Share

Chapter 3

Auteur: MysterRyght
last update Date de publication: 2026-02-13 10:40:48

Bradley

Pagod na pagod ang pakiramdam ko, gabi na ako dumating at pahinga na talaga ang hanap ko. Pero pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko sa sala si Calvin kaya kunot ang noo ko na napatingin sa aking wristwatch.

“It's already 11 P.M. pero nandito ka pa?” tanong ko. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil bahagya pa siyang napapitlag ng marinig ang boses ko.

“Kakarating mo lang?” tanong niya.

“Hindi ba obvious?” tanong ko din, napailing siya.

“Nandyan na ang bisita ni Lolo.” Napatingin ako sa taas ng imwestra niya ang ulo sa direksyon doon ng magsalita.

“Yung gusto niyang mapangasawa ng isa sa atin?” Tango ang tinugon niya sa akin. “So?”

Naupo ako sa sofa na katapat ng sa kaniya.

“So?” ulit niya sa sinabi ko, halatang nagulat. “Nandito siya para mamili sa atin bilang mapapangasawa niya, nakalimutan mo na ba?”

“Hindi.”

“Eh bakit parang palagay ka?”

“Alam ko naman kasi na hindi ako mapipili,” tugon ko.

“Ganon ka kasigurado?” tanong niya, hindi makapaniwala kaya tumango ako bilang tugon. “Paano ka nakakasiguro?”

“She's 20 years old sabi ni Lolo. I'm already 27, sa tingin mo mas pipiliin niya ako kaysa sayo na 23 years old or kay Nathan na kasing edad niya?” sagot ko.

Napansin ko ang pag-iling niya. Pero alam kong alam nya na may punto ako.

“Wag kang pakasiguro,” sabi niya. “Malay mo, masungit na matanda pala ang type niya.”

“Masungit na matan–” sabi ko at nanlalaki ang mga matang binato siya ng throw pillow na nasa tabi ko lang din. “You bastard!”

Tumayo siya at natatawang nanakbo papunta sa hagdanan.

Dammit!

Napasandal ako at pumikit sabay masahe ng nose bridge ko. May ilang saglit ako sa ganong ayos ng biglang may magsalita.

“Mukhang pagod ka, Kuya Bradley.” Kumunot ang noo ko bago nagdilat ng aking mga mata at tinignan ang babaeng nakatunghay sa akin ngayon. “Gutom ka ba, gusto mong ipaghanda kita ng makakain?”

“No need. Anong oras na, bakit gising ka pa?”

“Uminom lang ako at nakita kita dito. Kung wala ka ng kailangan ay maiiwan na kita,” sabi ni Christine at tumalikod na. Sinundan ko siya ng tingin at tsaka ako humugot ng malalim na buntong hininga bago tumayo na para umakyat sa aking silid.

Naglinis ako ng katawan at nagbihis. Mahihiga na sana ako ng makaramdam ako ng uhaw. Pagtingin ko sa bedside table ay walang tubig na nakalagay.

Kapag dinner time na at wala pa ako sa bahay ay hindi na ako pinagdadala pa ng tubig ng kahit sino sa mga kasambahay bago sila matulog. Kaya ngayon ay kailangan kong bumaba para uminom.

Pagbukas ko ng pintuan ng aking silid ay tahimik ang paligid. Naglakad ako papunta sa hagdanan at bumaba.

Malamlam lang ang ilaw na nagmumula sa mga corner light pero kita ko pa rin naman ang daan. Pagdating sa kusina ay medyo mas madilim pero okay lang din dahil kabisado ko na ang lugar.

“Ay kabayong malaki!” sabi ng hindi ko nakikilalang tinig mula sa babaeng bigla na lang bumangga sa akin. Naramdaman kong parang matutumba siya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya na naaninag kong nakaunat na tila naghahanap ng makakapitan.

“Who the fuck are you?” tanong ko sabay pindot sa switch ng ilaw na malapit lang din sa akin.

At doon ko nakita ang isang babaeng nakaliyad at hawak ko nga ang kamay niya. Dahil parang ewan ang ayos niya ay hinila ko na siya para makatayo ng maayos.

“Who are you?” ulit kong tanong.

“Who are you?” tanong din ng babae na tinignan ako mula ulo hanggang paa. The nerve of this dwarf!

“Ako ang unang nagtanong.”

“Pangalawa ako, ano ngayon?” Nagtagis ang bagang ko sa inis dahil parang sinusubok nya ang pasensya ko.

“Kung hindi ka sasagot ng maayos ay ipapakaladkad kita sa security at–” 

“Sus ang init naman ng ulo mo, kapag ba matanda na kailangan ay masungit din?” tugon niya.

Matanda na masungit? Pangalawa na siya ngayong gabi na tumawag sa akin ng ganon!

Naningkit ang mga mata ko at handa na akong palayasin siya talaga dahil sa matandang masungit na sinasabi niya ng bigla ulit siyang magsalita.

“Ako si Jenelyn, jowa ni Ruel.”

“You–”

“Syempre, joke lang. Apo ako ng kaibigan ni Lolo Ruel. Isa ka sa magkakapatid na Salazar”

So, it’s her.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa din.

Maliit na babae, siguro dahil 20 years old pa nga lang. Naka-t-shirt na malaki sa kanya, mukhang luma at umabot hanggang sa tuhod niya ang haba.

“May underwear ako kung iniisip mong wala,” sabi niya bigla kaya muling napadako ang tingin ko sa mukha niya. Titig na titig siya sa akin, nakataas ang kilay na para bang sinasabi niya sa akin na ayusin ko ang utak ko.

Ngumisi ako, halatang nang-uuyam.

“Anong pakialam ko kung may underwear ka? Maghubad ka man sa harapan ko ay wala akong pakialam. Kailanman ay hindi nakuha ng isang dwarf na kagaya mo ang atensyon ko.” Pagkatapos non ay hinawi ko na siya gamit ang braso ko para pumunta sa ref at kumuha ng tubig.

“Anong dwarf ang sinasabi mo?” sabi niya na medyo mataas ang boses. Nagsasalin na ako ng tubig sa baso kaya hindi ko siya tinapunan ng tingin.

“Hoy! Hindi pang dwarf ang height ko no! Sadya lang petite ako!” Nakapamaywang pa siya na akala mo ay mas malaki siya sa akin.

Hindi ko na siya pinansin. Paglapag ko ng baso sa kitchen island ay naglakad na ako papunta sa kanya.

Nakasunod siya ng tingin sa akin, nakatingala na eh pilit pang nagpapaka-chin up. Napailing ako ng matapat sa kanya at tsaka pinindot ang ilaw.

“Nuisance,” sabi ko sabay lakad palayo.

“Dwarf, and now nuisance?” narinig ko pang sabi niya pero hindi ko na pinansin. Mabuti ng malaman niya sa simula pa lang na hinding-hindi ako papayag na makasal sa kanya.

No way!

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 10

    JenelynFirst day of school!Naglalakad ako papunta sa department building ng architecture matapos kong i-park ang aking motor. Ponytail, sumbrero, black jeans at pink hanging blouse na pinaresan ko ng pink din na rubber shoes ang OOTD ko for today.Wala namang iba dahil dalawang sapatos lang talaga ang dala ko.Anyway, nagtanong-tanong ako at natagpuan ko na ang aking silid. Pagpasok ko ay parang natigilan ang lahat at halos sabay-sabay na tumingin sa akin.Kumunot ang noo ko ng makita si Christine.“Hi,” nakangiti niyang bati. Napapalibutan siya ng sa tingin ko ay mga kaklase namin pero bakit parang close na agad sila?Tinanguan ko lang siya at tsaka naghanap ng mauupuan at sa dulo ako nakakita. Yung malapit sa bintana. Naglakad ako palapit doon at sumalampak ng upo.“Hala, doon siya naupo.”“Ang lakas ng loob niya ha…”“Hayaan na lang natin siya. Mahirap na madamay tayo sa kanya.”Napatingin ako sa paligid ng marinig ang mga sinabi nila.Anong meron?“Jenelyn,” tawag ni Christine.

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 9

    JenelynSunday ng umaga ulit at kinabukasan ay 1st day of school na. HIndi ako kagaya ng iba na super excited dahil pang-ilang course ko na nga ito, pero looking forward pa rin ako dahil gusto ko talaga ang natututo.Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero wala ang mag-asawang Alfonso at Mildred pati na rin ang magkapatid na Calvin at si Nathan na sa tuwing makikita ako sa bahay ay ang sama lagi ng tingin sa akin.Baka ayaw nila akong makita o makasabay sa pagkain. Anyway, bahala sila.Nagsisimula na akong ipaglagay ng pagkain si Lolo na ngayon ay nakangiti sa akin ng biglang dumating si Bradley. Napamaang ako dahil ni minsan, simula ng dumating ako dito sa bahay nila ay hindi ko pa siya nakitang kumain dito.“Mamamatay na yata ako, apo. Akalain mo, nandito si Bradley.”“Ano ka ba naman, Lo. Wag kang magsalita ng ganyan,” saway ko sa matanda na may halong ngiti. Biro lang naman ‘yon pero kahit na.“Hindi mo ako masisisi, Jen. Hay, hindi ko alam kung ano ang meron sa apo ko na ’yan pa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 8

