Jasmine
Maaga ako ngayong nagising kasi excited na akong pumasok sa college.
First time ko kasi na papasok na ako lang mag isa at hindi kasama ang best friend.
Kaya medyo kabado ako ngayon at medyo nahihiya din. Kasi nga hindi ako sanay na mag isa lang ako. Sana naman may makilala agad ako na pwede kong maging kaibigan kung saka sakali.
Tahimik lang akong naglalakad ngayon sa hallway habang hinahanap kung saang building ang first subject ko.
Hindi kasi ako familiar sa school na ito kaya nangangapa pa ako ngayon.
Madami dami na rin ang mga estudyante na nakatambay lang dito sa hallway, at yung iba naman ay mga nag kwekwentuhan at nag haharutan lang.
Nang makita ko na ang building ng first subject ko ay agad ko ng hinanap ang assigned classroom. Kaagad na akong pumasok sa loob ng makita ko ito at naupo sa may gitna malapit sa may bintana.
Mas gusto ko kasi na nasa gitna lang ang pwesto ko. Pag kasi sa unahan ay masyadong malapit ka sa teacher at board. Tapos pag sa hulihan naman ay puro chismis lang ang ginagawa ng mga estudyante doon. Wala kana halos natutunan. Tsaka partida rin na hindi masyadong tinatawag ng teacher ang mga nasa gitna madalas ay iyong mga nasa likuran banda.
May mga classmates na din naman akong nandito na siguro mga nasa 20 na ang bilang. Sabagay medyo maaga pa naman kasi talaga.
Kinuha ko na lang sa aking bag ang headphone sabay pa tugtog ng mga songs ng blackpink. Ang galing kasi nila tapos ang gaganda pa. Lalo na yung model ng Celine na si Lisa. Tapos ang galing pa sumayaw nakakabilib. Ako kasi hindi na nga kagandahan ang boses tapos pareho pang kaliwa ang paa.
Hindi ko nga alam kung makakapasa ako sa dancing ng PE subject ko. Sana naman hindi masyadong istrikto ang Prof namin doon.
Hindi ko namalayan na dumating na pala ang professor namin kasi naka focus ako sa kanta at nakayupyup lang ako dito sa aking upuan.
Naramdaman ko na lang ang pag siko sa akin ng katabi ko ngayong lalaki at sabay sabi na nandito na si Ma'am.
Agad kong inayos ang aking sarili at umupo ng maayos sabay tingin sa harapan.
"Wow!!!" Hindi ko napigilan na bulalas ko. Buti na lang at hindi malakas kung hindi ay baka napahiya na ako.
Ang ganda niya kasi. Parang isang diyosa sa Olympus na naligaw dito sa University si Ma'am.
Nagpakilala na si Ma'am. Ms. Jane San Gabriel pala ang kanyang pangalan. Grabe naman si Ma'am di manlang ngumingiti. Napaka formal naman nito. Sa isip isip ko.
Pero in fairness kahit ganun na napaka seryoso nitong magsalita ay napaka lamyos naman ng boses nito. Di bagay sa ibinibigay niyang aura ngayon.
Nagpakilala na rin kami sa isa't isa sa harap na as usual wala ng iba pang ginagawa pag first day of school.
After magpakilala ay nagsulat na sa board si Ma'am Jane ng mga magiging topics namin sa susunod na meeting namin sa kanya.
"Class advance reading ninyo na mga topics na yan kasi sa susunod na meeting natin at magpapa oral recitation na ako sa inyo."
"Hindi na kayo mga bata para hindi mag aral ng mabuti. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga tatanga tanga sa klase ko. Kung ayaw ninyo ng mga patakaran ko, mabuti pa habang maaga ay mag drop na kayo kaagad. Kasi hindi ko kailangan dito ang mga estudyante na tatanga tanga. Nag kakaintindihan ba tayo?!!! Sigaw nito sa amin.
Agad naman kaming nag yes Ma'am, nakakatakot kasi siya. Hindi bagay dito ang kanyang ginagawa.
Sarap lang e sako ni Ma'am, sabay tapon sa ilog pasig.
"Okay class dismissed" sabi ni Ma'am Jane sabay kuha ng gamit niya sa table saka umalis.
Doon pa lang kami nakahinga ng maluwag ng makaalis na si Ma'am. Nakakatakot naman yon. Ang di na napigilan na bulalas ng mga classmates ko.
Unang subjects pa lang ito ha. Pero parang ayaw ko ng pumasok. Tama pala yung sabi sabi nila na madami raw terror na Professor dito sa University na ito.
Tumayo na rin ako at umalis na sa room. Hahanapin ko pa ulit kasi yung sunod kong subject kung saan banda ang room nito.
Maagang natapos ang klase ko ngayon. Maaga kaming pinalabas kanina si Sir.
Papunta na ako ngayon sa aking kotse ng may mapansin ako na parang nag aaway.
"Ano ba Lisa, kailan mo ba ako titigilan ha?!!! Wala ka na talagang pinapalampas, hanggang dito ba naman sa school ay bwibwisit mo pa rin ako!!!!!! Dinig kong sigaw dito ng magandang babae na mukhang galit na galit sa naka yuko lang na babae.
Naiiling na lang akong sumakay ng aking kotse. Magkaaway siguro yung dalawang yun, sa isip isip ko.
Nang makarating sa bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto para magpahinga.
Napagod talaga ako ngayon ng sobra. Iba na pala pag college kana. Dapat responsable ka na sa lahat ng action mo. Hindi pwede pala dito yung dating ginagawa ko noon nung high school pa lang ako na konting aral lang basta complete attendance ka ay papasa kana.
Bawal kasi na e bagsak ng estudyante ng mga teacher kasi marami pang gagawin na explanation ang teacher kung ibabagsak nya ito kaya hindi na lang nila ginagawa. Kaya tuloy daming naka graduate na mga wala halos natutunan.
Eh dito kasi sa college hindi pwede ang ganun, Kung bagsak ka bagsak ka talaga. Lalo na kung State University pa ang iyong school na pinapasukan. Katwiran ng mga Professor mo ay nandito kayo para mag aral hindi mag bulakbol. Kung ipapasa namin kayo ng wala naman kayong natutunan ay ang pangalan ng school ang maapektuhan kasi dala dala ninyo ang pangalan ng school.
Pagdating ko sa bahay ay agad na akong pumasok sa loob. 'Manang paki handaan naman po ako ng meryenda at paki dala na rin po sa kwarto ko." Ang bilin ko sa aming kasambahay ng makasalubong ko ito sa may hagdanan.
"Sige po senorita, sunod ko na lang po sa room ninyo ang meryenda." Nakangiting sagot naman sa akin ni Manang
Pagkadating ko ng room ay nag bihis na ako at nahiga.
Tamang scroll lang sa social media naghahanap ng bagong chismis, habang hinihintay ko si manang.
Hayst sobrang nakakapagod ang araw na ito.
JasmineSecond day of school na. Habang nag lalakad ako dito sa oval ng campus ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihan na nag kwekwentuhan. Takaw pansin kasi ang mga ito. Ang iingay, akala mo naman pag ma mayari nila ang school na ito. Pansin ko lang parang mas chismoso pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Halata nyo rin ba? Dumiretso na ako sa classroom namin alam ko na kasi kahapon pa kung saan ito banda. Mahirap na baka ma late pa ako kung ngayon pa lang ako maghahanap. Nakayuko lang akong naglalakad ng di sinasadya na may mabangga ako. "Aray!!" Ang nasasaktan kong sabi at tuluyan na sanang matutumba kung hindi lang ako naagapan ng nakabunguan ko na hawakan ako sa baywang. "Ok ka lang Miss?" ang dinig kong tanong niya sa akin. Agad nagmulat ang aking mata at napatingin dito. Sinalubong naman ng mapupungay nitong mga mata ang aking tingin. Bigla na lang namula ang aking mukha ng matitigan ko ito. My god ang gwapo niya. Mukhang crush ko na yata siya. Nababaklang nasa
JasmineNaging magkaibigan na kami ni Raymond. Nito kasing mga nagdaang buwan ay halos palagi kaming nagkikita at nagkakasama . Halata ko nga rin dito na parang may gusto pa yata ito sa akin. Hindi naman sa pagyayabang ha pero may face value naman ako no. Dami kaya nag kakagusto sa akin kaya huwag kayong ano dyan. Ako naman syempre kina tuwa ko naman iyon. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog ang loob dito? Gwapo, mabait at isa pa sobra kasing maalalahanin nito. Palagi din akong kinukumusta at kung minsan pa nga ay natawag pag di ako agad nakapag reply sa kanyang mga text.Kaya tuloy feeling ko talaga ay nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ba nitong tanggapin ang pagkatao ko kapag nalaman niya na isa akong intersex. Sa isiping iyon ay parang may kumirot sa aking dibdib. In fairness ha medyo masakit din siya. Dapat gumawa na ako ng paraan at masigurado ko sa sarili ko kung gusto ko ba talaga si Raymond o baka kuya lang itong nararamdaman ko para sa kanya. Baka ka
JasmineKinabukasanNakayuko lang akong naglalakad ngayon papuntang classroom ko. Halata ko ang nag bubulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko. "Diba siya yung nasa video na humalik kay Ma'am Athena. Grabi girl ang lakas ng loob niya noh? Imagine si Ma'am Athena pa talaga ang hinalikan nya. Para lang siyang nag hukay ng sarili niyang libingan sa ginawa niya."dinig kong sabi ng nadaanan kong mukhang bruha sa katabi nya. Duh nagbubulungan pa dinig ko naman. Isa lang yan sa mga marami pang mga sinasabi nila sa akin about doon nga sa nangyari kahapon. Ngayon lang nagsink in sa akin na Professor pala ang nahalikan ko kahapon at di lang yon. Balita ko pa na isa daw itong terror. Sana naman di mag cross pa ang aming landas. Dahil lagot talaga ako dito. Pero ang pinaka hindi dapat mangyari ay ang maging Professor ko ito. Dahil malamang sa malamang na gaganti ito sa akin. Base palang sa mga pinag sasabi nito kahapon. Halata mo ang todong galit nito. Ramdam ko pa nga hanggang ngayon ang
JasmineNakapag usap na kami ni Raymond at maayos na tuluyan ko ng tinapos kung ano man ang ugnayan namin. Balak pa nga nitong tuluyang ligawan na ako. Pero sinabihan ko na agad ito na wala siyang maaasahan sa akin dahil hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pero baka pari iyon ay hindi ko na rin maibigay. Lalo pa nga at talagang sumama ang loob ko dito sa ginawa niyang pag iwas sa akin noon. Hiniling ko rin sa kanya na huwag muna kaming magkita at baka pati siya ay madamay sa akin. Sabi ko palipasin muna ang chismiss about sa akin bago ulit ako makikipag lapit sa kanya. Kahit naman kasi na ganun ang nangyari ay ayaw ko siyang madamay sa ginawa kong gulo. Tahimik lang akong naglilibot ngayon dito sa Mall. Maya na lang ako aakyat sa office para ayusin ang sinabi sa akin ni Dad na problema dito. Panay naman ang bati sa akin ng mga employee namin dito na sinusuklian ko lang ng ngiti at tango. Nang mapagod mag ikot ay tumuloy na ako sa office at nagpatawag ng e
JasmineMabilis lumipas ang buwan, at finals na para sa second semester. Marami na rin ang nangyari isa na doon ay ang parang aso't pusa namin ni Ma'am Athena. Madalas kasi na pag nakikita ako nito ay hindi maaaring wala itong gagawin na kung hindi ako mapapahiya au maasar ako dito o kaya naman ay makakatikim ako ng pag lalambing nitong sampal sa akin. Mapanakit talaga siya. Di ko nga alam kong anong nagustuhan ko doon. Kaya ang madalas mangyari ay tinataguan ko na lang ito at pasimpleng tinatanaw na lang sa malayo. Masaya na ako maka silay lang sa kanya. Lakas tama tayo mga lods. At saka hindi ako mag lalakas ng loob na lumapit dito noh. Mahal ko pa buhay ko kahit papaano. Buti na nga lang ay di ko pa siya nagiging Professor. Ewan ko nalang talaga kung anong mangyayari pag nagkataon. Baka tuluyan na akong lumipat ng ibang school pag naging Professor ko pa ito. Naka yuko lang akong nag lalakad na ngayon dito sa hallway ng building namin at sasaglit muna ako sa aking locker at kuk
Jasmine"Oh tulala ka na naman dyan parang tanga lang ha Cordova?" Dinig ko na sabi ni Ma'am Athena sa akin. Pero di ko parin pinansin at tinitigan pa rin ito. Nakakaadik kasi ang angkin nitong kagandahan na kahit nagsusungit na ay napaka amo pa rin ng mukha nito. Naramdaman ko na lang ang pag sakit ng aking pisngi. Sinampal na pala ako nito. Bilis talaga ng kamay hindi ko manlang napansin iyon. Nagtatakang napatingin na lang ulit ako dito at kunot ang noo na tinanong siya. "Bakit mo naman ako sinampal Ma'am?" tanong ko dito sabay haplos sa nasaktan kong pisngi. "Paanong hindi kita sasampalin dyan ay para kang tanga na nakatingin lang sa akin at pangiti ngiti pa na parang timang." Diri diretso nitong sabi sa akin"May binabalak ka bang masama sa akin ha Cordova? Huwag ka ng mag tangka pa at di ka rin lang magtatagumpay." Ang may pagdududang tanong nito sa akin at tinignan na naman ako ng masama. "Naku wala po Ma'am, may iniisip lang po ako kanina na nakakatawa kaya ganun po." Pag
JasmineLumipas ang ilang buwan at sa awa naman ng diyos ay medyo nasasanay na ako sa ugali ni Ma'am Athena. Hindi ko na lang ito masyadong pinapansin ngayon, buti na nga lang at di ko pa siya nagiging Professor. Kaya naiiwasan ko parin siya kahit paano. Nandito ako ngayon sa library at nagpapalipas ng oras. Vacant kasi namin ngayon ng isang oras kaya, dito na lang ang napili ko na puntahan. Mahirap ng mag pagala gala sa labas at baka ma tyempuhan pa ako ni Ma'am Athena at kung ano na naman ang ipagawa sa akin nito. Di ko talaga makalimutan ay iyong pinag linis niya ako ng cr ng aming department. Nalaman niya kasi na may meeting noon ang mga Professor namin kaya halos half day na wala kaming pasok. Pauwi na sana ako noon at papunta na sa parking lot ng nakasalubong ko siya. Agad niya akong tinanong kung bakit pagala gala pa ako eh may klase na kasi ng time na iyon. Kaya nasabi ko sa kanya na wala kaming pasok at may meeting kako ang aming mga Prof. Nung nasabi ko sa kanya iyon
AthenaNakaupo lang ako dito sa aking office at di ko mapigilan na tumawa sa aking mga pinag gagawa kay Cordova. Imagine na pa linis ko siya dito sa aking office at hindi lang iyon mas may matindi pa akong napagawa sa kanya. Ito ay iyong pinag linis ko siya ng cr sa department nila. Napa swerte lang talaga na ma tyempuhan ko ito ng time na iyon. Alam ko naman kasi na todo na ang pag iwas ang ginagawa nito sa akin. Akala siguro nito ay laging pasko at di na mag tatagpo pa ang landas namin. Kaya nga nung ma tyempuhan ko siya at nalaman ko na wala siyang pasok ay may biglang idea ang pumasok sa isip ko. Yon nga ay ang pag linisin ito. Natatawa nga ako dahil halata naman dito na napipilitan lang itong gawin iyon eh. Buti nga at napasunod ko pa ni hindi nga nag reklamo pa. Halata na takot talaga siya sa akin. Pero infairness dito ha. Kahit halatang mayaman siya ay alam niya ang mga gawaing ganun. Halata mo rin na sanay siya sa kanyang ginagawa. Nagulat nga ako noong unang pinaglinis