Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2022-09-13 22:41:42

Jasmine 

Ako nga pala si Jasmine Cordova 18 years old, and first year college student sa course na Business Administration sa isang sikat na University dito sa Pilipinas.

Nandito ako ngayon sa isang branch ng mall na pag-aari ng pamilya namin. 

Bibili na kasi ako ng mga school supplies na magagamit ko sa pasukan para sa susunod na Linggo. 

Abala ako sa pamimili ng gamit ng may biglang lumapit sa akin na mga lalaking gustong makipagkilala. 

"Hi Miss beautiful!," sabi sa akin ng isang lalaki na mukha naman may itsura, pero mapaghahalataan mo na fuckboy siya. 

Poker face na tinignan ko lang sila. Wala akong panahon sa mga katulad ng mga ito isa pa, hindi ko sila type wala pa sa vocabularyo ko ang magpakilala sa mga mukhang adik na tulad ng mga ito. 

Hindi naman sa mapanghusga ako ha. Pero mahahalata mo kasi sa itsura nila. 

Tsaka priority ko ngayon ay makapagtapos kaagad ng pag aaral upang matulungan ko na ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin. 

At isa pa natatakot ako na baka e judge lang ako pag nalaman na isa akong hindi pangkaraniwan na babae. 

Isa akong hindi ordinaryong babae isa akong intersex. Yung may kasarian ng lalaki at babae.

"Miss makikipag kilala lang sana kami sa iyo, tapos yayain ka na rin sana naming kumain at manood na rin tuloy tayo ng sine kung papayag ka." Nakangiting pangungulit pa nila.

"Don't worry baby libre naman namin eh." Ang dagdag pa nila at todo ngiti pa sa akin na talagang mahahalata mo sa mukha nila ang pangungumbinsi at nag pa cute pa na hindi naman uubra sa akin. 

Duh ang pangit kaya nila no. Nagmumukha lang silang aso sa paningin ko. 

Feeling naman nila wala akong pambayad, at anong tingin nila sa akin uto uto. Yung iba siguro nadadaan nila sa kanilang pagpapa cute. 

Pero sorry na lang sila dahil nga sa hindi kami talo at hindi ko rin sila type. Hmp

Bakit ba pinapapasok nila dito sa mall ang mga ganitong tao. Nag kakalat lang sila dito at nanggugulo ng mga mamimili. Minsan nga masabihan tong mga guard na ito. 

Hindi nila dapat hinahayaan magpakalat kalat dito ang mga ganyang klase ng tao. Ano na lang ang sasabihin ng mga costumer namin pag ganyan. 

"Pwede bang umalis nalang kayo. Wala ako sa mood ngayon na maki paglukuhan." Ang naiirita kong sabi sa kanila. 

Agad naman nila akong pinalibutan at masama akong tinignan. "Ang sungit mo naman Miss para makipagkilala lang eh." Medyo inis naman na sabi ng isa. 

Nabwisit na yata sa akin kasi hindi ako nakuha sa mga pag papa cute nila. 

"Bakit ba ang kukulit nyo!? Hindi ba kayo makaintindi na ayaw ko nga? "Ang sigaw ko ng hindi na ako nakapagtimpi pa. Nakakainis kasi hindi na lang magsipag alisan. 

Nasaan na ba ang mga guard dito? Bakit wala pang lumalapit? Medyo nakakagawa na kami ng konting komosyon. May mga natigil na kasi sa pamimili nila dahil sa amin. 

Maya lang ay natanaw ko na iyong guard ng store na palapit sa amin. 

"Anong problema dito?" Agad niyang tanong ng makalapit na sa aming pwesto. 

"Ah wala po Manong guard. Nagkasagutan lang po kami ng girlfriend ko. Medyo nagselos po kasi doon sa dumaang chicks kanina. Kaya sinusuyo ko pa lang po ngayon at nagagalit eh." Pagsisinungaling namang sabi nung parang leader nila. Sabay akbay sa akin na agad ko naman tinanggal.

"Ah ganun ba? Sa susunod wag na lang kayong mag sigawan ha para di naman nakakahiya doon sa ibang mamimili. At ikaw naman Miss hindi ito palengke na pwede kang sumigaw na parang nagtitinda lang sa palengke." Pangaral pa sa akin ni Manong guard ng ako naman ang balingan nito.  

Hindi yata ako namumukhaan nito  at talagang binili pa nito ang palusot ng mga manyakis na ito ng hindi ako tinanong kung totoo nga ba ang mga pinagsasabi nila o hindi. 

