Szarina POV
Binabasa ko ang libro tungkol sa kardiyolohiya at pagiging doktor, mga artikulo tungkol sa mga pinakabagong teknolohiya sa operasyon ng puso. Mga dokumentaryo tungkol sa buhay ng mga doktor, ito ang kursong kinuha ko at ang pangarap ko. May activities kami mamaya pagkatapos ng exam namin. Kahit hindi tunay na tao ang ooperahan namin ay kinakabahan ako. "Hindi kana nakahakbang diyan sa pwesto mo Szarina.?" Mataray na puna sa akin ni Marian na may pag irap pa ng kanyang mata at naka cross arm pa. Mabuti na lang mabait ako ngayon at walang nambwisit sa akin kahapon di tulad ng nakaraang araw buong maghapon at hanggang gabi ay sira ang mood ko. Kung may sapak lang ako ngayon natadyakan kona ito para mahulog sa kanal. "May exam kase kami ngayon kaya pinag aaralan kong mabuti ito, baka bumagsak ako. Tsaka kinakabahan ako pagkatapos naming mag exam ay may ooperahan kami, kahit hindi tunay na tao ay kinakabahan ako." Paliwanag ko kay Marian na kinagulat nya. "Sorry naman kapatid, akala ko nag iinarte ka nanaman." Wika nito at lumapit pa sa akin sabay akbay at tingin sa librong binabasa ko. "Sus, kaya mo yan. Ikaw paba. ..Maliit ka lang na babae pero yang utak mo at isip mo ay malaki, matalino ka Szarina kaya maipapasa mo ang pagsusulit ninyo." Payo ni Issa sa akin na may kasamang pangaasar. Demonyo talaga minsan ang dalawa na ito, pero ang madalas na magdemonyo sa akin ay si Marian, kontrabida lagi sa buhay ko pero ganun pa man ay mahal naming lahat ang isa't isa. Nagkakapikunan pero nagbabati din matapos mawala ang inis. Patawid na sana kami ng kabilang kalsada ng may humintong sasakyan sa tapat namin. Bumukas ang unahang bintana ng sasakyan at napairap na lang ako ng aking mata.. "Good morning Ladies! Hi my Dwende!" Bati sa amin ni Jeran na abot langit ang pagkakangiti na hindi ko nagugustuhan. May fiance na lumalandi parin.. "Good morning din po Mr. President." Bati ng dalawa kong kaibigan, hindi ako bumati sa tukmol na yan kahit ba sya ang kagalang galang na Presidente ng Pilipinas. Binalik ko lang ang tingin ko sa tangan kong libro kahit sinisiko na ako ng dalawa. "Mr. President, ang ganda naman po ng FIANCE mo at ang sexy pa at ang tangkad tangkad pa bagay na bagay po saiyo kaysa don sa kilala ko na bukod sa maliit na esnobera pa." Puri ni Marian sa fiance ng damuho, alam kong pambobola lang nya iyon at pang aasar sa akin at talagang pinagdiinan pa nya ang salitang Fiance. "Mamaya ka lang sa akin na mamasang ka." Bulong ko na kunwari ay may binabasa ako sa libro. "Totoo po ba na matagal nyo na syang girlfriend kaya nagpropose na po kayo sa kanya at malapit na rin daw po kayong ikasal?" Tanong ni Issa, hinihintay ko kung ano ang isasagot ni Jeran. "Ehemm.. Oo naman kaya nga niligawan ko dahil bagay talaga sya sa akin pareho kaming matangkad at mahal na mahal ko ang Angelina ng BUHAY KO kaya hindi na ako makapaghintay na maikasal kami. Tama na seguro yong 10 taon na mag nobyo at mag nobya kami, panahon na seguro na bumuo kami ng sariling pamilya." Sagot ni Jeran sa otsoserang dalawang kaibigan ko. Sarap bigwasan sa mukha, nakaraan buwan at araw lang ay nilalandi landi ako, yon pala isang dekada na silang magkasintahan ng Angelina na mukhang paksiw na iyon. Magchildhood sweetheart pa sila kung ganon. "Hindi pa ba kayo dalawa papasok? mauuna na ako sainyo dahil kailangan ko pang magreview, hindi ako makapag focus dito dahil ang daming bubuyog na maingay dito." Pag singit ko sa kanilang pag uusap na tatlo. "Mukhang hindi mo yata gusto na makita ako ngayon? Nagseselos kaba? MY DWENDE." Tanong ni Jeran sa akin at pinagdiinan din ang huli niyang sinabe. Taas noo akong tumingin sa kanya at sumagot. "Hindi, May dapat ba akong pagselosan Mr PRESIDENT, tsaka wala naman tayong RELASYON." Inis kong turan at pinagdiinan ko din ang iba kong sinabe. Ngumisi naman ang labi nito na nang aasar, kung wala lang kami sa Public place at hindi ako maba bash ng madla ay kanina ko pa nasuntok ang pagmumukha nito.. "Isa lang naman na salita ang isasagot mo sa akin bakit nag explain kapa." Nakakainis na sagot ni Jeran sa akin.. Sa inis ko ay tumalikod na ako at iniwan kona ang dalawa kong kaibigan kahit tinatawag pa nila ako. "Anong klaseng Presidente yan? Nakakabwisit! yan ba ang binoto ng taong bayan, bukod sa hambog na babaero pa at malandi. Kung hindi lang maganda ang pamumuno niya sa bansa at hindi sya corrupt na tao baka siniraan ko na ang tukmol na yan! Nakakagigil, ang ganda ng gising ko ngayong umaga tapos susulpot na lamang sya sa harapan namin at sisirain lang ang araw ko. Naku! Naku! maplatan sana kayo ng gulong." Inis kong salita habang lakad takbo ang ginagawa ko. Pinagtitinginan na ako ng ibang studyante dito sa campus na hindi ko pinansin. Pagkarating ko sa room namin ay naupo na ako sa aking upuan na nag ngingitngit parin ako sa inis.. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko bago muli ako nag review. Ang dalawa ko naman na kaibigan ay nakatayo na sa harapan ko na nakalagay ang dalawang kamay sa kanilang baywang. "Anong kaartihan yon Szarina?" Tanong ni Issa sa akin. Tiningnan ko lang ito at inirapan bago ko ito sinagot. "Wala, maupo na kayo don nagrereview ako kaya hwag ninyo akong dalawa istorbohin. "Huwag kami Szarina, nagseselos ka lang dahil ikakasal na sya. Bakit kase hindi mo pa sa amin sabihin na tumitibok ang tingle mo kay Mr. President para hindi kana nanamin inaasar, gayahin mo kaming tatlo nila Rasse-.. "Na naghahabol at tumutulo ang laway sa mga lalaking gusto nyo. Ibahin nyo ako sainyo, tsaka hindi ko gusto ang lalaking iyon hindi sya ang tipo ko." Pagputol ko sa sinasabi ni Marian. Kanina pa itong mamasang na ito sa akin, makukurot ko talaga ito sa singit na gamit ang mapurol at kalawanging nailcutter ng matitano ang tingle nito para lalong hindi magustuhan ni Quin "Umamin kana Szarina, tayo tayo lang naman ang naandito oh. Walang makakaalam promise." Wika ni Aria na sumulpot na lang na parang kabote na ihi ng aso dito sa harapan namin. "Ewan ko sainyo! Isa ka pa Aria.. Kumusta naman kayo ni FUCKLERS MO? Akala mo hindi ko alam na binubwisit ka din non araw araw" Inis kong saad na ikinatigil nito. Akala seguro ni Aria na may alam si Szarina sa kanyang trabaho sa club kaya ito natahimik sa sinabe ni Szarina. "Magsiupo na kayo bago ko pa kaiyo ihagis sa labas ng pinto ng classroom natin." Pananakot ko para tantanan nila ako. Naupo nga ang tatlo sa kanilang upuan na lihim na ngumingiti. Ang dalawa ko naman na kaibigan na sina Rasselle at Chyryll ay tumatawa habang papasok ng room namin. "Iiihh!! Kinikilig ako." Tili ni Chyrll na kinikilig pagkapasok sa room namin na walang pakialam na may mga kaklase na kami dito sa loob. "Ako din, biruin mo. Kahit suplado ang fafa Red mo ay tumigil sya sa pagmamaneho ng kinawayan mo sya at binigyan mo pa ng flying kiss. Omg sana ang bebeloves Rage ko din !" Kinikilig din na wika ni Rasselle. Ang mga kaklase ko naman ay kanya kanya ng bilot ng papel at binato sa dalawa at nakisali din ang tatlo na tinawanan lang sila ng maharot naming kaibigan. "Mahiya naman kayo sa amin!" Sigaw naman ng mga kaklase namin. Tumayo si Marian at tumabi sa dalawang kaibigan namin kinikilig. "Nang iinggit naman kayong dalawa, nakakainis kayo! Sana paglabas natin ng gate, mahagip ko sana kahit ang tumbong ni Quin ko." Nakangusong turan ni Marian na iniimagine pa ang tumbong ni Quin. Hinampas naman ng dalawa ang braso ni Marian na kinikilig na din.. "Mabuti pa kayong dalawa masaya ang araw, samantala yong isa dyan sa likuran daig pa ang inutangan na hindi binayaran nakasambakol ang pagmumukha." Pagpaparinig sa akin ni Issa. Palibhasa hindi sya ang inaasar ni Jeran kanina kaya malakas ang loob mang asar sa akin. Ang lahat ay napatingin sa pinto ng dumating ang grupo nila Anthony na Heartthrob ng buong Campus na daig pa ang mga Senior dito kaya ang daming naiinis sa kanila dahil sa taglay nilang Karishma na walang dating sa amin na magkakaibigan. "Sana all." Wika ng mga kaklase namin ng may iabot nanaman ng bulaklak at chocolate si Anthony. Kamakailan lang ay napag alaman namin na hindi pala sya katulad namin na mahirap lang, isa pala syang tagapagmana. Dumating na ang Prof. namin na si sir John lloyd. Simula ng hindi na pumapasok ang kaklase namin na kung tawagin ay bisugo ay naging matamlay na si Sir. Nasaan na kaya ang babaeng iyon, ano kaya ang dahilan na hindi nya pagpasok. Napakababaw naman kung iyong pang aasar ni Isadora ang sanhi ng pag drop out nya.. đđđđđđđđđ si Mr. President ay malaki ang pagkakangiti nito ng matyimpuhan nanaman niya si Szarina sa kalsada na naglalakad kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na papasok ng University ng Don Bosco... Cute na cute talaga ito sa height ni Szarina. Kulang ang araw nito kapag hindi nya naasar ito sa maghapon. Nakangiti ito habang pababa ng kanyang sasakyan na ginagamit nito sa tuwing pupunta ng Palasyo. "Mukhang masaya kayo ngayon Boss?" Tanong ng kanyang Private Bodyguard na pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay na si Barron Vergara. Si Barron Vergara ay kababata niya na anak ng hardenero sa kanilang Mansyon na tinuturing na rin nyang matalik na kaibigan at kapatid. Gusto nitong magtrabaho sa kanya kaya ginawa nya itong Private Bodyguard dahil kilala na niyang lubusan ito mula pagkabata pa nila.đđđđđđđ: Ang mga nababasa po ninyo sa chapter na ito ay pawang kathang isip lamang. Wala pong katotohanan, lalo na po sa pag gamit ko ng salitang Presidente ng Pilipinas....
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa MalacaĆang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa MalacaĆang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa MalacaĆang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi