Abot tainga ang ngiti ni Jack nang makita si Amber na papasok sa bahay ni attorney Lisa . Mabuti naman at pumunta ito kanina pagkatawag niya dahil kung hindi malilintikan na naman siya kay Lisa . '' mabuti naman at pumunta ka kanina pa ako kinukulit ni ate '' binatukan siya ni Lisa dahil hindi naman niya ito kinulit .Isang beses niya lang naman sinabi na tawagan si Amber . ''makabatok ka teh ...'' hindi nalang pinansin ni Lisa ang pinsan niyang mareklamo . ''kain muna tayo bago mag usap Amber '' walang imik itong pumunta sa mesa para kumain sa naihandang mga pagkain .Alam na niya kung sino ang nagluto ng mga ito dahil sobrang presentation ang itsura ng mga pagkain na nasa hapagkainan parang nasa restaurant lang sila sa sobrang ganda ng mga servings . ''pagpasensyahan muna ang ayos ng pagkain nakalimutan ata nitong magaling mong angkel na nasa bahay siya at wala sa restaurant '' ''ano ba naman ate syempre pinaganda ko dahil ito ang kauna unahang umapak ang pamangkin na
'' attorney napatawag ka '' ''miss Diane may nahanap na akong lalaki na magiging asawa mo pag harap sa mga Belarmiño '' nagulat si Diane dahil sa bilis naman nito makahan ng lalaking para sa kanya . ''miss Diane nandyan kapa ba ?" tanong nito dahil bigla nalang walang nagsasalita dito . ''oo still here '' ''bukas kailangan niyo na pong makilala kung magustuhan niyo siya ay kailangan na natin ayusin ang marriage contract niyong dalawa para mas maniwala ang mga Belarmiño na may asawa na kayo '' lalo siyang napanganga sa sinabi nito .Parang ang bilis ng pangyayari sa isang iglap magkakaroon na siya ng asawa . ''sige at anong oras bukas?" tanong nito . '' exactly alas otso bukas naroon na po kayo sa law firm namin '' may sasabihin pa sana si Diane sa attorney ng bigla nalang siya nitong pinatayan . Kagat kagat niya ang kanyang hintuturo habang naiinis .Para sa kanya parang siya ang mali .Hindi naman niya akalain na totohanin ni attorney Lisa ang tungkol sa pagpapahanap niy
"ngayong mag asawa na kayo anong balak niyo?" tanong ng attorney sa kanila . Ibinigay niya ang marriage license sa kanilang dalawa at pinirmahan ang mga ito pagkatapos ng kanilang rush ceremony kanina .Ang buong akala niya hindi magkasundo ang dalawa .Mabuti nalang at naibulong ni Cashandra sa kanya na may nakaraan ang dala kaya nagpapasalamat ito dahil right picking siya ng lalaking magiging asawa ni Diane .Natuwa naman siya sa kanyang nalaman pero may iba siyang napapansin sa dalawa hindi magkasundo ang mga ito at parang alam na niya ang rason . "attorney ikaw itong nagsabing magpakasal kami para makapunta na akong may kasama sa mansion " taas kilay nitong sagot kay Lisa na abala sa pagtitig sa kanilang dalawa ni Amber. "yeah but I mean kailan niyo balak magsama?" nagkatinginan sila sa isat isa ito na ang ayaw mangyari ni Diane dapat maging pakipot muna siya para kahit papaano sana maalala naman niya ito ang tungkol sa kanila noon . " pag mapalayas kona sila sa mansion " sagot
Inis na binato ni Jaymark ang cellphone matapos makatanggap siya ng mensahe sa abogado ng kanyang ama na mamayang hapon ang dating ng anak ni Rey . Akala niya matatagalan ang mga ito sa paghahanap . ''mamayang hapon darating ang anak ni Rey '' saad nito sabay upo sa sofa . '' ipaghahanda ba natin ng magandang welcome party ang apo ni papa ?" tanong Marie sa asawa nito . Kung siya ang masusunod hindi niya gustong pag aksayan ng oras ang apo ng Don . Nagisip muna si Monarch kung ano nga ba ang gagawin .Kung bibigyan niya ng welcome party ito at doon babasahin ang lastwill baka malaman ng lahat ang tungkol sa maliit nilang mamanahin . ''kahit dinner nalang hapon lang naman sila pupunta. Wala akong panahon i welcome ang apo ni papa ,nakakabanas '' napahalikhik si Marie sa sagot ng kanyang asawa . Wala nga talaga silang mood mag welcome sa taong hindi naman nila kilala . ''ngayon ba babasahin ang lastwill ni lolo para sa kanya ?" tanong ni Brix habang ang fiance nitong si Irene a
HIndi mapakali si Diane habang nasa byahe sila ni Amber .Hindi siya sanay na silang dalawa nalang ang magkasama lalo't asawa pa niya ito . Habang napapatitig siya sa singsing na suot niya ay naalala na naman niya ang gabing may mangyari sila at nasundan pa ito ng ilang beses dahil hindi siya noon pinakawalan at nangako pa ito .Pero sa kasamaang palad nawalang parang bula ang pangakong iyon dahil sa tagal ni Amber nawala at ngayon naiinis siya dahil parang mapa lang ng mundo ang utak ni Amber .Parang burado na siya doon at hindi na maibalik pa . ''mukhang kinakabahan ka a?" tanong nito . Kanina pa niya napansin na parang hindi mapakali at laging humihikab . Napangiti nalang siya dahil wala naman siyang paki sa mga iyon .Abala lang ang kanyang isip sa lalaking kasama niya ngayon . 'baka kasi insultuhin nila ako o baka mamaya gawan nila ako ng masama gaya ng nangyari noon kay Cashandra '' ayaw niyang mangyari ang ganong bagay sa kanya .Hindi naman mahalaga sa kanya ang mana pero
''hindi totoo iyan ....'' hindi din alam ni Monarch ang totoo dahil naririnig lang naman niya ito noon pero pinipilit ng kanyang ina na totoo siyang Belarmiño. '' ayon sa Don pag oras na mabasa na namin ito sa inyo . Kinaumagahan kailangan niyo ng umalis kung ayaw niyong ipakaladkad namin kayo paalis ng mansion . Kahit saang batas kayo papanig mananalo parin ang nilagdaang will ng Don na dumaan sa legal process at hindi lang kami ang nag approved kund mga ibang judges na rin '' lalong nanghina si Monarch sa nalaman .Saan sila pupunta ngayon kung papalisin sila sa mansion . '' ang kompanya kanino ? may ambag kami doon at hindi lang ang matandang iyon ang may hawak '' ngumiti sa kanya si attorney Villegas. ''huwag mo ng isipin ang kompanya iho dahil nabenta na ng Don ang kompanyang iyon sa mga Fortillen. Ito nga pala ang pay check na magiging parte niyo sa kompanyang iyon '' tinignan ni Brix ang chekeng hawak niya at higit thirty million lang ang binigay sa kanya ng Don . ''
Napakamot muna ng leeg si Amber bago maisipang magsalita .Parang hindi siya sanay na siya ang unang magsasalita sa kanila .Katatapos lang nilang kumain at wine nalang ang kanilang pinagsasaluhan . '' hindi naman siguro masama kung sabihin mo sa akin ang buong katotohanan tungkol sa nakaraan na meron tayo '' medyo na offend si Diane sa tanong ni Amber para sa kanya kung nakalimot ang isip bakit ang puso nito hindi man lang niya maramdaman na may nakaraan sila . ''wala akong pwedeng sabihin .Tulad ng sabi ko noon sayo mas okey na ikaw mismo ang makaalala '' pinunasan niya ang kusang tumulong luha sa kanyang mata .Nasasaktan siya bakit hindi man lang maramdaman ni Amber na naging parte siya sa isip at puso nito . ''kung minahal ba niya ako !'' tanong niya sa kanyang sarili lalo siyang nanlumo pag kaisip na hindi pala naging parte ng puso ni Amber ang tulad niyang umasa sa wala . Pakiramdam niya talong talo siya dahil umasa siya sa wala na may magmamahal din sa kanyang lalaki gaya
''pasensya na nahuli ako nakaalis naba sila ?" hindi nalang pinansin ni Diane si Amber na bagong dating nasa mansion siya ngayon para hintayin aalis ang mag iina sa mansion ng kanyang lolo . Napapasimangot nalang siya kung ano ang gagawin niya sa mansion gayong may bahay naman siya at kung sila talaga ni Amber may bahay din ito . ''ewww Diane anong pinagsasabi mo nakakadiri !'' napailing nalang siya dahil ang kanyang isang isip ay hindi sang ayon sa sinabi ng isa .Mukhang pati ang utak niya ay hindi makasundo gaya ng kanyang puso kahit anong sabihin niya sa kanyang sarili na iwasan nalang niya si Amber ay hindi niya magawa .Muntik na niyang makalimutan na mag asawa na pala sila sa papel . '' saan kaba galing kasi ?" tanong nito . ''sa hospital nagpa check up ako regarding my amnesia '' ''so what the findings about that ?" mahina nitong tanong . '' according sa doctor gagawa nalang daw ako ng bagong memories sa taong nakalimutan ko dahil kung pipilitin ko baka lalong lum
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang