POV: Bernard
Bakit na naman kaya kinancel ni Ericka ang meeting namin? ano kayang problema? Ang hirap namang amuin ng babaeng ito..Tinawagan niya ang secretary nito at lalo lang siyang nainis dahil dito."Ewan ko sayo, ikwento mo sa pagong!" pinatay na niya ang call.Kung hindi lang bata ang Marie na yun pinatulan ko na eh. Nagbabago lang ako para kay Ericka. Patutunayan ko sa kanyang dapat mahalin niya ko!Nagbihis siya para puntahan si Monte. Hindi nito alam na nililigawan na niya ang secretary nito. Ayaw ipaalam ni Ericka na may gusto siya sa dalaga.Nagbubutones siya ng polo habang naglalakad ng makasalubong niya ang kanyang sekretarya, si Amber.Kitang kita niya na nagkunwari itong natapilok sa harapan niya."Aaah.. sir" natumba ito.Tinawag niya si Andrei para tulungan si Amber. Kitang kira niya ang dismaya sa mukha nito."Amber, papalitan ka na ni Andrei bilang secretary ko." sabi niya."Pero sir, bakit?" tanong ng babae na gulat na gulat."Ayoko ng malandi sa opisina lalo na kung ako ang haharutin. Kitang kita ko ang ginawa mo. Hindi mo ako madadaan sa ganyan.""Pe....pero sir.." natulala na lang si Amber."Mamili ka na lang, resign o termination" iniwanan na niya ito.Patutunayan niya kay Ericka na hindi siya palikero. Na kaya niyang magbago. Simula noong High school pa si Ericka, sinabi na niya sa sarili niya na palalakihin nya lang ito at babalikan niya rin. Pumunta lang siyang U.S kaya hindi na niya ito nasubaybayan. At ngayong bumalik siya, nakita niya ang glow up nito. Isang napakagandang dalaga.Napakailap lang ni Ericka sa kanya, pero hindi naman siya binabastos nito. Abot langit din ang respeto niya sa dalaga.Ang mga ganitong klase ng babae ang pinaglalaanan ng oras at tiyaga.Hindi niya malaman sa sarili kung ano ang meron sa babaeng ito at nahuhumaling siya. Marami naman siyang naging ex na mas magaganda at sexy pero iba ang tama ni Ericka sa kanyang buhay.Pinindot niya ang remote ng sasakyan. Agad siyang sumakay at pinasibat ito. Magbabakasakali siyang nasa opisina na si Ericka.Pagdating niya sa building nina Monte, pumunta muna sa sa front desk. Kinindatan niya ang receptionist."Tessa.. andyan ba si Ericka?" tanong niya dito."Ay sir.." kilig na kilig ito "wala po si mam.. pero andito naman ako sir.""Ang cute mo talaga" pinisil pa niya ang pisngi nito"salamat ha.. wag kang mag alala.. magpaganda ka lang lagi at malay mo, matikman mo ako.""Si sir talaga" nagblush si Tessa."Sige, aakyat na ko kat Monte, bye sexy" kumaway pa siya sa babae."Bye sir pogi" sagot nito. Masaya na ito kapag nabati niya. Kung ganito kaya si Ericka magugustuhan niya?Pasakay na siya ng elevator ng may humabol na babaeng may mga dalang papel."Ooops sasakay ako wait...." sigaw nito.Hinawakan niya ang pinto para makapasok ito."Thank you sir.."nakayuko ito."Marie?" paniniguro niya sa kasabay."Ay sir pogi.. i mean sir Bernard.. ang aga nyo po ata?""Maaga pa ba ang alas kwatro?""Si sir talaga palabiro.""Mukha ba akong nagbibiro?""Wag nyo naman akong sungitan sir. Ang bait ko nga sa inyo eh.""Sinabi ko bang maging mabait ka sakin?""Sir, sige kayo.. hindi ko sasabihin kung nasaan si mam.""Nasaan ba sya?" tanong niya sa kasama. Hindi ito nagsasalita "Marie? asan ba ang mam mo? Marie?"Hindi na siya inintindi ng babae. Naglagay ito ng head phone sa tenga. Pakanta kanta pa. Hanggang bumukas ang pinto, hindi na siya kinausap ni Marie. Lumabas ang babae na parang walang kasama. Dire diretso itong pumunta sa table na hindi man lang lumilingon sa kanya. Iba rin nga ang topak ng babaeng ito. Grabe!!Pagdaan niya sa may lamesa ni Marie, hindi man lang siya tiningnan ng babae. Naiiling na lang siyang pumasok sa loob ng opisina ni Monte. Wala doon si Ericka. Si Monte naman ay abala sa ginagawa."Ang aga mo naman" sita ni Monte sa kanya "para kang kabuting biglang sumusulpot. Wala ka bang trabaho?" Hindi pa rin siya tinitingnan ng lalaking ito."Ang dami mo namang sinabi. Mas gusto kong maghintay na lang dito. Magbabar tayo remember?""Oo nga pero mamaya pa yun after office hours. Anong sabi ni Monica? sasama ba sya?""Paanong sasama yun eh ang laki laki ng tyan nun.""Sabihan mo pa rin, baka tumampo. Alam mo na ang topak ng mga babae ngayon.""Speaking of topak, paano nakapasok si Marie dito?""Dito siya nag OJT eh. Gusto siya ni Ericka maging secretary kaya nakapasok siya dito. Bakit? type mo?""No way!" grabe ang iling niya "hindi naman ako pedophile no.""Loko, mahigit bente na yun""Kahit na.. Masyado pa rin siyang bata para sa akin. Hindi ko type ang mga ganyan kabata. Saka mukhang may sayad naman yung si Marie. Halata ko sa kilos.""Bakit? dahil may sayad ka rin?""Hindi no. Magtrabaho ka na nga lang dyan. Dito lang ako sa sopa, matutulog."Hindi naman talaga siya tutulog. Hihintayin niya si Ericka. Gusto nya lang mabantayan kung anong oras darating. Diretso naman sa trabaho si Monte.After one hour, bumukas ang pinto. Nagmamadali siyang tumayo para makita si Ericka. Pero nadismaya siya dahil si Marie ang pumasok."Sir, hindi na daw po babalik ng office si mam. Sumakit daw po ang ulo niya." wika ng babae."Ah, sige tatawagan ko na lang siya mamaya." sagot ni Monte.Pagtama ng mata ni Marie sa kanya, dinilaan siya nito at inilagay ang hintuturo sa may baba ng mata. Napakaisip bata naman ng babaeng ito. Pasalamat ako at hindi mga gaya ng babaeng ito ang tipo ko. Childish.. saka ang jologs manamit. Ano to mix and match? Butas pa ang gilid ng stockings."Pare matagal ka pa ba dyan?" tanong niya."Tapos na pare. Tawagan mo na si Monica para makapagpaalam tayo. Mahirap ng magligalig yun kasi buntis.""Natext ko na siya, enjoy daw tayo.""Tara na.." nag aayos na si Monte ng sarili ng mag ring ang phone nito. Iniloudspeak nito ang call.'Baby asan ka now? puntahan mo naman ako please'"Sorry may lakad na ko ngayon eh."'Sino na namang kasama mo? si Bernard? babaero yan eh, baka matuto kang mambabae dyan.'Napakamot siya ng ulo. Ang tingin pala sa kanya ni Almira ay bad influence."Hindi mangyayari yun."'Promise ha?'"Oo na.. sige na busy na ko" pinatay na ng kaibigan ang call."Alam mo bad ka.." sabi niya "nagkukwento pa yung tao ih.""Gusto mong tawagan natin tapos ikaw ang makipag usap?" tanong ni Monte."Hayaan mo na yang si Almira.. malaki na yan"Nagkatawanan sila ni Monte."Ready ka na ba maghanap ng chicks?" tanong niya kay Monte."Sa iba naman tayo. Kilala na ko dun sa pinupuntahan natin" sagot nito."May alam akong bago.. tara!"Lumabas na sila. Si Marie na lang ang tao sa labas."Oh bakit andito ka pa?" tanong ni Monte."May tinatapos lang po sir." sagot ng babae."Oh sige, una na kami.. ingat ka pag uwi" naglakad na sila ni Monte palayo.Nilingon niya si Marie, nakatingin sa kanila. Binawian nya ito. Dinilaan nya rin.. Pero nag bad finger ito sa kanya."Ano bang ginagawa mo Bernard?" napansin ni Monte ang kalokohan niya."Ah wala.. tara na..""You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta