Share

Chapter 2 Mr. Castalijo Owned Me

He Owned Me-2

Halos mapaubo si Marga ng bigla s'yang akbayan ni Tamari, babae ito pero my lakas pang lalaki.

"Ano Marga, my balita na ba? May booooooyfriend ka na ba?" mapanuring sambit nito na tila ay may kasunod na pangungutya.

"Oo nga Marga, may boyfriend ka na ba? Lalaki ba talaga ang gusto mo, o baka babae? Nakaka-ilang break up at boyfriends na kasi kami at ikaw wala pa. Marga, my girlfriend ka na ba?" taratitat namang wika ni Georgia.

Pinag-kross ng dalaga ang kanyang dalawang kamay sabay ngisi at napaka-tingkad pa ng pag ning-ning ng kanyang mga mata na tila ay proud na proud s'ya sa anong bagay.

"Sorry kayo pero hindi n'yo na ako makukulit pa, pinaghandaan ko na itong pangyayaring ito," aniya sa nagdiriwang n'yang puso.

Naintriga naman ang dalawa n'yang kaibigan at napa-nganga ang mga ito, napa-atras si Georgia habang naka-tup- tup s'ya sa kanyang bibig while looking at her friend Marga. Habang si Tamari naman ay halos sakalin na n'ya ang kanyang kaibigan.

"Impossible!" gulantang na sambit ng dalawa. Habang si Marga naman ay naka-ngisi pa rin.

"Hindi ito maaari!" sabi ni Tamari

"Himala ito!" dugtong naman ni Georgia.

"K-kung ganon, Marga. Nagtataksil ka na sa fiance mo?"

"Ano ka ba Tamari, hindi nagtataksil si Marga sa fiance n'ya dahil hindi pa nga n'ya ito nakikita at nakikilala. Correct me if i'm wrong ha, pinagpipilian pa kayo ng ama mo kung sino ang ipapakasal n'ya sa inyo sa misteryosong lalaki diba? Na sinasabing fiance mo. Eh, kung ganon ang set up, your not doing a crime dahil single ka! Kaya ayos lang na magka-boyfriend s'ya ng iba Tamari,," sabat naman ni Georgia.

"By the way, sino ang boyfriend mo? Nasaan na s'ya? Pakilala mo naman ang boylit mo sa amin!" chismosang palaka na dugtong pa nito.

"Ito, tadan!" proud na sambit ni Marga sabay lahad ng kanyang phone sa dalawa.

"Howow! Ang pogi!" wika ni Tamari sabay agaw ng phone mula sa kanyang kaibigan.

"Georgia tignan mo, ang swak! Pasok sa banga, ang hot! Ang pogi, yummy sarap!"

"I agree, Tamari. Take note! Naka-wallpaper na n'yaaaaa," daldalan pa ng dalawa.

Habang si Marga naman ay ngiting tagumpay.

"Yes! Paniwalang-paniwala sila! Siguro naman ay titigil na sila sa kakatanong nila sa akin," aniya sa kanyang isipan.

"Marga, wala ba kayong photo together?"

"Patay!" alarma n'yang wika sa kanyang isipan sabay hablot ng kanyang phone.

"Ang bagay na iyan ay private," palusot n'ya sa dalawa dahil wala naman s'yang maipapakita na couple picture sa mga ito dahil hindi naman n'ya ito boyfriend.

"Ang damot naman, lahat ng boyfriend ko ipinakakikilala ko sa'yo Marga ah, pero picture nga lang ayaw mo ipakita sa amin," tampo ni Tamari.

"Ahhhh, naku patay! Nag tampo pa ang loka-loka," sabi n'ya sa kanyang isipan.

"A-ah e-eh, nahihiya kasi akong ipakita sa inyo ang couple picture namin eh,"

"Ha! Huwag mong sabihin na….. naka-h***d kayong dalawa sa picture na iyan? " dugtong pa nito with may malakas na malisya.

Gumuhit naman ang shock na imahe sa mukha ng dalagang si Georgia.

"No way! Naka-h***d kayo?" halos hindi makapaniwalang sambit nito. " Kung ganon, hindi ka na virgin virgo?" dugtong pa nito.

"Hindi no! Over ka ah," tangi n'ya.

"Ahhhh basta ako, ang gusto ko lang ay kapag nagsawa na si Marga sa boyfriend n'ya gusto ko ibigay n'ya iyan sa akin," sabat pa ni Georgia.

