Pagkatapos ng tatlong araw na exam, nakakatuwa dahil mataas ang Creative Writing ko. Lalo na sa essay part. Sabi kasi ni Cadence, walang connect sa topic at hindi makabuluhan ang essay ko. Kaya kinonek ko tapos pinag-isipan kong mabuti.
Pero sa ibang subject, as usual, medyo mababa pero hindi naman bagsak. Okay na rin!
Wala ng dayaang naganap. Takot ko na lang kay Cadence. Apat nga pala mata niya. Hindi ko pa napapansin na dumadaan siya sa room. Baka kapag nagpakopya pa ako, saktong mahuli niya ako. Edi bye bye graduation!
Nakakabilib lang siya dahil kahit oras ng exam, nagagawa niya pa rin ang responsibilidad niya. Kahit na pagod at mukhang puyat ito, hindi siya nagpapabaya.
Uso naman magpahinga. Baka lumupasay siya diyan sa sahig sa sobrang kapaguran.
Hay! Bakit ko ba siya iniisip?! Erase erase!
-
Kung sino man ang nakaimbento ng fun run tapos alas-kwatro y media ang simula, sana masaya ka kung nasaan ka man
Sumabay na kami sa mga nasalubong naming mga tumatakbo. Kaso ilang minuto pa lang ang lumilipas, nanghihina na ako."Ano ba 'yan! Hindi pa nga tayo nakakalayo sa pinagpahingaan natin, pagod ka na agad?!" angil ni Carol. "Mag diet ka na nga!"Pagod na agad ako pero siya ang taas pa rin ng energy. Palibhasa payat."Lumayas ka na nga sa harapan ko!" sigaw ko. Kami ang nagyaya sa dalawa kanina, pero kami itong napag-iiwanan. Medyo nakalayo layo na sina Hannie at Mia.Inirapan ako ni Carol bago siya muling tumakbo. Hindi naman ako gaanong mataba. Sakto lang. Hindi rin naman ako madaling mapapagod kung hindi ako gutom. Wala na akong energy! Hay, kalokang fun run 'to. Naging fun walk. Ay, hindi, sad walk! Kailan ba 'to matatapos?!Tumigil muna ako sa gilid. Bigla kong naalala na kailangan ko pa palang ibalik ang phone ni Calum. Baka mamaya hinahanap na niya ito.Luminga ako sa paligid. Kaso imbes na siya ang makita ko, si Ca
Kinabukasan, mag-isa lang akong pumasok. Nagsabi sa akin si Carol na a-absent siya dahil may sakit raw ito. Hindi na ako nagulat. Madaling magkasakit si Carol kapag nagpaulan. Kahit saglit pa 'yan. Habang ako naman ay matibay pa din. Ni sipon o ubo ay wala akong naramdaman. Pupuntahan ko na lang siya mamaya para kamustahin. Wala siyang binanggit tungkol sa nangyari kahapon. Basta nag-sorry lang siya pagkatapos niya ako i-inform na may sakit siya. Ayoko naman sa text at call siya tadtarin patungkol doon. Mas mabuting sa personal kami mag-usap. Absent din si Hannie dahil na-late daw siya ng gising. Imbes na humabol, um-absent na lang siya. Tutal, tinatamad siyang pumasok. Wala rin si Mia dahil nasa hospital pa siya. Hindi ko alam kung mabibwisit ako sa kanila o maaawa. Ako ang natirang matibay sa aming apat. Mag-isa lang tuloy ako buong araw. May kadaldalan naman ako sa room. Kaso iba pa rin kapag mga tropa mo ang kasama mo.
Inayos ko muna ang sarili nang mapadpad na ako sa harap ng gate nila Carol. Kailangan ko siyang kamustahin at ikwento na rin ang nangyari sa akin. Hindi ko naman kayang itago ito. Baka sumabog ako ng ‘di oras kung itatago ko pa. Saka siya ang unang laging nakakaalam ng crush ko.Crush lang ba?Pucha. Hindi ko na alam. Kung alam ko lang na darating ako sa puntong ito, inihanda ko sana ang sarili.Pinunasan ko ang mukha at huminga nang malalim. Nang bubuksan ko na ang gate, nagtaka ako dahil madali ko itong naitulak. Hindi pala nakasara. Maski ang main door. Nasa trabaho ang magulang ni Carol kaya alam kong mag-isa lang siya. Pero bakit niya hinayaang nakabukas ang pinto? Nako! Etong babaeng 'to! Baka pinasukan na siya!Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang pamilyar na pabango. Ay, oo nga pala’t pareho sila ng pabango ni Calum. Pero bakit amoy na amoy sa sala? Kumuot ang noo ko.Ipinatong ko sa sofa ang bag ko saka luminga sa palig
Carol’s POV“Sa tingin niyo may… pag-asa?”After ikwento ni Millie ang iba pang nangyari ngayong araw sa kaniya, mahigpit ko siyang niyakap. I told her that everything will be okay. Kahit bago sa kaniya ito, alam kong masasanay rin siya. Matatanggap niya rin ang katotohanan na nagkagusto siya sa dating kinamumuhian niya.But when she asked us that question, natameme kami.Seryoso ang mukha niya na ngayon lang namin nakita. So, she really fell, huh.Her eyes are waiting for our answer. Para bang umaasa siya na sana may saysay ang nararamdaman niya kahit papaano.Nang wala siyang nakuhang sagot sa amin, tumawa siya. “Bobo ko talaga, ‘no? Bakit ko pa ba tinatanong? Mukhang wala naman.” Hinubad niya ang apron at ipinatong ito sa counter. Susundan ko sana siya nang pigilan ako ni Calum.“Nagkatotoo pala ang asar natin.” Hannie muttered beside me.We’re leanin
Gabi na nang gumising ako. Nakauwi na rin pala sina Calum at Hannie. Hindi na ako nagulat nang maabutan ako nila tita, parents ni Carol. Inimbita pa nila ako na saluhan sila sa hapunan pero magalang ko silang tinanggihan. Malamang hinahanap na ako ng nanay ko. Siguradong pag-uwi kobratattatattattatataang bubungad sa akin. Ang haba ng tulog ko, ah. Palibhasa ang lamig at komportable sa kwarto ni Carol. Saka pagod na pagod ako ngayong araw. Ang dami ba naman naging ganap. Hindi kinaya ng braincells ko. "We're okay na, 'di ba?" Umangkala si Carol sa akin. Hindi ko siya nilingon. Nanatili lang nakatingin ang mata ko sa daan. Ihahatid raw niya ako sa bahay. Sinabi ko naman na hindi na kailangan dahil hindi na ako bata. Kaso nagpumilit. Kulit! Bigla kong naalala ang lahat kanina. Ngumiti ako. Madaling tanggapin ang relasyon nila dahil wala na akong nararamdaman kay Calum. Kahit naman mayroon pa, wala akong magagawa kundi ang magparaya.
My life. My choice.Iyan lang ang tumatak sa akin sa mga sinabi ni Calum kahapon. Buhay ko nga naman ito. Bakit ako dedepende sa iba? Mas mahalaga naman ang magiging desisyon ko sa huli.Pero hindi ko alam.Gusto kong malaman kung may pag-asa pero natatakot ako sa posibilidad na baka masaktan ako sa huli. Pero paano ko nga naman malalaman kung hindi ko susubukan?Eh sa natatakot nga ako!Argh! Ang gulo!Bahala na.Sa ngayon, hindi ko muna siya iisipin. Kalilimutan ko muna ang nararamdaman ko sa kaniya. Isa siyang pakshet.“Saglit lang tayo, promise!” pangungulit ni Hannie sa akin.Gusto niya kasing samahan ko siya magpa-print sa OSA. Nakalimutan niya kasi ang i-print ang assignment niya. Ngayon pa naman pasahan no’n. Balak ko sanang umidlip muna sa bakanteng oras namin dahil napuyat ako kagabi. Ano pa nga ba ang dahilan? Edi ‘yan si Cadence. Buong gabi kong pinag-isipan ang sinabi ni Calum pero sa
Sinigurado kong malayo pa rin ako kay Cadence. Dahil kung literal na magkadikit kami, baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Maya’t maya nga ang pag-inom ko sa gulaman. Hindi mapakali ang mga internal organ ko. Gusto rin lumabas mula sa katawan ko katulad ng puso ko. Maya’t maya din ang paglunok ko.Parang matatae na nga ako anytime. Ganito pala pakiramdam kapag katabi mo ang taong gusto mo.Nakakabalisa.Namataan ko pa si Lorie sa kabilang table kasama ng mga alipores niya. Masama ang tingin niya sa akin pero kapag kay Cadence ay nagpapa-cute ang gaga.Mukha siyang aso.Hindi ko na lang pinansin. Mabuti na lang hindi rin pansin ni Cadence ang aso na 'yun. Nakatutok lang siya sa pagkain tapos maya't maya ang tingin sa akin. Parang tanga.Kita na ngang hindi ako mapakali, tingin pa nang tingin.“Okay ka lang ba, Millie? Parang natatae ka diyan?”Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at
Ngumiti siya.Nginitian niya ako.Mabilis akong umiwas ng tingin.“Umuwi ka na. ‘Wag ka na mag stay. Kung may gagawin ka pa, ipagpabukas mo na lang. Baka sa hospital ka na niyan madiretso kapag pinilit mo pa sarili mo ngayon.”Sinubukan kong hindi magmukhang concern sa kaniya (kahit iyon naman ang totoo) Baka kasi ma-weirduhan siya sa akin. Kung anu ano pa isipin niya.“Okay po,” malumanay niyang sagot.Shuta.“E-Edi tara na!”Tumayo na ako.Sinabihan siya ng nurse na uminom ng gamot kung sakaling lagnatin siya. Kailangan niya rin daw maglaan ng oras para ipahinga ang sarili, magkaroon ng sapat na tulog at kumain sa tamang oras. Hindi niya pwede ipagpatuloy ang pag-o-overwork sa sarili dahil hospital na ang bagsak niya kapag nagkataon.Inulit ulit ko iyon sa kaniya hanggang sa makalabas kami sa clinic. Tumango lang siya sa akin.Sabay kaming naglakad sa hallway. Wal