LOGINAyun na nga!
BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya
JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang
JenelynNaging maayos ang mga sumunod na araw.Sa katunayan, mas maayos pa kaysa sa inaasahan ko.Hindi ko akalaing talagang tutuparin ni Bradley ang sinabi niya noong gabing sinundo niya ako sa police station.Sinibak niya si Clarabelle.Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala.I mean, kahit paano ay kilala ito ni Lolo Ruel. Medyo malapit din sila at alam kong may koneksyon pa rin ang pamilya nito sa ilang taong malapit sa pamilya Salazar. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Bradley, baka nagdalawang-isip pa.Pero hindi si Bradley.Kapag nakapagdesisyon na siya, mahirap na siyang baguhin.At ayon sa kanya, mas lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang CCTV footage mula sa bar.Hindi na niya sinabi ang lahat ng detalye sa akin, pero base sa ekspresyon niya nang mapanood iyon, alam kong mas marami siyang nakita kaysa sa mga naikwento namin sa police station.Sa huli, wala na rin naman akong pakialam.Matagal nang nakakaabala si Clarabelle sa buhay ko.Sa opis
JenelynTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang binabagtas ni Bradley ang daan pauwi.Matagal nang naihatid sina Denise at ang iba pa. Sa katunayan, halos kalahati ng biyahe ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang ilaw ng mga sasakyang kasalubong namin ang nagsisilbing kasama sa katahimikan.Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap kay Bradley.Pareho pa rin ang ekspresyon niya mula nang sunduin niya ako sa police station.Seryoso.Tahimik.At iyon ang mas nakakatakot.Mas gugustuhin ko pang magalit siya nang diretsahan kaysa sa ganitong hindi ko mabasa ang iniisip niya.Sa huli ay hindi ko na kinaya ang katahimikan.“Wala si Denver?” tanong ko, naghahanap lamang ng kahit anong pwedeng pag-usapan.Hindi man lang siya lumingon. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada.“Gusto mo pang mang-abala ng natutulog na tao?”Agad akong napakurap.Well...Mali yata ang napili kong topic.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Sabi ko nga sa saril
JenelynPagkatapos naming kumain at tumambay sa isang fast-food restaurant malapit sa university para magpalipas ng oras ay dumiretso kami sa isang sikat na bar na madalas puntahan ng mga estudyante at young professionals sa lungsod. Hindi pa ganoon karami ang tao nang dumating kami kaya agad kaming nakakuha ng magandang puwesto sa bandang gitna ng lugar.Makulay ang ilaw na umiikot sa kisame habang marahang tumutugtog ang music mula sa speakers. Hindi pa ganoon kalakas ang tugtog dahil maaga pa, ngunit sapat na iyon para buhayin ang atmosphere ng buong lugar.Pagkaupo namin ay agad nang kumuha ng menu si Lex.“Tonight, Marie is paying,” anunsyo niya.“Hoy!” protesta agad ni Denise.“Tama naman ah. Celebration ito para sa successful operation ng father niya.” Kumindat pa si Lex ng sabihin yon.“Hindi ibig sabihin noon na sagot na niya ang lahat.”“Oh sige na, sagot ko na,” sagot ni Lex.“Yown!!!” sabay-sabay naming sabi dahilan upang ikutan niya kami ng kanyang mga mata.Nagtawanan kam
Jenelyn“Jen, maraming-maraming salamat talaga sa tulong mo.”Napabaling ako kay Marie nang marinig ko ang sinabi niya. Isang linggo na ang nkalipas ng matapos ang operasyon ng kanyang ama.Magkatabi kaming nakaupo sa bleachers ng university open court kasama si Denise habang pinapanood sina Lex at ang iba pa nilang kaibigan na naglalaro ng basketball sa ibaba.Mainit ang panahon ngunit may bahagyang hangin na paminsan-minsang dumadampi sa balat namin. Rinig na rinig ang tunog ng sapatos na sumasayad sa court, ang malalakas na tawanan ng mga estudyante, at ang sigawan ng mga nanonood sa tuwing may nakakagawa ng magandang play.Kumunot ang noo ko.“Marie.”Napangiwi siya.“Alam ko na ang sasabihin mo.”“Then stop saying thank you every five minutes.”Natawa siya nang mahina at hindi ko napigilang umiling.Wala akong klase ngayong hapon at hindi na rin ako nagtungo sa Salazar Group.Wala ring pasok sina Marie at Denise kaya napagkasunduan naming tumambay muna sa university.Matagal na ri







