Se connecterJenelyn
“Ay napakaganda mo, apo…” Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi ni Lolo Ruel.
Yes. Lumuwas na ako, sinundo ng driver ng mga Salazar sa terminal ng bus sa Cubao at nandito na nga ako sa mansyon nila sa Wack Wack.
“Naku, maliit na bagay ho. Kayo naman masyadong honest…” Bahagya ko pang hinampas ang kanyang braso at tumawa kami ng malakas.
Napansin ko ang tingin na binibigay sa akin ng iba pang kaharap namin. Ayaw kong pansinin dahil obvious naman na hindi nila ako gusto.
“Siya nga pala apo,” sabi ng matanda kaya seryoso na akong humarap sa kanya. “Siya si Alfonso, ang aking anak.”
Tinuro ni Lolo Ruel ang may edad ng lalaki bago sinunod ang may edad na babae na nasa tabi nito. “Siya naman si Mildred ang aking manugang.”
“Kamusta po,” magalang kong sabi kahit na ayaw kong gawin. Paano ba naman, ni hindi manlang ngumiti ang mga ito.
“Ang katabi naman niya ay si Calvin, pangatlo sa apat na magkakapatid. At ang nasa kaliwa niya ay si Christine na anak ni Mando, ang driver na nagsundo sayo.” Napansin ko ang bahagyang pagyuko ng babae, siguro ay dahil nahihiya siya.
“Malapit siya kay Mildred dahil sabik sa anak na babae at alam mo naman na puro lalaki nga ang aking mga apo,” patuloy pa ng matanda.
Gusto ko sanang pigilan si Lolo Ruel sa mga salita niya dahil kahit papaano ay naiintindihan ko naman ang hiyang dulot non kay Christine. Kaya lang, bakit kasi nandito siya at nakikiupo sa amin?
Hindi ako matapobre, pero kung anak si Christine ni Mando na driver, ano nga ang ginagawa niya dito?
Ah! Bahala na nga sila, hindi ko naman bahay ito.
“Dad, bakit naman ganon ang pakilala nyo kay Christine?” tanong ni Mildred. Mahina lang ang boses niya pero ramdam ko na hindi niya talaga gusto ang ginawa ng matanda.
“Eh paano ko ba dapat siyang ipakilala?” tanong ni Lolo Ruel. “Mali ba ako?”
“Okay lang po, Mommy. Naiintindihan ko po si Lolo,” sabi ni Christine, mababa ang tinig. Hindi ko alam kung totoo ba sa kanya ang sinabi, pero as of the moment ay wala pa naman akong nakita na kahit na anong emosyon sa mukha niya maliban sa hiya.
“Dad, alam mo naman na sa atin na lumaki itong si Christine.” Si Tito Alfonso na ang sumagot.
“Yun na nga,” tugon ni Lolo. “Paulit-ulit kong pinapaalala dahil baka makalimutan niya. Nakita mo naman, Mommy na ang tawag sa asawa mo at Lolo sa akin. Hindi na nga siya nauutusan dito sa bahay at higit sa lahat, anong ginagawa niya dito sa usapang pampamilya?”
Halata ang galit sa tinig ni Lolo Ruel at ewan ko lang ha, bakit hindi pa tumayo si Christine para umalis. Wala ba siyang pakiramdam?
“P-Pasensya na po, S-Sir Ruel.”
“Nakita mo, hindi na sanay tumawag ng Sir. Nauutal na!” tugon ng matanda na nakatingin kay Tito Alfonso.
“Dad, nasa harapan kayo ng bisita. Baka mamaya ay isipin niya na matapobre tayo,” singit ni Tita Mildred. Pansin ko na parang pinipilit lang niya ang sinabi kaya nagsalitan ang tingin ko sa kanila ni Christine.
“Apo, wag mo na lang pansinin itong Lolo mo na ito. Minsan lang talaga ay kailangan natin paalalahanan ang mga taong parang nakakalimot na,” sabi ni Lolo Ruel ng bumaling sa akin.
Ngumiti ako bago tumugon. “Wala po kayong dapat alalahanin, naiintindihan ko.”
“Lo, ang mabuti pa ay pagpahingahin nyo muna si Jenelyn. Galing siya sa mahabang byahe sigurado akong pagod pa siya.” Napabaling ang tingin namin sa nagsalitang si Calvin na seryoso pa rin ang mukha.
“Oo nga pala. Pasensya ka na apo at matanda na ako,” aligagang sabi ni Lolo Ruel. “Christine, nandyan ka na rin lang. Samahan mo sa kanyang silid ang Ma'am Jenelyn mo.”
Malinaw sa salita ng matanda na pinapaalam niya hindi lang sa akin kung hindi maging kay Christine na bisita ako at kailangang ituring na amo.
“O-Opo,” tugon ni Christine sabay tayo.
“No need, Lo. Ako na ang maghahatid kay Jenelyn,” awat ni Calvin na tumingin na sa akin.
“Lolo Ruel, magpapahinga lang po muna ako.” Ngumiti pa ako sa matanda pagkasabi ko non. Mas gusto ko rin yon kaysa ang makisali sa usapang sa palagay ko ay wala naman akong kinalaman.
Masakit ang buong katawan ko dahil ang sarili kong Lolo na nagsabing mahal na mahal ako ay pinag-bus ba naman ako.
Hindi lang basta bus, ordinary!
Ang sakit ng buong katawan ko, parang sa bawat kaldag ng bus ay naaalog din ang kaluluwa ko at pansamantalang humuhiwalay sa katawan ko.
Nakakaloka, extension yata ng buwan ang Quezon sa dami ng butas at lubak!
“Ay sige lang apo,” tugon niya kaya dinampot ko na ang duffel bag ko at sumunod kay Calvin papunta sa hagdanan.
Hindi ko na tinapunan ng tingin ang mga naiwan dahil natutok na ang atensyon ko kay Calvin.
Isa siya sa apat na magkakapatid na Salazar na pagpipilian ko bilang asawa. Mukhang masungit, baka mahawa ako at kumulubot agad ang noo ko.
“Dito ang magiging silid mo,” sabi ni Calvin ng tumigil kami sa tapat ng isang nakasaradong pintuan. Binuksan niya iyon at inumang ang kamay na tila ba sinasabing pwede ba akong pumasok. “Yan lang ang dala mo?”
Sinundan ko ang tingin niya sa duffel bag ba hawak ko.
“Mmm..” simpleng tugon ko na may kasamang tango.
“Look, pwede mo na akong ibawas sa pagpipilian mo para hindi ka mahirapan. I am not into a serious relationship at nag-aalala ako na baka masaktan ka lang. Galing ka ng probinsya, hindi ka pa sanay dito sa lungsod kaya mas mabuti na mag-enjoy ka lang muna at mag-aral ng mabuti.”
Ang haba ng sinabi eh.
“Mmm…” tugon ko na lang ulit habang nililibot ang tingin sa paligid. Narinig ko ang lahat ng sinabi niya at naintindihan ko ang punto niya. Kaya lang, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Napapaisip ako kung natural na design ba ng silid ang nakikita ko o inisip lang nila na dahil babae ako ay magugustuhan ko ang pink?
Nakakaloka! Pink lahat!
Anong akala nila sa akin, seven years old!!
JenelynFirst day of school!Naglalakad ako papunta sa department building ng architecture matapos kong i-park ang aking motor. Ponytail, sumbrero, black jeans at pink hanging blouse na pinaresan ko ng pink din na rubber shoes ang OOTD ko for today.Wala namang iba dahil dalawang sapatos lang talaga ang dala ko.Anyway, nagtanong-tanong ako at natagpuan ko na ang aking silid. Pagpasok ko ay parang natigilan ang lahat at halos sabay-sabay na tumingin sa akin.Kumunot ang noo ko ng makita si Christine.“Hi,” nakangiti niyang bati. Napapalibutan siya ng sa tingin ko ay mga kaklase namin pero bakit parang close na agad sila?Tinanguan ko lang siya at tsaka naghanap ng mauupuan at sa dulo ako nakakita. Yung malapit sa bintana. Naglakad ako palapit doon at sumalampak ng upo.“Hala, doon siya naupo.”“Ang lakas ng loob niya ha…”“Hayaan na lang natin siya. Mahirap na madamay tayo sa kanya.”Napatingin ako sa paligid ng marinig ang mga sinabi nila.Anong meron?“Jenelyn,” tawag ni Christine.
JenelynSunday ng umaga ulit at kinabukasan ay 1st day of school na. HIndi ako kagaya ng iba na super excited dahil pang-ilang course ko na nga ito, pero looking forward pa rin ako dahil gusto ko talaga ang natututo.Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero wala ang mag-asawang Alfonso at Mildred pati na rin ang magkapatid na Calvin at si Nathan na sa tuwing makikita ako sa bahay ay ang sama lagi ng tingin sa akin.Baka ayaw nila akong makita o makasabay sa pagkain. Anyway, bahala sila.Nagsisimula na akong ipaglagay ng pagkain si Lolo na ngayon ay nakangiti sa akin ng biglang dumating si Bradley. Napamaang ako dahil ni minsan, simula ng dumating ako dito sa bahay nila ay hindi ko pa siya nakitang kumain dito.“Mamamatay na yata ako, apo. Akalain mo, nandito si Bradley.”“Ano ka ba naman, Lo. Wag kang magsalita ng ganyan,” saway ko sa matanda na may halong ngiti. Biro lang naman ‘yon pero kahit na.“Hindi mo ako masisisi, Jen. Hay, hindi ko alam kung ano ang meron sa apo ko na ’yan pa
Bradley“Kuya, wala ka bang gagawin para lang mapaalis sa bahay ang babaeng ‘yon?” inis na bungad ni Nathan pagkaupong-pagkaupo niya sa harap ng desk ko, parang may hinahabol na deadline ang galit niya.Hindi ko agad siya sinagot. Tinitigan ko muna ang monitor ko na puno ng reports bago dahan-dahang ibinaba ang salamin ko. Bakit ba ako pa ang naisipan niyang puntahan dito sa opisina para lang magreklamo? Kung tutuusin, hindi ko naman obligasyon ang ayusin ang mga petty drama niya sa school. May sarili akong mga problema—mas mabibigat kaysa sa sugat ng ego niya.“She humiliated me pati na ang mga kaibigan ko! Kahit na si Christine, alam mo naman kung gaano kamahiyain ang isang ‘yon,” dugtong niya, halatang umaasa na kakampi ako.Napahilot ako sa noo ko. Hindi dahil naaawa ako sa kanya, kundi dahil ramdam kong sasakit na naman ang ulo ko sa pag-uusap na ito.“Nathan, hindi mo dapat dinadala sa akin ang kung anumang nangyayari sa school. Tsaka sa tingin mo ba ay mapipigil ko si Lolo? Na
JenelynLumakad ako papalapit sa kanila nang tuwid ang likod at kalmado ang mukha, kahit ramdam kong sinusukat ako ng tingin ni Nathan mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinatago ang pagkairita sa presensya ko, at mas lalong hindi niya itinatago ang paghusga.Si Christine naman ay nakangiti sa akin—yung tipong ngiti na masyadong perpekto para maging totoo, parang naka-practice sa salamin bago lumabas ng bahay. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka naniwala pa ako na natutuwa siyang makita ako.“Nandito ka na. Sinabi ko kay Nathan na hintayin ka kanina, pero nagmamadali siya,” sabi ni Christine na parang concerned, kahit halata namang pinapakiramdaman niya kung paano ako magre-react.“Bakit ko naman kailangang hintayin ang probinsyana na ‘yan? Hindi ko gustong makasama sa sasakyan ang isang kagaya niya,” malamig na sagot ni Nathan, sabay bahagyang pagtaas ng baba na para bang may sariling spotlight.Hindi ko sila pinatulan agad. Tiningnan ko lang sila sandali, sapat para ipakitang na
JenelynEmNagui? Ako?May kailangan ba sa akin si Sebastian?Hmp! Bahala na nga siya. Manigas siya sa kakahanap… hehehe…“Sunday ngayon, may lakad ka ba, apo?” tanong ni Lolo Ruel habang nasa poolside kami, tamang kuwentuhan lang. Binabalikan niya ang kakulitan nila ng lolo ko noong panahon na nag-aaral pa sila.“Naku, hindi po. Kapag ganitong araw ay sinisikap ko na manatili sa bahay,” tugon ko. Biglang lumapad ang ngiti ng matanda.“Ganyan talaga dapat. Kung sana lang ay katulad mong mag-isip ang mga apo ko,” sabi niya, na kahit may kinang sa mga mata ay kita pa rin ang lungkot. Siguro ay dahil mas gusto niya talaga na magkaroon ng pahinga ang mga apo o kaya naman ay magkasama silang pamilya minsan sa isang linggo.Hay… iba na talaga kapag tumatanda. Mas gusto na nila na sulitin ang oras kasama ang mga mahal sa buhay.Tapos itong lolo ko na ito ay pinadala ako dito sa Maynila!Mas gusto pa niya ang malayo sa akin kaysa ang makasama ako. My sweet and loving old fool grandpa!“Siya ng
Bradley“Cal! Tinawag niya akong Cal!” iritadong sabi ni Calvin habang palakad-lakad siya sa harapan ko. Nasa study room ako at kasalukuyang tinitignan ang report na binigay sa akin ng aking assistant na si Charles.Gusto kong magkaroon ng bagong line ng jewelry at for three years ay matunog ang pangalang “EmNagui”. Wala pang nakakakita sa kanya at walang may idea kung paano sila nagtatransact ng fashion luxury brand na Epitome Fashion.“It's late, itulog mo na lang yan.” Walang buhay ang pagkakasabi ko at nanatili ang mga mata ko sa dokumentong hawak ko.“Are you not listening? Hindi mo ba naiisip na baka mamaya ay ako na pala ang target niya?” Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. “Congratulations, magkakaasawa ka na.”“Kuya!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.“You know what, I'm really busy. Hindi ko na alam kung paano ko matatagpuan ang hinahanap ko ay dumadagdag ka pa.”“Alam mo naman siguro na late na. Hindi ka ba magpapahinga man lang?” tanong niya.“Do I look like I have th







