POV: Marie
Today is Friday.. Malamang dadalaw si Mr. Cute guy sa office. Bandang alas kwatro, dumadating na ang lalaking pinapangarap nya. Yes, isang taon na niya itong crush. And yet parang hindi pa siya nito napapansin. Kakatwenty two nya lang. At noong una nyang makita ang lalaking ito, talagang pinantasya na niya. Lagi siyang mabango at nakapowder.Lumabas ng office ang kanyang boss, si Ericka. May dala itong attache case na agad sinalubong ng mga assistant mula sa dulo."Miss Marie, tara na.." aya nito sa kanya."Ah... eh ma'am, saan po tayo pupunta?" parang ayaw niyang sumama dito."May meeting ako ngayon with Mr. Diaz, bakit parang ayaw mong sumama?" napakunot ang noo ng boss nya."Naku ma'am.. hindi naman po, sige po aayusin ko lang ang gamit ko," nalungkot siya ng malamang isasama siya ng boss biya. Matagal pa naman ito sa mga meeting. Marami itong inuusisa. Iba talaga magtrabaho ang mga bossing. Talagang dedicated."Miss Marie, ano pa ang mga schedule ko ngayon?" tanong ni Ericka sa kanya."Meeting po with Mr. Diaz, sunod po kay sir Gonzales, at kay Mr. .....Guevarra po." napangiti siya.. aha.. makikita rin pala kita."Pakicancel ang kay Mr. Guevarra please.""Ha? bakit po mam?" parang nadismaya siya sa sinabi ng boss niya."Non sense na naman ang sasabihin nyan sakin. Puro kalokohan lang naman ang mga sinasabi nyan.""Nanliligaw po ba sa inyo si Mr. Guevarra?""Matagal na! ipinapakita ko naman sa kanya na wala akong interest sa kanya. Saka playboy yan. Kaya ikaw, wag mong papatulan yan kung sakaling manligaw sayo. Baka masira ang buhay mo."Grabe naman si mam masiraan ang prince charming ko.. Ang bait kaya ni sir Bernard.. amoy masarap pa. Kapag tumitig jusko... pati kaluluwa ko kinikilig.. Siguro tomboy si madam. Pati kasi yung taga banko na panot di nya type. Tapos laging ako ang gustong kasama.Napatingin sa kanya si Ericka. Inayos nito ang kwelyo ng kanyang suot na damit. Titig na titig siya dito.Hala.. baka nga tomboy si mam.. tapos.. tapos ako pala ang gusto.. naku po di ko type magkajowa ng Lesbi.. ayoko..Panay iling niya habang nakapikit. Parang diring diri siya sa naiisip niya."Hoy, Miss Marie, anong inaarte mo dyan?" nakatingin sa kanya ang boss niya."Mam.. wag po.. lalaki po ang gusto ko. Di ko po pangarap mag jowa ng tomboy" hawak hawak niya ang sarili."Luka luka!" hinampas siya nito sa hita "Sa ganda kong to magtotomboy ako? no way! saka feeling mo naman dyan.. bata ka lang sakin pero mas maganda ako sayo no! Di lang talaga si Bernard ang tipo ko.""Aah.. hehehe" umayos siya ng upo "akala ko kasi mam pinagnanasahan nyo ko.""Pareho kayo ni Bernard eh. Mga baliw!" umayos na rin ito ng upo "Basta wag mong papatulan yun. Kawawa ka dun."Nilibang na lang niya ang kanyang sarili. Kinancel niya ang meeting kay Bernard. Pagkarating nila sa meeting place with Mr. Diaz, tumatawag si Bernard."Mam,si sir Bernard" sabi niya."Sagutin mo, bahala ka na magdahilan. Pupunta na kami sa meeting area, sunod ka na lang" iniwan na siya nina Ericka."Naku.. pano ba to... hmmmm.. Yes sir?"'Bakit kinancel ni Ericka ang meeting namin?'"Sir marami po kasi schedule si mam ngayon. Busy po sya."'Kailan siya hindi busy?'"Sabi nya po mga next year."'Ano? niloloko mo ba ko?'"Naku sir hindi po.. napag utusan lang po ako"'Ewan ko sayo, makipag usap ka sa pagong!'Saka siya pinagpatayan ng phone."Ewan ko sayo, makipag usap ka sa pagong.." panggagaya niya sa sinabi nito "ang yabang mo. Kung hindi ka lang masarap hindi na kita kakausapin ih.. hmmm gigil mo ko ha"Napatigil siya sa pakikipag usap sa kanyang cellphone. Marami na pala ang nakapansin sa kanya."Hehehe hi" napapahiya niyang sabi sa mga ito.Ano ba yan ang gandang babae may sayad..Ang bata pa para masiraan.Mukhang baliw..Sayang naman..Naririnig niya ang mga sinasabi ng mga ito. Hinawakan niya ang magkabilang tainga at naglakad palayo..My God nakakahiya.. ito kasing Bernard na to eh.. nakakainisssshhhh! Halikan ko siya eh...Sa sobrang tungo niya, nauntog siya sa glass wall ng meeting area nila.."Araaaay," napaluha siya sa sakit."Miss Marie, anong ginagawa mo?" mahinang sabi ni Ericka. "Nakakahiya sa mga naririto."Pumasok na siya sa loob "Naku sorry po sa inyo.. pasensiya na po" naupo na siya malapit kay Ericka."Bakit ba parang wala ka sa sarili kanina pa?" bulong nito "ang layo mo pa lang kita ka na namin.""Sorry po mam.. inaaway kasi ako ni sir Bernard" sagot niya."Bernard na naman. Tigilan mo na ang pagpapantasya dyan at baka magsisi ka," may diin sa tinig nito."Eeehem" tikhim ni Mr. Diaz "may we proceed to our agenda?""Yes sir," sagot ni Ericka.Nakikinig lang siya at nagtitake down ng mga notes na kakailanganin. Hahanapin kasi ito ng boss niya. Naalala niya noong bago pa lang siya....."Asan na ang mga notes?" tanong ni Ericka."Anong notes po mam?" wala siyang natatandaang may iniabot ito."About sa meeting? hindi ka nagtake down ng notes?""Hindi po mam"Umayos ng upo si Ericka "ano ba ang job description mo Miss Marie?""Mag aasikaso po ng mga meetings nyo and mag aassist po sa inyo. Saka....""Saka ano?""Maglilista po ng mga important notes sa meeting.""Eh asan na ang notes?""Sorry po mam...""Haist.. okay lang yan. Next time be ready okay?""Hindi po kayo magagalit mam?""Bakit gusto mo ba akong magalit?""Hindi po.""Unnecessary na para magalit dahil wala ng magagawa pa. Kaya next time bumawi ka.""Opo mam."Kaya simula noon lagi siyang ready. Mahirap na humanap ng mabait na boss na may magandang compensation.Inililista niya ang lahat saka niya gagawing maayos na files sa computer niya pagbalik sa office. Tinuruan naman siya ni Ericka. Nagtataka lang siya kung bakit nasa labas ang office niya samantalang ang boss niya at ang boss nito ay nasa loob.May relasyon kaya sila? Naku Marie tumigil ka nga sa pagiging tsismosa mo. Sira ulo ka talaga!Pagkatapos ng meeting, diretso sila sa isa pang meeting. Inabot sila ng dalawang oras dito dahil maligalig ang kasamang babae ng kameeting nila. Naiinsecure sa kanyang boss. Bakit daw ito ang ipinadala doon."Mrs. Gonzales, kaya po ako ang ipinadala dito, dahil i'm the best" sagot ni Ericka."Bakit? may extra service ba ang company nyo?" tanong nito."Leah! wag mong bastusin si Ericka." awat ni Mr. Gonzales sa asawa."Hindi ko kailangang ibenta ang katawan ko para magkaroon ng mga partners. Maganda ako at may pera, bakit naman ako papatol sa may sabit?"Humanga siya sa boss niya. Sana ganito din ang self confidence ko.."Sorry Mr. Gonzales, but I think, hindi kayo fit sa company namin." tumayo na si Ericka, tumayo na rin siya para sumunod sa boss niya."At sino ka naman para sabihin yan? ikaw ba ang may ari ng kumpanya?""Hindi""Bakit ka paladisisyon?" tanong ni Mrs. Gonzales."Because I can!" Tumalikod na ito.Naiwan nilang nagtatalo ang mag asawa."Mam.. ang galing nyo" humahanga niyang sabi."Dapat.. kaya ikaw, kapag tama ka, wag kang basta magpapatalo..""Yes mam!"Umalis na sila sa lugar na iyon."You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta