Jenelyn“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman. “Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.“Ako ang pumingot sayo kaya alam ko!”“Ang puso nyo baka malaglag, nakadikit lang ng kulangot yan…” sabi ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso. “Lo naman…”“Jenelyn, kailan ka ba magseseryoso? Hindi ako bumabata at wala akong ibang aasahan kung hindi ikaw.”“Baka naman sa hospital ako damputin sa pagiging seryoso, Lo…”Napatingala ang matanda sabay pikit bago nagsimulang magreklamo sa patay. “Naririnig mo ba Erlinda ang apo mo? Eleanor, anak, tignan mo ang anak mo…”“Banggitin nyo na rin si Papa, nahiya pa kayo…” Binigyan ako ng side eye ni Lolo.“Jenelyn, pinagbigyan kita sa gusto mo. Panahon na para tuparin mo ang usapan natin, luluwas ka sa Maynila para mag-aral. Habang ginagawa mo yon ay kikilal
Dernière mise à jour : 2026-02-13 Read More