POV Szarina
Lunes ngayon, maaga akong nagising kahit napuyat kami sa 1st monthsary nila Isadora at Anthony. Sabay sabay na kaming pumasok na tatlo. Masaya ang buong maghapon na naganap sa room namin kahit na inaasar ako ng mga kaibigan naming lalaki na si Ryan. "Bye, my Princess." Pang aasar sa akin ni Ryan habang palabas kami ng Campus na ginantihan ko lang ng isang matamis na ngiti. Akala ko wala ng magkakamali na magka gusto sa akin, pag uwi ko agad mamaya ipagtitirik ko ng pulang kandila itong si Ryan na sana tuloy tuloy na ang pagpapahiwatig ng nararamdaman nya sa akin. "Ayieh, magkakaroon na naman ng ikatlong loveteam sa atin, sino naman kaya ang susunod sa atin?" Kinikilig na saad ni Chyrll na pinandilatan ng mata ni Aria. Si Aria kase ay nililigawan ni Bernard na binasted naman ng kaibigan namin. "Tayo na ang susunod babe." Saad ni Jayson sabay akbay nito kay Chyrll na agad naman inalis nito. "Sorry, strict ang parent ko. No ligaw ligaw mona ako hanggat hindi ako nakakapagtapos ng pag aaral." Masungit na sagot ni Chyrll kay Jayson. "Aw, basted agad. Hindi pa man ako nakakapagsimula na manligaw." Kunwaring nasasaktan na wika ni Jayson na inirapan lang ni Chyrll. "Marian, kung sakaling may manligaw naman saiyo na lalaking gwapo ay hindi mo ba babastidin- "Wala ako sa mood Archilles." Hindi pa man tapos si Archilles sa kanyang sinasabi ay agad ni Marian pinutol at seryusong nagtitipa ng message sa kanyang phone, kakamot kamot naman ng ulo si Archilles na tinawanan ng mga kaibigan nito lalo na si Bernard na akala mo ay hindi nabasted ni Aria. "Candy para saiyo Rasselle, tanda na matamis ang pagsinta ko saiyo- "Itago mo na lang yan Wilmar, hindi ako mahilig sa matamis na candy tsaka may crush na ako, loyal ako sa kanya. Sa iba mona lang yang ibaling ang matamis mong pagsinta sa akin." Pagtataray din Rasselle kay Wilmar. Binalatan agad ni Wilmar ang hawak nitong lips na candy at isinubo. "Kung hindi lang naman ito mapapasaiyo ay ako na lang kakain nito." Malungkot na saad ni Wilmar. "Kawawa naman ang mga kaibigan mo Anthony, mga basted kaagad." Natatawang wika ni Isadora. Natawa naman si Anthony sa tinuran ni Isadora. "Mga manyak kase." Wika naman ni Aria. Tawanan naman kami sa tinuran din ni Aria, naalala namin yong video ni Bernard na nasa phone ni Aria.. Masaya kaming naghiwa hiwalay. Pagkarating agad naming tatlo sa dorm ay agad akong pumasok sa kwarto ko pagkatapos kong magpaalam kina Issa at Marian. Nilapag ko lang ang aking bag sa lamesa, kinuha ko ang aking tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto at pumasok na ako sa banyo para maligo ng mabilisan bago pumasok sa part time job ko. "𝐀𝐍𝐆 aga mo naman dumting Szasza," wika agad ni Ate Fe ng buksan ko ang sliding door ng opisina. "Good afternoon po ate Fe ate Ruth, maaga po kase kami pinauwi ng Professor namin." Nakangiti kong sagot. "Ganun ba, sege maupo ka mona magpahinga ka mona bago ka magsimula ng trabaho mo." Saad ni ate Fe. "Sege po ate Fe, punta lang po ako sa pantry gusto kong magkape." Wika ko. "Mabuti pa nga, tamang tama may cake don na dala kanina ng driver ni Mr. President. Pumasok nga ako ng Pantry pagkasabe ni ate Fe. Kumuha ako ng baso at kutsara at platito, nagtimpla ako ng paborito kong kapeng barako. Kumuha narin ako ng isang slice na cake, sobrang sarap ng cake kaya kumuha ulit ako ng isang slice. Pagkatapos kong magkape at kumain ng cake ay lumabas na ako ng pantry at nagsimula na ng aking trabaho. Hindi pa man umiinit ang aking pwetan sa upuan ko ay tumunog ang telepono sa aking table. Dinampot ko ito at sinagot. Napaupo ako ng tuwid ng boses ng Presidente ang nasa kabilang linya. Magsasalita pa lang ako ng magsalita ulit ito. "Segurado po ba kayo sir na ako ang magdadala ng naiwan dito na brown envelop ng iyong driver?"Paninigurado kong tanong. "Hindi naman po sa nagrereklamo ako sir, nagulat lang po ako sa sinabi ninyo na ako ang magdadala diyan sa condo po ninyo, eh hindi pa naman po tapos ang isang buwan ko na pagtitraining bago po tayo magharap.." Paliwanag ko, hindi naman seguro na masama magpaliwanag ng side ko. "Sege po sir, isulat ko yong address ninyo. Pasensya na po talaga sir," Sagot ko at paghingi ko ng paumanhin sa boss ko. Binaba ko na ang telepono sabay kuha ng tissue na nasa ibabaw ng aking table, pinunasan ko ang aking noo na pinagpawisan. Tumayo ako at lumaoit kay ate Ruth. "Ate Ruth, may naiwan daw po ditong brown envelope ang driver ni sir na kailangan ko daw po agad dalhin sa condo nya." Sabe ko kay ate Ruth. "Segurado kaba na ikaw ang magdadala sa