Pag ganyan siya na one sided lang ang kinuha niya. Maraming mapapahamak dito. Hindi na dapat pang maulit ang bagay na ito.

"Manong mo guard hindi mo ba ako nakikilala? Nag titimpi kong tanong sa guard. 

Kunting kunti na lang talaga sa akin at bibingo kana sa akin.  

"Ah miss sino ka ba? Kamag-anak ba kita?" Ang nagtataka niya pang tanong sa akin sabay tingin ng matagal na para bang kinikilala ako. 

Bigla naman napakunot ang noo ko sa sinabi sa akin ng guard. 

Porque madalang lang ako pumunta dito ganito na sila. 

Maya ay biglang nanlaki ang mata nito ng makilala na yata ako ng tuluyan. 

"Ay Ma'am Jasmine kayo po pala yan," ang nahihintakutang sabi nito sa akin.

"Sorry po Ma'am hindi ko po kayo nakilala kaagad. Pasensya na po talaga at bago palang po ako dito." Nagmamakaawang sabi nito sa akin.

Pasalamat siya at hindi ako iyong klase ng tao na magkamali lang ay tanggal agad. Alam ko ang hirap ng walang trabaho lalo na kung may pamilya ka na. 

Palalampasin ko na lang ito pero sana hindi na mauulit pa. 

"Manong guard pwede paki labas ng Mall ko ang mga bastos na ito at turuan ninyo ng leksyon."

"Binabastos lang naman ng mga yan ang ating mga costumer dito. Bakit kayo nag papasok ng mga ganyang tao ha?" Ang na bwe bwesit na dagdag ko pa. 

Nanlaki din ang mata ng mga lalaking nanghaharass sa akin kanina. Hindi siguro makapaniwala na anak ako ng mayari nito. 

Nagkamali sila ng kanilang binabangga. Hindi pwede na patawarin na lang basta ang mga ganyang klase ng tao. 

Dahil mag kakalat lang yang mga yan at uulit ulit pag pinatawad mo ngayon. Kaya dapat lang na bigyan ng leksyon. 

Agad naman tumawag yung guard ng backup para mapaalis ang mga manyakis na ito. 

Balak pa sana nilang tumakas ng saktong dumating ang ibang guard. Hinuli na nila ang mga ito at dinala sa  guard office. 

Hindi ko na rin inalam pa kung ano ang ginawa nila sa mga ito. Bahala na sila doon. 

Agad na akong umalis  pagkatapos ko mabayaran ang aking mga pinamili

biglang nawalan ako sa mood. May balak pa sana ako na manood ng sine pero naiinis na kasi ako kaya uuwe na lang ako. 

Hindi na rin ako kumain at sa bahay na lang siguro pagdating ko. 

Magkukulong na lang ako sa kwarto at maglalaro ng ML para mapataas ko pa ang ranking ko. Because for me ML is life. 

Susulitin ko na muna ngayon ang mag pahiga higa muna sa bahay dahil pag start na ang classes ay hindi ko na magagawa pa ito. 

Wala din naman kasi yung bestfriend ko dito at nasa bakasyon pa sa states. Balita ko pa nga, doon na rin daw siya mag aaral ng college. Nagustuhan na yata ang klima doon. 

Dinidemonyo pa nga ako na doon na rin lang daw ako mag aral. Sus gusto lang noon na mag aral ako doon para may kasama siyang mag lakwatsa. Kung di ko pa alam ang karakas nito.

Pero hindi naman pumayag ang parents ko. Dito na lang daw ako at maganda din naman ang mga school dito at isa pa mababantayan pa raw nila ako. Baka kasi wala pang isang taon ko doon ay may nabuntis na ako kaagad. 

Ayaw pa nila iyon? May apo na kaagad sila. Sila Lolo nga sa Mindoro gusto ng magka apo eh. Panay na ang kulit sa akin na mag girlfriend na daw ako. Hahaha ang kulit lang

Alam daw kasi nila na masyadong mapupusok na ang mga kabataan ngayon. Hindi naman lahat pero karamihan ay ganoon. 

Hindi daw katulad nila noon na may takot pa sa mga magulang. Hindi tulad ngayon na feeling nila alam na nila lahat na ganun lang kadali pag nabuntis ka. 

Tsaka baby pa raw nila ako. Kaya di pwede malayo sa kanila. Di ko pa kakayanin ang buhay ng ako lang mag isa. At isa pa tinuturuan na ako ni dad mag manage ng mga negosyo namin. Mas maaga daw mas maganda. 

