Share

Kabanata 2

Author: Faith Shaw
last update Last Updated: 2024-11-13 16:43:51
Dahil sa sinabi nito ay natigilan si Solene at muntik nang matalisod.

Hindi niya maibalanse ang katawan kaya't bahagya siyang humilig papunta kay Noah.

Nang maramdaman nitong nawawalan na siya ng balanse ay sinuportahan siya nito at inilagay ang mga kamay sa kaniyang bewang.

Dahil sa nangyari'y agad na gumapang ang pamilyar na init sa kaniyang katawan kagaya ng kaniyang naramdaman kagabi.

Sinubukan niyang kalmahin ang sarili, nagtaas siya ng noo at sinalubong ang malalalim nitong mga mata.

Seryoso ang mga mata nito, bahagyang may pagtatanong at bakas ang pagdududa, na tila nakikita nito ang totoo niyang nararamdaman kahit sa isang sulyap lang.

Mas lalo lamang na bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Hindi niya kayang tagalan ang tingin nito kaya unti-unti rin siyang nagbaba ng tingin.

Nagalit ito nang maisip na ang babae kanina ang nakasama nito, kaya ano ang kaibahan kung sasabihin niya ang totoo sa lalaki?

Hindi niya kayang aminin kay Noah ang totoo.

Kung malalaman ba nito na siya nga ang nakasama nito kagabi, magagawa ba nitong kumapit sa kanilang pagsasama ng mas matagal?

May mababago ba?

Hindi niya ito kayang tingnan.

"Bakit mo itinatanong ‘yan?"

Alam naman niyang walang magbabago. Siya lang naman ang umaasa.

Marahan na natawa si Noah. "You wouldn't have the guts to do it."

Nanlamig ang kaniyang mga kamay at mas lalong nagbaba ng tingin.

Sa puso ni Noah ay hinihiling niya na sana nga'y hindi si Solene ang nakasama niya kagabi. Dahil pagkatapos ng lahat, siya at ang babae ay napasok lamang sa kasal dahil sa isang kasunduan.

At ilang araw na lamang ay matatapos na ang kasunduang iyon.

Hindi niya inaasahan ang biglang paghaklit ni Noah sa kaniyang kamay.

Saglit na tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa gulat. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang malamig at mapanuri nitong tingin.

Nahirapan siyang bawiin ang kamay kay Noah, kahit anong pagpiksi niya'y hindi siya nito binitawan.

Sunod niyang naramdaman ang paglapat ng kaniyang likod sa malaking salamin.

"What did you do?"

Pinanatili niya ang kalmadong ekspresyon, ngunit hindi niya napigilan ang panginginig ng kaniyang boses dahilan para makita ang takot.

"Talaga bang nakatulog ka sa loob ng opisina?"

Nagtama ang kanilang tingin. Nagdududa pa rin ito sa kaniya?

Bigla niyang naalala ang unang gabi nilang magkasama pagkatapos ng kasal tatlong taon na ang nakakalipas. Akala niya'y ginusto ni Noah na maikasal sa kaniya.

Kaya sinubukan niyang hawakan ang lalaki, ngunit bago pa man lumapat ang kaniyang kamay sa katawan nito ay tumayo na si Noah at hindi niya makakalimutan ang madilim nitong mukha. Puno iyon ng kalungkutan at pagkabigo.

Naalala niya pa ang sinabi nito.

"Pumayag akong maikasal sa’yo para tuparin ang hiling ni Lolo. Pagkatapos ng tatlong taon, maghihiwalay rin tayo. Ngunit bago ‘yan, ayaw kong hahawakan mo ’ko. Dahil kung hindi, malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin sa’yo."

Kaya't sa halos tatlong taon nilang pagsasama ay walang nangyari sa kanilang dalawa.

Pinananatili nito ang kaniyang kabirhenan para sa kaniyang minamahal. Mapait na bulong ng kaniyang isip.

Ang bagay na iyon ay para lamang kay Iris.

Kaya kapag nalaman nito ang nangyari sa kanila kagabi baka mapatay pa siya nito.

Nagbaba siya ng tingin.

"Sa opisina ako natulog."

Naramdaman niya ang kamay nito malapit sa kaniyang leeg, at naglakbay iyon pababa.

Kaonting pisil lamang ay nag-iiwan ng pulang marka ang kamay ni Noah. Hanggang sa makarating ang kamay nito sa ikatlong butones ng kaniyang long sleeve.

"The buttons were not at the right place." Saad nito.

Nagbaba siya ng tingin sa suot na long sleeve at napansin na tama ito.

Hindi maayos ang pagkakabutones niya.

Nahirapan siyang huminga, sinubukan niyang palisin ang kamay nito at mabilis na tinanggal ang mga butones para ayosin iyon.