condo niya?" Nagtataka na tanong ni ate Ruth sa akin. "Iyan nga po ang tanong ko sa kanya, napagalitan pa nga po ako ni sir.." Sagot ko. "Ihatid mona lang, baka mas lalo kang mapagalitan demonyo pa naman yon kapag nagalit." Bulong sa akin ni ate Ruth.. Kinuha ko lang ang shoulder bag ko at ang brown envelope ay umalis na agad ako. Nag abang ako ng taxi sa labas ng agency, ng may dumaan ay agad kong pinara ito. Sinabi ko lang sa driver ang address na sinabi ni Sir. Ng makarating ako sa adress na binigay ni sir ay nagbayad na ako ng pamasahe at bumaba na. Tumingala ako sa napakataas na building. J.Z.U condominium, nakakalula ang tayog nito. Naglakad ako papasok, at nagtanong sa information desk. Pinakita ko lang ang i.d ko sa babae na nakausap ko. "Ihatid na po kita Miss kung saan ka sasakay na elevator." Wika ng babae sa akin. "Talaga, Salamat naman miss." Nakangiti kong sagot. "Kapag ganito na importante po na itinawag sa amin kung sino ang pupunta sa special gueat po ng condo na ito ay inihahatid po namin at itinuturo kung saan sasakay na elevator." Paliwanag ng babae. "Ganun po ba." Tipid kong sagot. "Dito na po miss, pasok na po kayo." Nakangiting saad ng babae na sinunod ko naman na pumasok sa elevator. Bago ako pumasok ay nabasa ko ang nakasulat sa labas ng elevator. 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓. Nagkibit balikat lang ako, bumukas ang elevator. Ang bumungad sa akin ay napaka garang sofa, mamahaling nuwebles. Hindi pa sana ako lalabas dahil baka naligaw lang ako ng nahintuan at mali ang floor na napindot ng babae, ng may nagsalita na hindi hindi ko nakikita. "Ano pang hinihintay mo? Lumabas kana diyan baka maugatan pa ang sandals na suot mo diyan." Masungit na saad ng lalaki. Pamilyar din ang boses nito sa akin. Lumabas na nga ako ng elevator bago oa magsara ito. "Hanggang diyan ka lang." Pagpigil nito sa aking paghakbang. "Lumingon ka sa kaliwang direksyon mo! may makikita kang pulang tela, dampotin mo yan at piring mo sa mga mata mo bago ako lumabas dito.." Saad ni sir. Lumingon nga ako sa kaliwang bahagi ko at may nakita akong pulang tela, dinampot ko ito. Ipinatong ko mona ang hawak kong brown envelope sa lamesa, piniringan ko na ang aking mata at kinapa ko na ang brown envelope ko na ipinatong ko sa lamesa na maliit. Narinig ko ang yabag nito na papalapit sa akin, hindi naman ako natatakot sa kanya na may gawin sya sa akin na hindi maganda, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko dahil may nag aral kami ng self depense sa gim ng kaibigan naming sina Rasselle at Chyrll. "Ikaw pala ang bago kong secretary na college student, ang cute naman ng heigth mo? kasing cute ng coke mismo." Wika ni Sir na ikinakunot ng aking noo. Pinapunta lang ba ako ng boss kong ito para pintasan ang heigt ko. Kung hindi lang ako masisisanti mauupakan ko ito sa mukha. "Hmm, sir. Ito na po ang pinag uutos ninyo sa akin na envelope na dalhin ko dito." Sagot ko na lang baka mapikon pa ako. "Mukhang ninerbyos ka, hwag kang mag alala hindi ako kumakain ng batang studyante pwera na lang kung kusang magpapakain." Wika pa nito,tinamaan pa ng magaling mukhang manyak pa yata ang magiging boss ko. "May ipag uutos kapa saakin sir?" Pang iiba ko na lang ng usapan. "Wala na akong iba pang iuutos saiyo, iyan lang talaga ang kailangan ko ang envelope. "Ganun po ba, pwede na po ba akong umalis. Hindi ko pa tapos ang iba pa po ninyong schedule na kailangan kong e forward sa email ninyo." Saad ko sabay pihit ko at hakbang papuntang elevator kahit nakapiring pa ako. Mukhang tigang ang boss ko sa kiffy. "Mamaya kana umalis magkwentuhan mona tayong dalawa.." Pagpigil nito sa akin, hawak nito ang dalawa kong braso at bumulong pa sa aking tainga. "Maupo tayo sa sofa, hwag kang mag alala hindi pa kita kakainin." Bulong nito sa akin. Nangilabot naman ako sa kanyang sinabi. Inalis ko ang telang nakapiring sa aking mata at haharap sana ako kanya ng mabilis ang kamay nito na tinakip sa aking mata. Sinandal ako nito sa wall. Halos nararamdaman ko na ang kanyang labi sa aking pisngi. Hindi ako makakilos dahil sa kanyang hita na nakaharang sa akin. "Makakaalis kana." Tatawa tawa nitong wika at pinatalikod ako sa kanya, pinasok ako nito sa elevator ng malapit na magsara ang elevator tsaka ito lumabas at tumawa ng malakas. Huli na ng humarap ako, hindi ko nakita ang mukha ng manyakis kong boss. Sira ulong yon pinapunta lang ako dito para pagtripan ako. "May araw ka din sa akin na lalaki ka!" Inis kong bulong.Manyakis si boss.
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa