ANG tunog ng pag-ring ng cellphone ni Gracie ang nagpalik sa isip niya sa reyalidad. Rumehistro sa screen ang isang pangalan na kilalang niya. walang pag-aatubiling sinagot niya ang tawag na natanggap.
“Hello Narita, bakit naman gan’on ang plano mo?” malumanay pero may protestang tanong niya sa kabilang linya. Gusto niyang ilabas ang paghihimagsik ng kalooban niya. “Hindi ko ini- expect na iyon pala ang gagawin mo.”
Mahinang napatawa si Narita. “So, it’s time for you to celebrate Gracie like me. Tagumpay ang mga plano natin. At walang dahilan para maging malungkot ka dahil nakaganti ka sa kapatid mo.”
Umiling siya na parang kaharap lang ang kausap. “Hindi ko kaya kayang magsaya sa nangyari. Kahit ako ay na-surprise sa nangyari.” At idinugtong niya ang sinapit niya after the scandalous event.
“Come on Gracie, bakit parang nagagalit ka yata sa akin?” tanong ni Narita na may pinipigil na iritasyon. “Aba tinulungan na nga kita para maiganti ang sarili mo huh.”
“Kung sana ay ipinaalam mo sa akin na ganoon ang plano mo ay ‘di sana ay napaghandaan ko. Maraming nawala sa akin ngayon Narita and even my job. Hindi ko pa alam kung saan ako pupulutin nito.”
“It’s not my problem anymore, basta ako ay tinulungan kita. Always remember na basta ‘pag ginagawa ko na ang part ko sa isang trabaho ay ako na lang mismo ang nakakaalam.”
“Unfair naman ‘yun. Alam na alam mo naman ang ginawa ko para sa plano natin,” giit niya.
“Remember Gracie, ang lahat ng ‘yun ay plano ko at hiningi ko lang naman ang tulong mo. Ganito na lang, think of the brighter side na lang dahil on the first place ay gusto mo talagang gumanti sa wicked half-sister mo. Parehong may atraso sa atin si Tatiana.”
Magsasalit pa sana siya pero nagpaalam na rin si Narita sa kanya hanggang sa nawala na ito sa linya. Napailing na napapaiyak na lang siya sa pagkakasalampak niya sa sofa.
Oo nga nakaganti nga siya kay Tatiana pero hindi niya akalain na ganoon katindi ang kabayaran. Pinagsisihan niya na nagpadala siya sa matinding emosyon niya at ngayon ay tila iniwan na siya sa ere ni Narita. Akala pa naman niya ay kaibigan niya ang babae.
Nang ibaba na niya ang cellphone mula sa pagkakalapat sa kaliwang tainga niya, isang message ang nabasa niya mula sa kaibigan niyang nasa Canada na si Lea.
Sana okay ka lang Gracie, pasensya ka na kung wala ako d’yan at hindi kita madamayan sa pinagdadaanan mo ngayon. Isipin mo na lang ang brighter side, malaya ka na pamilyang pinagtiisan mo ng mahabang panahon. Continue your life with new chapter.
Kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam niya. Nagkaroon siya ng keyword sa gabing iyon na magsisilbing motivation niya sa bagong yugto ng buhay niya.
Brighter side.
Ang nasabing kataga ay parehong binaggit nina Mia at Narita. Marahil ay tama ang mga ito. Nangyari na ang nangyari at hindi na niya mababago pa iyon.
KINABUKASAN, gumising si Gracie na may positibong outlook sa buhay. Sinikap niyang iwaglit sa isip ang mga nangyari kagabi. Bumangon siya na ginawa ang morning routine niya bagama’t wala na siya sa marangyang silid na mayroon siya sa mansion ng mga Luistro.
Pagkaligo at nagsuot na siya ng business attire. Ngayong araw ay maghahanap siya ng trabaho. Pupuntahan niya ang mga kompanyang na dating gusto siyang kunin noon pero hindi niya matanggap ang offer.
Pinag-aral at pinagtapos siya hanggang college ni Armando sa kabila ng pagtutol ni Lucia. Subalit kapalit ng natamong edukasyon ay magta-trabaho lang siya sa kompanya ng step-father niya. Pinagtiisan niya ang pagiging toxic ni Tatiana. Nahiya siya sa patriarka ng Luistro kung lilipat siya sa ibang kompanya.
This time ay malaya na siya makapag-plano para sa buhay at desisyon niya.
Sumakay na siya ng taxi patungo sa unang kompanya na dati na siyang kinukuha- ang Mega Canning Corporation. Tiwala naman siya na matatanggap siya dahil sabi ng kakilala niya na may mataas na katungkulan doon ay magsabi lang siya kung kailan pwede na siyang lumipat.
“Miss Reyes, we regret to inform you that we cannot offer you any position in this company. However, we’ll keep your resume on file for future openings,” ang sabi ng babaeng HR staff na kausap niya.