"I'm sorry, nagmamadali ako. Next time I will pay more attention to it."

Halata ang pagkairita sa mukha ni Noah at itulak siya nito palayo, at naglagay ng distansya sa kanilang dalawa.

Tumalikod sa kaniya ang lalaki at inayos ang collar nito.

"Why can't you properly tend to yourself? Simpleng bagay lang ay hindi mo mapuna. Don't make such low-level mistake again next time."

Napatitig siya sa sahig at naramdaman na tila may humihila sa kaniyang puso pababa.

Ganiyan naman palagi si Noah, hindi siya pwedeng magkamali. Kahit sa maliit na bagay lang.

Ngunit siya? Hindi ba siya pwedeng magkamali? Hindi ba siya kailanman nagkamali?

Pumihit na paharap ang lalaki.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Bakit hindi mo asikasuhin at paghandaan ang meeting?"

Nanatiling nakapako ang kaniyang mga mata sa sahig.

"Noah McCinton, Iris Relova is back."

Saglit na natigilan si Noah. Ito ang unang beses na binanggit ni Solene ang buo niyang pangalan.

Nag-angat ng tingin si Sol at tumingin sa lalaki.

Ngayon ay nagawa na niyang ikubli ang mga luha at sa pormal na tono ay nagsalitang muli.

"We should get a divorce."

Nang marinig iyon ni Noah, agad na naglitawan ang ugat sa likod ng kaniyang kamay at dumilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Solene, it's working time. Trabaho muna dapat ang iniisip mo."

Tumalikod ang lalaki at sa malalaking hakbang ay nagtungo sa pinto.

Napatulala na lamang si Solene sa likod nito. Unti-unti ay bumigat ang kaniyang paghinga.

Mukhang pumapayag naman si Noah.

Tila nahimasmasan siya nang maramdaman ang mainit na likido sa likod ng kaniyang palad.

Nang tingnan niya iyon, napagtanto niyang luha iyon na nanggaling sa kaniyang mata.

Sa huli ay hindi niya rin napigilan, bumuhos na ang kaniyang mga luha.

Ngunit tama si Noah, kailangan niya pa rin unahin ang trabaho at maging professional na sekretarya sa harap nito.

Naalala niyang ang mga dukomento na kailangan sa meeting mamaya ay nasa bahay, kailangan niya iyong balikan.

Mukhang isasabay na lamang niyang kunin ang divorce agreement na nakahanda para sa pangyayaring ito.

McClinton' President's Office.

Sumandal si Noah sa leather na upuan, salubong ang kilay at malamig ang ekspresyon ng mukha.

Ilang katok sa pinto at pagkaraan ay pumasok si Adam na kaniyang assistant.

"Sir McClinton, natingnan ko na. Totoong sa opisina natulog kagabi si Solene."

Nang marinig ito ay agad na lumalim ang gitla sa noo ni Noah.

"At napag-alaman ko rin Sir na pumunta kagabi si Miss Iris Relova sa hotel at inalam ang room number ninyo sa front desk."

Bumalik si Solene sa bahay ng pamilyang McClinton. Nang makapasok siya ay agad na bumati sa kaniya ang sarkastikong tinig ni Athena McClinton.

"Bakit ka bumalik ngayon samantalang oras ng ‘yong trabaho? Sa pamilya namin, hindi namin gusto ang mga taong walang silbi, lalo na ang mga inahing kagaya mo na hindi kayang mangitlog."

Matagal nang nasanay si Solene sa pagiging sarkastiko ng kaniyang byenang-babae.

Pero ganunpaman, ang pagkakaroon ng anak ay hindi isang bagay na dapat mag-isa niyang pagdesisyunan.

Mabuti na rin. Dahil mula ngayon, hindi ko na kailangan isipin ang galit ng byenang-babae dahil hindi ko mabigyan ng anak si Noah.

Hindi na niya kailangan uminom ng mga itim na gamot na galing sa mga albularyo para magkaroon lamang ng anak.

Sa mababang boses ay sumagot siya, "Bumalik po ako para kunin ang mga dukomentong kailangan ni Mr. McClinton sa meeting."

"Ang mga ganyang importanteng dukomento ay inihahanda na dapat sa una palang. Bakit kailangan mo pang bumalik para kunin iyon? Gusto mo lang yatang iwasan ang trabaho mo? Huwag mong kalilimutan na sampung milyon ang utang mo sa pamilya namin! Hindi mo ‘yon kayang bayaran kahit na habang buhay kang magtrabaho sa anak ko! Kaya huwag kang tatamad-tamad!"

Nagbaba ng tingin si Solene, ramdam niya ang matinding pagkirot ng kaniyang puso.

