"I'M WARNING you, Rowan."
Nahihibang na ba si Oliver para umakto ito ng ganoon sa harap ni Madison? Matagal na silang wala ni Gianna at wala na siyang pakialam kung kanino man siya makipag-date. Pinapairal na naman nito ang pagiging spoiled. Nararamdaman niyang pati si Madison ay hindi na magugustuhan ang takbo ng usapan. "Babe, stop it. Let him be, kung gusto niya si Gianna hayaan mo siya." "No! I won't let him date her," sambit nito. Napailing siya at napangisi. Nahihibang na talaga si Oliver. Hindi man lang nito naisip ang mararamdaman ni Madison. Marahas na tumayo siya sa upuan at hinarap si Oliver. "Oliver, stop! Can you please mind your own business? Wala ka nang pakialam kung sinong lalaki man ang i-date ko dahil matagal na tayong wala." Matalim niya itong tinitigan, bago naglakad palabas ng gusaling iyon. Naramdaman niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya tatakasan ni Oliver? Matagal na silang wala pero hanggang ngayon, pinipilit pa rin nito ang gusto nito na maging pag-aari siya. Naglakad siya patungo sa bus station. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata pero mukhang minamalas ata siya nang biglang bumuhos ang ulan. Napabuntonghininga na lang siya at tumingala sa kalangitang nagsimulang dumilim. Naghalo ang patak ng ulan sa mga luha niya. "Bakit nararanasan kong lahat ng 'to?" hinaing niya sa kawalan. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit pinagtitinginan na siya ng lahat. Hinayaan niyang mabasa ng ulan at yakapin ng lamig. "Are you crazy?!" Nagtaka na lang siya nang may humawak sa braso niya. Nawala ang ulang pumapatak sa katawan niya. May payong na humarang sa kaniyang mga ulo habang may lalaking nakahawak sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nagulat siya ng makita si Gabriel habang hawak ang payong. "Are you trying to get sick o gusto mong malunod sa ulan?" Iginiya siya nito patungo sa sasakyan nito. "I want both, Gabriel. Magkasakit o malunod, it's both fine para kahit pa paano matakasan ko lahat." "Crazy mindset." Napailing ito. Nang makarating sila sa sasakyan ng binata, binuksan nito ang pinto niyon at dahan-dahan siyang pinapasok sa unahan. Kapagkuwa'y umikot si Gabriel at sumakay na rin. May dinukot ito sa passenger seat at ibinigay sa kaniya. "Wear this." Inabot nito ang suit jacket nito. Hindi niya iyon kinuha, bagkus niyakap niya ang sarili dahil sa lamig na yumakap sa kaniya. Napasinghap si Gabriel at napailing. "Tss!" Lumapit ito sa kaniya at nilagay sa katawan niya ang suit jacket. Napatingin siya rito na malapit ang mukha sa kaniya. Napalunok siya dahil sa kakaibang naramdaman niya nang magdikit ang kanilang mga balat. Matapos nitong ilagay sa kaniya ang suit jacket, napatingin ito sa kaniya habang seryosong tinitingnan niya ang magandang feature ng mukha nito. Makakapal ang kilay nito, maliit ang labi at may makinis na kutis. Kapwa sila hindi nakaimik at walang kibo habang masuyong nakatingin sa isa't isa. Ang mga labi ni Gabriel, ang mga mata nito na tila inaaya siyang at binibigyan ng permisong halikan ito. Dahil sa nararamdaman niya, dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha kay Gabriel. Wala siyang pagtutol na natanggap mula rito hanggang sa ilapat niya ang mga labi rito. Pumikit siya at sa sandaling iyon, naramdaman niya ang ganti ni Gabriel sa bawat halik niya. Muli niyang nadama ang init at lambot ng labi nito na nagpapahina sa kaniya. Ang lamig na nararamdaman niya, dahan-dahang nawawala sa hindi niya alam na dahilan. Kapwa habol nila ang hininga ng maghiwalay sila. Nabasa na rin ng konti ang long sleeve na suot ni Gabriel. "Are you sure about this?" tanong nito. Hindi siya nakaimik. Pakiramdam niya'y namumula na ang kaniyang pisngi dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Nadala siya sa naramdamang udyok ng isip. "H-hindi ko alam," aniya. Ngumisi si Gabriel at bahagyang dumistansiya sa kaniya. "Kung hindi mo kayang panindigan, better to not start the fire, Gianna." Bumaling ito sa manibela ng sasakyan at pinaandar iyon. Kapwa sila walang imik habang lulan ng sasakyan. "How long have you been in a relationship with Oliver?" basag ni Oliver sa katahimikan. Nilingon niya ito at hindi agad umimik. "T-three years," pakli niya. "Have you slept with him?" "No," sagot agad niya na siyang totoo naman. "So, you're telling me na virgin ka pa rin until now?" "Gabriel, mahalaga ba na malaman mo 'yon?" balik niya. "I just want to know." Bumuntonghininga siya at bumaling sa labas. Naalala niya si atty. Charles. "Hindi ko alam, Gabriel kung isa ka rin ba sa gustong makipaglaro sa akin," pagbabago niya sa usapan. "What do you mean?" "Atty. Charles Benitez is Oliver's friend, Gabriel. Paano ako lalapit sa kaniya kung kakampi siya ng lalaking iyon?" "I-I'm sorry for that, Gianna. I know Charles, he's a good lawyer at alam ko ring kaibigan siya ni Oliver. Sinabi ko sa kaniyang i-consider ka niya and your case but I'm not who to decide kung tatanggapin niya ang case ng daddy mo o hindi," paliwanag nito. Hindi na lang siya umimik dahil tama naman si Gabriel. He's trying to help pero hindi pa rin nito hawak ang desisyon ni Charles. Nang huminto ang sasakyan ni Gabriel, mahina na ang ulan pero pinayungan pa rin siya nito nang makalabas siya ng sasakyan. "Thank you again and sorry for another trouble I've caused you," nahihiya niyang sabi. "Take this." Inabot ni Gabriel ang payong. Kinuha naman niya iyon. "I'm trying to help, Gianna and I'm sorry kung hindi ko nagawa." "No, it's fine, Gabriel. Naiintindihan ko." Pilit siyang ngumiti. "Thank you ulit." Tumalikod na siya pero muling nagsalita si Gabriel. "I like how you kissed me, Gianna.""AYOS KA lang ba talaga, Gianna? Kanina ka pang tahimik," pukaw sa kaniya ni Stella habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa kawalan habang nasa opisina siya ni Gabriel. Pumupunta lang ito roon pero hindi siya pinapansin.Bumuntong-hininga siya. "May karapatan bang akong mag-demand, Stella?""Huh?""Sa isang iglap nagbago si Gabriel sa akin. Pakiramdam ko, hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Alam kong wala akong karapatang magsalita sa kung paano niya dapat ako itrato dahil utang na loob ko sa kaniya ang lahat. Binili niya ako at lahat ng gusto niya, walang reklamong dapat kong gawin.""Ano bang nangyari?" Kinuwento niya ang lahat. "Masyado naman siyang mababaw. Dahil lang binaggit mo ang pangalan ng kung sino mang babaeng iyon, nagalit na siya? Eh, gag* pala siya, eh. Pagkatapos ka niyang itrato ng maayos tapos ngayon, parang laruan ka niya kung tratuhin.""Pero hindi ba't may karapatan naman siya kung paano niya ako tatratuhin depende sa gusto niya? Pag-aari niya ako at hindi
"let's go for a coffee?"Lumingon si Gianna at nakita niya si Amy na masayang nakangiti sa kaniya. Nawala ang lungkot sa mukha niya at pabalik na ngumiti rito."Ma'am—""Just call me tita, hija," anito saka lumapit sa kaniya at bumeso. "How are you? You look so gorgeous," puri pa nito."Ok lang po. I'm trying to learn everything about business.""Just learn one step at a time, hija."Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa ginang kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala. Gumagaan ang loob niya."Bakit po pala kayo nandito? Hinahanap niyo po ba si Gabriel?" Umiling ito. "No, I'm here for you. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.""Ako po?"Tumango ito. "So, let's have coffee?"Sabay na silang lumabas ng opisina ni Amy. Pinasakay na rin siya nito sa kotse nito patungo sa coffee shop na pupuntahan nila."So, kumusta kayo ni Gabriel?" tanong nito habang lulan sila ng sasakyan.May lungkot na lumitaw sa mukha niya. Simula pa kasi nang nagdaang gabi ay hindi pa rin siya ni
HINDI mapakali si Gianna habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ni Gabriel. Simula kasi nang umalis ito, hindi na ito bumalik. Nagi-guilty siya dahil alam niyang nagalit ito sa naging tanong niya. Tinawagan at tinext na rin niya ito pero wala siyang reply na na-receive. Matatapos na ang maghapon pero wala pa rin ito."Ma'am, Gianna." Kinabahan siya dahil akala niya'y si Gabriel iyon pero si Dom ang bumungad sa kaniya. "Pinapasabi po ni Sir Gabriel na ako na ang maghahatid sa inyo pauwi.""B-bakit nasaan si Gabriel? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sabi niya."He's on the meeting, Ma'am Gianna at pinasasabi rin niya na baka ma-late na rin siya ng uwi."Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ganoon ba talaga katindi ang galit ni Gabriel sa kaniya dahil sa pagtanong niya tungkol kay Claudia?"Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," malungkot na saad niya. Inayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang bag, saka sila lumabas ng opisina ni Gabri
NAGTINGINAN lahat ng mga tao sa kompanya nang pumasok si Gianna roon. Nagsimula na rin ang mga bulungan tungkol sa kaniya."Hindi ba't siya ang ex-girlfriend ni Sir Oliver?""Oo nga, bakit siya nandito?""Ang balita ko, siya raw ang bagong shareholder ng kompanya."Hindi siya nagpatinag sa mga narinig, taas noo siyang naglakad sa hallway bitbit ang mamahaling bag na binili ni Gabriel sa kaniya."Good morning, ma'm Gianna," bati sa kaniya ng secretary ni Gabriel. Hindi sila sabay pumunta ng opisina dahil may dadaanan pa ito. Nauna na siya dahil marami pa siyang bagay na dapat gawin at aralin tungkol sa pagiging shareholder ng kompanya.Kakapasok pa lang niya sa opisina, nasundan agad siya ng mag-ina si Madison at Yena. Matatalim ang mga mata na parang lalamunin siya ng buhay."Kapal talaga ng mukha mo para ibalandra sa lahat ang pagiging shareholder mo," inis na sabi ni Madison."Alam mo, Gianna hindi ka naman nababagay sa lugar na ito. You do not belong here dahil wala ka namang yaman
"WHAT are you planning to do, Gabriel? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" nababahalang sabi ni Irene kay Gabriel nang makapasok siya sa opisina ng ina. "You're risking your position in the company because of that girl, alam mo ba 'yon?"Bumuntong-hininga siya at umupo sa sofa habang kaharap ang ina. "Mom, I know what I'm doing, ok? I just need you to trust me.""Paano ako magtitiwala sa iyo kung nilagay mo sa panganib ang posisyon mo, ang kinabukasan mo.""Mom, sa tingin mo just because I'm going to marry, Gianna makukuha nila ang gusto nila? Hindi ako papayag na kunin ulit nila ang para sa atin. Tapos na tayo sa pagiging tahimik, it's payback time, sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa pamilya natin." Kita ang galit sa kaniyang gwapong mukha."P-pero paano ka? Alam natin ang kaya nilang gawin para makuha ang posisyon mo at mapatalsik tayo sa kompanya. They have the connection and power.""I know, mom that's why I'm creating my own connection and power na ilalaban ko
"KAYA ko ba?" mahinang bulong ni Gianna habang nakatingin siya sa malaking salamin sa loob ng rest room ng company. Nararamdaman niya ang pangangatal niya dahil sa nakakatakot na tingin sa kaniya nga mga taong hindi natutuwa sa pagpasok niya sa kompanya."Do you think naka-jackpot ka na kay Kuya Gabriel?"Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Madison na galit na galit."Madison.""What do you think you're doing, Gianna? Talaga bang ganiyan ka na kadesperada para magpagamit kay Kuya Gabriel, for what? Para sa pera?" Ngumisi ito. "Mali ka nang taong kinapitan, Gianna dahil hindi mo kilala kung sino siya. He's evil. Heartless. Ruthless. Kaya kung iniisip mong naka-jackpot ka na, nagkakamali ka dahil sa huli, itatapon ka lang din niya na parang basura."Hindi agad siya nakasagot. Mali nga ba ang taong hiningan niya ng tulong? Umiling siya. Agad niyang tinago ang doubt at takot sa mukha niya. Kailangan niyang maging matapang sa harap ng mga taong nagpahirap sa kaniyang pamilya."I