LOGIN
Jenelyn
“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.
“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman.
“Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.
“Ako ang pumingot sayo kaya alam ko!”
“Ang puso nyo baka malaglag, nakadikit lang ng kulangot yan…” sabi ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso. “Lo naman…”
“Jenelyn, kailan ka ba magseseryoso? Hindi ako bumabata at wala akong ibang aasahan kung hindi ikaw.”
“Baka naman sa hospital ako damputin sa pagiging seryoso, Lo…”
Napatingala ang matanda sabay pikit bago nagsimulang magreklamo sa patay. “Naririnig mo ba Erlinda ang apo mo? Eleanor, anak, tignan mo ang anak mo…”
“Banggitin nyo na rin si Papa, nahiya pa kayo…” Binigyan ako ng side eye ni Lolo.
“Jenelyn, pinagbigyan kita sa gusto mo. Panahon na para tuparin mo ang usapan natin, luluwas ka sa Maynila para mag-aral. Habang ginagawa mo yon ay kikilalanin mo ang mga apo ng kaibigan ko na si Ruel at mamimili ka sa kanila kung sino ang gusto mong mapangasawa.”
Ayan na nga tayo. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ako pumayag noon.
“Paano kung naka graduate na ako at lahat ay wala pa rin akong nagugustuhan sa kanila? Pipilitin mo pa rin ako?”
Huminga siya ng malalim at seryoso ang mukha na tumingin sa akin bago tumugon.
“Sa tingin mo ay hahayaan kitang pumunta doon ng basta lang ng hindi inaalam ang lahat? Alam kong merong nararapat sayo doon. Pero kung sakali, pwede naman gawing negotiable pa.” Ngumisi siya kaya tumirik ang mga mata ko. Akala ko pa naman ay seryoso na siya talaga.
“Bakit parang pakiramdam ko ay may natitipuhan ka na para sa akin?”
“Apo,” sabi niya. “Ngayon ko lang napatunayan na malakas pala ang pakiramdam mo.”
“Lolo naman eh!”
“Ah basta, ang usapan ay usapan. Hindi ka na pwedeng umatras!” Kinampay pa niya ang kamay, halatang nagmamarakulyo.
Nagtagpo ang mga mata namin at naglaban ng titigan.
Simula ng mamatay ang mga magulang ko pati na si Lola ay ganito na kaming dalawa. Parang aso't pusa pero mahal na mahal naman namin ang isa't-isa.
Ayaw ko talagang lumuwas at iwan na naman siya. Gusto ko na sanang manatili dito sa Catanduanes para makasama siya dahil talaga namang matanda na siya.
Pero matigas ang kanyang ulo. Mas gusto niya na masecure ang marriage ko at masiguro daw niya na maayos ang mapapangasawa ko.
Sa totoo lang ay wala pa talaga sa isip ko ang tungkol sa bagay na yon. I'm only 20 pero nakagraduate na ako ng kursong BSIT at Fashion Design sa Boston. Wala tayong magagawa, genius eh. Habang binubuno ng kasing edad ko ang elementary ay tumalon na ako ng high school.
Ayaw ko na rin sanang mag-aral pa dahil may sarili din akong negosyo na kailangang i-monitor bukod pa sa negosyo ng pamilya, pero si Lolo ay gusto pa akong pakuhanin ng kursong architecture. Okay lang naman dahil hilig ko din kaya pumayag na ako.
At ito na nga, sa bahay ng kaibigan niya sa San Juan ako titira habang nag-aaral.
“Pinahanda ko na ang mga requirement mo para sa school. And please lang, seryosohin mo ito.”
“Sigurado ka ba talaga dito, Lo? I mean, hindi mo ba ako mamimiss?”
“Mas gusto ko kung magkakaapo ako sayo sa tuhod kaya bilisan mo ang paggraduate. At wag ka ng magreklamo. Tapos na ang usapan tungkol dito. Natawagan ko na si Ruel at hindi na rin siya makapaghintay na makita ka.”
“Ang akala ko pa naman ay conservative ka tapos gusto mo na akong tumira sa iisang bubong kasama ang isang lalaki?” Kunyari ay reklamo ko. Dati kasi ay madalas niya akong pagsabihan sa tuwing malalaman niya na nakikitulog ako sa bahay ng kaibigan kong lalaki. Lalo na ng nasa Boston ako.
“Wala ng conservative conservative. Dalawa na lang tayong magkasama, kailangan ko na ng mga apo sa tuhod. Kung mabuntis ka habang nag-aaral o kaya kahit kakalipat mo pa lang don ay okay na okay din. Ako na ang bahala sa magiging apo ko sa tuhod at mag-aral ka pa ulit.”
Napamaang ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala na lalabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig.
“Matalino ka, may natapos na rin. May sariling negosyo, at hindi basta negosyo ha… Kinikilala sa buong mundo ang fashion brand mo bilang luxury brand. Ano pa ba naman ang hahanapin mo? Anak at asawa na lang ang kulang sayo at parang nag-iisang anak ka na lang ng Diyos sa mundo!”
“Dinamay nyo pa ang Diyos, Lo. Heto lang oh…” sabi ko sabay turo sa aming dalawa. “Heto lang, sa pagitan lang natin ang usapan.”
“Kasi naman, ang dami mo pang tanong. Ang gusto ko lang naman ay mag-asawa ka.”
“Paano kang nakasiguro na papayag ang mapapangasawa ko na dito tumira, aber?” tanong ko na parang naghahamon. “Alam mo naman na mas gusto kong dito lumagay sa tahimik.”
“Jenelyn, kamukha ka ng napaka ganda mong Lola at Mama. Alam kong kayang kaya mong akitin at pasunurin sa gusto mo ang sinumang mapapangasawa mo.”
“Lolo!” bulalas ko. “Akitin talaga?”
“Aba, anong gusto mong mangyari? Lumapit siya sayo ng wala kang gagawin? At sa ugali mo na yan? Baka hindi umubra ang face value mo at masayang lang ang minana mong kagandahan sa mag-ina ko kaya kung kinakailangan ay gamitan mo na rin ng gayuma.”
“Sabihin mo sa akin, Lolo ba talaga kita?”
“Kung hindi mukha ng lola at mama mo ang dala dala mo ngayon ay iisipin kong hindi!”
Ay grabe siya! Napahawak ako sa aking dibdib habang nakikipaglabanan ako sa kanya ng titigan.
Third PersonNagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa dis-oras na ng gabi.Unti-unti nang humupa ang tugtog ng live band, ngunit hindi pa rin nawawala ang masasayang tawanan ng magkakapamilya at magkakaibigan. Ang pavilion na ilang oras ang nakalipas ay puno ng mga palakpakan, hiyawan, at luha ng kaligayahan ay ngayon ay unti-unti nang nagiging tahimik.Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno ay patuloy pa ring nagbibigay ng mainit at romantikong liwanag sa buong paligid, habang ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay tila nakikisabay sa masayang pagtatapos ng gabing iyon.Isa-isang nagpaalam ang mga bisita.May ilan pang nagpakuha ng huling litrato kasama ang bagong engaged na sina Bradley at Jenelyn. Ang iba naman ay hindi nakalimutang yakapin ang dalawa at batiin sila bago tuluyang magtungo sa kani-kanilang silid.Punong-puno ng pagmamahal ang buong resort.Hindi lang dahil sa proposal na naganap.Kundi dahil sa pakiramdam na matapos ang napakaraming unos na pinagdaanan ng pamilya
JenelynHindi ko alam kung paano ko nagawang humakbang papunta kay Bradley.Pakiramdam ko ay unti-unting naglaho ang lahat ng tao sa paligid namin. Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno, ang mahihinang tugtog ng banda, maging ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay tila naging bahagi na lamang ng napakalayong ingay.Si Bradley lang ang nakikita ko.At sa paraan ng pagtitig niya sa akin, alam kong ako lang din ang nakikita niya.Huminto ako ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang lalaking nakatayo sa ilalim ng pavilion. Nakasuot siya ng isang eleganteng itim na tuxedo na lalong nagpatingkad sa kanyang tindig. Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok, ngunit kahit ganoon ay napansin kong tila ilang beses niya iyong hinaplos gamit ang kanyang mga daliri.Kinakabahan siya.Hindi iyon ang Bradley Salazar na kilala ng lahat.Hindi ang seryoso, kalmado, at palaging kontrolado ang sitwasyon.Sa harapan ko ngayon ay isang lalaking halatang kinakabahan d
JenelynHindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulog. Basta naalimpungatan na lang ako ng makadama ako ng ibang presensya sa loob ng silid.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Tita Mildred na may inuutusan.“Mom,’” tawag ko sa kanya dahilan upang mapalingon siya sa akin.“Naku, nagising ba kita? Sinikap ko na magdahan-dahan kam.”“Hindi naman po. Talagang pagising na rin po ako,” tugon ko. “Pero ano pong meron? Ano po ang damit na yan?”Tumingin ako sa gown na suot ng isang manikin.“Para sayo yan. Since gising ka na rin lang, why don’t you go to the bathroom ang take a bath. Papapasukin ko na ang mga stylist.”Medyo naguluhan ako. Bakit may gown at stylist pa?“Go, go, go dear.”Wala na akong nagawa lalo na ng halos hilahin na ak ni Tita Mildred papunta sa bathroom.Naligo na ako at paglabas ko ng silid ay nadatnan ko na ang tatlong babae na naghihintay sa akin.“Good afternoon, Miss Jen. Kami ang mag-aayos sayo.”Takang-taka na talaga ako.Anong meron?