“I understand. Maraming Salamat pa rin,” pilit siyang ngumiti sa kabila ng nadaramang frustration.
Bagsak ang balikat na lumabas siya sa unang kompanya na pinuntahan niya. Subalit hindi siya basta-basta susuko. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Dahil naroon na rin naman siya sa Central Business District ay sasamantalahin niya ang pagkakataon para makapag- apply sa iba.
Magtatanghali na ay nanatiling maliit ang chance niya na magkaroon siya ng bagong trabaho. Nanlulumo na siya at naroong pagod na pagod na siya.
“T-Tatiana?” usal niya sa pangalan ng half-sister niya na nakatakda niyang makasalubong sa building na kung saan siya lalabas.
Ngunit bago pa siya makaiwas sa kapatid ay nakita na siya nito. Nagmamadali itong lumapit sa kanya na tinitiyak na hindi siya makakatakas dito.
“Ang galing mo talaga my dear sister,” pauyam na sabi nito. “Balewala lang sa’yo ang mga nangyari kagabi at ngayon ay nag-a-apply ka na sa iba. Ang lakas ng apog mo.”
Diretso siyang tumingin kay Tatiana para ipakita rito na hindi siya masisindak nito. “I am free now Tatiana, malaya na akong gawin kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Patutunayan ko sa’yo na kaya kong mapaganda ang buhay ko ng hindi nakaasa sa pamilya mo.”
“D’yan ka nagkakamali Gracie, hindi ka malaya sa ginawa mong pagsira sa relasyon namin ni Oliver at maging sa birthday party ng Papa ko. You will not get hired in any company dahil ipina-black list ko na ang pangalan mo. So good luck na lang sa’yo.”
Napaawang ang labi niya sa pagkabigla. Mukhang ginamit na ng kapatid ang impluwensya ng pamilya sa Luistro sa business world.
“Expect the unexpected Gracie, hindi lang ‘yan ang mangyayari sa’yo.” Nilagpaasan na siya ni Tatiana na sinadyang bungguin ang balikat niya katulad ng ginawa niya dito sa party kahapon.
Nagmamadali na siyang lumabas ng building dahil tila napapatingin na sa kanya ang mga empleyadong naroon. Dahil sa matinding sikat ng araw ay sumilong muna siya sa isang shed. Saka lang niya naalalang kunin ang cellphone niya. nagulat siya dahil ang dami niyang message na natanggap at panay link ng isang post ang ipinadala sa kanya.
Maging sa social media account niya ay napuno rin siya ng notification. Nang i-click niya ang isa sa mga iyon ay tumambad sa kanya ang isang post na nais na siyang ilubog ng buong mundo.
Kung pwede nga lang na lumubog siya sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon.
Kinabukasan. Mahinang sinag ng araw ang unang dumampi sa balat ni Gracie. Marahang gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata, pilit binubuksan sa kabila ng antok at panghihina. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang, mainit at banayad ang paghinga sa kanyang batok.Si Oliver.Dahan-dahan siyang napangiti. Nakaunan siya sa braso nito, magkadikit pa rin ang katawan nila, pareho pa ring hubo’t hubad, at tila ayaw lumayo sa isa’t isa. Sandaling pumikit muli si Gracie, ninanamnam ang init ng katawan ng lalaking katabi niya.Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring bumalik sa isip niya ang mga katotohanang pilit niyang inililibing kagabi.Ang totoo niyang pagkatao.Ang dahilan kung bakit siya narito.Ang malaking lihim na maaaring gumiba sa lahat ng ito sa isang iglap.Napabuntong-hininga siya. Maingat na hinawi ang kamay ni Oliver sa kanyang tiyan at marahang tumalikod. Pinagmasdan niya ito—nakapikit pa rin, kalmado ang mukha, tila wala
AT sa muling paglalapat ng kanilang mga titig, wala nang kailangang sabihin pa.Unti-unti, lumapit si Oliver. Ang mga mata nito’y tila nananabik, ngunit may pagpipigil pa rin—hindi siya basta-basta sumugod, kundi hinihintay si Gracie. At si Gracie, sa kabila ng kaba at damdaming sumisiklab sa kanyang dibdib, ay hindi na umatras.Muli siyang humilig palapit, dahan-dahan, hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi—mas mainit, mas totoo, mas malalim kaysa kanina.Ang halik ay naging daan upang mawala ang lahat ng alinlangan.Napasinghap si Gracie nang maramdaman ang dila ni Oliver na bahagyang humagod sa kanyang ibabang labi, humihingi ng pahintulot. At sa paglalapat ng kanilang mga labi’t hininga, wala nang ibang natira sa pagitan nila kundi init—isang init na hindi na mapipigil.Hinawakan ni Oliver ang pisngi niya, banayad, habang ang isa nitong kamay ay gumapang sa kanyang baywang, hinihila siya papalapit. Hindi na kailangan ng salita. Ang katawan nila ang nag-usap—sa bawat haplo
Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan