit ay ang nakarelasyon ni Mira na tinanggal na ni Jacob noon. "Masyado kayong mainit. Huwag na nating madaliin ang pagdukot sa kambal. Hintayin na natin ang kasal ng dalawa, mas madaling gawin ang plano kapag nasa isang maliit na lugar lang sila at abala sa pinakamasayang araw ng buhay nila," suhestiyon naman ng isa na si Jose. Sa tatlo ito ang ang pinaka kalmado at kalkulado ang mga kilos. "Alam niyo naman na mahigpit ang seguridad na pinapairal sa sambahayan ng mga Larsen. Handang magsunog ng milyones si J
Guia POVExcited akong naglalakad papasok sa building kung saan nagtatrabaho si Renz Vidal, ang boyfriend ko for three years. Siya ang Head of Finance sa Sandoval, Mercado and Rafael, CPA’s. Isa siyang CPA at 10th place na board topnotcher, five years ago. Hawak ang isang lunch box na may lamang beef teriyaki na niluto ko pa para pagsaluhan namin.Inayos ko ang aking sling bag at nginitian si Manong Luis, ang security guard. Pero, nagtataka ako bakit hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin.Tumunog na ang prompt ng elevator at bumukas iyon. Halos takbuhin ko na ang pinto ng opisina ni Renz. Hindi ko mahagilap si Charina, ang kanyang secretary. Kung sabagay, lunch break nga naman kaya malamang nasa canteen si Charina.Nang nakalapit na ako sa pinto, kakatok na sana ako nang napansin kong nakaawang iyon. Namilog ang mga mata ko nang may narinig ako na tila ungol ng dalawang taong nasasaktan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako at hindi mapakali. Hindi
Guia POVDali-dali kong kinapa ang sarili ko. Pumaloob ang ulo ko sa kumot. Nanghina ako sa nakita ko! Pareho kaming hubot hubad ni John. Nakatalikod siya sa akin kaya tumambad sa akin ang matambok niyang pwet. Sa ibang panahon siguro ay kikiligin ako. Pero, ngayon, nagtatalo ang isip ko kung gigisingin ko siya o basta na lang siyang iiwanan. Maingat akong bumaba ng kama at pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Kahit mahapdi ang nasa pagitan ng aking mga hita habang humahakbang ako, pinilit kong hindi makagawa ng ingay. Pumasok ako sa banyo at nagbihis matapos umihi. Tumulo ang luha ko sa hapdi ng aking kaselanan ng mapatakan iyon ng ihi. Anong ginawa mo Guia? Twenty three years mong iningatan ang sarili mo para lang ibigay sa isang estranghero ang sarili mo! Magsisi man ako, wala na akong magagawa para mabawi ang puri kong basta ko na lang ipinamigay. Bahala na! Matapos hugasan ang aking pwerta, dali-dali kong sinuot ang damit ko kagabi. Nagmumug ako kahit papaano mawala a
Guia POVHome. Sa wakas, after five long years ay nakabalik na rin ako sa lupang sinilangan ko. Sabi nga ng marami, there is no place like home. Amoy Pilipinas na nga paglabas pa lang namin ng airport. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Gio na hinihila ang kanyang luggage. Gwapong gwapo ang anak ko sa suot niyang jogger pants at white hoodie. Samantalang kikay na kikay ang anak kong si Vivienne sa suot niyang dress na may tulle skirt pa at ang kanyang mary jane shoes na kulay puti.“Faster, Vie. Ang arte mo talaga,” komento ni Gio sa kapatid. Kahit na ipinanganak at lumaki sa Australia, matatas managalog ang panganay ko unlike Vivienne na Taglish o di kaya ay straight English ang kinasanayan.“Duh, wait kuya. We are not in a hurry,” ani Vivienne. Inayos pa nita ang kanyang tiara na pinagpipilitan niya talagang isuot para magmukha siyang prinsesa. Maarte niyang hinila ang kanyang bagahe at umagapay sa amin ni Gio.Mabuti na lang at hindi rush hour. Nakasakay kaagad kami ng taxi pap
Guia POVMatapos ihatid sa kindergarten ang kambal kasama si Aling Nelia, kaagad na rin kaming pumunta sa kumpanya. Wala pa ang company car na gagamitin namin kaya nag-taxi lang kami. Ayon naman kay Riza, mamaya sa meeting na iyon ibibigay ng HR sa akin. Alas otso pa lang ay naroon na kami sa tapat ng JJL Tower. Matayog iyon at isa sa pinakamagandang gusali na nakahilera sa Business District along EDSA.“Kinakabahan na ako, Miss Guia. Sana, hindi terror ang HR. Ang hirap ng pinagdaanan ko masungkit ko lang ang posisyon ko.” Panay pahid na niya ng kanyang pawis.“Relax, akong bahala sayo.” Napangiti ako sa sinabi kong yun pero hindi ko rin maiwasan na kabahan. Iba pa rin kasi ang feeling sa bagong kompanya. Panibagong environment kaya kailangan na well adjusted sa workplace.Pinakita namin sa security officer ang printed na confirmation letter since wala pa kaming company ID. Matapos naming dumaan sa inspection, dumiretso na kami sa twentieth floor. Swerte naman at hindi pa gaanong b