JenelynHindi pa man nagtatagal ang panonood ni Lolo ay tumunog na naman ang doorbell. Nagkatinginan pa kaming dalawa.“Bakit parang gusto mo akong utussan na magbukas ng pinto?” tanong niyang nakataas ang kilay.“Grabe ka naman, Lo. Para tinignan ka lang,” dahilan ko.“Naku kilala na kita. Hala, tumayo ka na dyan at tignan mo kung si Ruel na ‘yon.”Ayun naman pala at may inaasahang bisita.Agad na akong tumayo para tignan kung sino ang dumating. Sa peephole ay nakita ko na nga si Lolo Ruel.Nakangiti kong binuksan ang pintuan.“Lolo,” bati ko. Ngunit natigilan ako ng makita ko doon sina Tito Alfonso at Tita Mildred. “Tuloy po.”Bakas sa mukha ng mag-asawa ang kaligayahan.Matapos ang birthday celebration ni Tita Mildred ay agad na pinaalam nila Bradley kay Tito Alfonso ang mga pangyayari.Hindi makapaniwala noon si Alfonso. Ang tingin na binigay niya kay Tita Mildred ay punong-puno ng guilt.“Sobra ang hingi niya ng sorry dahil hindi man lang daw niya nalaman na ibang babae na pala a
JenelynPagkapihit ko pa lang ng doorknob ng condo ay agad akong napahinto.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa taong nakatayo sa harapan ng pintuan."Lo!"Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat.Hindi ko inakalang ang unang taong bubungad sa akin pag-uwi ko ay ang mismong lolo kong ilang beses nang tumangging umalis ng isla.Si Lolo Alvin.Ang matigas ang ulo, reklamador, ngunit pinakamahal kong tao sa buong mundo bukod kay Bradley.Napakurap pa ako nang ilang beses, iniisip kung nananaginip lang ba ako.Hindi.Talagang siya iyon.Nakatayo siya sa harapan ko habang nakasuot ng simpleng polo shirt, khaki pants, at ang paborito niyang sumbrero na halos hindi niya inaalis kahit saan siya magpunta. May hawak pa siyang maliit na travel bag habang nakakunot ang noo at tila naiirita sa naging reaksyon ko."Bakit mukhang gulat na gulat ka?"Nakapamewang siyang tumingin sa akin bago bahagyang umirap."Hindi ba dapat, 'Welcome, Lo. Miss na miss kita,' ang sasabihin mo?"Hindi pa rin ako
BradleyMay mga laban na hindi kailangang samahan ng sigawan, barilan, o habulan upang maramdaman kung gaano kataas ang tensyon.Minsan, sapat na ang paghihintay.Sapat na ang bawat segundo ng katahimikan habang alam mong anumang oras ay tuluyan nang babagsak ang lahat ng kasinungalingang itinayo sa loob ng napakaraming taon.Tahimik akong nakatayo sa ikalawang palapag ng hotel, sa bahagi ng hallway kung saan tanaw ko ang daan papunta sa mga private suite. Mula roon ay kita ko rin ang ilang staff na abala sa pag-aasikaso ng mga bisita, habang sa ibaba naman ay unti-unti nang napupuno ang ballroom ng mga taong inimbitahan para sa ika-limampung kaarawan ni Mom.Sa paningin ng lahat, isa lamang itong marangyang birthday celebration.Isang gabi ng kasiyahan.Isang gabi ng reunion ng pamilya Salazar.Ngunit para sa amin, ang gabing ito ang magiging katapusan ng mahigit dalawampung taong panlilinlang.Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa railing. Hindi dahil natatak
JenelynPutik yan, mabuti na lang at agad ko siyang nakita. Kung hindi ay baka nabuking na ako.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?Sa pagkakaalam ko ay nasa Grand Hyatt Seoul sila, bakit sila naggala dito?Nakabalik na ako galing meeting at pasakay na ako ng elevator ng maisipan kong magk
Bradley“Where is she staying?” tanong ko kay Charles pagkapasok pa lang namin sa hotel na pansamantala naming tutuluyan habang nandito kami sa South Korea.Hindi ko inaasahan na makita si Jenelyn.Sa totoo lang, ilang segundo rin akong napatigil kanina sa loob ng sasakyan habang pinapanood siyang l
Jenelyn“Nandito ka din?” takang tanong ni Charles, at malinaw sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya inaasahan ang pagkikita namin dito. Bahagyang nakaangat ang kilay niya habang nakatingin sa akin, tila ba sinusubukang ikonekta ang lahat kung paano ako napunta rito.Hindi ko agad sinagot ang ta
Jenelyn“Ano naman ngayon kung may sixty million ako?” tanong ko, dahan-dahang itinataas ang baba ko habang diretso ang tingin kay Celetse. Hindi ko itinago ang bahid ng kayabangan sa boses ko, sinamahan ko pa ng bahagyang pag-irap para siguradong makarating sa kanya ang punto ko. “Inggit ka?”Ramda







