Share

Chapter 3. Pamilyar na boses

Penulis: J.C.E CLEOPATRA
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-15 14:09:01

POV- Szarina

Tatlong araw na akong secretary ng hindi ko pa nakikilalang Boss ko. Nasa kontrata na aking pinermahan ang nakasulat na, pagkatapos ng isang buwan bilang secretary na part time job ko ay nakasaad don na hindi ko mona makikilala kung sino talaga ang pinaka boss ko, dahil kailangan nilang makaseguro na magtatagal nga ba ako sa part time job ko. Wala naman sa akin problema iyon, mabuti na nga rin na huwag ko ng makita ang boss ko baka matakot lang ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong don sa ginang na nag interview sa akin na ano bang itsura ng magiging boss ko, nahiya lang ako baka masisante na agad ako hindi pa ako nakakapagsimula.

"Ano ba yan, na curious naman ako sa hitsura nya. Mukha kaya itong adik sa kanto, bungi bungi ang ngipin tapos nabubulok pa. Mabaho ang hininga, maraming an-an at buni sa mukha. Tigyawatin at balbas sarado pa. Grrr.. Ano ba yan naiimagine ko sa mukha ng boss ko, nakakakilabot naman. Huwag naman sana ganun ang mukha nya, baka hindi na ako pumasok kinahapunan pagkatapos ng aming klase." Kausap ko sa laptop na kaharap ko dito sa opisina ng agency, dito mona daw ako pansamantala hanggat hindi pa natatapos ang isang buwan.

Bukas nga pala 1st anniversarry nila Anthony at Isadora. May pasorpresa ang lolo mo dai. Ang haba talaga ng buhok ng aming kaibigan na si Isadora, biruin mo tatlong lalaki pa ang nagkakagusto sa kanya iyong isa stranger pa. Samantala ako wala, nganga..... Ay meron pala sa Probinsya namin iyon nga lang may problema sa pag-iisip, ayyyyy meron ang Presidente pa nga pala ng Pilipinas na hambog na malala ang pagkaluwag ng turnilyo sa utak, na katawan lang ang gusto sa aking tikman." Wala sa kawalan ko na sabe sabay, nguso ko. Maganda naman ako kahit maliit na babae lang, hindi naman nalalayo ang itsura naming dalawa ni Kristine Reyes pero bakit walang matinong lalaki ang nagkakagusto sa akin..

"Hey, tulala ka nanaman. Huwag mong isipin yon mahal ka non." Pang eestorbo sa aking pagkatulala ni ate Fe.

"Ate Fe naman, nanggugulat ka. Wala pa po akong kasintahan, wala pag nagkakamali na pumantay sa height ko." Saad ko. Natawa naman si Ate Fe sa akin.

"Palabiro ka pala Szasza." Natatawang saad ni ate Fe.

"Ngayon lang po ito, bukas hindi nyo na ako mapapabiro." Biro kong wika na lalong ikinatawa ni Ate Fe.

"Fe, puro ka nanaman tawa diyan. Alalahanin mo wala kang dalang diaper, sege ka baka maihi ka nanaman." Paalala ni Ate Ruth kay ate Fe.

"Ito kase si Szasza, pinapatawa ako." Ako pa nasisisi ni ate Fe.

"Sinisi mo pa si Szasza, mababaw lang talaga kaligayahan mo." Pang aasar ni ate Ruth kay ate Fe sabay kindat nito sa akin.

Nag ring ang telepono sa office table ni Ate Ruth at sinagot nya ito sabay kaway sa akin ng kanyang kamay na ang ibig sabihin ay lumapit ako sa kanya.

Lumapit ako dito at tinanggap ko ang telepono at itinapat sa aking tainga. Nabasa ko sa sinulat ni ate ruth sa puting papel na si Mister President ang kausap ko.

Pamilyar sa akin ang boses ng kausap ko sa kabilang linya. Parang narinig kona ito.