    Bradley“Kuya, wala ka bang gagawin para lang mapaalis sa bahay ang babaeng ‘yon?” inis na bungad ni Nathan pagkaupong-pagkaupo niya sa harap ng desk ko, parang may hinahabol na deadline ang galit niya.Hindi ko agad siya sinagot. Tinitigan ko muna ang monitor ko na puno ng reports bago dahan-dahang ibinaba ang salamin ko. Bakit ba ako pa ang naisipan niyang puntahan dito sa opisina para lang magreklamo? Kung tutuusin, hindi ko naman obligasyon ang ayusin ang mga petty drama niya sa school. May sarili akong mga problema—mas mabibigat kaysa sa sugat ng ego niya.“She humiliated me pati na ang mga kaibigan ko! Kahit na si Christine, alam mo naman kung gaano kamahiyain ang isang ‘yon,” dugtong niya, halatang umaasa na kakampi ako.Napahilot ako sa noo ko. Hindi dahil naaawa ako sa kanya, kundi dahil ramdam kong sasakit na naman ang ulo ko sa pag-uusap na ito.“Nathan, hindi mo dapat dinadala sa akin ang kung anumang nangyayari sa school. Tsaka sa tingin mo ba ay mapipigil ko si Lolo? Na

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 7

    JenelynLumakad ako papalapit sa kanila nang tuwid ang likod at kalmado ang mukha, kahit ramdam kong sinusukat ako ng tingin ni Nathan mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinatago ang pagkairita sa presensya ko, at mas lalong hindi niya itinatago ang paghusga.Si Christine naman ay nakangiti sa akin—yung tipong ngiti na masyadong perpekto para maging totoo, parang naka-practice sa salamin bago lumabas ng bahay. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka naniwala pa ako na natutuwa siyang makita ako.“Nandito ka na. Sinabi ko kay Nathan na hintayin ka kanina, pero nagmamadali siya,” sabi ni Christine na parang concerned, kahit halata namang pinapakiramdaman niya kung paano ako magre-react.“Bakit ko naman kailangang hintayin ang probinsyana na ‘yan? Hindi ko gustong makasama sa sasakyan ang isang kagaya niya,” malamig na sagot ni Nathan, sabay bahagyang pagtaas ng baba na para bang may sariling spotlight.Hindi ko sila pinatulan agad. Tiningnan ko lang sila sandali, sapat para ipakitang na

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 6

    JenelynEmNagui? Ako?May kailangan ba sa akin si Sebastian?Hmp! Bahala na nga siya. Manigas siya sa kakahanap… hehehe…“Sunday ngayon, may lakad ka ba, apo?” tanong ni Lolo Ruel habang nasa poolside kami, tamang kuwentuhan lang. Binabalikan niya ang kakulitan nila ng lolo ko noong panahon na nag-aaral pa sila.“Naku, hindi po. Kapag ganitong araw ay sinisikap ko na manatili sa bahay,” tugon ko. Biglang lumapad ang ngiti ng matanda.“Ganyan talaga dapat. Kung sana lang ay katulad mong mag-isip ang mga apo ko,” sabi niya, na kahit may kinang sa mga mata ay kita pa rin ang lungkot. Siguro ay dahil mas gusto niya talaga na magkaroon ng pahinga ang mga apo o kaya naman ay magkasama silang pamilya minsan sa isang linggo.Hay… iba na talaga kapag tumatanda. Mas gusto na nila na sulitin ang oras kasama ang mga mahal sa buhay.Tapos itong lolo ko na ito ay pinadala ako dito sa Maynila!Mas gusto pa niya ang malayo sa akin kaysa ang makasama ako. My sweet and loving old fool grandpa!“Siya ng

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 5

    Bradley“Cal! Tinawag niya akong Cal!” iritadong sabi ni Calvin habang palakad-lakad siya sa harapan ko. Nasa study room ako at kasalukuyang tinitignan ang report na binigay sa akin ng aking assistant na si Charles.Gusto kong magkaroon ng bagong line ng jewelry at for three years ay matunog ang pangalang “EmNagui”. Wala pang nakakakita sa kanya at walang may idea kung paano sila nagtatransact ng fashion luxury brand na Epitome Fashion.“It's late, itulog mo na lang yan.” Walang buhay ang pagkakasabi ko at nanatili ang mga mata ko sa dokumentong hawak ko.“Are you not listening? Hindi mo ba naiisip na baka mamaya ay ako na pala ang target niya?” Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. “Congratulations, magkakaasawa ka na.”“Kuya!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.“You know what, I'm really busy. Hindi ko na alam kung paano ko matatagpuan ang hinahanap ko ay dumadagdag ka pa.”“Alam mo naman siguro na late na. Hindi ka ba magpapahinga man lang?” tanong niya.“Do I look like I have th

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status