MasukOh di ba, angas ng Catanduanes with a heart. Nag-self proclaim na ang bida natin.
BradleyDalawang araw na ang lumipas mula nang maisagawa ang DNA testing.Sa loob ng dalawang araw na iyon, pilit kong ipinagpatuloy ang normal kong routine bilang Chairman ng Salazar Group. Tuloy ang mga board meetings, tuloy ang pagrepaso ko sa mga kontrata, at tuloy rin ang pakikipagpulong sa iba't ibang investors at business partners. Sa paningin ng lahat, wala namang nagbago. Ako pa rin ang dating Bradley Salazar na kalmado, seryoso, at bihirang magpakita ng emosyon.Ngunit sa likod ng malamig kong ekspresyon ay unti-unti nang nauubos ang pasensya ko.Sa bawat oras na lumilipas, pakiramdam ko ay lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng babaeng nakita namin sa video na kuha ni Matt sa loob ng Manrique Medical Hospital.Nakaupo lamang siya sa hospital bed.Payat.Maputla.Tahimik.Halos walang reaksyon sa paligid niya.Kung hindi dahil sa mga mata niya at sa ilang pamilyar na bahagi ng kanyang mukha, malamang ay
BradleyPakiramdam ko ay kaya kong ngumiti buong araw.Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig lang kay Jenelyn matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin iyong umaalingawngaw sa isip ko."If you want to get married, then we can get married."Napakasimple ng pagkakasabi niya, pero para sa akin ay napakalalim ng ibig sabihin noon.Biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang may malaking batong matagal ko nang pasan ang kusang nawala sa dibdib ko.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa narinig ko?Mahal ko siya.Mahal na mahal ko siya.Matagal ko nang gustong maging asawa si Jenelyn. Sa bawat araw na lumilipas ay lalo lang akong nagiging sigurado na siya na ang gusto kong makasama habambuhay. Kaya nang sabihin niyang handa na rin siyang maging Mrs. Salazar, halos hindi ako makapaniwala.Pero kasabay ng matinding saya ay may isang tanong ding agad na pumasok sa isip ko.Hindi ba masyado pang maaga?Tahimik akong napabuntong-hininga habang
JenelynKatatapos ko lang maligo nang dumiretso ako sa silid ni Bradley.Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang nakita.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakapagpalit na siya ng pambahay at bahagya pang basa ang buhok niya, senyales na kalalabas lang din niya mula sa banyo.Hindi siya gumagawa ng kahit ano.Tahimik lang siyang nakaupo, tila may malalim na iniisip.Kanina habang sabay kaming naghahapunan ay naikuwento na niya sa akin ang lahat ng nangyari sa mansyon.Hindi ko man nakita ang eksena mismo, ramdam ko ang bigat ng mga pinagdaanan niya.Ikinuwento niya kung paano muling ipinagtanggol ni Alfonso ang babaeng nagpapanggap na Mildred. Kung paano nito pinaniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng impostora.At higit sa lahat, kung gaano kahirap para kay Bradley ang manatiling tahimik.Sapat na sana ang mga ebidensyang hawak nila upang magalit siya.Pero hindi pa sapat ang mga iyon upang tuluyang ilantad ang katotohanan.Kailangan pa rin nilang hintayin ang resul
JenelynAlam kong hindi basta-basta nagpapatawag si Lolo Ruel ng kahit sino sa mansyon, lalo na kung si Bradley ang hinahanap niya. Sa ilang buwan ko nang nakikilala ang pamilya Salazar, alam ko na may sapat siyang dahilan sa tuwing gumagawa siya ng ganoong hakbang.Kaya nang sabihin sa akin ni Bradley na pinapunta siya ng kanyang lolo sa mansyon, hindi ko na siya tinanong pa kung bakit. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa nangyayari sa kanilang pamilya. Posibleng may bagong impormasyon, o baka naman muling nagkaroon ng pagtatalo dahil kay Tita Mildred.Habang iniisip ko iyon ay tumayo muna ako mula sa workstation ko. Ilang oras na rin akong nakatutok sa harap ng monitor at nagsusulat ng codes para sa Dr. Machine. Kailangan ko ring bigyan ng pahinga ang sarili ko kahit ilang minuto lang.Nagpunta ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso. Tahimik ang buong condo. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at refrigerator ang maririnig. Habang umiinom ako ay hindi k
Third Person“I am your father.”Mababa ngunit matigas ang tinig ni Alfonso. Hindi man siya sumisigaw, sapat na ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya upang maramdaman ng lahat ang kanyang hinanakit.“Paano mo nagawa na pagsalitaan ako nang ganyan, Bradley?”Diretso ang tingin niya sa panganay na anak. Hindi niya maitago ang sakit na nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ay tila kinukuwestiyon ng sariling anak ang kanyang desisyon bilang ama.“Isa pa,” dugtong pa niya, “sarili mong ina ang pinaparatangan ng lolo mo. Kung hindi ako ang magtatanggol sa kanya, sino pa ang gagawa no'n? Bilang asawa niya, responsibilidad kong protektahan siya. Hindi ko hahayaang may basta na lang magbibintang sa kanya nang walang sapat na dahilan.”Tahimik na nakinig si Bradley.Marami siyang gustong sabihin.Marami siyang gustong ilabas.Sa bawat salitang ipinagtatanggol ng ama ang babaeng nasa tabi nito ay tila mas lalo lamang kumukulo ang dugo niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pilit niyang p
Third Person“Kung hindi mo talaga magagawang tanggapin ang asawa ko, mabuti pang umalis na lang kami rito sa mansyon.”Mabigat ang tinig ni Alfonso nang bitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi iyon simpleng pagbabanta o bugso ng damdamin. Ramdam ng lahat na handa siyang panindigan ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Mildred, para bang gusto niyang iparamdam dito na anumang mangyari ay hindi niya ito bibitawan.Nagulat ang lahat ng naroon.“Dad!” halos sabay-sabay na bulalas nina Nathan, Calvin, at Matthew. Hindi nila inaasahang darating sa puntong handang talikuran ng kanilang ama ang tahanang kinalakihan niya para lamang ipagtanggol ang babaeng mahal niya.Nanlaki rin ang mga mata ni Lolo Ruel. Hindi niya inakalang magiging ganoon kabigat ang magiging reaksyon ng anak. Akala niya ay kahit paano ay maglalaan ito ng panahon upang makinig sa kanila, ngunit tila tuluyan na itong nabulag ng pagmamahal kay Mildred.Samantala, bahagyang yumuko
BradleyPagod na pagod ang pakiramdam ko, gabi na ako dumating at pahinga na talaga ang hanap ko. Pero pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko sa sala si Calvin kaya kunot ang noo ko na napatingin sa aking wristwatch.“It's already 11 P.M. pero nandito ka pa?” tanong ko. Mukhang malalim ang iniisip niy
Jenelyn“Ay napakaganda mo, apo…” Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi ni Lolo Ruel. Yes. Lumuwas na ako, sinundo ng driver ng mga Salazar sa terminal ng bus sa Cubao at nandito na nga ako sa mansyon nila sa Wack Wack.“Naku, maliit na bagay ho. Kayo naman masyadong honest…” Bahagya ko pang
Jenelyn“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman. “Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.“Ako ang pumi
JenelynPabagsak akong naupo sa malambot na sofa nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ni Bradley.Pakiramdam ko ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa pagod.Buong araw akong nasa biyahe.Mula sa mahabang oras sa eroplano hanggang sa pag-ikot namin sa Fifth Avenue para bumili ng mga damit







