LOGINBradleyHindi ko inalis ang tingin ko sa direksyon ni Jenelyn.Mula sa pwesto namin, malinaw kong nasundan ang bawat galaw niya—kung paano siya napalingon nang may tumawag, kung paano siya humarap sa babaeng ngayon ay nakatayo sa harap niya. Hindi man malapit, sapat ang distansya para mabasa ko ang reaksyon niya.At hindi ko pinalampas iyon.Bahagya siyang nagulat, kitang-kita sa maikling pagkurap ng mga mata niya pero agad din iyong napalitan ng kontrol. Walang takot. Walang pag-aalinlangan. Parang natural lang na may tumawag sa kanya sa ganitong klaseng lugar.“Oh dear, ikaw nga,” masayang bati ng ginang habang lumalapit. “Hindi ko akalain na makikita kita dito.”At bago pa makapag-react si Jenelyn, bahagya siyang hinila ng ginang para sa isang magaan na beso—isang kilos na pamilyar sa mga taong sanay sa ganitong uri ng sosyal na pakikisalamuha.Natahimik ako, hindi lang dahil sa eksena kundi dahil sa mismong babae.Nakilala ko siya agad.Si Mrs. LevisteAsawa ng kasalukuyang presid
BradleyHindi ko agad napansin kung gaano katagal na akong nakatingin sa iisang direksyon.Sa dami ng taong nakapaligid sa akin—mga negosyanteng gustong makipagkamay, mga miyembro ng club na gustong makipag-usap, at mga pamilyar na mukha na sanay na akong harapin—unti-unting naglaho ang lahat sa paningin ko. Parang kusa silang naging ingay na lang sa paligid habang ang atensyon ko ay nakatutok sa iisang tao.Si Jenelyn.Nasa gilid pa rin siya at busy sa pagkain. Hindi siya nakikihalubilo, hindi rin siya lumalapit sa kahit sinong grupo. Tahimik lang siyang kumakain, parang wala siyang pakialam sa kung anong klaseng event ang pinuntahan niya.At marahil iyon ang dahilan kung bakit siya lalo napapansin.“Brad, nasaan na ang future wife mo? Hindi pa din dumadating? Hindi ko nakikita si Nathan eh,” sabi ni Ox na nilapit pa ang mukha sa akin. Agad kong nilayo ang mukha ko dahil siguradong mambubwisit lang siya, sabay taas ko ng kilay.“She’s here.”Hindi ko sinadyang sabihin iyon nang malak
JenelynHindi ako umatras nang tuluyan silang lumapit.Sa halip, nanatili lang ako sa harap ng buffet, hawak ang plato, habang hinahayaan silang punuin ang espasyo sa paligid ko, parang sinasadyang sakupin ang hangin na dapat ay tahimik lang para sa sarili ko. Sa paraan pa lang ng pagtayo nila, malinaw na hindi ito simpleng pagkakataon lang. Mukhang may balak silang targetin at ako ‘yon.“Wow,” unang nagsalita si Celetse, mabagal ang pagtingin mula ulo hanggang paa ko, parang sinusukat kung saan ako lulugar. “Nakarating ka pala dito.”Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang na lumipas ang ilang segundo, sapat para iparamdam na hindi ako basta-basta mapipilit sumabay sa ritmo nila.“Hindi ko akalaing makakapasok ka,” dagdag pa niya, bahagyang tumawa. “Exclusive kaya dito.”Isa sa mga kasama nila ang umiling na kunwari’y naaawa. “Baka may nakisabay lang,” sabi niya, sabay sulyap kay Nathan na nasa malayo. “Or baka… may nagpasok.”Nagkatinginan sila at mahina na namang natawa.“Alam mo ba
JenelynTahimik lang akong nanatili sa gilid ng ballroom, ang mga mata ko ay abala sa pag-oobserba sa bawat galaw ng mga tao sa paligid. Hindi ako nagmamadali, hindi rin ako naiinip. Para sa akin, mas interesante pa minsan ang pagmamasid kaysa sa pakikisali lalo na sa ganitong klase ng pagtitipon kung saan halos lahat ay may suot na maskara, kahit hindi literal.May mga grupong abala sa kwentuhan, may mga nagkakamustahan na parang matagal nang magkakilala, at may ilan na halatang ngayon lang nagkita pero agad nang nagkakaroon ng koneksyon. Hindi dahil sa pagkakaibigan, kundi dahil sa pakinabang.Napangisi ako nang bahagya.Same old.Dahan-dahan akong naglakad, hindi nagmamadali, hanggang sa mapadpad ako sa bahagi ng buffet. Doon, mas naging totoo ang mga tao—hindi dahil sa pagkain, kundi dahil sandali nilang nakakalimutang magpanggap habang abala sa pagpili ng ilalagay sa plato.Kumuha ako ng plato at nagsimulang maglagay ng pagkain. Hindi ko pinuno, sapat lang para hindi halatang guto
JenelynPagdating ng sasakyan sa harap ng venue, agad kong naramdaman ang pamilyar na bigat ng lugar, yung uri ng ambiance na hindi mo kailangang makita para malaman kung anong klaseng mga tao ang naroon. Kahit nasa loob pa lang ako ng sasakyan, ramdam ko na ang presensya ng kapangyarihan, ng impluwensya, at ng mga matang sanay tumingin at humusga.Huminga ako nang marahan bago bumukas ang pinto.Hindi ako nagmadali at maingat akong bumaba, inayos ang laylayan ng suot kong gown, at saka tumingin sa paligid. Maliwanag ang entrance, may mga taong papasok at palabas, may mga staff na maayos ang galaw, at may ilang bisita na agad na napapalingon sa bawat bagong dating.Pero wala akong pakialam doon.Diretso lang ang lakad ko, kasunod si Nathan na halatang mas sanay sa ganitong eksena kaysa sa ipinapakita niya.Pagpasok pa lang namin sa loob, agad siyang napansin.“Ah, Nathan!”May lalaking lumapit, mukhang kaedad lang niya o bahagyang mas matanda. Nakangiti ito habang iniabot ang kamay.“
JenelynMaagang natapos ang paghahanda ko, ngunit hindi iyon nangangahulugan na excited ako sa pupuntahan ko. Sa totoo lang, kung hindi lang dahil kay Lolo Ruel, matagal ko nang tinanggihan ang imbitasyon na ito.Tahimik akong nakatayo sa harap ng salamin, pinagmasdan ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Maayos ang bagsak ng gown sa katawan ko—elegante, simple, ngunit hindi madaling balewalain. Ito rin ang gown na una kong sinukat pero sa huli ay pinili ni Bradley.Napangisi ako nang bahagya.Sa lahat ng pinasuot niya sa akin, iyon pa rin ang binalikan niya. At kahit ayaw kong aminin, iyon din ang pinaka-nagustuhan ko.May taste din talaga ang matandang masungit.Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumalikod sa salamin. Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa kahit sino ngayong gabi. Hindi ko kailangang magpaka-iba para lang makasabay sa mundong iyon.Dahil ang totoo ay bahagi rin ako ng mundong iyon. Hindi ko naman sadyang itago pero talaga lang hindi na kailangan pang ipag
BradleyPagpasok namin sa venue, agad akong sinalubong ng pamilyar na ingay ng isang pagtitipon na puno ng impluwensya at kapangyarihan. Hindi iyon basta simpleng usapan lamang. May lalim, may timbang, at may mga kahulugang hindi kailangang sabihin nang direkta para maintindihan.Ang malawak na bal
BradleyNagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa aming kani-kaniyang sasakyan, ngunit gaya ng inaasahan ko, hindi pa rin tapos ang usapan. Sa halip na tumahimik, mas lalo lang silang naging interesado, parang may bagong laruan na ayaw bitawan.“Ngayon pa lang?” dagdag ni Gareth, may halong tukso an
JenelynLumakad ako papalapit sa kanila nang tuwid ang likod at kalmado ang mukha, kahit ramdam kong sinusukat ako ng tingin ni Nathan mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinatago ang pagkairita sa presensya ko, at mas lalong hindi niya itinatago ang paghusga.Si Christine naman ay nakangiti sa akin
JenelynEmNagui? Ako?May kailangan ba sa akin si Sebastian?Hmp! Bahala na nga siya. Manigas siya sa kakahanap… hehehe…“Sunday ngayon, may lakad ka ba, apo?” tanong ni Lolo Ruel habang nasa poolside kami, tamang kuwentuhan lang. Binabalikan niya ang kakulitan nila ng lolo ko noong panahon na nag-







