Share

Kabanata 2

REBECCA waited for the unknown number to reply. But nothing. Doon niya napagtanto na baka wrong number lang yata ang napadalhan nito.

Sa ngayong generation pa ba na uso ang human trafficking at rape. Kakasa pa ba siya sa ganoong klase ng modus operandi?

Of course not! Walang makakaligtas kay Rebecca Alastre. Hindi lang ahas at tigre ang kaya niyang tuligsain, even those people that are clothing with sheep. 

When she heard her I*******m notification beeped, Rebecca immediately saw some hearts reaction.

"Natural lang naman kasi sa isang magandang dilag ang mayroong i***a followers sa social media," aniya na nakangiti, "well people, thank you for supporting me. I will keep on updating para naman makukumpleto ang araw ninyo everyday."

She slept with a wide smile on her face, but when she wakes up early in the morning. Rebecca welcomed by another text message again. Kaparehong number na nagtext sa kanya kagabi.

"EV Bucks na naman?" Reaksyon niya nang mabasa uli ang content ng mensahe at kapagkuwan ay napakunot ang noo, "sabog yata ang mensahero nito e! Ano naman ang gagawin ko sa EV Bucks?" Iling-iling siyang bumangon sa kama at hindi na lamang iyon pinansin.

Pero dahil taglay kay Rebecca ang pagka suwail. Kinuha niya ulit ang cellphone para mag type ng mensahe.

"Ulol!" She then hit the send button. Hah? Akala mo ha!

"Tingnan nalang natin kung makakapag react ka pa ba."

Nang biglang magring ang cellphone niya. Napatili si Rebecca dahil labis na nagulat siya. Hawak niya ang dibdib habang nakatingin sa cellphone na agad niyang naitapon dulot ng labis na kaba.

"Sino ka ba at bakit panay ang pagbibigay mo sa'kin ng mensahe?! Hoy, kung plano mo akong dikwatin sa illegal mong trabaho—"

"This is Ralph."

Ha?

"I sent you a message last night, but you responded with too much profanity and today, this?"

"...e b-bakit ba kasi hindi ka nagpakilala? Marami akong suitors at stalker sa ibang bansa. Malay ko bang ikaw pala ang nagpadala sa'kin ng mensahe?"

Hindi ito nagsalita sa kabilang linya.

"Hello, are you there? Or are you not? In or out..."

"EV Bucks."

Pagkamatay na lamang sa kabilang linya ang narinig niya kasunod. Napatitig siya sa cellphone.

"Walang phone etiquette ang kumag!" 

When another message popped up again. "EV Bucks today. 10 am sharp, don't make me wait."

Wow!

Hindi lang pala pakialamerong bastos ang lalaking iyon. Demanding rin masyado ang hangal.

She typed a reply, "neknek mo!" Then she hit the send button. Ngunit wala pang isang segundo ay nakapagreply na agad ang lalaki.

"Alright, that's a no, I guess. Kaya wala naman sigurong ibang rason kung bakit iba-back out ko ang investments sa Alastre empire. Have a nice day!"

Nataranta si Rebecca nang mabasa ang text message nito. Kung kaya't wala sa sariling napindot niya ang call button dahilan kung bakit agad iyong sinagot ng binata. Both of them, didn't make any noise. Nakikiramdaman lang kumbaga.

Nang sa wakas ay nagsalita ito.

"I called of my investment in Alastre emp..."

"Oo na! Oo na. EV Bucks mamaya," ang sarap talagang tirisin ng kumag!

"Alright. See you, then."

Ayaw na ayaw talaga ni Rebecca iyong dinidiktahan siya. Subalit heto siya, kailangang tuparin ang kahilingan ng demonyong Ralph na iyon dahil of course, sayang rin ang investments na pinaghirapang makamit ng kanyang ama.

She would never let the opportunity to be unspoken and blocked out. Kaya nang makarating sa EV Bucks, expected na talaga ni Rebecca na pagtitinginan siya ng mga tao. Sino ba naman kasi ang hindi ma-wi-weirdohan sa suot niyang wig na sa 1980's pa yata nauso.

When she spotted Ralph at the central isle of EV. Her planned really was held successfully. Mukhang napansin na rin kasi siya nang binata kagaya nang ibang tao na naroon. And base on what she saw on Ralph's reaction, there is the mix feeling of embarrassment.

Nagpang-abot ang kanilang mga mata kaya agad ni Rebecca na itinaas ang kanang kamay para kumaway upang batiin ito ngunit nag-iwas lang nang tingin ang lalaki.

Lihim siyang natawa.

Matatablan rin pala ng hiya ang isang ito no? Well, sige. Lulubus-lubusin na niya talaga.

Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa ng binata. While Ralph was kept on looking to the people who's looking at her already waving the road to be closer to him, on the other hand. Rebecca wanted to laugh out loud.

Ralph's reaction was beyond priceless.

"Hi," magiliw niyang bati. At kahit hindi siya nito inalok ng upo, naghila si Rebecca nang upuan at ipinwesto sa tapat nito.

Napansin niyang hindi ito mapakali, kung kaya't pinuna niya ito.

"Something's bothering you?"

Ralph only grunted. Saka ibinaling ang tingin sa kanya. Nahinuha niya pa ang pandidiri sa mukha ng binata na nakaangat ang tingin sa buhok niya. Then he grunted again.

"May problema ka ba sa'kin?" Kunwari ay walang alam at pa-inosente niyang tanong.

"Ano ang ginawa mo sa buhok mo?"

"This?" Hinaplos ni Rebecca ang peke niyang buhok. "This is called fashion. Hindi ba uso sa lugar ninyo ang ganito?"

Ralph only hissed. Sandali ring naging magaan ang ambiance ng EV Bucks nang malingunan niya ang mga tao na noo'y pinagtitinginan siya. Ngayon ay parang wala man lang eksenang nangyari at kanya-kanya na ang mga itong may ginagawa.

Seems like magic!

Pero di bale na nga lang. "Well, anyway. Bakit mo ako gustong makita dito sa EV?" Panimula ni Rebecca.

"I have to offer you a deal."

"Deal? Akala ko ba patas na tayo sa usapang hindi ko ipagkakalat sa buong mundo ang pa tagong relasyon ninyo ni Yvette?!"

"Yvette is the important one for me. I can't live alone without her. She's my number one priority."

God! Broken people and their whims!

"You will have my full stocks of investments in Alastre's empire if you agreed to my deal." Dagdag pa nito.

Ahuh!

Lihim na nagbunyi ang katawang-lupa ni Rebecca. Eto na iyon, pa! Heto na nga. Parang gustong pumalakpak nang mga kamay niya sa labis na tuwa.

"Okay." Tanging nasagot niya lang. Syempre, ayaw niya pang maging maarte no? Kung ang grasya na kamo ang lumapit, bakit niya pa tatanggihan iyon?

"Alright. I want you to be my pretend girlfriend..."

"Pretend...what?" Nabingi yata si Rebecca roon.

"Be my pretend girlfriend..."

"W-wait...wait...wait! Breathe in and out muna!" Nang matauhan siya ay muli niyang sinuri ang kabuuang mukha ng binata. "So, you're saying?"

Iling-iling na lamang si Ralph. Saglit itong may kinuhang folder at inabot iyon sa kanya.

"In order for you to understand everything. I printed all the possible ways to happened. Alam kong mabibigla ka kaya detalyado ko na lahat ng impormasyon riyan. If you have any question..."

"B-Bakit ako?" Wala sa sariling naitanong niya habang nakababa ang tingin sa dokumentong bigay ng binata sa kanya.

There is also an agreement na kung pipirma siya. Ibig sabihin niyon ay pumapayag siyang maging pretend girlfriend nito. Nagdadalawang-isip si Rebecca. Win-win match lang naman ang kalalabasan niyon. It's either kung papayag siya, then mapapasa kanila ng ama niya ang full stocks of investment nito, wherein kung hindi naman...

"Well, your decision must be heard."

Kagat ni Rebecca ang labi. Inangat ang tingin kay Ralph at nakasalubong niya ang mga mata nito. Siguro, hindi rin naman siya malulugi dahil malaking investor rin ang kumag kung papayag siya kung sakali. Tiyak na maraming kompanya ang naghahabol sa full stocks nito kung i-tu-turn down niya ang deal.

"Well?"

"P-pwede bang makapag-isip-isip muna?"

"Sure! For only one minute."

"Ha?"

"One."

Kumunot ang noo ni Rebecca. "Two."

"Sige na nga! Papayag na!"

"That's my girl."

Anong that's your girl? "Please sign the agreement please. The agreement will only be void once Yvette will be back to me again. Your only one rule is to pretend my girlfriend."

Tapos na itong pumirma and it's her turn to sign. Inabot ng binata ang ballpen sa kanya.

Bahagyang napalunok si Rebecca. Napako ang tingin sa ballpen na hawak nito. Kapag tuluyang tatanggapin niya iyon at pipirma, biglang magbabago na ang takbo ng buhay niya.

She will have an instant boyfriend for the meantime slash full stock investor.

Kaya sa huli...

"Ano ang gagawin?" Tanong niya.

"What do you mean?" Balik-tanong ng binata. She was done signing the agreement.

"Ano ang gagawin ko bilang pretend girlfriend mo?"

"The usual couple do."

"Kindly emphasize please?" Natigilan si Ralph sa pagkain. Kunot ang noo. "You didn't experienced having a boyfriend?" Halatang nagulat ang binata sa naging tanong nito.

"Hindi."

"Jesus! Then I am dealing an innocent one."

"Ha?" Wala siyang naintindihan. "Paki-explain nga!"

"Since you have to act as my girlfriend, that means, you have to remain close and intimate to me para hindi si Yvette manghinala."

"Okay. Madali lang iyon..."

"It involves kissing, Rebecca." Sa mapanghamon na tono. Siya naman ang hindi agad nakaimik at tinitigan na lamang ang lalaki.

"Involves...what?"

"Kissing," hindi rin nag-iwas nang tingin si Ralph sa kanya. Para bang pinakiramdaman nito kung ano ang magiging reaksyon niya.

She never experienced being kissed. Marami siyang stalker at suitor roon sa Canada but none of them didn't even lay their hands. Masyado siyang picky, kung kaya't hayagan siyang ngumiwi.

"Kailangan ba talaga ang ganoon?"

"If Yvette is around. Why not? Baka manghinala ang isang iyon kung hindi man lang tayo ganoon ka-intimate, so you should get yourself ready because one of these days, you will be dealing with me."

Ano ba itong napasukan niya?

Laylay ang balikat ni Rebecca nang papasok na siya sa kabahayan. Bitbit ang agreement na galing kay Ralph, makailang beses niya nang binasa ng paulit-ulit iyon subalit this time ay wala na siyang maintindihan.

Will she back out?

Probably she can't. Dahil masyadong segurista ang Ralph na iyon para magdala ng abogado upang maging legal kuno ang agreement na ginawa nito. Yes, there was an attorney witnessing their signing of agreement. Pirmado rin ng attorney ang pareho nilang lagda kung kaya't kung sakaling mag ba-back out siya, tiyak, isang malaking kaso ang haharapin niya.

"Ahhh! This is really...shit!"

Napasabunot si Rebecca sa buhok.

Mag-iinvest na nga lang ang Ralph na iyon, siya naman ngayon ang iniistorbo. Bakit bang siya nalang palagi ang nalalagay sa peligro gayong mabait naman siyang tao.

But she can't do anything about their deal now. Nakapirma na siya. The only thing that she must do is to act and pretend Ralph's girlfriend para naman matapos na.

Di bale. Mabilis namang lilipas ang araw at oras. Baka isang araw, magigising na lamang siya na mayroon na siyag kalayaan. At ang Ralph na iyon ay kapiling na ulit si Yvette.

Ang arte-arte ba naman ng Yvette na iyon e. Pwede naman kasi nitong pagsabay-sabayin ang pagiging artista pati na rin ang pagiging maybahay nito. Nang sa ganoon ay hindi pa siya ma-purnada!

"Oh, ano iyang hawak mo?"

Agad niyang ipinwesto sa likuran ang agreement nang marinig ang boses ng ama. "Wala lang ito pa."

"Sigurado ka?"

"Opo."

Tumango ito. "...iyong Lola mo pala ay tumawag kanina. Namiss ka 'raw niyong abwela mo, kaya tawagan mo na ngayon 'yon."

"Tatawagan ko si lola after sorting things 'pa."

"Sorting things? May problema ka ba?"

Me and my big mouth!

"...I mean, after ko dito 'pa. Tatawagan ko si lola." Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang ama niya. Ngunit gayunpaman, hindi na rin ito nangulit pa.

Pero...

"Where have you been at ten am to one pm? I've been checking your room, but you haven't there?"

"...ah! M-may...may usapan kasi kami ng mga kaibigan ko 'pa. Girls bonding kumbaga."

Ngumiti ito. "Well, glad to hear that. Akala ko kasi ay imumukmok mo na naman ang sarili mo after mong dumalo sa importanteng meeting, dahil alam ko, hindi mo gusto ang ideyang iyon."

"Papa naman!"

"What? Sige. Correct me if I'm wrong. Sige nga!"

"Kung hindi ko nga gusto iyon? Do you think I will risk my sleep para lang umattend sa meeting?" And partly, that was a lie. She must have to atleast convince her father that she liked the idea. When the truth is, she was not. "...and besides, successful naman ang pagiging volunteer ko di'ba 'pa?"

Namutawi sa mukha ng ama ang malambing na ngiti. "Yeah, because my daughter, Rebecca Alastre is the best."

Niyakap si Rebecca ng ama.

It was the most fulfilling moment for her, because one at a time, she was a spoiled. But now that she grown older, Rebecca can identify how it is very convenient to live everyday.

Sa Canada pa lang. Natuto na siyang maging matatag. Because her father taught her to be one. Palagi nitong sinasabi sa kanya na hindi sa lahat ng oras ay kasama niya ito. That was why, when she realized what's her father had said. Doon lang si Rebecca nagtino.

Ama nalang ang natira sa kanya and of course, bonus nalang si Arina—ang lola niya.

When she got back on her room. Doon lang yata nakaramdam si Rebecca nang pagod.

She went to her study room. Kinuha ang laptop at kinontak ang Lola niya through Skype. When she had the go signal, which was the interconnection, agarang napangiti si Rebecca.

"Hello, Lola. Kumusta ka po riyan?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status