"P-patay na ako nito," takot at nababahalang wika ni Marga habang napapa-atras s'ya ng makita n'ya ang dalawang kamay ni Tamari na handang agawin ang phone n'ya mula sa kanya.

"Patingin ng nude photos n'yo," mapanganib nitong sambit habang si Marga naman ay panay ang pag atras.

"C-confidential nga ito eh," aniya sa kanyang kaibigan. "Patay ako nito kapag nalaman nilang nagsisinungaling ako," dugtong n'ya sa kanyang isipan.

Mas naging aggrisibo si Tamari ng pilit itinatago ni Marga ang phone nito sa kanya, mas lalo n'ya tuloy napapatunayan na tama ang kanyang hinala na nude photos nga itinatago ni Marga mula sa kanila.

"Ahhhh!" tili ni Marga ng bigla s'yang talunan ng kanyang kaibigan at napa-sandal s'ya sa pader. "Tamari! Confidential nga! Tamari! Ano ba! Wala ito! Tamari!" sigaw n'ya while protecting her phone from her friend.

"Patingin ako! Patingin mo naman ako!" sigaw din ng dalaga at pilit na inaagaw ang phone.

"Patay talaga ako nito," wika naman ng isipan Marga.

Habang si Georgia naman ay bussy ito sa gilid kakareply sa boyfriend nito at wala s'yang pakialam sa dalawa. Sanay na kasi s'ya sa ganoong kilos ng dalawa.

"Psssssst!" malakas na sitsit ang kanilang narinig, napatigil ang dalawa at sabay silang tatlo na napatingin sa ibabaw ng hagdan kung saan nanggaling ang malakas na pag sitsit.

Natulala ang dalagang sina Tamari at Georgia ng bumungad sa kanilang mga paningin ang pamilyar na mukha ng gwapong lalaki.

Habang si Marga naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig ng makilala n'ya ang binata.

Kinabahan s'ya sa maaaring sabihin ng kanyang mga kaibigan sa lalaki. Kapag nagkataon ay bukingan na at pahiya pa s'ya. Dublekarang sampal ito sa kanya kapag nagkataon.

"Dalaga na kayo pero kilos bata pa rin kayo! Hindi n'yo ba narinig ang bell? Mag uumpisa na ang klase at nandito pa rin kayo naghaharutan! Anong klaseng mga estudyante kayo? Kumilos naman kayo na naaayon sa mga responsibilidad ninyo! Sige na, pumasok na kayo sa inyong mga klase. Mga pasaway!" sermon pa ng lalaki sabay tumalikod ito sa kanila at naglakad palayo.

Habang si Marga naman ay nakahinga s'ya ng maluwag dahil naistatwa ang kanyang mga kaibigan at hindi nagkaroon ang mga ito na makipag-chismis sa lalaki. Mabuti na lang at pogi ang binata para mapatigil ang usyusira n'yang mga kaibigan.

"Ang gwapooooooo! Ang gwaaaapooo!" sabay na tili ng dalawa at niyugyog pa nila si Marga sa sobrang kilig.

"Ang angas ng boyfriend mo! Hot but cold, akalain mo iyon? Pinagalitan ka n'ya, ang sweet nun," sabi pa ni Tamari.

"Hoi Marga! Ano ba ang boyfriend mo rito sa school? Trasfere ba s'ya? Or anything else? Hindi s'ya naka-uniform pang student at hindi rin s'ya naka-uniform pang teacher. Ano ba s'ya sa school natin. New doctor?" sunod-sunod na tanong ni Georgia.

"Ah-eh," hindi n'ya malamang sagot dahil pati s'ya ay hindi n'ya alam kung ano ang lalaking iyon sa skwelahan nila. At isa pa, nge pangalan nga nito ay hindi n'ya alam kaya paano n'ya sasagutin ang tanong ng mga ito?

"A-ang mabuti pa, pumasok na tayo sa room natin," dugtong n'ya.

"Kyaaaaah! Gusto ko yan Marga! Tumitino ka na, ibang klase ka pala kapag nagka-boyfriend ka. Nagiging anghel ka," sabat naman ni Tamari.

"Hay naku! Paniwalang-paniwala sila sa boyfriend ko ang lalaking iyon. Naku, paano na ako nito kung hindi iyon basta bisita lang sa school na ito?Patay ako! Sana hindi na ako nagnakaw ng litrato ng ibang tao. Karma naman, bakit ang bilis mo?" pagsisisi n'ya sa kanyang ginawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status