Jasmine
Kinabukasan
Nakayuko lang akong naglalakad ngayon papuntang classroom ko. Halata ko ang nag bubulungan ng mga estudyante na nadadaanan ko.
"Diba siya yung nasa video na humalik kay Ma'am Athena. Grabi girl ang lakas ng loob niya noh? Imagine si Ma'am Athena pa talaga ang hinalikan nya. Para lang siyang nag hukay ng sarili niyang libingan sa ginawa niya."dinig kong sabi ng nadaanan kong mukhang bruha sa katabi nya. Duh nagbubulungan pa dinig ko naman.
Isa lang yan sa mga marami pang mga sinasabi nila sa akin about doon nga sa nangyari kahapon.
Ngayon lang nagsink in sa akin na Professor pala ang n*******n ko kahapon at di lang yon. Balita ko pa na isa daw itong terror. Sana naman di mag cross pa ang aming landas. Dahil lagot talaga ako dito.
Pero ang pinaka hindi dapat mangyari ay ang maging Professor ko ito. Dahil malamang sa malamang na gaganti ito sa akin.
Base palang sa mga pinag sasabi nito kahapon. Halata mo ang todong galit nito. Ramdam ko pa nga hanggang ngayon ang sakit sa aking pisngi. Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata na paga pa rin ito.
Tahimik na lang na naupo ako dito sa may bandang dulo. Kailangan ko muna pansamantala na umiwas ng tingin sa mga katulad nilang mga mapanghusga sa kapwa.
Pansamantala lang naman ito habang hindi pa humuhupa ang chismis. Pasasaan ba at mawawala din iyon. Tiis na lang muna ako. Total naman ay kasalanan ko din naman kung bakit nangyayari ito. Kung hindi ba naman tanga ay magkakamali pa ng hinalikan.
Hindi na rin ako naka tanggap pa ng text galing kay Raymond. Mukhang iniiwasan na rin yata ako non. Halata naman kasi eh, mula kahapon pa ay di na nagparamdam yon. Ni hindi niya nga ako kinumusta kung okay lang ba ako.
Sabagay wala na rin naman akong aasahan pa sa kanya. Siguro nga mas maganda na kalimutan ko na lang siya. Kahit naman ipilit ko pa ito ay di rin naman pwede na maging kami.
Hindi na rin ako pumupunta pa sa Canteen pag break time. Madalas ay sa may garden na lang ako kumakain o kaya sa labas ng school.
Sa library naman ako tumatambay pag wala na masyadong ginagawa. Lahat ng pwedeng pag iwas ay ginagawa ko na.
Mahirap kaya na ikaw ang maging tampulan ng chismis. Isa pa natatakot din ako na baka magkita kami ni Ma'am Athena pag nag pagala gala pa ako dito sa campus.
Papunta na ako ngayon sa parking lot ng school at balak ko ng umuwi. Pero dadaan muna ako sa isa naming Mall at may konting problema daw doon sabi ni dad at ako na lang daw ang bahalang mag ayos doon.
Sanay naman na ako na paminsan minsan ay ako ang inutusan ni dad namamahala sa aming mga Mall lalo na pag bakasyon o kaya ay walang pasok. Favor din naman sa akin iyon para kahit papaano ay natuto na ako ng paunti unti. Para hindi na rin ako mabibigla pa kung ako na ang tuluyang hahawak ng lahat ng business namin.
Malapit na ako sa kotse ko ng biglang lumapit sa akin si Raymond.
"Jasmine pwede ba tayong mag usap?" Sabi niya sa akin sa mababang tuno.
"Ano pa ba ang pag uusapan natin Raymond? Diba at lumayo ka na sa akin at iniiwasan mo na rin ako. Eh bakit ngayon ay lalapit lapit ka pa sa akin? Medyo galit na sabi ko dito.
Naiinis pa rin kasi ako sa kanya hanggang ngayon.
"May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. Kung pwede lang sana na makapag usap tayo."
"Sige, magkita nalang tayo sa JC Mall at doon ako pupunta ngayon." Sabi ko na lang sa kanya. Ok na rin siguro ito na makapag usap kami. Para matapos na rin kung anuman ang dapat tapusin.
"Sige wait na lang kita doon. Text ko na lang sa iyo kung saan banda." Sagot naman nito sa akin.
Tumango na lang ako at tuluyan ng sumakay sa aking kotse. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw na hindi ko nakikita at nakakausap si Raymond ay parang wala lang naman sa akin.
Siguro nga ay crush ko lang sya at parang brother figure lang ang tingin ko dito. Oo nasaktan ako dahil nga sa iniwasan niya ako after ng nangyaring iyon. Syempre naging kaibigan ko na siya eh.
Mas madalas ko pa ngang maalala yung magandang mukha ni Ma'am Athena. Lalo na yung napaka lambot na labi nito na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay aking natikman.
Idagdag mo pa ang blue eyes niya na napakasarap pagmasdan na parang laging nakikiusap kung makatingin.
Kahit na ba minsan ko lang itong natitigan ay iba pa rin talaga ang effect niya sa akin.
Mahirap man aminin pero parang na love at first sight yata ako sa kanya. Kaya nga doon ko lang napagtanto na wala akong feelings kay Raymond.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang nangyari. Dahil kung hindi ako nagkamali ng hinalikan malamang na pagkakaalam ko ay inlove pa rin ako kay Raymond.
Pero sa totoo lang ay mahirap man paniwalaan, humihiling din sana ako na sana masulyapan ko lang ulit ang maganda nitong mukha.
Tinatalo nga lang ako ng takot ko sa maaring mangyari pag nag kita ulit kami. Bakit naman kasi may lahi pa ni satanas ang nagustuhan ko. Kamalas ko naman talaga at sa professor pa talaga ha.
Napangiti na lang ng biglang sumagi sa isip ko ang maganda nitong mukha na parang nang aakit pa kung makatingin.
Huwag lang talaga akong mabigyan ng pagkakataon ay talaga naman baka mabuntis ko ito agad.
Agad akong nag park sa aking parking space sa Mall namin ng makarating ako dito. Sumaludo naman bigla sa akin si Manong guard ng makilala ako nito.
"Magandang hapon po Miss Jasmine. Tutuloy na po ba kayo sa office nyo o mag iikot pa muna kayo sa Mall? Ang tanong sa akin ng pakialamerong guard na ito.
"Mag iikot na muna ako kuya," ang nasabi ko na lang dito. Sagutin ko na lang ng maayos at baka masabihan pa ako na bastos.
"Samahan ko na po kayo Ma'am," bigla ko siyang tinaasan ng kilay sa sinabi nito sa akin. Pinaka ayaw ko kasi ay yung may bumubuntot sa akin habang ako ay nag iikot.
Kahit nga yung naka talaga dito na Personal Assistant ko'y di ko nakasama pag ako nag iikot, siya pa kaya.
"Ako na lang kuya, huwag ka ng mag abala pa." Sabi ko na lang sa kanya at tumalikod na ako para mag ikot muna.
Nakita ko naman na nag text na si Raymond kaya tumuloy na ako sa sinabi nitong pag hinihintay niya sa akin.
JasmineNagising nalang ako sa naramdaman kong sakit sa aking pisngi sinampal na pala ako ng mahal kong asawa sa hindi ko malamang dahilan. "Gumising ka dyan bwisit ka.!!" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Pupungas pungas naman na nag mulat ako ng aking mga mata habang hawak ang nasaktan kong pisngi. "Sino yun ha? Sino yung babae mong iyon!!!?? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka.!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin at naka kuyom pa talaga ang kamay nito na magkamali lang ako ng sagot ay masasapak na ako nito. Nagtataka naman ang mukha ko na tinignan ito. Di ko kasi alam kung ano na naman ang binibintang nito sa akin. Hello natutulog lang ako ng mapayapa dito sa tabi nya tapos gigisingin na lang niya ako ng sampal at pag bintangan na may babae daw ako."Baby loves ko ano na naman po ba yang binibintang mo sa akin? Di ko kailanman magagawang mambabae pa. Kayo lang ng mga anak natin ay sobrang sapat na sapat na sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng mga a
AthenaHalos ilang buwan na rin mula ng mangyari ang bagay na yun at ngayon nga ay balak ko na puntahan itong si Jasmine sa kanila. Masama daw kasi ang pakiramdam nito. Nag paulan naman kasi kahapon. Kaya nga balak ko na bisitahin ito sa bahay nila. Baka kasi walang nag aasikaso dito eh. Hindi pa rin kami nag kakabalikan hanggang ngayon. Pero okay na rin yun hindi naman dapat mina madali ang lahat ng bagay eh. Basta ang mahalaga sa akin ay nag ka ayos na kaming dalawa. Sa ngayon ay nanliligaw pa rin ako sa kanya. Gusto ko patunayan dito na tapat ang pag ibig ko dito na minsan ay dinungisan ko. Oo nga pala. Nasabi ko na rin kila Daddy ang nangyari. Gaya ng mga kaibigan ko ay todo din ang galit nito sa akin. Maging si Mommy ay nanghinayang sa relasyon namin ni Jasmine. Sobrang boto naman kasi ang mga ito kay Jasmine dahil napaka bait daw na bata. Nagpa investigate pala itong si Daddy about kay Jasmine at yun nga nalaman nito ang mga ginagawa niya. Lalo na ang mga pa scholar nito sa
AthenaNag bilin ako sa teacher ng first subject ni Jasmine na kung pwede ay pa puntahin ito sa aking office at may ipapagawa kako ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito nag ask pa ng kung ano ano. Kailangan na gawin ko kasi ito upang mapa punta ko dito ng walang kahirap hirap itong si Jasmine. Alam ko na alam nito na walang magagawa kung mag mamatigas siya eh. Nag luto kasi ako ng breakfast namin na dalawa. Gumising pa talaga ako ng sobrang aga kanina para lang ma e handa ko lahat ng pagkain na ito. Talagang pinag butihan kong maigi ang pag luluto nito. Gusto ko kasi na daanin ito sa pag kain. Alam ko na weakness nito ang pagkain eh. At syempre pati na rin ako no. Kaya nga gumawa pa ako ng cake sa kanya oara sa peace offering ko dito eh. Sinabi naman ng informant ko na kinain naman daw nito ng umuwe ito ng linggo. Kaya nga napanatag na rin ako na hindi na sundan pa kung saan pumunta ito pati na yung unggoy na babae dahil umuwe na rin naman pala si Jasmine sa kanila. Kaya nga hi
JasminePapunta na kami ngayon sa may canteen ni Tamara. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa akin. Paano sinabi ko na pag nag ask sa akin si Ms. Angel kung ako ba nag nag luto ng adobo na dala ko ay hindi ako mag sinungaling dito. Kaya yan sya tuloy parang naluging bakla. Paliko na kami ng hallway ng maka sabay namin ang mga dragon na Professor pero ang ga ganda ng mga ito ha. "Hello po Ms." Bati namin ni Tamara sa mga ito. Habang ito naman ay naka tingin na ngayon kay Ms. Angel na bigla na lang nawala ang pag kaka nguso nito. Palalitan na yun ng malaking ngiti. Samantalang si Athena naman ay naka tingin sa akin na malaki rin ang ngiti nito. Lalo na at kitang kita nito ang hawak ko na lunch box ngayon. Ngumiti lang naman ako ng kimi sa mga ito. "Pupunta na rin ba kayo sa Canteen Jasmine, Tamara?" Tanong sa amin ni Ms. Jane. "Opo Ma'am Jane." Nahihiya na sagot ko naman dito. Kahit na ba kaibigan ito ni Athena at ilang beses na rin ako naka punta sa kanila ay nahihiya at na e ila
Jasmine"Sorry pero hindi ako pwede mamaya na makisabay sayo eh. Ayaw ko lang na may masabi ang iba. Mamaya mahalata pa nila yung about sa atin na wala naman ng katutuhanan ngayon." Pag tanggi ko sa pag aaya nito. Kahit na na te temp na ako na pa unlakan ang alok nito. Yung fave na adobo na kasi yun eh. Ayaw ko pa naman na nag sasayang ng pag kain. Tapos hindi naman sa ano pa ha. Masarap kasi talaga mag luto ito ng adobo eh. Kaya nga unti unti na nito na titibag ang pader na ginawa ko para sa aming dalawa. Nakita ko ang lungkot na bumadha sa mukha nito pero hindi na sya nag pilit pa. "Kunin mo na lang yung niluto ko. Please lang sana naman ay kainin mo yan. Kahit sa ganito man lang na paraan ay maka bawi ako sayo. Alam ko na ang dami ko ng pag kukulang sayo at ito nga gumawa pa ako ng ika sisira ko sayo. Hindi na ako mag sasabi pa na patawarin mo ako kasi alam ko na hindi mo pa kaya na ibigay yan sa akin ngayon. Pero seryoso ako Jasmine na handa akong gawin ang lahat bumalik ka lan
JasmineAgad na nitong tinago ang phone ko. Nilagay pa nga niya sa kanyang bulsa eh. Parang takot na takot na makuha ko kaagad sa kanya yun eh. Wala naman akong ka chat at nag Fqcebook lang ang ginawa ko. Wala din naman akong ma ka chat na iba at itong si Tamara ay malamang na nag ka klase na sila ni Sir doon. Hindi na tuloy ako naka pag klase dito kay sir ngayon dahil sa kagagawan nitong si Athena. Balak lang pala ako nitong ayain na kumain ay gumawa pa ito ng excuse kay Sir. Napaka ano talaga ng matanda na ito. "Ma'am, Ano po ba ang gagawin ko at bakit pina punta nyo pa ako dito? Bukod sa pakainin ako ng breakfast na hindi naman na dapat pa? Hindi na tuloy ako naka pakinig kay Sir eh." Nasabi ko ditoGusto ko na rin kasi simulan ang kung anuman ang ipapagawa nito sa akin. Nang maka alis na rin ako kaagad dito sa office niya. Dahil habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unti na natitibag nito ang ginawa kong pader para sa aming dalawa at hindi ko na nagugustuhan pa yun. Kasi s