"Yes, po sir. Ipapasa kona po agad saiyo ang mga schedule nyo po para ngayong week." Sagot ko sa kausap ko at ibinigay kona kay ate Ruth ang telephone. Bumalik na ako sa aking desk dahil ipoforward ko na lang sa kanya ang kanyang schedule.

"Pamilyar talaga sa akin ang boses naiyon, kailan ko nga ba iyon nakausap at sino ang lalaking iyon.... "Bahala na nga kung sino ba yon." Bubulong bulong ko na parang bubuyog habang pino forward ko sa Unknown g***l ang schedule.

𝐍𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 na ang dalawang oras na trabaho ko bilang secretary. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Ingat sila saiyo, Szasza." Saad ni ate habang titig na titig ito sa computer nya na ginagamit.

"Salamat po ate Fe." Szasza ang tawag nila sa akin dito, masyado daw mahaba kung Szarina pa.

Naglakad lakad ako habang pauwi. Hindi naman malayo ang dorm na tinutuloyan ko, sayang ang pamasahe sa tricycle pambili kona ito ng kwek kwek sa kanto.

Nagpalinga linga ako sa aking paligid. Nasa parteng madilim ako naglalakad na hindi masyadong abot ng ilaw sa poste. Pakiramdam ko ay may taong sumsusunod sa akin. Paglingon ko sa aking tagiliran ay may lalaking nakasuot na itim na jacket na may hoddie na nakatungong naglalakad ng mabilis.

"Kinabahan naman ako saiyong impakto ka, akala ko dadalhin mona ako sa talahiban at pagsasawaan ang aking katawan pagkatapos ay pagpipira-pirasuhin at isisilid sa maleta at itatapon na lang kung saan saan." Bulong ko habang hawak ko ang aking kumakabog ng mabilis ang aking dibdib.

Kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa aking isipan. Binilisan kona ang aking paglalakad, baka magkatotoo pa ang nasa isip ko.

Binuksan ko agad ang gate ng dorm, nagulat sa akin ang guwardiya na nagbabantay dito.

"Bakit parang takot na takot ka ma'am? Nagaalalang tanong sa akin ni kuyang guard.

"May gwapong afam po na gusto akong dalhin sa talahiban at gusto akong gahasahin." Sagot ko na lang sa tanong ng nag aalalang guard. Iyon na lang ang sinabe ko kahit hindi naman totoo.

Napakamot naman ito sa kanyang ulo at nagtatakang nakatingin sa akin. Mukha ba akong gumagawa lang ng kwento, ang mukhang ito ba ay hindi mapagkakatiwalaan..

"Kuya naman, nakakainis ka! Bakit parang hindi ka naniniwala sa akin." Nakanguso kong sabe.

"Nene, Pasensya kana ha. Wala naman kase ditong talahiban, matataas na establisyemento ang nakatayo sa paligid natin dito. Kung sinabe mo pang pilit kang isinasakay sa sasakyan ay seguradong maniniwala ako saiyo." Natatawang paliwanag sa akin ni Kuyang Guard.

"Kung maka Nene ka naman sa akin kuya, kanina mo pa sinasaktan ang kalooban ko. Una hindi ka sa akin naniniwala na may Afam na gusto akong dalhin sa talahiban, pangalawa tinawag mo akong Nene." Mangiyak ngiyak kong wika.

"Naku po! Huwag mo ng ituloy yang pag iyak mo, papangit ka lang. Binibiro lang kita kanina..

"Ewan ko po saiyo kuya. Diyan kana nga." Nakasimangot kong wika.

Tinawanan lang ako ni kuyang Guard ang sarap lang niyang batohin ng suot kong sapatos.

Naglalakad ako sa hallway ng dorm ng makasalubong ko si Marian at si Isadora.

"Bakit nakatulis naman yang nguso mo Szai? Kulang na lang ay sabitan ng kaldero yang nakausli mong nguso." Puna sa akin ni Issa.

"Si kuyang Guard kase, tinawag akong Nene." Sagot ko kay Issa na nakanguso parin.