Duh, paano na baby pa? kaya ko na ngang gumawa ng baby eh. Bigyan ko pa sila ng isang dosena. Basta ba payag lang yung magiging ina ng mga anak ko na isang dosena ang gagawin namin. 

Sa totoo lang kasi ay gusto ko na maraming maging anak. Ang lungkot lang na mag isa ka na anak. Iyon bang wala kang kalaro wala kang matatawag na ate at kuya. Walang magtatanggol sa iyo pag may nang aaway sayo sa school. 

Yung napag sasabihan mo ng mga secrets mo na hindi pwedeng sabihin sa parents. Yung mga ganung bagay na hindi ko naranasan. Kaya nga kung ako lang ay gusto ko talaga na maraming maging anak ko. Depende na nga lang iyon sa babaeng mamahalin ko kung papayag siya sa gusto ko. 

Syempre ayaw ko naman na mag impose ng isang bagay kung hindi naman bukal sa loob nito. Dapat ay iyong both na gusto namin. 

Pero bakit ba napunta na sa bagay na anak anak na iyon. Mag lalaro lang ako ng ML napunta na sa asawa at anak. Baka pag nalaman nila Mommy ang nasa isip ko na ito ay baka bigla na lang ako itatwa nito na anak nila ako. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ms. Athena Saint Claire    Epilogue

    JasmineNagising nalang ako sa naramdaman kong sakit sa aking pisngi sinampal na pala ako ng mahal kong asawa sa hindi ko malamang dahilan. "Gumising ka dyan bwisit ka.!!" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Pupungas pungas naman na nag mulat ako ng aking mga mata habang hawak ang nasaktan kong pisngi. "Sino yun ha? Sino yung babae mong iyon!!!?? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka.!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin at naka kuyom pa talaga ang kamay nito na magkamali lang ako ng sagot ay masasapak na ako nito. Nagtataka naman ang mukha ko na tinignan ito. Di ko kasi alam kung ano na naman ang binibintang nito sa akin. Hello natutulog lang ako ng mapayapa dito sa tabi nya tapos gigisingin na lang niya ako ng sampal at pag bintangan na may babae daw ako."Baby loves ko ano na naman po ba yang binibintang mo sa akin? Di ko kailanman magagawang mambabae pa. Kayo lang ng mga anak natin ay sobrang sapat na sapat na sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng mga a

  • Ms. Athena Saint Claire    Chapter 87

    AthenaHalos ilang buwan na rin mula ng mangyari ang bagay na yun at ngayon nga ay balak ko na puntahan itong si Jasmine sa kanila. Masama daw kasi ang pakiramdam nito. Nag paulan naman kasi kahapon. Kaya nga balak ko na bisitahin ito sa bahay nila. Baka kasi walang nag aasikaso dito eh. Hindi pa rin kami nag kakabalikan hanggang ngayon. Pero okay na rin yun hindi naman dapat mina madali ang lahat ng bagay eh. Basta ang mahalaga sa akin ay nag ka ayos na kaming dalawa. Sa ngayon ay nanliligaw pa rin ako sa kanya. Gusto ko patunayan dito na tapat ang pag ibig ko dito na minsan ay dinungisan ko. Oo nga pala. Nasabi ko na rin kila Daddy ang nangyari. Gaya ng mga kaibigan ko ay todo din ang galit nito sa akin. Maging si Mommy ay nanghinayang sa relasyon namin ni Jasmine. Sobrang boto naman kasi ang mga ito kay Jasmine dahil napaka bait daw na bata. Nagpa investigate pala itong si Daddy about kay Jasmine at yun nga nalaman nito ang mga ginagawa niya. Lalo na ang mga pa scholar nito sa

  • Ms. Athena Saint Claire    Chapter 86

    AthenaNag bilin ako sa teacher ng first subject ni Jasmine na kung pwede ay pa puntahin ito sa aking office at may ipapagawa kako ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito nag ask pa ng kung ano ano. Kailangan na gawin ko kasi ito upang mapa punta ko dito ng walang kahirap hirap itong si Jasmine. Alam ko na alam nito na walang magagawa kung mag mamatigas siya eh. Nag luto kasi ako ng breakfast namin na dalawa. Gumising pa talaga ako ng sobrang aga kanina para lang ma e handa ko lahat ng pagkain na ito. Talagang pinag butihan kong maigi ang pag luluto nito. Gusto ko kasi na daanin ito sa pag kain. Alam ko na weakness nito ang pagkain eh. At syempre pati na rin ako no. Kaya nga gumawa pa ako ng cake sa kanya oara sa peace offering ko dito eh. Sinabi naman ng informant ko na kinain naman daw nito ng umuwe ito ng linggo. Kaya nga napanatag na rin ako na hindi na sundan pa kung saan pumunta ito pati na yung unggoy na babae dahil umuwe na rin naman pala si Jasmine sa kanila. Kaya nga hi

  • Ms. Athena Saint Claire    Chapter 85

    JasminePapunta na kami ngayon sa may canteen ni Tamara. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa akin. Paano sinabi ko na pag nag ask sa akin si Ms. Angel kung ako ba nag nag luto ng adobo na dala ko ay hindi ako mag sinungaling dito. Kaya yan sya tuloy parang naluging bakla. Paliko na kami ng hallway ng maka sabay namin ang mga dragon na Professor pero ang ga ganda ng mga ito ha. "Hello po Ms." Bati namin ni Tamara sa mga ito. Habang ito naman ay naka tingin na ngayon kay Ms. Angel na bigla na lang nawala ang pag kaka nguso nito. Palalitan na yun ng malaking ngiti. Samantalang si Athena naman ay naka tingin sa akin na malaki rin ang ngiti nito. Lalo na at kitang kita nito ang hawak ko na lunch box ngayon. Ngumiti lang naman ako ng kimi sa mga ito. "Pupunta na rin ba kayo sa Canteen Jasmine, Tamara?" Tanong sa amin ni Ms. Jane. "Opo Ma'am Jane." Nahihiya na sagot ko naman dito. Kahit na ba kaibigan ito ni Athena at ilang beses na rin ako naka punta sa kanila ay nahihiya at na e ila

  • Ms. Athena Saint Claire    Chapter 84

    Jasmine"Sorry pero hindi ako pwede mamaya na makisabay sayo eh. Ayaw ko lang na may masabi ang iba. Mamaya mahalata pa nila yung about sa atin na wala naman ng katutuhanan ngayon." Pag tanggi ko sa pag aaya nito. Kahit na na te temp na ako na pa unlakan ang alok nito. Yung fave na adobo na kasi yun eh. Ayaw ko pa naman na nag sasayang ng pag kain. Tapos hindi naman sa ano pa ha. Masarap kasi talaga mag luto ito ng adobo eh. Kaya nga unti unti na nito na titibag ang pader na ginawa ko para sa aming dalawa. Nakita ko ang lungkot na bumadha sa mukha nito pero hindi na sya nag pilit pa. "Kunin mo na lang yung niluto ko. Please lang sana naman ay kainin mo yan. Kahit sa ganito man lang na paraan ay maka bawi ako sayo. Alam ko na ang dami ko ng pag kukulang sayo at ito nga gumawa pa ako ng ika sisira ko sayo. Hindi na ako mag sasabi pa na patawarin mo ako kasi alam ko na hindi mo pa kaya na ibigay yan sa akin ngayon. Pero seryoso ako Jasmine na handa akong gawin ang lahat bumalik ka lan

  • Ms. Athena Saint Claire    Chapter 83

    JasmineAgad na nitong tinago ang phone ko. Nilagay pa nga niya sa kanyang bulsa eh. Parang takot na takot na makuha ko kaagad sa kanya yun eh. Wala naman akong ka chat at nag Fqcebook lang ang ginawa ko. Wala din naman akong ma ka chat na iba at itong si Tamara ay malamang na nag ka klase na sila ni Sir doon. Hindi na tuloy ako naka pag klase dito kay sir ngayon dahil sa kagagawan nitong si Athena. Balak lang pala ako nitong ayain na kumain ay gumawa pa ito ng excuse kay Sir. Napaka ano talaga ng matanda na ito. "Ma'am, Ano po ba ang gagawin ko at bakit pina punta nyo pa ako dito? Bukod sa pakainin ako ng breakfast na hindi naman na dapat pa? Hindi na tuloy ako naka pakinig kay Sir eh." Nasabi ko ditoGusto ko na rin kasi simulan ang kung anuman ang ipapagawa nito sa akin. Nang maka alis na rin ako kaagad dito sa office niya. Dahil habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unti na natitibag nito ang ginawa kong pader para sa aming dalawa at hindi ko na nagugustuhan pa yun. Kasi s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status