Share

Chapter 06

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2025-01-20 19:27:09

SA kabila ng malamig na buga ng aircon sa reception hall ng hotel, pinagpawisan si Gracie sa mga nangyayari sa birthday party ng kanyang step-father. Isang malaking iskandalo ang sumabog sa marangyang pagtitipon na iyon at siya mismo ang involve.

“Miss, ikaw ba ‘yung nasa video?” tanong ng katabi niyang guest sa okupadong table. Isang babae na nasa kalagitnaan ang edad na titig na titig sa mukha niya. “Hawig na hawig kayo eh.”

“Oo tama ka Mrs. Royales, ang laki ng resemblance niya sa babaeng nasa video,” segunda ng isang babaeng guest na mas bata.

Napatitig sa kanya ang lahat ng naroon sa table. Isang komosyon ang nangyayari sa paligid. Hindi niya malaman kung paano kikilos sa mga oras na iyon na ibinababad na siya sa suka ng kahihiyan. Gusto na niyang magpalamon sa lupa kung pwede nga lang.

Narinig niya ang pagsigaw ni Lucia para ipatigil ang nagpi-play na video. Sa stage nakita niya si Oliver na pilit na nagpapaliwanag kay Tatiana pero sinampal ito ng huli. Kita naman sa mukha ni Armando ang pinipigil na galit.

“Miss ikaw ba talaga ‘yung nasa video?” untag kay Gracie ng isang male guest na naroon din sa table. Tila iisang mata na nakatingin sa kanya na hinihintay ang sasabihin niya.

Ramdam niya ang matinding pangangatog ng tuhod niya na inalisan siya ng lakas na ialis ang sarili sa lugar na iyon.

“Ikaw! Ang lakas ng loob mo!”

Natulig ang magkabilang tainga niya at pakiramdam niya ay naalog ang utak niya sa isang malakas na sampal na dumapo sa pisngi niya. sa pag-angat niya ng tingin ay tumambad sa kanya ang galit na mukha ni Tatiana. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang kapatid.

Napaawang ang labi niya na hindi malaman ang sasabihin.

“Ninakaw mo na nga ang business proposal ko at pati ba naman boyfriend ko ay aagawin mo rin. Isa kang malaking ahas na inalagaan ng pamilya naming. Mang-aagaw ka Gracie!” Singhal ni Tatiana.

Mula sa katatapos na video ay sa kanilang dalawa naman ng kapatid nabaling ang atensyon ng mga bisita.

Mang-aagaw ka Gracie!

Nagpanting ang tainga niya sa sinabing iyon ng half-sister niya. Umahon ang dugo sa ulo niya saka napatayo siya. “At ano ang pakiramdam ang maagawan my dear sister?”

Pinanindigan niya ang paghuhusga na tinatamasa niya. Binigyan niya ng sarkastikong ngiti si Tatiana na lalong ipinangalaiti nito.

“Walang hiya ka! At talagang proud ka sa ginawa mo!” nadagdagang galit na sabi ni Tatiana.

“Of course, total ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako. In fairness ang galing ni Oliver.” Inilapit niya ang labi sa kaliwang tainga ng kapatid saka bumulong. “Sa kama.”

Sa sumunod na sandali ay naramdaman niya na may sumaklit sa buhok niya at kulang na lang ay mapunit ang anit niya. Gumanti siya ng sabunot kay Tatiana kung saan nagtagumpay siyang mahila rin ang buhok nito.

Pareho silang gumaganti ng malakas na pwersa sa isa’t isa. Tinitiis niya ang pisikal na sakit nadarama niya sa ulo. Hanggang sa may malakas na pwersa na pilit silang pinaghiwalay.

“Enough of this!” ang galit na tinig ng isang lalaki. “Dinagdagan n’yo pa ang kahihiyan sa mismong birthday ko.”

“It’s all because of her Pa.” nanlilisik ang mga mata na itinuro siya ni Tatiana. Namumula na ang mukha nito sa matinding galit.

Sinapo ng sariling kamay ni Gracie ang kumikirot niyang anit. Naka- distanya na siya sa kapatid. Nanatiling malaking attraction sila sa maraming bisita habang ang iba ay kinukuhaan sila ng video.

“I’m very much disappointed to you Gracie.” Naiiling na pagbaling sa kanya ni Armando. “Hindi ko akalain na ganito ang igaganti mo sa kabila ng pagkupkop ko sa’yo. Itinuring pa naman kitang kapamilya-”

“Kahit kailan ay hindi ninyo ako itinuring na bahagi ng inyong pamilya,” mabilis na singit niya. “Ang lahat ng ibinigay ninyo sa akin ay binayaran ko ng pagtatrabaho sa kompanya ninyo. Kaya wala kayong karapatan na sumbatan ako ng ganyan.”

Sa wakas ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na maisatinig ang mga sama ng loob na naipon sa dibdib niya. iyon nga lang ay sa isang akward na sitwasyon.

“Inggrata!” Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Lucia. “Mana ka talaga sa walang hiya mong ama. Ikinakahiya kita na naging anak kita.”

Sa butil ng pawis sa mukha niya ay sinabayan ng likido ng mga luhang bumalong sa mata niya. Tila tinarakan ng punyal ang puso niya. matapang na sinalubong niya ang titig ng sariling ina. “You never been a mother to me. Dahil sarili mo lang ang iniisip mo.”

Akmang sasampalin siyang muli ni Lucia pero mabilis na napigilan ito ni Armando. “Umalis ka ngayon Gracie hanggang kaya ko pang magtimpi ng galit ko sa’yo. Umalis ka na rin sa buhay namin at huwag na huwag ka nang babalik pa.”

“Hindi pa tayo tapos Gracie, tandaan mo ‘yan,” pagbabanta ni Tatiana.

Isang nanlilisik na tingin ang ipinukol niya sa tatlo at ganap na siyang lumakad paalis sa lugar na iyon. Sinadya niyang bungguin sa balikat nito si Tatiana saka nilagpasan na ito.

Ramdam niya ang maraming mata na nakatingin pa rin sa kanya sa kanyang pag-alis. Ang ganap niyang paglaya sa marangyang mundo na bumilanggo sa kanyang buhay nang mahabang panahon.

Sa paglabas niya ng hotel ay hindi na niya napigilang bumalong ng tuloy-tuloy ang luha niya. Naroong napahagulhol na rin siya.

“KUNG may problema dito sa unit mo ay tawagan mo agad ako.”

“Sige po Mrs. Paz, maraming Salamat po,” tugon ni Gracie sa kasera ng apartement na bagong tutuluyan niya.

Ilang saglit ay umalis na rin si Mrs. Paz. Isinara na niya ang pinto ng unit niya. Napapatulala na napaupo siya sa sofang naroon. Nakalapag pa sa sahig ang mga bag na kinalalagyan ng gamit at damit niya. Nanghihina pa siyang ayusin iyon.

Ngayong gabi ay ang daming nangyari sa buhay niya. pagkagaling niya sa hotel ay nagtungo siya sa mansion ng mga Luistro para kunin ang mga gamit niya. sa tulong ng kaibigan niyang nasa abroasd na si Anika ay nai-recommend siya sa apartment ng tita nito na siyang tinutuluyan ngayon.

Kailangan na maging mas matatag ako ngayon. Ako na ang gagawa ng sarili kong buhay at sisiguradihin ko na magtatagumpay ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 47

    Kinabukasan. Mahinang sinag ng araw ang unang dumampi sa balat ni Gracie. Marahang gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata, pilit binubuksan sa kabila ng antok at panghihina. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang, mainit at banayad ang paghinga sa kanyang batok.Si Oliver.Dahan-dahan siyang napangiti. Nakaunan siya sa braso nito, magkadikit pa rin ang katawan nila, pareho pa ring hubo’t hubad, at tila ayaw lumayo sa isa’t isa. Sandaling pumikit muli si Gracie, ninanamnam ang init ng katawan ng lalaking katabi niya.Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring bumalik sa isip niya ang mga katotohanang pilit niyang inililibing kagabi.Ang totoo niyang pagkatao.Ang dahilan kung bakit siya narito.Ang malaking lihim na maaaring gumiba sa lahat ng ito sa isang iglap.Napabuntong-hininga siya. Maingat na hinawi ang kamay ni Oliver sa kanyang tiyan at marahang tumalikod. Pinagmasdan niya ito—nakapikit pa rin, kalmado ang mukha, tila wala

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 46

    AT sa muling paglalapat ng kanilang mga titig, wala nang kailangang sabihin pa.Unti-unti, lumapit si Oliver. Ang mga mata nito’y tila nananabik, ngunit may pagpipigil pa rin—hindi siya basta-basta sumugod, kundi hinihintay si Gracie. At si Gracie, sa kabila ng kaba at damdaming sumisiklab sa kanyang dibdib, ay hindi na umatras.Muli siyang humilig palapit, dahan-dahan, hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi—mas mainit, mas totoo, mas malalim kaysa kanina.Ang halik ay naging daan upang mawala ang lahat ng alinlangan.Napasinghap si Gracie nang maramdaman ang dila ni Oliver na bahagyang humagod sa kanyang ibabang labi, humihingi ng pahintulot. At sa paglalapat ng kanilang mga labi’t hininga, wala nang ibang natira sa pagitan nila kundi init—isang init na hindi na mapipigil.Hinawakan ni Oliver ang pisngi niya, banayad, habang ang isa nitong kamay ay gumapang sa kanyang baywang, hinihila siya papalapit. Hindi na kailangan ng salita. Ang katawan nila ang nag-usap—sa bawat haplo

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 45

    Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 44

    Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 43

    Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 42

    Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status