''bakit po pala biglaan ang punta niyo dito mom ?" napatingin si Cash sa anak nito .Dati naman hindi ganito ang tanong na maririnig niya sa kanyang anak pero ngayon parang iba .Sa tingin niya may tinatago ito at gusto niyang malaman kung ano iyon .'' nagtataka kasi ako bakit gustong gusto mo tumira dito .Maayos ba ang kain mo baka naman puro order ka online a '' natatakot siya na baka hindi na nakakain ng fresh cooked ang kanyang anak kaya nagpasya siyang dalawin para naman makita ang kalagayan nito sa condo ang inaasahan pa nga niya may makita siyang babae na kasama nito pero wala . '' mommy maayos lang minsan nagluluto ako at dito kasi nakakapag isip ako ng maayos '' dinahilan nalang niya na mas malapit sa kompanya para mas maniwala ito .'' ganun ba kaya pala ''naniwala naman siya dahil kompleto ang laman ng ref at maayos ang kusina nakalabas ang mga gagamiting lutuhan . '' oo kaya huwag kayong mag aalala about sa akin mommy '' nagyabang pa siya na pwede nang mag asawa dahil kay
Nasa sala sila ngayong dalawa at gumawa ng juice si Ash para sa kanila .Medyo nagutom siya sa pag treadmill kaya kailangan niyang uminom ng juice na malamig .Inalok naman niya si Gabe na abala sa cellphone at mukhang may ka chat at nung tumango ay gumawa siya ng tig isa nila . Pagkalapag niya sa baso na may juice ay agad siyang tinanong ni Gabe .Nagulat siya dahil nagtatanong ito at mukhang mabait . ''' gusto mo bang sumama sa outing namin ?" hindi na sana niya isasama si Ash pero ilang araw sila doon baka mamaya biglang dalawa ang isa sa pamilya niya at makita nila ito . '' okey lang ba sayo ?" nahihiya niyang sagot .Medyo na excite siya dahil finally makakapasyal siya sa ibang lugar . Pero hindi niya pinahalata at baka mabwisit sa kanya si Gabe .Naisip ni Gabe kung isasama niya si Ash ano nalang ang sasabihin ng iba nilang barkada siya lang ang walang partner dahil ayon sa usapan dalhin nila ang mga girlfriend ng mga ito .Meron naman ng girlfriend si Noah kaya siya nalang ang
Titigan sana ni Gabe si Ash nang mapansin niyang hindi pa nito ginagalaw ang pagkain sa plato nito at namumula ang mukha . ''kanina kapa tahimik at ayos ka lang ba namumula ang mukha mo ?" hinaplos ni Ash ang kanyang pisngi .Nahihiya siyang tumingin kay Gabe at hindi niya alam kung paano simulan magtanong kay Gabe .Baka mamaya hindi pala ito naglaba mapapahiya lang siya . '' yeah I'm fine .I think mainit '' kunwari siyang naiinitan .Malamig naman pero pinagpapawisan siya .Iba pa naman ang kanyang katawan pag nakakaramdam ng hiya para siyang pinagpapawisan na malamig na thumbler ang kanyang itsura . '' hmm hindi naman sakto ang lamig ng aircon '' sagot ni Gabe habang kumukuha ng ulam . Nararamdaman niya kung mainit pero hindi naman. '' ohh for me hindi!!! '' katwiran nalang niya para hndi na ito magtanong at baka lapitan siya para hawakan .Tatayo na sana siya para kunin ang remote ng aircon pero naunahan siya ni Gabe . ''yun lang!!! sige at baguhin ko ..okey naba ito ?" na
Gabi nang nakauwi si Gabe dahil may dinaanan pa siya sa kompanya . Papasok na sana siya sa gate kung saan papunta sa parking lot ng bigla niyang nakita sina Josh at Ash na naguusap sa isang cafe .Bigla siyang nagtaka magkakilala kaya ang mga ito . Tinawagan niya ang isang guard saka siya bumababa at binigay ang susi . Nagmadali siyang pumunta sa kinaroroonan ng dalawa at nagkunwaring mag oorder ng kape kahit wala siyang mood magkape dahil gabi na . '' You're so serious, I didn't mean to. '' sabay tawa ni Ash habang kausap si Josh . '' so saan ka nakatira ngayon ?" hinintay niya ang isasagot .Hindi siya nakikita ng mga ito dahil nakalikod sila sa counter at may kabinet na puno ng libro ang nakaharang sa kanila kaya malaya ang kanyang tainga pakinggan ang kanilang pinag uusapan . '' dyan sa condo '' tinuro niya ang isang gusali at napatango nalang si Josh naalala niya dito ang condo ni Gabe .Parang gusto niya tuloy lumipat pero hindi pwede dahil malapit lang naman ang kanilang ba
Kinaumagahan maagang nagising si Gabe dahil kailangan niyang umuwi sa mansion para makadalaw na rin dahil laging nagpapadala ng mensahe ang kanyang ina at mukhang namiss na naman siya nito . '' bakit ngayon ka lang umuwi Gabe ?" dahan dahan siyang lumapit sa sala at naroon ang kanyang ama .Nagkakape habang nagbabasa ng magazine . Akala niya hindi pa ito umuwi kaya nagpasya siyang dumalaw .Parang ang bilis naman ang pagpunta nito sa ibang bansa . '' ohh bakit dad kung ngayon lang ako ?" seryoso niyang tanong .Umupo na rin siya at nagdikwatro habang naglalaro siya sa kanyang cellphone. '' nawawala ang anak ni mister Dortiz tulungan mo lang akong hanapin siya at hahayaan na kita sa gusto mo .Hindi ko itutuloy ang pagpapaasawa sa anak niya '' good news ang kanyang natanggap ngayon at mukhang kailangan niyang magparty dahil hindi na siya papakialaman finally malaya na siya . '' totoo ba iyan ?" tanong niya sa sobrang excited hindi na niya natawag na dad ang kausap . '' oo naman
Nasa rooftop sila ngayon at iniwan muna ni Gabe si Ash sa kanyang condo .Gusto niyang magpahangin at uminom kasama ang kaibigan . Ito ang doktor noon ni Ash at dito niya lang nasasabi ang problema tungkol sa dalaga .Hindi naman niya masabi sa iba at baka may masabi silang hindi niya magustuhan at makarating pa sa kanyang pamilya . ''mukhang ang lalim ng problema mo bro ?'' nakipagcheers muna bago ininom ang alak na nasa baso saka tumayo at tumingin sa baba .Madilim na ang paligid at marami na ring kumikinang na ilaw sa mga nagalalakihang mga gusali .Buntong hininga siyang napapikit . '' yung babaeng nabangga ko si Ash hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya '' pakiramdam niya mali ang kanyang desisyon noon .Habang tumatagal si Ash sa kanya lalo siyang naattract sa ganda .Pero minsan naawa din siya kung papaalisin niya saan ito pupunta . '' nareport muna ba sa mga pulis ?" iling lang ang bukod tanging sagot nya sa sinabi ni Noah .Paano ba sasabihin ba niya sa pulis para sil