"Nagtaka ka pa, Tingnan mo sa salamin kung bakit ka tinawag na Nene ni kuyang Guard." Pang aasar naman sa akin ni Marian.

"Isa ka pang baliw ka. Sikmuraan kita diyan eh." Pikon kong wika.

"Saan kaba kase galing? At bakit ngayon ka lang umuwi? May inililihim ka sa amin ano?" Tanong sa akin ni Isa na may kahulogan.

"Wala a, pumunta lang ako sa bahay nong kinuwento ko sainyo na si Ate Marie. Hindi kona kayo sinama dahil maligalig kayo." Pagkakaila ko.

"Wow! Grabe sya kung makapagsalita ng maligalig, akala mo hindi din sya maligalig." Kontra agad na sabe ni Marian sa akin.

"Tama na nga yan, baka kung saan nanaman mapunta ang asaran ninyo. Nakakapagod ng pumagitna sa inyong dalawa, pareho lang naman kayo na pikunin.

Pareho kaming natawa ni Marian dahil sa pagsita sa aming dalawa ni Issa.

"Saan ba punta ninyong dalawa? alas otso na ng gabi lalabas pa kayo, marami pa namang siraulo dyan sa labas." Hindi kona sa kanila sasabihin kung ano ang nangyari sa akin kanina, tiyak na katulad ni kuyang guard ay hindi sila maniniwala sa akin. Baka nga pagtawanan pa ako.

"Bibili kami ng balot, natakam kase kaming dalawa ni Marian. Dumaan kami sa kwarto mo wala naman nagbubukas, iyon pala ay hindi ka pa umuuwi."Wika ni Issa. Ano sasama kaba?" Saad nitong tanong pa sa akin.

"Hindi na, kayo na lang dalawa. Hindi naman ako kumakain ng balot, tsaka inaantok na ako." Pagtanggi ko.

"Sege, ikaw ang bahala. Alis na kami ni Marian baka wala na kaming maabotan na tindang balot sa labas." Saad ni Isadora.

"Sege, mag ingat kayong dalawa.

Tumango lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng dorm.

Ako naman ay nagpatuloy narin sa paglalakad, ng nasa tapat na ako ng aking kwarto ay kinuha ko na ang susi sa loob ng aking bag.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong pumasok at agad akong nahiga sa kamang naghihintay sa katawan lupa kong pagod, bagsak ang katawan ko sa kama ni hindi ko na nagawa pang isarado ang pinto at e lock ito.

Nakatulog ako sa sobrang pagod at sa maghapon na activities sa university na sinabayan pa ng part time job ko.

Nagising ako na pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin habang natutulog ako.

Napabalikwas ako ng bangon na sina Isadora at Marian pala ang nakatayo sa aking harapan. Akala ko kung sino na.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko sa kanila na inaantok pa ako.

"Mukhang pagod na pagod ka ah, ni hindi mona nagawa pang magpalit ng uniform tapos iniwan mo pang bukas ang pinto. Mabuti na lang ay bumalik kaagad kami, kung hindi pinasok kana sana dito sa loob at pinagtripan ng ibang dorm mate natin."Wika ni Isadora habang si Marian ay tahimik lang na nakamasid sa akin.

"Nakalimotan ko, antok na antok na kase ako." Tipid kong sagot.

"Labas na rin kami." Paalam nilang dalawa.

"Pakisarado na nalang ng pinto at pakilock narin, salamat.

Muli akong nahiga at natulog muli.

J.C.E CLEOPATRA

Szarina, kung ano-ano na lang naiisip mo. Huwag kang mag alala si Jeran lang ang magdadala saiyo sa talahiban.

| 4
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Chyrll Dumulot
baka si jeran ung naka hoodie?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Epilogue. Family Bonding

    Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Chapter.92. Finally. Nagbigay liwanag.

    Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Chapter 91. Malacańang

    Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Chapter 90. Kakapunin.

    Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Chapter. 89. Ba't di mo pagbigyan.

    Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer

  • Mr. President Secret Affair ( Bastarda Series-Three    Chapter 88. Bangkero si Jeran

    Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status