Share

Ms. Athena Saint Claire
Ms. Athena Saint Claire
Penulis: imnotpsychopath

Prologue

Tahimik lang akong naglalakad dito sa may hallway ng Business Administration ng may humila na lang sa akin na babae at bigla nalang ako nito na hinalikan sa labi. 

Hindi ako nag react kaagad dahil sa pagkabigla. 

Ramdam ko ang lambot ng labi nito at ang bango ng kanyang hininga. 

Nakita kong nag mulat na iyong mga matang nakapikit ng babaeng humalik sa akin. 

Kaagad nanlaki ang mga mata nito, napagtanto siguro nito ang kanyang ginawa. 

Nang makabawi na ako sa pagka bigla. Agad ko siyang binigyan ng mag asawang sampal at tinulak ng ubod lakas na siyang ikinatumba nito. 

Kasabay ng pagtulak ko ay agad ko na siyang pinagmumura at sinabihan ng mga masasakit na salita. 

Nakayuko lang ito habang pinapagalitan ko siya. 

Mayamaya nagsalita na rin ito upang ipagtanggol ang kanyang sarili. 

Nakakuha na rin kami ng audience. Ang iba pa sa kanila ay nag vi video. 

"Sorry po talaga Miss hindi ko naman po sinasadya na mahalikan kayo."

"Hindi naman talaga kayo ang balak ko na halikan. Di ko nga po alam at bakit kayo yung nahila ko kanina eh."

Aba at talagang parang ako pa ang sinisi ng babaeng to ah. 

Di niya ba ako kilala sa school na ito at ang lakas ng loob na gumawa ng ganito at sa akin pa talaga.

Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin. Masama ang tingin na sabi ko sa kanya sabay alis.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status