Share

PROLOGUE

  

   NGAYON na pala yung araw ng  Alumni Party namin kaya itong si Joana Hindi magka mayaw sa pag mamadali nya.

"Bessy bilis na baka ma late na tayo!"

Napapitlag nalang ako sa sigaw nitong babaeng to. Sabi na ngang teka lang eh ito talagang buntis na to nakakainis. "Teka lang nga Sabi eh mabilis lang to..."

"Eh baka kasi nandun na silang lahat, tayo nalang ang kulang siguro dun..."

Isinuot ko yung binili namin kahapon ni Allen na damit. 3/4sleeve at hanggang tuhod sya na fitted dress skin tone, pinaresan ko din ng 4 inches na heels saka kinulot ko ang dulong bahagi ng buhok ko. Nung nakita ko sa salamin na maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako mula sa kwarto.

Ibinilin ko muna si Via kina Mama kanina, pumayag naman yung anak ko ang sabi nya pa sa'kin bago ako umalis kanina ay mag enjoy daw ako. Nagsabi rin si Allen na sya daw ang mag hahatid sa'min pero sabi ko si Josh na lang dahil kami rin nina Joana ang pupunta dun.

"Oh akala ko dyan ka na lang mag a-alumni party sa loob..."

Inirapan ko lang ang bwisita. Napaka daldal talaga kahit kailan.

PAGDATING namin sa venue ay marami-rami na rin ang mga tao. Nilibot ko ang tingin ko at medyo nakakahilo rin. Namumukhaan ko rin ang mga tao na nandito, it's been a 4 years since last na nagkasama-sama kami.

Iginala ko naman ang tingin ko sa mga taong nag kukumpul-kumpulan sa may bandang kaliwang lamesa. Mabilis naman kaming lumapit dun ni Joana at si Josh naman ay lumapit dun sa mga boys.

"Oh Joana nandito na pala kayo kala namin di kayo makaka punta.."

Nakita ko naman sina Lian, Trisha at Divine sa kabilang mga upuan. Nang akmang tingin sa'kin sina Lian at Trisha ay mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Wohhh, Channy ang ganda ganda mo pa rin ah.. walang kupas ah..."

Sabi naman ng mga boys na katabi nina Trisha nag oasalamat ako at tumabi kay Joana na umupo.

"Well salamat sa papuri..."

Tumayo naman si Divine at yumakap sakanya at mabilis ding bumitaw sa yakap nila.

"Maganda ka pa rin talaga Channy.."

Maya maya pa ay napatigil ang lahat dahil naagaw ang atensyon namin sa host nang mag simula itong magsalita.

"Hello everyone,long time no see,musta na kayong lahat.."masayang bati saamin ng emcee

"Whoooo! Ayos naman!.." sigaw ng lahat ng nandito

Di nalang ako sumali sa pag sigaw nila pumunta nalang ako sa gilid kung nasaan si Joana.

"Let's start our games,now pic your partners boys and girls ok...."

Paliwanag saamin ng emcee agad naman silang nagsihanapan ako naman ay panay tingin sa paligid na baka may lalapit saakin. Pero bigla nalang silang nag tulakan dahilan para mahiwalay ako kay Joana at mapunta sa harapan.

Nakatalikod ako ngayon mula sa stage dahil gusto kong hanapin si Joana pero pagka lingon ko kasabay din ng pag lingon ng isang lalake.

Bigla nalang parang tumigil ang oras at huminto ang lahat naka tutok lang ang atensyon at mga mata ko sa lalakeng kaharap ko ngayon it's been a 4 years nung huli ko syang makita mas lalong naging matipuno ang katawan nya kapansin pansin pa rin ang mala abo nyang mata at mapupula nyang mga labi.

Ngayon ko lang napagtanto na ang tagal pala namin hindi nagkita. Gustong gusto ko syang yakapin, halikan at sabihin na may anak kami.

At dun ko lang napagtanto na ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay ang dating lalake na masasabi kong...

He was My Teacher that was Addicted To Me.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status