Paano niya makakalimutan na si Lolo Amando ang tumulong sa kaniyang ama na bayaran ang sampung milyon nilang utang bago nito ialok na pakasalan niya si Noah.

Kaya nang kausapin niya si Noah tungkol sa divorce ngayon-ngayon lang, hindi man lang ito nakaramdam ng kahit na ano, sinabi lamang nitong ayosin niya ang kaniyang trabaho.

Sa opinyon niya, dahil matatapos na rin naman ang kasal nila, ang perang inutang niya sa pamilya McCliton ay dapat niyang bayaran.

"Huwag po kayong mag-alala, Mommy. Babayaran ko po ang pera ninyo. Kukunin ko lang po ang dokumento at aalis na rin po ako. Naghihintay na po sila sa akin."

"Nga pala."

"Pumunta ka na ba ng ospital para sa checkup mo ngayong buwan? May nangyayari na ba sa iyong tiyan?"

"Abala pa po kami sa trabaho ni Noah kaya hindi po kami makapagpokus sa bagay na iyon. Magsusumikap ako kapag may oras ako sa hinaharap."

Biglang nagbago ang mukha ni Athena, at diretsong sumigaw. "Paulit-ulit ko nang naririnig 'yan. Kung hindi mo kaya, e ‘di humanap ka ng taong may kakayahan, at hiwalayan mo na si Noah agad!"

Namutla ang mukha ni Solene. Kahit alam na niyang darating ang araw ng kanilang paghihiwalay gusto niya pa rin magtanong para maliwanagan.

"Iyon ba ang ibig niyang sabihin?"

"Ano pa ba?" Tanong pabalik ni Athena.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Solene.

"Tita, handa na po ang paborito mong sopas na manok, tikman mo po." Biglang lumabas ang isang babae mula sa kusina, at napahinto ang kanilang pag-uusap.

Nang marinig ni Solene ang boses nito, nanigas siya sa may pintuan, at parang nanlamig ang kaniyang dugo.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 50 

    Dumating ang doktor at nars at binuhat si Iris palayo. Malaki ang sama ng loob ni Athena kay Solene, ngunit kailangan niyang tumigil. Mas nag-aalala siya sa pinsala ni Iris. Sa sandaling isinakay si Iris sa troli, inihatid siya ni Athena sa buong daan. Sa pintuan ng emergency room, nag-aalala rin siya habang nakahalukipkip ang mga kamay. Ang doktor ay nakikipag-usap kay Noah tungkol sa kalagayan ni Iris at walang oras upang bigyang pansin si Solene. Tumayo si Solene at pinanood silang nagsusumikap para kay Iris. Siya ay mas tulad ng isang taga labas.Matapos itulak palabas si Iris, sinamahan niya ito pabalik. Hindi pumasok si Noah, ngunit napansin niya si Solene na naglalakad sa likuran niya. Lumingon siya at sinabi sa kaniya, "Si Iris ay hindi mapapasigla ngayon. Huwag kang mapag-isa kasama siya." Nabulunan ang puso ni Solene. Sinisisi niya ba siya? Sinisisi siya sa pagpapagalit kay Iris at paghiling sa kaniya na huwag guluhin si Iris sa hinaharap. Nang makitang nakayuko si

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 49 

    Ang kaniyang mga salita ay nagpatigil kay Solene. Ginagamit siya? Ano ang magagamit sa kaniya? Para sa isang taong kasing talino ni Noah, imposibleng gamitin siya.  Nang makitang nag-aalangan siya, tila gustong malaman ni Iris.Itinaas niya ang kaniyang baba at masiglang sinabi, “Hindi mo ba gustong malaman kung para saan ka niya ginagamit?" Gamitin, ito ay masyadong hindi makatotohanan. Ngunit natitiyak niyang mag-iisip si Iris ng iba't ibang paraan para maghiwalay sila. Lumingon siya at nakita si Iris na nakangiti pa rin sa gilid ng labi nito, umaasang hihingi siya ng paglilinaw.  Ayaw niyang gawin ang gusto niya, kaya't sumunod siya sa gusto niya. "Gusto mong malaman ko ang higit pa kaysa sa akin." Nanlamig ang mukha ni Iris. Inis na inis siya kay Solene, na hindi naglaro ng rules. Tiningnan siya ni Solene ng diretso sa mata, at malamig na sinabi, "Ang layunin mo ay hiwalayan ko si Noah para natural kang makasal sa pamilyang McClinton? Mayroon ka bang nararamdamang krisis n

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 48 

    "Sakto ang dating mo. Nilagasan din kita ng tonic." Sinabi ni Athena sa tagapaglingkod, "Pumunta ka at dalhin ang gamot na pampalakas para kay Solene." Naisip ni Solene na medyo kakaiba ito. Nakatutok siya kay Iris, kaya bakit siya bibigyan ng tonic?  Ang mga mata ni Athena ay nakatutok sa tiyan ni Solene."Nakuha ko ang gamot na ito mula sa isang matandang doktor na Tsino. Sinabi niya na mabubuntis ka pagkatapos uminom nito. Kung inumin mo ito, baka mabuntis ka." Dinala ng katulong ang gamot. Naamoy ito ni Solene at agad na nakaramdam ng pagkahilo.  Tinatanggihan niya ito sa buong katawan at hiniling sa alipin na alisin ito."Alisin mo ito, hindi ko ito maiinom." Nang makitang hindi niya ito tinanggap, ang mukha ni Athena ay hindi masyadong maganda."Soleneene, ano ang nangyayari sa iyo? Ito ang gamot na pinaghirapan kong gawin para sa iyo, at hindi mo ito iinumin. Kung ang iyong tiyan ay hindi maganda, kailangan mong uminom ng gamot para ma-regulate ito ng mabilis." Dina

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 47 

    Napahawak siya sa dingding, nakaramdam ng sobrang hindi komportable, napakaputla ng kaniyang mukha, at patuloy siyang nagsusuka. Pero wala siyang maisuka. Nang makita ito, kinakabahang humakbang si Noah para hawakan siya."Ano ang nangyayari sa iyo? Saan ka ba hindi komportable?" Itinulak ni Solene ang kaniyang kamay, basa ang kaniyang mga mata sa luha."Hindi mo man lang sinabi na gusto mo ng hiwalayan? Bakit sinasabi mo pa rin ang lahat ng ito?" Nang makita ang kaniyang maputlang mukha, malamang na hindi komportable si Noah, at pinalambot ang kaniyang tono."Umuwi ka muna, at huwag mo nang pag-usapan pa ito." Hinawakan niya ang baywang niya at inakay palabas.  Hindi naman tumanggi si Solene. Ayaw niyang makipagtalo kay Noah sa gate. Kung nakita ito ng kaniyang mga magulang, mag-aalala sila sa kaniya.  Ang kaniyang kasal ay hindi masaya, ngunit hindi niya maaaring hayaan ang kaniyang mga magulang na mag-alala ng labis. Habang naglalakad papunta sa harapan ng kotse, tiniti

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 46

    Hindi na kailangang sabihin, nakilala niya ito sa paglipas ng panahon. Napanatili niya ang kaniyang maginoong pag-uugali at hindi masyadong nagpaliwanag.“Wala lang, kumain ka na.”Medyo nahihiya si Solene. Para sa kaniya, matandang kaklase lang si Shun, hindi man lang kaibigan, ngunit napakaasikaso nito sa kaniya. Kinuha ni Solene ang chopsticks at kinuha ang karne sa bowl. Sa ilang kadahilanan, nakaamoy siya ng hindi kasiya-siyang amoy ng malansa at medyo naduduwal. Nawalan siya ng gana."Anong? Hindi ka na makakain?" tanong ni Shun.Ibinaba ni Solene ang kaniyang mga chopstick. Mahirap sabihin na hindi siya makakain, kaya sinabi niya, "Ang aking tiyan ay napakaliit at ako ay busog na."Tumayo si Noah, “Dahil busog ka na, huwag ka nang kumain."Ramdam ni Solene ang kaniyang sama ng loob mula sa kaniyang mga salita. Itinaas niya ang kaniyang mga mata at sumulyap kay Noah, para lamang makita na siya ay napakalamig.Si Stella ang nag-aalaga kay Gabriel. Nakikita ni Shun na hind

  • Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife   Kabanata 45

    Ang kaniyang mga salita ay mapagpasyahan at nagtataglay. Paanong hindi niya nakikita na ang lalaking ito na nagngangalang Shun ay may gusto kay Solene at palaging lumalabas sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay dapat niyang ipaalam sa kaniya na wala siyang pagkakataon. Tumingin ng diretso si Shun kay Noah. Naging solemne ang kanilang mga mata sa hangin. Pagkatapos ng mahabang pagkapatas, sinabi ni Shun, "Noah, laging masyadong maaga para sabihin ito."Siya ay napaka disente at hindi galit. Sa halip, humigop siya ng tubig at makahulugang sinabi, "Walang makakahula kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kapag dumating ang tadhana, ano ang mangyayari? Hindi ito mapigilan."Nang marinig ito, labis na nalungkot si Noah, ngunit sinasadya niyang hinawakan ang kamay ni Sol. Naramdaman din ni Solene ang kaniyang emosyon. Simula nang dumating si Shun, may mali sa kaniya at pinupuntirya niya siya kung saan-saan.Ngunit si Solene ay makatuwiran at hindi mayabang. Inalis niya ang kaniyang kamay at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status